Home Legislations Referrals Reports Speeches
Navigation

Republic of the Philippines
Office of the Sanguniang Bayan
Taytay, Rizal


Resolution No. 202 series of 2023

PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NG DATING PUNONG BAYAN NG TAYTAY, KGG. RICARDO J. RUFINO AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY, LALAWIGAN NG RIZAL

SAPAGKAT, ang dating Punong Bayan ay naglingkod sa Bayan ng Taytay noong ika-27 ng Nobyembre 1981 hanggang ika-24 ng Marso 1986;

SAPAGKAT, sa kanyang paglilingkuran ay nagpamalas siya ng ibayong sipag, talino, kababaang-loob at dedikasyon na nakatulong sa pagpapaunlad sa pamayanan at nagbigay ng hindi matatawarang serbisyo sa Bayan ng Taytay;

SAPAGKAT, ang buong Bayan ng Taytay, sa pangunguna ng Punong Bayan Allan Martine S. De Leon, MPA at ang bumubuo ng 12th Sangguniang Bayan ng Taytay ay nagpapaabot ng panalangin para sa mapayapang paglalakbay ng kapwa lingkod bayan na yumao kamakailan;

LUBUSANG PINAGPASYAHAN, kagaya ng lubusang pagpapasya, ang PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NG DATING PUNONGBAYAN NG TAYTAY, KGG. RICARDO J. RUFINO AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY, LALAWIGAN NG RIZAL.

PINAGPASYAHAN PA, na ipadala ang sipi ng Kapasyahang ito sa kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY NG LUBUSAN, ngayong ika-19 ng Abril, 2023, 3:04 ng hapon dito sa Bulwagang Kapulungan ng Gusaling Pambayan ng Taytay, Rizal.

Authored by:
Kon. Philip Jeison J. Cruz

Co-Authored by:

Sponsored by:
Pangalawang Punong Bayan Sophia Priscilla L. Cabral
Kon. Jan Victor B. Cabitac
Kon. Ma. Jeca B. Villanueva
Kon. Patrick John P. Alcantara
Kon. Jean Lalaine P. Calderon
Kon. John Tobit E. Cruz
Kon. Joanne Marie P. Calderon
Kon. Ma. Elaine T. Leonardo
Pangulo LnB Rufe C. Tapawan
Pangulo Ped. SK Zyrell May B. Villanueva

Co-Sponsored by:

Downlod Pdf Copy