Home Legislations Referrals Reports Speeches
Speech Counter: 99
Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
80th Regular Session
February 7, 2024

Privilege Speech Councilor Tobit Cruz February 7, 2024 OFFICE OF THE COUNCILOR TOBIT CRUZ To our Presiding Officer, Sophia Priscilla Cabral, and to the members of this August body, isang mapagpalayang araw po sa ating lahat.

I have recently finished a book on Town Planning-a gift I have received during our exchange program in Denmark last May. I look back at the experience and realize how far behind we are in terms of people-centered urban planning.

Nagpapasalamat po ako na sa nakaraang mga budget hearing, nakita ko na po sa budget ng ating Municipal Planning and Development Office of MPDO ang budget para sa (a) Pag-update ng ating Comprehensive Land Use Plan o CLUP, (b) Pagsusulat ng ating Public Transportation Route Plan o PTRP (c) Paggawa ng ating Drainage Master Plan, at ang (c) First Phase ng ating Community-Based Monitoring System o CBMS. Sana po ay magawa natin ang lahat ng ito sa susunod na taon, dahil sa totoo lang, it is long overdue.

I availed of the privilege hour dahil meron po akong ilang mga rekomendasyon at mga katanungan na nais kong iparating sa ating MPDO at sa komite ng Housing and Land Use na syang tatalakay sa usaping may kinalaman sa Urban Planning na masasaklawan nang pag-update natin sa ating CLUP:

• Una, ano ang long-term vision natin sa lugar ng Sports Complex? Nung nakaraang mga sesyon ay matagal nating pinagdebatehan kung ano-ano ba ang mga pasilidad na dapat nating ilagay doon. Hindi na dapat natin ito pinagtatalunan kung meron tayong masterplan para rito. Planong mula sana sa vision ng ating pamahalaan at sa mga aspirasyon ng ating mga mamamayan. Huwag nating hayaang maging "chopsuey" ang bahaging ito ng ating bayan. May pagkakataong tayong planuhin nang maigi ang paggamit ng ekta-ektaryang lupa na ito, para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Kung mayroon nang existing mula sa DPWH o sa mga consultants nang nakaraang administrasyon, nasaan ito? Maaari ba natin itong ma-review at mapinal sa pamamagitan ng resolusyon?

• Pangalawa, ano ang piano natin para sa mga libo-libong pamilya na matatamaan ng DPWH at JICA Project sa pag-clear ng Manggahan Floodway, particular na sa mga nasa berm-side? May unang mahigit kumulang na tatlong daang pamilya na ang due for offsite relocation sa Baras. Parang hindi ko maiisip na ang higit tatlong libong matatamaan ng proyekto ay ipapa-relocate din natin. Sa tingin ko, dapat ngayon pa lang, ay pinag-iisipan na natin at pinagpaplanuhan ito. May in city relocation site na ba tayo? Gayundin, habang wala pang relocation site, ma review natin ang mga areas na hindi na binibigyan ng temporary permit para sa tubig at kuryente- ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya.

• Pangatlo, ano ang plano natin sa ating lakeshore areas? Sa kasalukuyang CLUP, karamihan dito ay agricultural areas, pero taliwas ito sa kasalukuyang mga naga-apply at gumagamit nito. May mga reclamation din na ginagawa mula sa nasyonal na pamahalaan. Pero paano ba natin ito gustong makita sa hinaharap? Paano din natin masisiguro na ang mga development natin sa bahagi natin ng lawa ay hindi nakakasama sa ating kalikasan? Nawa'y maisama natin ito sa pag-update natin ng CLUP.

• Panghuli sa ngayon, nasa pribadong lugar ang ating tianggian-ang pinaka ipinagmamalaki nating industriya. Hanggang kalian ipapagamit ng mga pribadong may-ari ng lupa ang kanilang lugar para sa tianggian? May kasunduan at mga kasulatan na ba ang ating pamahalaan patungkol dito? Ano ang kasiguraduhan ng mga nasa industriya na kaya silang proteksyonan ng ating pamahalaan oras na kailanganin sa ibang bagay ang mga pribadong lupang kinatitirikan ng ating mga tianggian centers?

Ang punto ko lang mga kasama, we have to think ahead. We have to be more proactive and be more prepared. Let us not waste this opportunity that we're about to update one of the most important plans that we have in the municipality to imagine the Taytay that we have always dreamed off.

Sa CLUP aangkla ang iba pang mga piano ng ating munisipyo, kaya't sana'y pagtulung tulungan natin ito. To the committee on Housing and Land Use, to which the revision of our CLUP will fall under, I hope that my recommendations and questions be raised in the process of updating our CLUP. Given the chance, I would appreciate being a part of any committee meetings regarding our CLUP update, even if I am not a part of the committee.

Maraming, maraming salamat po.

Respectfully yours,

(Sgd)
John Tobit Cruz
SB Member

Action Taken:

refer sa Committee on Housing and Land Utilization and Urban Planning

Remarks:

LnB Pres. Rufe C. Tapawan

LnB Pres. Rufe C. Tapawan
73rd Regular Session
December 20, 2023

At long last… I’m back.

Makaraan ang 36 years, nakabalik ang inyong lingkod sa bulwagan ng Sangguniang Bayan ng Taytay, Ang inyong lingkod ay nagserbisyo bilang Presidente ng Federasyon ng Kabataan ng Taytay, Rizal, taong 1985 hanggang 1987. Bilang Presidente ng “KB” ay katumbas ng “SK” ngayon.

Siguro ay masasabi kong history na rin ang pagkabalik ko sa Sangguniang Bayan ngayon bilang Presidente ng Liga ng mga Barangay ng Bayan ng Taytay. Kaya noon pa man hanggang ngayon, ganoon ko kamahal ang Barangay San Juan, gayun din ang Bayan ng Taytay.

Una sa lahat, pinasasalamatan ko ang Poong May Kapal at ang aking pamilya, lalong-lalo na kay Momshie Hellen Valera. Syempre, pasalamat din sa aking mga kabarangay, ganun din ang ating mga kasama sa Sangguniang Barangay ng San Juan at sa Love and Unity 2. Sa ating mahal na Mayor Allan De Leon, Vice Mayor Pia Cabral, at sa mga bumubuo ng Sangguniang Bayan, maraming salamat po. Sa aking mga kasama sa Liga ng Barangay, Kap. Leng Calderon, Kap. Inye Pacleb, Kap. Bugloy Cruz, at Kap. Vivian Yupangco, na nagbigay ng suporta at tiwala sa inyong lingkod, maraming maraming salamat po.

Alam ko na ang bawat barangay sa ating bayan ay iisa ang hangarin – walang iba kundi ang makatulong sa kanyang barangay at sa buong bayan ng Taytay. Bagama’t iba-iba ang mga adhikain ng bawat barangay, ito po ang gagawan ko ng pamamaraan upang mapagdugtong-dugtong bawat programa ng barangay at ng bayan ng Taytay. Tayo po ay magiging conduit o tulay para maging epektibo at progresibo ang mga proyekto ng ating pamahalaan. At ang mga konsultasyon sa ating mamamayan ng Taytay ay isa sa mga plano kong ipatupad sa Liga ng Barangay. Ang mga programa ng ating pamahalaang bayan ay kailangan kasama kami ng barangay sa pagpaplano sa dahilan na kami ang pinakamaliit na sangay ng pamahalaan at kami ang nakatutok sa lahat ng sulok ng Taytay.

Maraming mga batas at ordinansya ang nakikita naming sa barangay na dapat iupdate dahil matagal-tagal na ring hindi natin nabibisita ang mga ordinansyang ito. Ika nga sa musika ay lumang tugtugin na at kailangan na nating iupdate, from plaka to cassette to mp3 to Spotify. At ikan ga sa mga millennial at Gen Z, maka-boomer na. Obsolete na. Katulad ng pagbabago ng Tax Codification ng ating mga barangay, kailangan na nating repasuhin upang sa ganun kasabay ng pag unlad ng bayan ng Taytay ang bawat barangay ng ating bayan. Ating din pagagandahin pa ang ugnayan ng kapulisan at ng ating mga barangay na sa ganun mapabuti ang peace and order situation ng ating bayan.

Sana po ay tulungan ninyo ako sa mga adbokasiya ng aming barangay tungo sa ikauunlad ng ating pamayanan at ng ating bayan. Kaisa ninyo ako na naghahangad sa Magandang kinabukasan ng ating bayan. Maraming salamat po.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Jean Lalaine P. Calderon

Coun. Jean Lalaine P. Calderon
67th Regular Session
November 15, 2023

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan”

Hindi ko inaakalang mabibigyan ako ng pagkakataon maging lingkod bayan dahil bilang isang Arkitekto at naghahanap-buhay ng pribado ay naibabahagi natin ang serbisyo para sa mga sarili nating kliyente at higit sa lahat sa mga taong katuwang natin sa ating trabaho lamang.

Tandang-tanda ko pa ang naramdaman kong kagalakan noong tayo ay naihalal na konsehal kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng 12th Sangguniang Bayan. Napawi lahat ng sakripisyo, pagod at puyat dahil sa ipinagkaloob na tiwala ng limampu’t anim na libong Taytayeno at mga taong sumuporta lalo’t higit ang nagmamahal kay Kap. Joey, ang paborito ng bayan.

Kaya sa loob ng anim na pu’t pitong (67) pangkaraniwang sesyon at Limang daan at dalawang (502) araw ng pagseserbisyo bilang isang konsehal, katulad ng pag-tugon natin sa pangangailangan ng ating mga katuwang sa hanapbuhay, ganoon din ang pagtulong na ginawa at ibinahagi natin sa lahat ng mga kababayan natin na nangangailangan ng mga taong masasandalan sa oras ng pangangailangan.

Ipinagkaloob natin ang ating kaalaman upang masolusyunan ang mga suliranin sa baha, makapagdesinyo ng gusaling makatutulong sa paghahatid ng serbisyo sa komunidad, masiguro ang wasto at tamang kasanayan sa mga pampublikong Gawain, maging boses at inspirasyon ng mga kabataan at kapwa LGBT, at makapag-endorso ng pagsasaayos ng mga kalsada, kanal, at pailaw na makakatulong sa ligtas at maayos na pamumuhay at kaularan ng bayan ng Taytay.

Sa gitna ng ating pagseserbisyo, hinamon tayo ng pagkakataon. Tinawag tayo ng ating tahanan upang maibalik ang makataong pamamahala na dala-dala ng aking Ama sa kanyang paglisan.

Hinihingi ng pagkakataon ang ating pagsasakripisyo at paninindigan.

Matagal tayong nanahimik at tinanong ng maka-ilang ulit kung ito ba ay pang sariling interes o para sa kapakanan ng nakararami? Paano ang mga taumbayan na nagtiwala sa ating kakayanan upang maging miyembro ng sanggunian?

Lilingunin ba natin ang aking pinanggalingan at isasakripisyo ang ating sarili?

Lahat ng katanungang ito ay itinaas natin sa Panginoon, inihiling ng tamang kaalaman upang makapag-desisyon ng nararapat mula sa ating pamilya, sa mga kaibigan, sa mga nagmamahal at sumuporta sa aking Ama.

Sa lahat ng katanungang ito, humihingi tayo ng paumanhin sa lahat ng nagmahal, nagtiwala at sumuporta upang maging konsehal ng ating bayan, dahil mahirap ang pinagdaanan natin upang makapagdesisyon. Dahil kung ito’y pansariling interes, hindi na tayo lalahok sa eleksyon at mananatili nalang sa konseho.

Pero hindi natin kayang talikuran ang mga taong nagmahal, nagmalasakit at itinuring ang aking Ama na parang tunay na kapamilya. Hindi natin kayang talikuran ang mga ka-barangay natin na pinagsakripisyuhan ng buhay ng aking Ama.

Ang pagsasakripisyo ng lahat ng pagod, tiwala mula sa buong bayan at katungkulan bilang miyembro ng sanggunian ay hindi maihahambing sa sakripisyo ng aking Ama ng kanyang buhay para sa kapakanan ng aming ka-barangay.
Napakabuti ng ating Panginoon, marami ang bumatikos, marami mang humadlang, ngunit ang Kanyang proteksyon at gabay ang siyang aking nagiging sandata o pananggalang. Sa tiwala ng barangay Sta. Ana ay nabiyayaan tayo ng pagkakataon na magserbisyo bilang Punong Barangay.

Lubos at taos-puso ang aking pasasalamat sa inyong lahat sa inyong lahat na sumuporta at patuloy na nagmamahal sa aking Ama. Siya at ang kanyang pagmamahal at pag-mamalasakit sa ating bayan at mabubuting Gawain ang ating lilingunin, upang maging inspirasyon at patuloy na gumabay sa atin sa anumang pagsubok na ating lulutasin at sa mga landas na ating tatahakin.

Sa aking mga kapwa miyembro ng 12th Sangguniang Bayan, sa SB Secretariat, sa mga kawani at buong pamahalaan ng Bayan sa pangunguna ni Mayor Allan, maraming salamat sa mga aral at karanasan na aking natutunan sa apat na kanto ng bulwagang ito. Bilang pinakabata sa pagserbisyo, ramdam ko ang inyong pag-alalay sa akin, hindi inilalagay sa alanganin, bagkus ipinakikita ang tama at pagiging mabuting lingkod bayan na lalathala sa kasanayan na may isang hayag na miyembro ng LGBT community, rehistrado at lisensyadong Arkitekto, anak ng makataong Joey Calderon, na tumindig upang ibahagi ang kanyang sarili sa buong bayan ng Taytay.

Pansamantala kong lilisanin ang bulwagan at gusaling ito upang tugunan ang pagtawag ng paglilingkuran at dakilang misyon sa barangay na aking pinagmulan.

Muli, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat, humihingi ng paumanhin, at buong kababaang-loob na humihiling na sana tayo ay magkasamang muli, upang ipagpatuloy ang Serbisyong Makatao para sa barangay na may ngiti at makabago, dahil lagi ninyong tatandaan na sa arkitekto, ang serbidyo sy sigurado!

Maraming Salamat po!

Action Taken:

Remarks:

LnB Pres. Rufe C. Tapawan

LnB Pres. Rufe C. Tapawan
67th Regular Session
November 15, 2023

Magandang hapon po, magandang tanghali sa inyong lahat mga panauhin, sa aking mga kapwa Sangguniang Bayan, sa mga staff, sa ating tagapanguna Vice Pia, magandang hapon po at pagpapala po ng Panginoon ang sumainyo sa oras na ito. Isang taong halos ang akin pong pinanungkulan bilang kinatawan ng Liga ng mga Barangay at laking pasasalamat po ang akin pong nais ipaabot sa inyo. Maraming pong bagay ang aking natutunan sa humigit kumulang labing isang buwan bilang LnB President at si ZY ay nakuhang umiyak pero ang inyong lingkod at later. Hindi po, on the first day of my assuming as Punong Barangay at first day ng aking panunungkulan dito sa LnB ay naramdaman ko ang inyong nod, well not welcome yung sa una, but pagkalipas po ng ilang pagkakataon ay naramdaman ko na rin kung papaanu niyo po tinanggap ang isang Roy Tapawan sa inyong kalagitnaan. At mangyari lang at dumating itong eleksyon at kailangan may manalo at magwagi at kasama po ako doon sa hindi pinalad na magwagi, maraming bagay ang ating natutunan dito sa nakaraan eleksyon bagamat ito po ay sa hanay ng Barangay ay nakita po natin ang kaniya-kaniyang pamamaraan ng lahat ng sektor dapat ay magkaroon o hindi dapat magkaroon ng kaugnayan sa eleksyon ng barangay alam na bawat isa naririto yan, but still part of the process of electing a candidate at maluwag po sa aking puso na tinatanggap ang aking pagkabigo and congratulations sa ating Konsehal Leng dahil ikaw ngayon ay isa nang Kapitan ng ating Barangay Sta Ana at sa ganito ang aking paghingi sa iyo ng kung anuman ang kahinatnan ng Liga ng mga Barangay ay hindi iyong mapagwalang bahala ang mga Barangay.

Nang ako ay umupo, ang unang-una ko ginawa ay ipatawag ang lahat ng Punong Barangay at kami magkainan, magkainan sa pagkakataong makapagpa-alala, maramdaman nila na may Liga President sa ating Bayan ng Taytay, at yan po ay tuloy-tuloy, ito lamang Oktubre hindi natuloy yan, hindi na po dahil nga busy na lahat, at lahat ay may dinadala kaya po hindi na nangyari. Ang lagi kong sinasabi pagka tayo nagsi-sesyon, at yun po ay aking natutunan sa inyong lahat na ang paggawa o ang pagsusulong ng anumang panukala o resolusyon o ordinansa, ay hindi nakukuha sa madalian, maaaring minasama ng iba na ako ay matanong pero karapatan ko po yun, sapagkat hindi ko nakuha at bilang isang legislator kailangan ng isang mambabatas na alamin kung tama ba yung aking sasang-ayunan o aking kahihiyan. At yan po ay iiwanan ko sa inyong lahat. Maraming salamat sa nagpakita ng suporta nitong nakaraan eleksyon, maraming salamat sa mga panalangin ng inyong ibinigay, bagamat magkakaiba tayo ng grupo na sinasaniban at affiliation ika nga, ay nandoon pa rin ang respeto ninyo sa, kay Kapitan. Isang taon at limang buwan ako nanungkulan sa aking Barangay Dolores, at taas noo ko pong masasabi sa inyo na I’ve done my part. And I’ve done my part dito sa Sanggunian hindi ko kailangan magpasa ng kung anu-anung ordinansa o resolusyon. But the fact that I participate all the deliberation…na maramdaman mo na mayroon kayong kuya rito o mayroon kayong tatay, kasi matatandaan ko sabi ni Konsehala Joanne, “piitin mo na, piitin mo na ikaw ang pinaka matanda dito,” sabi ni Tobits, “si Kap Roy na at siya naman ang matanda,” mga audience kayo ba ay nakikinig, well tatanda rin naman tayong lahat, but the thruth of the happenings, hindi kailangan maging matanda, hindi kailangan maging bago sa sesyon, ang importante naisi-share natin kung anu yung ating pananaw. Regardless of any affiliation tayo huwag nating, huwag tayong maghahanap, dito tayo sa Robredo, doon tayo sa problema, kung sino yan, kaliwa o kanan. Since 1997 when I was the secretary of the Barangay baka wala po yung iba dito o nene pa kayo, 1997 nagstart po ako bilang secretary ng Barangay Dolores at lahat ng uri ng Politiko ay maaring nakaharap ko na, mabuti sa kaharap salbahe sda nakatalikod, salbahe sa nakatalikod at mabuti sa harap, but the bottomline is this, when we will given the opportunity to serve our constituents or the people of Taytay, we do our best. We do our best and I did my very best at naipakita sa ating Barangay, sa ating Bayan sa maikling panahon that somebody hindi pulitiko.

I might be consider as matandang politiko but I am not, mas masaya ako noong tumutulong, masaya ako pag ako’y nakakatulong at masaya ako habang kami’y tumutulong. So sa inyong lahat mga konsehal, Konsehala Jeca, Patrick, Tobits, Elaine, Kapitana – Kapitan, Papoo, JV and Vice maraming salamat sa inyo. My precious SK Chairman, my very precious one lagi ko siyang kasama sa panalangin every sesyon ko, nitong alam ko _, please keep the chance sana, sa side possible, that is me, walang halong politika, walang halo ng kung anu, just happen mas matatagal ang aking ikinilos sa lansangan, yung sinasabing mong, mahal ko kayo, ok na ako don, but try to feel kung anu ang mga tao sa baba, because sila talaga yung aking _. May concern tayo sa tiangge, sa Lawa Tobits bahala ka diyan, well my heart is bleeding dahil hindi ko sila matutugunan sa ngayon. Pero, I know all of you can do something good para sa ating mga kababayan lalo na doon sa mga apektado. Pagsinabi nating masa, pilitin nating malaman kung anu ang problema ng mamamayan, pagsinabi nating leader lang, o kung iyan man ay magprimerong tao, let us look kung anu talaga, wala tayong pipiliin, wala tayong – kayo ay napakababatang mga mambabatas and marami pa kayong future ng ipapagampan sa ating Bayan ng Taytay. So, I wish and I hope that you will be true sa ating mga kababayan dito sa Taytay, at sasamantalahin ko na rin itong oras na ito na magpaalam, thank you for giving me a such and wonderful time na makasama ko kayong mga bata. At naipakita niyo sa akin na ako ang inyong tatay dito kahit sa sandaling panahon. But always remember hindi po tayo dito magtatapos, maaaring magkita pa tayo, maaaring sa ibang pagkakataon na magkita tayo, pero ang lagi na nating pag-iisipan ay ang ating pagkikita ay for the goodness of our people here in Taytay.

Magandang hapon po sa inyong lahat. Vice maraming salamat po, pagpalain kayong lahat ng Panginoon.

Action Taken:

Remarks:

SK Janinah Olivienne DL Mercado

SK Janinah Olivienne DL Mercado
67th Regular Session
November 15, 2023

Bago ko po simulan ang aking pribilehiyong talumpati, nais ko pong bigyang pagkilala at batiin ang ating kasamahan dito sa S. Bayan- sa ating Vice Mayor Pia Cabral, sa ating mga kasamahang konsehal- Konsi JV, Jeca, Papoo, Patrick, Leng, Tobit, Joan, Boknay, LNB Pres Kap Roy. Gayunrin sa ating SB Secretary, Atty. Calm, sa bumubuo po ng SB Secretariat, sa mga legislative staff at sa lahat po ng andito ngayon, isang maZAIyang araw po sa ating lahat.

Ngayong araw po ay ang aming huling session na makakasama kayo. Kaya naman nais ko pong balikan at ibahagi ang ilan sa ating nagawa habang tayo po ay tumayo bilang SK Federation President. Tayo po ay nakapagdaos ng Municipal Wide Oplan Tuli katuwang ang Munisipyo at iba’t ibang Barangay kung saan nakapagtuli po tayo ng mahigit 2,000 binatilyo. Gayunrin, tayo po ang napagkatiwalaan mamuno sa programa para COA training patungkol sa Handbook on Financial Transactions of the Sangguniang Kabataan para sa 6 na bayan dito sa Rizal at para sa sumunod na COA Training patungkol sa SK Honoraria para naman sa buong SK Rizal. Ngayong taon rin ay ating naisakatuparan ang pagbuo ng Taytay Youth Development Council at ng Taytay Youth Development Plan. Ilan po ito sa ating ipinagmamalaki na tayo ay nabigyang pagkakataong gawin at trabahuhin.

Kaya naman nais ko po kunin ang pagkakataon na ito upang taos pusong magpasalamat po sa inyong lahat sa mahigit isang taon ko po kayo nakasama. Sa totoo lang po, nung una, may halong kaba at takot lalo na kapag may ipapasa po akong resolution at ordinances, pero laking pasasalamat at tuwa ko po sa inyong lahat kung paano niyo po ako tinulungan, inalalayan at sinupportahan sa bawat pagkakataon na ako po ay tatayo rito at mag pasa ng mga panukala.

Sa isang taon mahigit ko pong paglalagi rito, nakita ko po ang hirap at bigat ng tungkulin bilang isang konsehal at legislator. Hindi po birong trabaho at posisyon ito kaya po it is both an honor and privilege to serve alongside all of you and to experience this as well.

Maraming salamat rin po sa aking Kapitan at ngayon ang ating Mayor, Mayor Allan De Leon sa supporta at pagmamahal po ninyo sa akin at sa buong SK council. Gayunrin po, sa aming kasalukuyang Kapitan sa Brgy, Kap Roy Tapawan, maraming salamat rin po sa inyong gabay sa akin.

Maraming salamat sa aking pinsan, Konsehala Jeca Villanueva, ang aking # 1 supporter simula nung nag uumpisa palang akong mag SK hanggang sa umupo ako bilang SK Fed. Isa sa nag guide at talagang grabe ang tiwala at supporta sa akin.

Maraming salamat rin po sa aking mga kasamahan sa SK Federation, sa ating mga SK Chairpersons mula sa iba’t ibang barangay gayunrin sa kanilang mga sariling council sa tiwala at supporta ninyo sa akin at sa aming lahat na nagdaan bilang SK Fed President sa loob ng limang taon. At higit na pasasalamat sa lahat ng kabataan na nagtiwala, sumupporta at nagmahal po sa akin.

Hindi biro ang tungkulin ito. Sa loob ng limang taon po na may Sangguniang Kabataan, nawa’y naipakita rin po naming lahat kung ano ang kakayahan at galing ng kabataan. Ang hiling ko lang ay mabigyan pa ng mas maraming opportunidad ang mga kabataan natin ipamalas ang kanilang mga husay sa iba’t ibang larangan dito sa ating Bayan.

Para sa ating susunod na SK Federation President, nawa’y mapag sumikapan pa natin na itaas ang kalidad ng Sangguniang Kabataan at buong pusong pagsilbihan ang kabataan. Hindi biro ang maging SK ngayon, mas malaki at mabigat talaga ang responsibilidad, kaya sana ay maging katuwang ka ng bawat SK Councils ng ating bayan para sa mas progresibong kinabukasan para sa lahat.

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong tiwala at supporta. Lagi’t lagi para sa kabataan, para sa bayan. Maraming maraming salamat po.

Action Taken:

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
64th Regular Session
October 11, 2023

To our Presiding Officer, Sophia Priscilla Cabral, and to the members of this August body, isang mapagpalayang araw po sa ating lahat.

We have always identified our municipality as the Garments Capital of the Philippines – and I think we have every right to do so given that more than fifty percent (50%) of our households, in one way or another, is part of the industry. However, upon reviewing our records, we only have 3 ordinances that are for the protection of the industry – the creation of the Garments Council, the regulation of cones, and some incentives for garments manufacturers in the Municipal Incentive Code.

These are nice and important, but I think that the industry needs more structure, guidelines, and support, through a more detailed and comprehensive legislation. Upon spending a year interviewing organizers, manufacturers, textile sellers, tiangge vendors at maging ang mga ordinaryong mananahi, I realized that our problem with our tianggian is more than just about ambulant vendors.

These are multiple layers - labor conditions, pricing guidelines, quality control, labor organizing, lack of government policy, infrastructure support, zoning, and overall industry regulation. This is the main reason why I think it is high time we enact a Garments Code. It is a fact that this industry provides livelihood to majority of our population. It is a fact that it has placed us in the map, and it is a fact that it contributes to our local economy and bring us a sense of pride as a people and as a town. We need to prioritize legislations that will help support, grow and sustain the Garments Industry.

Madam Presiding Officer, I would like to present to you an initial draft of the garments code, which I hope we can include in today’s session for the first reading. We have spent time, putting up its outline and key features. It is still incomplete, but I believe that the committee, the Sanggunian, and even the garments council, can still shape this legislation for the betterment of the industry.

It's high time that we prioritize this and show our citizens, especially those whose livelihoods are dependent on the garments industry, that our local government unit and this Sanggunian, are with them in making Taytay truly the Garments Capital of the Philippines.

Maraming, maraming salamat po.

Respectfully yours

John Tobit Cruz
SB Member

Action Taken:

Draft Ordinance No. 2310-036

Remarks:

Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral

Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral
64th Regular Session
October 11, 2023

The best things in the life ay Libre. This the by-word of the Philippines’ first free newspaper published by the Inquirer that is usually given at public transport such as the LRT and MRT.

Ang pinaka masarap na pagkain … Libre. Magandang vacation … yung Libre. Memorable travels … yung libre. Indeed the best things in life are Libre. And let us admit, we take advantage of anything that is Libre.

It is not unknown to us that we have a shortage of classrooms, not only here in Taytay but in the entire country. According to a Rappler report by Ryan Macasero, on August 2023, the predicted classroom shortage of 40,000 took a turn for the worse. Assistant Secretary Francis Bringas of DepEd reported to the Senate Committee on Basic Education that 159,000 additional classrooms are needed all over the country for this school year 2023.

A few months ago, Undersecretary Epimaco Densing III, who is the infrastructure chief of the Department of Education visited Taytay. I had the opportunity to accompany him at several schools here in Taytay. In our conversations with the principals and school heads, the problem of shortage of classrooms was brought to his attention. Requests for school buildings or even renovation of existing ones were made in order to solve the shortage.

When we are discussing this problem, Undersecretary Densing mentioned that the shortage may be solved through the construction of new school buildings. The funds will come from DepEd. It is DepEd that will construct the buildings. And we are talking about 8 to 12 storey school building. Undersecretary Densing has put it that this kind of school buildings will be the legacy projects of VP and DepEd Secretary Sarah Duterte. All that we had to do is allot a place for the construction.

Believe it or not, the school building that will be constructed in Taytay is Libre. Our municipality will not spend anything for its construction. We will not appropriate or make any realignment of our budget for the school building will be constructed.

Libreng school building … The best things are libre. I thought that this is an opportunity that must not get-away from Taytay. I told Undersecretary Densing that I have previously requested the construction of the Sports Complex and that I want to show it to him. We went to the site of the Sports Complex and it was there that he said that its location, being accessible, is a good place for the 8 to 12 storey school building. School building na Libre.

We have been passing resolutions requesting our Local Chief Executive to consider including projects or activities that have to be funded. Because these resolutions are just requests, we usually pass them without much debate.

Sadly, last time, I authorized a resolution requesting our Local Chief Executive to allot at least 1 hectare of land at the site of the Sports Complex for a school building. A request for something that is Libre. WE din not pass it. Instead, the request was referred to the Committee En Banc.

I am again concerned that if we do not address the problem of the shortage of classrooms, we might be left behind. Let us take advantage of the magnanimity of our VP and Secretary of Education through Undersecretary Densing. Let us request our Local Chief Executive to consider allotting a land for the construction of a perimeter school building na Libre.

I am thus moving that we withdraw Draft Resolution No. 2307-100 from the Committee En Banc and include it anew in our business of the day.

Maraming salamat po.

Action Taken:

Draft Resolution No. 2307-100

Remarks:

Coun. Patrick John P. Alcantara

Coun. Patrick John P. Alcantara
63rd Regular Session
October 4, 2023

October 4, 2023

Patrick Alcantara

Magandang araw po sainyong lahat.

Ako po ay tumitindig bilang komite chairman ng Game and Amusement.

Panahon pa po ng mga kastila ng ipinakilala sa atin ang larong sabong o ang cockfight. Hindi pa man ako isinisilang ay may libangan na ang mga tagaTaytay na sabong. Nakakalibang ang traditional na sabong sa ating bayan na talagang kinilala rin tayo sa ibat ibang lugar dahil sa sports na eto. Bukod dito maraming mga kababayan natin ang nagkakaroon ng hanap buhay bilang kristo o ang tagatawag o taga sigaw.

Nitong mga nakaraang araw po ay may mga tao pong sumangguni sa atin patungkol sa ating sabungan.

Una po, ang pagconvert ng traditional sabong sa online sabong. Ang tanong po ay eto.

1. May resolution po ba galing sa Sangguniang bayan ang pagconvert ng traditional betting to online betting ng ating sabungan?

2. May pahintulot po ba ito ng LGU?

3. Ano po ang Business Permit– traditional po ba o online?

Hindi na po raw katulad ng dati na tao tao ang betting bagkus may kahera na kung saan ka tataya.

Hindi po ako salungat sa pagbabago kung sa ikakabuti naman ng nakararami ngunit iba po ang hinaing ng ating mga kasabong na nawalan ng pagkakakitaan at marami ang hindi sang-ayon dahil sa tila ba dehado ang mga tao mapa-llamado ka man o dehado.

Mga kasama gusto ko lang po iparating ang hinaing ng ating mga kristo at mga kasabong na parang iba na po ang nagiging tema ng larong minana pa natin sa ating mga ninuno, ang sabong po sa ating bayan ay kultura, libangan o recreational activities na para sa ating mga elders at kababayan.

Nakasaad din po sa ating Local Government Code of 1991 (Rebulic Act 7160) section 447 paragraph 3 of Local Government code that empower the Sangguniang Bayan of Local Govermments unit to authorize and license the establishment, operation, maintain the cockpits and regulate the cockfightings and commercialbreeding of gamecocks.

Pangalawa, ang araw po ng sabong ay anim (6) na beses sa isang linggo.

Ayon po sa Presidential Decree 449 sec.5 letter D. —Except as provided in this Decree, cockfighting shall be allowed only in licensed cockpits during Sundays and legal holidays and during local fiestas for not more than three days, it may also be held during provincial, city or municipal agricultural, commercial or industrial fair, carnival or exposition for a similar period of three days upon resolution of the province, city or municipality where such fair, carnival or exposition is to be held, subject to the approval of the Chief of Constabulary or his authorized representative: Provided that, no cockfighting on the occasion of such a fair, carnival or exposition shall be allowed with the month of a local fiesta or for more than two occasions a year in the same city or municipality.

Hinihiling ko po ang kapaliwanagan ng management ng Taytay Cockpit Arena patungkol dito at sana po ay mapagusapan natin at maibigyang linaw at kasagutan ang ating mga kababayan patungkol dito. Mailagay o marefer sa komite ng Game and Amusement para po sa pormal na pagpupulong.

Salamat po.

Lubos na Gumagalang,

(Lgd.)
Patrick Alcantara

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Sophia Priscilla L. Cabral ang nakalahad na komunikasyon sa Lupon sa Palaro at Libangan

Remarks:

LnB Pres. Rufe C. Tapawan

LnB Pres. Rufe C. Tapawan
62nd Regular Session
September 27, 2023

(Sgd.)
PRIVILEGE SPEECH OF LNB PRESIDENT HON. RUFE “ROY” C. TAPAWAN
SEPTEMBER 26, 2023/62nd REGULAR SESSION

Talumpati:

Isang mapagpalang araw sa lahat, Enero taong kasalukuyang ng unang mabigyan pansin ng iyong lingkod ang isyu tungkol sa Taytay Tiangge, matapos nito ay nagkaroon ng En Banc meeting tungkol din dito na pinangunahan ng Pangalawang Punongbayan.

Patuloy ang pag uusap kung paano maiiwasan maulit muli ang hirap at sakit ng dinanas ng mga lehitimong mga may pwesto at mga taga Taytay na namumuhunan dito.

Salamat po sa ating Konseho sa paghahanap kung paano ito masosolusyunan.

Matapos ang report ng En Banc Committee, marapat lamang na may kasagutan ang Ehekutibo tungkol dito. Pero sa kasalukuyan ay wala pa at ngayon ay nananatiling nakalutang ang isyung ito, Isyu na kinatatakutan maulit at tila nauulit muli.

Araw-araw na sa social media, kabi-kabila na rin ang tawag at text pati ng mga apektadong kababayan natin.

Nabanggit na rin sa ilang pagkakataon na di umano ay may pag-uusapan sa mga may ari at Munisipyo.

Saan po ba papunta ang usapin na ito? Ang mga nagsamantala noong nakaraan ay di man lamang natinag. Ako po ba ay magtataka kung muli ay nandyan ang mga iligal vendors na nagpapahirap dati.

Mga minamahal na Konsehal, Ma’am Presiding, ako po bilang isang miyembro ng Sangguniang Bayan ay nakikiusap na sa huling pagkakataon ay mafinal ang mga sagot na hinihintay ng ating mga kababayan at manininda sa ating tyange.

Sagutin ng ehekutibo ano ang kanilang malinaw na solusyon sa usaping ito.

Ang pangangalaga sa integridad ng Legislative affairs ay nababahiran ng mga alinlangan sa ating bayan. Kung wala namang isasagot o tugon ang ating Ehekutibo ay maiparating dapat natin ito sa ating mga kabababayan.

Ang biglaan pagsulpot muli ng mga Vendors sa paligid ng ating tyangian ay di maililihim at tayo naman ay may katanungan dito. Sino naman ang nagpapahintulot? bakit kung may inspeksyon ay lagi tayong nauunahan ng mga vendors sa pagliligpit?

Kung kaya po ang inyong lingkod ay humihiling na ilatag ng mga pagpapatupad kung ano talaga ang kanilang plano sa madaling panahaon. Isang taon na po ang lumipas ng ito ay mapansin nagaganap.

Tumupad na tayo sa mandato ng pag-imbestiga. Ano naman ang tugon ng ehekutibo?

Again, I’m appealing to all our Co-legislators/Councilors.

Ano po ang mga dapat tutugunan na batas sa usapin ng Tyange?

Isang magandang Hapon po sa inyong Lahat.

Action Taken:

Remarks:

Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral

Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral
59th Regular Session
September 6, 2023

Para sa isang kaibigan, kababayan, isang talented at gifted na fashion designer RYAN SARANGAY, Sa loob ng 20 taon ang tubong Taytay ay nagpamalas ng angking talent sa paggawa ng katangi-tanging kasuotan, mga barong at gowns para sa karniwang mamamayaan at mga celebrities ng Pilipinas.

1. Most Innovative Fashion Designer in Sunduan 2010
2. Philippine Best Choice Award
3. PTV 4 Achievers Awardee
4. Naging parte ng 100 Known Persons in the Philippines
5. Nakilala din siya sa TV special ng ABS-CBN Binibining Pilipinas 2012:
Road to the Crown

Dahil sa kanyang sipag at telento, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nakapagdulot siya ng di matatawarang karangalan sa Bayan ng Taytay sa larangan ng fashion designing. Sa karangalang inialay niya sa ating bayan ay marapat lamang na siya ang mabigyan ng pagkilala sa pamamagitan ng isang resolusyon. It’s been more than a decade ever since I met a very talented and gifted designer like you. Thank you for those wonderful creations you’ve done for me, up to those tiny details together with your angels. No more pains and sufferings, you can walk, jump and run unstoppable without those crutches and wheelchair in heaven. You will always be remembered. Till we meet again RYAN SARANGAY.

Kung kaya’t ang hiling ng inyong lingkod ay maisama sa hanay ng mga dapat talakayin ng kasalukuyang pagpupulong ang resolusyon ng pagpapa-abot ng taos pusong pakikiramay sa mga naulila at pagkilala kay RYAN SARANGAY sa kontribusyon ina-alay sa ating bayan. Maraming salamat RYAN. Taos pusong pakikiramay sa kanyang mga naulila, Mapayapang Paglalakbay.

(Lgd.)
KGG. SOPHIA PRISCILLA L. CABRAL
Pangalawang Punong Bayan

Action Taken:

Draft Resolution No. 2309-137

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
53rd Regular Session
July 28, 2023

To our Presiding Officer, Sophia Priscilla Cabral, to the members of this august body, at sa mga bisita po natin ngayong hapon-- isang mapagpalayang araw po sa ating lahat.

Noong nakaraang Marso, I delivered a privilege speech regarding the growing number of informal settlers, and what could be squatting syndicates along our lakeshore areas—particular na sa lugar ng Sitio Lumang Ilog, sa Damayan, at maging sa Purok 7 sa Lupang Arenda.

Kamakailan, nagreport muli sa akin ang mga magsasaka sa Damayan, at kumalat na din sa social media ang mga larawan at video ng pagtatambak, hindi na lamang ng lupa, ngunit ng basura sa lawa. Bukod dito, may mga larawan din na sinusunog ang mga ito. Parehong ipinagbabawal sa mga umiiral na batas-- a blatant disregard to our existing environmental laws.

Kasabay nang pagtatambak na ito ay ang pagdami ng mga umuusbong na kubol at kabahayan sa naturang lugar. Ang tanong ko lang naman, papaano nakakalusot ang daang-daang truck na nagtatambak ng lupa at nagpapasok ng mga materyales sa pagtatayo ng mga bahay, gayung mayroon tayong mga itinilagang checkpoint sa lugar? Isa na rito ang Task Force ADL na binuo sa pamamagitan ng isang Executive Order.

Nabanggit ko din ang mga natanggap ng aking opisina na kopya ng mga authorization na inilalabas ng noo’y hepe ng ating MPSO na si Mr. Moises, at ang sulat ng UPAO sa Pamahalaang Barangay ng Sta. Ana na nagsasaad na may pahintulot ng munisipyo ang pagpasok ng mga truck at pagtatambak ng lupa sa Sakbit.

Ano na ang naging aksyon natin dito? May atas ang DILG sa mga local na pamahalaan na gumawa ng mga hakbangin upang masawata ang pagdami ng mga squatting syndicates at malaking responsibilidad lalo natin na masigurong napro-protektahan natin ang ating kalikasan, lalo na ang ating lawa na source ng ating pagkain.

Dalawang punto ang nais kong ipahayag. Una, muling panawagan sa ating Local Chief Executive Mayor Allan De Leon, to grant our previous request which we sent via Resolution 189 s. 2023, to form a Task Force to take appropriate action regarding the growing number of informal settlers along our lake shores, at isama na natin ang mga illegal na pagtatambak na nangyayari.

We have recently allowed the coast guard to put up an outpost in the area, so why not involve them, too. Kailangan din natin to closely work with the Laguna Lake Development Authority on this.

Lasty, I call for accountability. Kung may mga empleyado tayong gumagawa ng mali o nasasangkot sa mga maling gawain, we have to hold them accountable. Hindi accountability ang resignation. Let us conduct investigations, and file appropriate actions for erring employees, especially those involved in illegal acts.
While doing this, let us review the mandates and the capacities of Task Force ADL. I understand that they are volunteers. Pero sa pagkausap ko sa kanila, hirap na din sila—walang tamang kagamitan, kulang sa nararapat na mga training, at kung minsan ay humaharap pa sa mga delikadong pagkakataon. If we think that they could help in peace-keeping and in securing the area alongside our lake, let us capacitate them and provide them with necessary support.

Madam presiding officer, as we await for the response of the Mayor in putting up a task force, may I request that this privilege speech, particularly the recent illegal dumping incident at the portion of the lake in Damayan, be referred to the proper committee. This is so that the Sanggunian could also conduct an investigation in aid of legislation.

Huwag nating hayaang lumaki pa ang problema sa bahagi ng ating lawa bago tayo umaksyon. More so, we cannot allow these illegal acts to happen in front of us and not do anything about it. This is not anymore just an issue of our farmers, but an issue of grave environmental threat, social order, and a test of our leadership.

Maraming, maraming salamat po at inaasahan ko ang pagtugon ng ating pamahalaang bayan, kasama ang ating buong Sanggunian, sa bagay na ito.

Lubos na gumagalang,

(Sgd.)
John Tobit Cruz
Sangguniang Bayan Member

Action Taken:

naitalaga sa Committee En Banc

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
51st Regular Session
July 14, 2023

Madam Presiding Officer nung nakaraang Sabado ay nagkaroon ng payout para sa mga iskolar ng Taytay. Ngayong taon ay isinabay narin ang payout para sa mga enrollees ng Rizal Science High School at naparating sa atin ang kaunting kalituhan tungkol sa implementation ng expanded scholarship ordinance. Noong mga nakaraang payout bago magpandemic ay hiwalay ang releasing ng financial grants ng mga Municipal scholars at ng mga enrolled sa Rizal Science High School. Bagamat magkahiwalay ang payout schedule ay palaging sa iisang source of funds lang nagmumula ito.

Nahinto ito noong kasagsagan ng pandemya at naibalik noong isang taon para sa Academic Year 2022-2023, kung saan hindi lahat ng mga mag-aaral ng Rizal Science na residente ng Taytay ay nabigyan. Ang mga nabigyan lamang ay yung mga nag-apply at nakapasa.

Ngayong iniimplement na ang expanded scholarship program ng Taytay para sa AY2023-2024 ay nagkaroon ng ilang concerns ang mga magulang ng mga mag-aaral mula sa RizSci. Una, ay ang pagkakaroon ng waiver o contact patungkol sa mga “required” gawin ng mga scholars gaya ng community service, pagdodonate ng dugo at iba pa. Tama ang punto ng ilang mga magulang na wala pa sa wastong gulang ang mga minors para pumirma ng anumang kontrata. Nilinaw natin ito duon na hindi mandatory ang pagpirma at wala ito sa Ordinansa. Wala ring community service sa Ordinansa. Negatibo ang konotasyon nito dahil nahahanay sa mga fines & penalties ng mga violations ng batas. Nilinaw natin na partisipasyon sa mga Community programs at mga proyekto sa kanilang pamayaman ang nakapaloob sa Ordinansa.

Pangalawang concern ay ang mga hindi nakatanggap ng scholarship grant para sa taong 2022-2023 na hindi nag-apply sa municipal scholarship sa pag-aakalang automatic na silang kasali gaya ng mga nakakaraan. Sa ating pagsasaliksik ay walang spesipikong Ordinansa patungkol sa scholarship ng mga Taytayeñong nag-aaral sa Rizal Science Highschool kaya’t walang malinaw na panuntunan patungkol dito.

Upang matugunan ito, akin pong minumungkahi sa ating tagapatnugot na mairefer ang talakaying ito sa Committee on Education para makapagbalangkas ng sariling Ordinansa para sa automatic scholarship ng mga enrollees ng Rizal Science Highschool na tiga-Taytay.

Maraming salamat po!

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Sophia Priscilla L. Cabral ang nakalahad na komunikasyon sa Lupon sa Edukasyon

Remarks:

Coun. Jean Lalaine P. Calderon

Coun. Jean Lalaine P. Calderon
50th Regular Session
July 5, 2023

Isang makatao at may ngiting pagbati po sa ating lahat!
Ang aking pribilehiyong talumpati ay may dalawang parte:

32nd Southeast Asian Games Medalists:
Nais natin bigyan ng pagkilala ang mga natatanging atletang taytayeno sa kanilang pagkamit ng medalya sa larangan ng isports kasama ang pagbibigay ng karangalan sa ating bayan, sa ating probinsya, sa ating munisipalidad, at higit sa lahat ay sa kanilang sarili at kanilang pamilya. Ang Cambodia 2023 Olympics o SEA games ay ginanap noong May 5-17, 2023 sa Phnom Penh, Cambodia kasama ang labing isang bansa na nagbigay ng partisipasyon sa bawat sports category.

Ang Pilipinas ay nagkamit ng 117 Bronze Medals, 85 Silver Medals at 58 Gold Medals at hinirang bilang pang Lima sa mga bansang naglaban sa nasabing palaro. Mapalad ang ating munisipalidad sa mga atletang Taytayeno na naghatid sa atin ng karangalan at medalya na:

Bronze Medals
mula kay MS. MARIBEL ANGANA of 53 kgs Freestyle Wrestling
Silver Medals
mula kila
MR. MICHAEL VJ CATER of 55 kgs Greco Roman Style Wrestling MR. JUSTINE ACE DE LEON of Men's Artistic Gymnastics Category MR. JOHN JOHN BOBIER of Sepak Takraw Category
At Gold Medals
Mula kila
MR. RONIL TUBOG of 61 kgs Freestyle Wrestling Category
MR. JASON BALABAL of 81 kgs Greco Roman Style Wrestling

Kasama nilang naghatid ng karangalan ang kanilang mga trainors, coaches at instructors kaya’t marapat lamang na sila ay ating bigyan ng parangal at gantimpala mula sa ating pamahalaan.

Taytay Pride Walk for Awareness:
Nais kong batiin ang lahat ng nag organisa at nagbigay ng oras, panahon at pagkakataon na maging bahagi ng naisagawang Taytay Pride Walk for Awareness
kasama ang ating Pamahalaang Panlalawigan, Munisipalidad at mga Barangay na nagbigay ng kanilang suporta sa programang na ito.

Hindi matatawaran ang pagsusumikap ng opisina ng Office of the Municipal Mayor, Gender and Development Office, Municipal Events Management Section, Public Information Office, Municipal Health Office, kasama ang opisina ng inyong lingkod at lahat ng opisina at indibidwal na nagtulong tulong upang maging successful ang event na ito bilang pagdiriwang ng Pride Month. Taos puso din ang aming pasasalamat sa lahat ng mga naging sponsors na naghatid ng dagdag kasiyahan sa bawat participants.

Naipabatid natin sa lahat ng ating mga kabaabayan ang pagsuporta sa bawat myembro ng LGBTQIA+ kasama ang pagkilala sa kanilang mga natatanging galing sa pagnenegosyo, talento sa Fashion Designing, Haircutting, at Make-up and Hairstyling at ang kanilang naiaambag sa kultura at ekonomiya ng ating munisipalidad. Nabigyan din natin ng pagkilala ang ating mga kasama mula sa Taytay Pride Council of Elders. Sa pamamagitan ng selebrasyon na ito ay naibabahagi natin ang ating patuloy na panawagan sa pantay na oportunidad ng trabaho, edukasyon, atbp, pagaalis ng discriminasyon at pagbibigay ng kamalayan sa ating responsibilidad na mapangalagaan ang ating kalusugan, ano man ang ating edad, ano man ang ating kulay, ano man ang ating kasarian, ay lahat tayo ay may Karapatan sa pantay na pagtanggap ng serbisyo ng ating pamahalaan. Yakapin natin ang pagiging makatao at ipakita ang pagtanggap sa makabagong pamamaraan ng pagrespeto sa bawat isa. Ito ang isa sa ating maibabahagi para sa ating mga kapwa myembro ng LGBTQIA+. Ang maging boses at manguna sa paggawa ng mga proyektong inklusibo sa bawat sector ng ating lipunan. Kaya’t nais natin isulong sa bulwagang ito ang pagkakaroon ng isang komprehensibong anti-discrimination ordinance sa ating bayan.

Ating iminumungkahi na ang nakapaloob na Draft Ordinance – AN ORDINANCE PROHIBITING ANY PERSON FROM COMMITTING ANY ACT OF DISCRIMINATION AGAINST A PERSON BASED ON SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTITY AND EXPRESSION, PROVIDING IMPLEMENTATION MECHANISMS AND PENALTIES THEREFORE ay ma-irefer sa proper committee
at ang Draft Resolution - A RESOLUTION COMMENDING THE ATLETANG TAYTAYENOS MEDALISTS WHO PARTICIPATED DURING THE 32ND SOUTH EAST ASIAN GAMES HELD LAST MAY 5 TO 17, 2023 AT PHNOM PENH, CAMBODIA AND GRANTING FINANCIAL INCENTIVE THEREOF ay maisama sa tala ng mga tatalakayin ngayon.


(Sgd.)
KGG. JEAN LALAINE P. CALDERON
Konsehala

Action Taken:

Draft Ordinance No. 2307-025, Draft Resolution No. 2307-101

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
49th Regular Session
June 21, 2023

Madam Presiding Officer, during the 125th celebration of our country’s independence, we held the Taytay Ang Ating Lupang Hinirang 2023 at SM Taytay Cinema. This National anthem video making contest where both public and private high schools competed became an avenue for our students to exhibit their creativity, skills and love for country.

I would like to extend our gratitude to Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Committee on Education Chairperson Senator Sherwin Gatchalian, Congressman Jack Duavit, Governor Nina Ynares & the Sangguniang Panlalawigan of Rizal for their support. Likewise, I would like to thank Mayor Allan De Leon for his support in the said event. Thank you Vice Pia and to my fellow Sangguniang Bayan Members for being part of our program, especially to our staff and the Secretariat for their helping hands. Thank you very much again to our generous sponsors and event partners and to the judges as well. Big thanks to all the schools who participated and the students and teachers who supported their respective teams. Salamat po sa inyong lahat!

After the screening of all the entries, the judges unanimously chose Golden Faith Academy as the Champion with an average score of 96%. Falling short by a mere one point was Benjamin B. Esguerra High School who landed in 2nd place with 95% and Raises Montessori, with their creativity & originality finished 3rd with 91%. All podium finishers are definitely worthy of their awards and we can proudly say that all the schools that participated deserve recognition for their final output.

In line with this, Madam Presiding Officer, with the permission of this collegial body, may I formally and respectfully request that we use all the entries of the Taytay Ang Ating Lupang Hinirang 2023 during the preliminaries of our Sessions as we have done before in 2018.

Moreover, one of the dreams of this representation together with our creative students is to once again see their winning creations on the big screen before the 1st and the last full shows of movies in our local theaters. May this matter be referred to the Committee on Rules, Resolutions & Ordinances for the committee to explore a possible partnership with SM Cinema to turn this dream into reality.

Again, thank you everyone for making our program possible and successful. God bless po!

(Sgd.)
COUN. PHILIP JEISON J. CRUZ

Action Taken:

naitalaga ng Pansamantalang/Tagapamatnugot Kon. Ma. Jeca B. Villanueva ang naihayag na kahilingan sa Lupon sa mga Tuntunin, Resolusyon at Ordinansa.

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
47th Regular Session
June 7, 2023

Mapagpalang araw po Madam Presiding Officer at sa lahat ng kasamahang kong lingkod bayan.

Kasabay sa pagdiriwang ng National Day Care Workers Week June 7 to June 11 sa ilalim ng Presidential Proclamation no. 404 series of 2003 ay atin pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga Child Development Workers sa ating bayan na Katuwang ng Pamayanan sa Paghubog ng Batang Maka-diyos, Maka-bayan, Makatao at Makakalikasan.

Sila ay tumutugon din sa mga community-based services (individual, family esp marginalized sectors), at disasters.

Ang mga pagdiriwang na ito ay may layunin na kilalanin ang ating mga Child Development Workers para sa kanilang pagpupursige sa larangan ng pagtuturo at paglilingkod sa Bayan.

Nararapat lamang na bigyan sila ng kahalagahan sa kanilang araw-araw na ginagawa. Hindi lamang tayo ay maging compliant sa mga functionalities na hinihingi ng DILG o iba’t-ibang ahensya, bagkus tama lamang na ang ginagawa natin ay “Beyond Compliance” upang maging mas epektibo at functional ang lahat ng kawani ng ating pamahalaan.

At kalakip ng prebilehiyong talumpati ito ay nais ko pong hilingin na maitala sa Business of the Day ang (2) dalawang Draft Resolution entitled:

1. “A RESOLUTION HUMBLY REQUESTING OUR LOCAL CHIEF EXECUTIVE HON. ALLAN MARTINE S. DE LEON, MPA, TO FAVORABLY CONSIDER APPOINTING DAY CARE WORKERS TO REGULAR OR REGULAR CASUAL POSITIONS FOR THEIR UNTIRING SERVICES IN MOLDING OUR YOUNG CHILDREN AS CHILD DEVELOPMENT WORKERS FOR SEVERAL YEARS”

2. “A RESOLUTION RECOGNIZING AND EXPRESSING GRATITUDE TO ALL DAY CARE WORKERS IN THE MUNICIPALITY OF TAYTAY RIZAL FOR THEIR UNTIRING SERVICES IN MOLDING YOUNG CHILDREN AS CHILD DEVELOPMENT WORKERS AND HUMBLY REQUESTING OUR LOCAL CHIEF EXECUTIVE, HON. ALLAN MARTINE S. DE LEON, MPA, TO GRANT AN INCENTIVE AS A TOKEN OF AWARD FOR THEIR SACRIFICES AND DEDICATION”

Muli, pagbati ng National Day Care Workers Week.


(Ldg.)
KGG. JOANNE MARIE P. CALDERON
Konsehal

Action Taken:

Draft Resolution No. 2306-085 & Draft Resolution No. 2306-086

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
47th Regular Session
June 7, 2023

Last May 20-27, I had been given an opportunity to be a part of an international learning exchange program hosted and sponsored by the Social Democratic Party of Denmark, organized by my local political party, Akbayan. It was a week-long opportunity to learn about the best practices of the Danish Government and the City of Copenhagen in terms of Town-Planning, Active Mobility, Health Programs, Environmental Sustainability, and Education.

I avail of this privilege hour to share with you some learnings and realizations from the trip, which I hope we can also work on as a local government unit. Denmark is a relatively small country with a population of just around 5.8 Million. About 22% (1.8M) of this population live in Copenhagen, the capital city.

What felt like a dream was seeing how their roads were designed mostly for pedestrians and bikers and not just for cars. They have built special lanes for bikes and peds that connects most areas, making them shorter route options compared to the roads for cars. There are bike parking spaces almost everywhere.

In short, the government promotes biking as the best option for local transportation-- one that is free, environment-friendly, and promotes physical well-being, too. As a result, they have very low carbon emissions, and ultimately, less traffic.

As a person who rides the bike to work every day, I have always felt unsafe cycling and even walking on our roads. I hope that we can do something about this. The enactment of our comprehensive biking ordinance last year is one huge step towards this. We just have to push for its proper implementation and prioritize bicycle and pedestrianization infrastructures in our budget for next year.

Attached together with this privilege speech is a resolution requesting the Mayor, through our Municipal Planning and Development Office to prioritize the design of the pedestrianization of our Central Business District (CBD) and our town población, in accordance to our Comprehensive Land Use Plan. I think this is a good first step towards making our roads less car-centric. I am hoping we can discuss and adopt this in today’s session.

Now let’s talk about healthcare: When it comes to health, Denmark is well-known for their universal healthcare system. Their high taxation provides for free and accessible healthcare to all its citizens. I know that we are still far from this kind of state, but I am hoping that we could at least improve our public health facilities the best that we can. Let’s devise ways to provide medical subsidies for the poorest of the poor seeking help in our Emergency Hospital, and allocate more funds so we can provide free basic medicines in our health centers.

Moreso, establish facilities that will help us deliver more free basic medical services such as laboratory tests, X-rays, and other scans. This is something we can partner with the private sector as well through Private-Public Partnerships (PPP), and could be income generating for our municipality, too.

When it comes to the Environment-- we have visited Denmark’s Incineration Facility called Copenhill. Here, they are able to convert their residual wastes to energy that then provides electricity used to operate household heaters and warm options for taps and showers. If used here in the Philippines, even in a small scale, this could help electrify some of our most basic government facilities. I hope that we can open our doors to companies offering services related to this.

As the chairman of the Committee on Environment, we will make sure to include this in the 10-year Solid Waste Management Plan of our municipality, which is due for an update by next year. Hopefully, this will also pave the way to a better implementation strategy of our no-segregation, no-collection policy.

Lastly, in terms of Education, Denmark offers free Education to all citizens from Preparatory School up to Masters Degree. While we are still, again, far away from this reality, we can at least focus in slowly improving what we have, beginning with the early years of education of our children. Let us provide premium to education. Investing in Education is investing in the future. If we can secure our citizens are literate, we pave the way to more opportunities for them-- jobs, livelihoods, and a better standards of living. This could also mean, lesser poverty, lesser crimes, and a more peaceful and just society.

While we already have free tuition for our day care centers, and public elementary schools, I hope we can plan in the future providing free or subsidized food, and school materials for our learners so we can ensure all students can finish schooling despite their economic status. It remains a reality that students drop out of school when parents cannot provide for the daily requirements of going to school-- food allowances, and other school requirements. Let us slowly, but realistically, put an end to this.

Denmark left me in awe of the many possibilities a developed country could have, and what us, a developing country could still have. More than being envious with what they have, I feel more hopeful about these many possibilities. It’s just that, this also means that we have a lot of work to do, and I encourage each of you, my fellow public servants, to pour all of our energies, and do all that we can so that we can make our town a better place to live in, and so that no one in Taytay will be left behind.

Maraming salamat at Padayon tayo.

Padayon.

Respectfully yours,



John Tobit E. Cruz
Member 12th Sangguniang Bayan Taytay, Rizal

Action Taken:

Last May 20-27, I had been given an opportunity to be a part of an international learning exchange program hosted and sponsored by the Social Democratic Party of Denmark, organized by my local political party, Akbayan. It was a week-long opportunity to le

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
37th Regular Session
March 22, 2023

To our Presiding Officer, Sophia Priscilla Cabral, and to the members of this August body, isang mapagpalayang araw po sa ating lahat.

Responsibilidad ng ating pamahalaan na siguruhin ang pagpapanatili ng kaayusan sa ating bayan. Inaatasan din tayo, particular na ang mga local chief executives--Mayors, Punong Barangays, Governors-- na gumawa ng mga hakbang para masigurong ma-control natin ang pagdami ng informal settlers at masawata ang mga squatting syndicates sa ating mga nasasakupan.

Ang mga unang larawan na ipapakita ko sa inyo ay mula sa Google Earth Satellite Image kuha taong April 2017. Kalsada ito malapit sa may pumping station sa may C6 papuntang Damayan. Walang halos nakatira, at karamihan ay taniman o sakahan.

Ang susunod na larawan na naka flash sa screen ay mula sa USGS Satellite Image na kuha Pebrero taong 2022. Dumami na ang mga kabahayan sa naturang lugar.

Ang mga sumusunod na larawan ay kuha mula sa drone image ngayong buwan, taong kasalukuyan. Bukod sa mga bahay, may road networks nang nabubuo. Mukhang hindi na lamang ito ordinaryong pag squat.

Sa aking pagtatanong sa ating MENRO at MPDO, walang nag-apply ng permit mula sa kanila sa mga luar na ito. Ibig sabihin, iligal. Kabikabila na din ang daing ng mga magsasakang pumupunta sa aking opisina dahil maging mga tinataniman nila, unti-unti nang sinasakop ng mga informal settlers.

Ang pinagtataka ko, mayroon tayong checkpoint sa may C6 papasok ng pumping station. Sa January 2023 Google Street View, may naka destino din na Task Force ang ating Munisipyo sa bukana papasok ng mga bagong kalsadang ipinakita ko sa inyo. Paano natin nahayaang makapasok ang mga materyales sa pagtatayo ng bahay at pagtatambak ng kalsada lugar na ito?

Kamakailan ay may dalawang Authorization letter na ipinadala sa akin ng dalawang anonymous source na nagpapakitang nagbibigay pahintulot si Mr. Armando S. Moises, Hepe ng ating Public Safety Department upang magtambak sa bahagi ng lawa “to any vacant lot or government owned area”. Sa aking palagay, wala syang Karapatan o ang kanyang opisina upang gawin ang bagay na ito, gayong hindi din ito dumaan sa MENRO, MPDO o sa SENR o LLDA.

Ano ang ipinupunto ko, hindi natin maaaring hayaan, under our watch and under our leadership and administration na dumami ang mga iligal na naninirahan sa mga bahagi ng ating lawa-- mapa-pribado man ito o pagmamay-ari ng gobyerno. Idaan natin sa tama at sa legal na paraan ang ating mga gawain.

Dahil dito, nais ko sanang hilingin sa ating Punong Bayan, sa pamamagitan ng isang resolusyon na kaakibat ng privilege speech na ito, na maimbistigahan ang mga pangyayating ito sa bahagi ng ating lawa, at panagutin kung may mga empleyado tayong involved sa mga ilegal na gawain.

Gayundin, ang aking panawagan sa komite ng Civil Service Local Government Re-Organization, na makapagdaos na din tayo ng pagdinig sa aking inihaing na ordinansa upang mas palakasin at bigyan na mga malinaw na gampanin ang ating Urban Poor Affairs Office by converting it to Housing, Resettlement and Community Development Department.

Naniniwala ako na pagpapatibay sa opisinang ito ay makakatulong sa atin upang maprotaktahan ang Karapatan ng ating mga maralita, makapag-develop ng disente at makataong pabahay sa ating mga mamamayan, at maiwasan ang pagdami ng mga informal settlers at squatting syndicate sa ating bayan.

Madam Presiding Officer, hinihiling ko po na maisama natin sa talaan ng ating pag-uusapan ngayong araw ang resolusyong akin pong nabanggit.

Maraming, maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

(Ldg.)
John Tobit Cruz
SB Member

Action Taken:

Draft Resolution No. 2303-050

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
35th Regular Session
March 15, 2023

Madam Presiding Officer, the continuous development in the vicinity in the coastal road area of this Municipality and its bordering town, which is highlighted by the widely anticipated completion of the 1st phase of Taytay Sports Complex, makes the said area even busier. Most motorists refer to it as “baytown” or the more formal name “coastal road” and this representation has long been planning to propose a change on the name of the said road that would make it more significant to our community.

Section 13 (c) of the Local Government Code of 1991 states that “The Sanggunians of municipalities may, in consultation with the Philippine Historical Commission, now known as the National Historical Commission of the Philippines, change the name of streets, roads, schools, health facilities or any other public place or building within its territorial jurisdiction and upon our request, the Taytay Municipal Planning & Development Office has issued a certification that the aforementioned coastal road is classified as a Municipal Road under the territorial jurisdiction of Taytay, Rizal based on the data given by the Provincial Planning and Development Office – Rizal and may be renamed thru an Ordinance by the Sangguniang Bayan of Taytay.

Public places and roads are usually renamed after a person ten (10) years after heir passing except for highly exceptional reasons such as incomparable service to the nation especially to their constituency. And we firmly believe that the people of Rizal and the whole country have received unparalleled service from this individual in which we intend to name the coastal road for his ministrations that spanned across four (4) decades from the 1960s up to the early 2000s.

To my colleagues in the 12th Sangguniang Bayan of Taytay, I am formally proposing that the coastal road under our territorial jurisdiction be officially renamed to: GILBERTO M. DUAVIT AVENUE.

Attorney Gilberto M. Duavit, Sr. served as the Assistant Executive Secretary for social, political, legal, and economic affairs from 1966 to 1970 and as the Acting Executive Secretary for the Office of the President in 1969, and was twice awarded the Presidential Merit Award in 1967 and 1968. He also held the position of President of the Philippine Constitutional Association (PHILCONSA) in 1970 and represented the 2nd district of Rizal as a delegate to the 1971 Philippine Constitutional Convention where the 1973 Constitution of the Republic of the Philippines was crafted.

Doctor Gilberto Duavit likewise served as the Executive Director National Youth and Sports Development Foundation of the Philippines in 1978 and was named Senior Deputy Minister of the Ministry of Youth and Sports Development from 1974 to 1978. As a private individual, he held the post of Chairman of GMA Network, incorporated from 1974 to 1976 and was also former Director of the Board of the same company in 1977.

In 1978, Mr. Duavit was elected as the Regional Representative of the Southern Tagalog Region until 1984 at the Interim Batasang Pambansa which served as the transitional legislative body of the country as mandated by the 1973 Constitution.

Atty. Duavit co-founded and chaired the Board of Guronasyon Foundation, Incorporated in 1994. It is an organization which he initiated in order to build strong foundation that will assist local educators and school managers to give recognition for their exemplary performances and remarkable work as teachers in the Province of Rizal.

Former Assemblyman Duavit was elected as the Representative of the 1st Congressional District of Rizal in a special election on March 7, 1994 prevailing over five other candidates, garnering 59,987 votes. Eventually, Cong. Duavit, Sr. was overwhelmingly re-elected in 1995 and 1998;

In the House of Representatives, Congressman Bibit Duavit served as a Senior Assistance Minority Floor Leader of the 10th Congress and the Chairperson of the House Committee of Appropriations for the 11th Congress. As a lawmaker proudly representing the 1st District of Rizal, Honorable Gilberto M. Duavit, Sr. was consistently cited as one of the Ten Most Outstanding Congressman in the 9th, 10th, and 11th Congresses of the Republic of the Philippines.

We firmly believe that all the hats he has worn throughout his 40-year servant-leadership career, his exemplary achievements in both the public and private sectors and his incomparable service to the nation thru the various positions he held are considered highly exemptional reasons to dispense with the 10-year period after the passing of an individual before a public building or road is named after them.

Having that said, with the help of our Secretariat, may we formally seek for a comment and recommendation from the NHCP regarding this proposal and that this privilege speech and the prepared draft ordinance containing the same details be referred to the committee on Rules, Resolutions and Ordinance for it to undergo the formalities of enacting the proposal.

We are supplicating that sooner rather than later we well be able to refer to that coastal road area as “Gilberto M. Duavit Avenue”, Taytay, Rizal.

Thank you very much and have a blessed afternoon!

(Sgd.)
Councilor Papoo Cruz

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Sophia Priscilla L. Cabral ang nakalahad na Pribilehiyong Talumpati Lupon sa Tuntunin, Resolusyon at Ordinansa.

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
35th Regular Session
March 8, 2023

To our Presiding Officer, Sophia Priscilla, and to the members of this August Body, isang mapagpalayang araw po sa ating lahat.

Nung isang araw ay kumalat sa social media ang isang Executive Order issued and signed by the Mayor patungkol sa pagbabawal sa pagsusuot ng helmet sa mga barangay at municipal roads dito sa ating bayan. Bilang isang motorista ay naalarma ako sa desisyong ito, na ayon sa EO ay nagmula din sa rekomendasyon ng ating mga kapulisan.

Nabanggit ko sa isa sa mga sesyon natin kung saan nabuksan ang issue na ito na may pambansang batas (RA 10054) that requires the wearing of helmet hanggang sa mga barangay roads. Ang paglalabas ng EO na ito ay salungat sa pambansang polisya na ito.

Naatasan din tayo sa Sanggunian na magpasa ng ordinansa na maglalagay ng parusa sa mga mahuhuling lalabag dito. Personally, hindi ako sangayon na magpataw tayo ng parusa para sa mga taong sumusunod sa batas at nasa tama.

Nauunawaan ko ang pinangagalingan ng EO sa pagdami ng naitatalang kaso ng mga riding-in-tandem. Ngunit kailanman, ay hindi dapat natin i-kompromiso ang kaligatasan ng mga nagmo-motor, na isa sa mga pinaka-bulnerableng uri ng transportasyon. Ang punto ko lang, humanap tayo ng solusyon na win-win-yung masasawata ang riding in tandems, and at the same time, promote the safety to our motorists.

Dahil hindi ako bahagi ng Committee ng Peace and Order, nais ko sanang ipaabot sa pamamagitan ng talumpati na ito ang aking mga rekomendasyon sa isyung ito, na maaari nating sa paggawa ng ordinansa patungkol rito:
a. Set up checkpoints and provide body cams or CCTV cameras to assigned personnel. Sa checkpoint maaaring magpatanggal ng helmet upang ma-register sa camera ang mukha ng rider at ang motor na gamit. Pagkakataon din ito upang masita ang mga motor na walang rehistro at walang plaka.
b. Require subdivisions to set up CCTV cameras sa kanilang mga gate, at kagaya sa checkpoint, i-require ang mga papasok na naka motor na magtanggal ng helmet upang ma-register ang mukha at ang motor sa camera, bago magsuot ulit ng helmet at pumasok.
c. Ang lastly, let us enforce proper speed limits in our interior roads-both for the safety of our motorists and our pedestrians.

Sa huli, nais ko sanang hilingin sa ating mayor, sa pamamagitan ng resolusyong kaakibat ng privilege speech na ito na bawiin ang EO 62 s. 2023 at mag-release ng mas angkop na alituntunin patungkol sa issue na ito. Gayundin, na mai-refer sa Committee ng Peace and Order ang mga rekomendasyon natin sa posibleng ordinansa patungkol dito.

Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

(Sgd.)
John Tobit Cruz
SB Member

Action Taken:

referred to sa Committee on Peace & Order and Public Safety Draft Resolution No. 2303-034

Remarks:

Coun. Patrick John P. Alcantara

Coun. Patrick John P. Alcantara
31st Regular Session
March 8, 2023

Magandang araw po sa inyong lahat,

Maraming ulat po ang nakakarating sa inyong abang lingkod patungkol sa nadadalas na hold-up incidents sa ating lugar na ang biktima ay ang ating mga Taytayeños at nauulat na ang gumagawa ay hindi mga taga dito sa atin at mga nakamotor o ang tinatawag nilang riding in tandem, naka-full face helmet at nakatakip ang mga mukha ng face mask o bonet. Ang mga kapulisan ay nahihirapan masugpo ang mga kawatan dahil hindi nila makilala ang mga mukha sa CCTV’s na nakalagay sa ating mga lugar, kaya sila ay humihiling ng konting suporta sa ating Sangguniang Bayan upang maggawa ng local na batas ukol dito.

Upang mapangalagaan ang ating mga kababayan, unang iminumungkahi ko po na
i-lift muna ang pagsusuot ng full face helmet sa ating bayan at isuot na lamang kung magmamaneho sa hi-way. Maaring gamitin ang mga helmet na kita ang mga mukha para sa kaligtasan ng mga motorista.

Pangalawang munngkahi ko po ay lagyan ng mga checkpoints ng PNP at ng mga force multipliers ang mga boundaries upang mabantayan ang ating lugar.

Pangatlo po ay iminungkahi ko po na mai-refer sa enbanc committee ang usapin upang makagawa ng resolution o ordinansa sa lalong madaling panahon.

Salamat po at inaasahan po ng taong bayan ang pagaksyon natin dito sa konseho.

(Lgd.)
PATRICK JOHN P. ALCANTARA
Committee Chairperson, Peace and Order and Public Safety

Action Taken:

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
28th Regular Session
January 18, 2023

To our presiding officer, Sophia Priscilla Cabral and to the members of this August body, isang mapagpalayang hapon po sa ating lahat.

Dalawang bagay po ang nais kong bigyang diin ngayong araw: Ang kasalukuyang kalagayan ng ating Municipal Library at ang nakaraang inspeksyon ng National Historical Commission sa ating Rizal at Inang Bayan Monument.

Bumisita po ako sa ating Municipal library noong nakaraang Disyembre. Mula sa pagkakatanggal nito sa ating ginuhong Lumang Munisipyo ay nailipat ito sa isang espasyo sa ating Rizal Provincial Library na matatagpuan sa Brgy. Dolores. Nakakalungkot ang kasalukuyang kalagayan ng mga librong nasa atin pa rin pong kustodiya. Karamihan ay nakasako pa, walang sariling sisidlan, at nababalot na ng alikabok.

Sa aking pakikipag-usap sa ating provincial librarian, napag-aalaman ko na wala po pala tayong pormal na kalulatan o kasunduan tungkol sa paglalagay ng ating mga libro doon. Verbal agreemets lamang daw po ang nangyari noong nakaraan. Kung inyo pong mamarapatin, nais ko po sanang hilingin sa ating Sangguniang Bayan Secretariat na pormal na lumiham o makipagpulong sa ating Pamahalaang Panlalawigan so we can agree on terms of our temporary tenure in their facility.

Gayun din, akin pong napag-alaman na wala pong naka duty upang ayusin at pangasiwaan ang ating lokal ng library. Sa aking pong pagtatanong, nalaman ko po na mayroon po tayong plantilla position sa isang Municipal Librarian, kaso lang Librarian 1 o SG 11 lang ang posisyon na ito. Walang mag-aaply dahil requirement ang pagiging lisensyadong librarian para sa posisyon gayong napakababa ng sweldo.

Dahil dito, nais ko sanang hilingin sa kapulungan, higit lalo sa ating Pangalawang Punong Bayan na naatasang mangasiwa ng ating mga pampublikong silid aklatan, na makapagpasa tayo ng ordinansa upang maitaas sng salary grade ng posisyon ng librarian sa ating bayan, upang mapunan na natin ang posisyon ng librarian sa ating bayan, upang mapunan na natin ang posisyon at masimulan na nating maisaayos ang ating silid aklatan.

Pangalawang bahagi po ng aking pribilehiyong talumpati ay ang nangyaring inspection sa kasalukyang kinatatayuan ng monumento ni Rizal at Inang Bayan. Bagamat nakapagpasa tayo ng resolusyon noong Hulyo upang hilignin ang pakikipag-ugnayan sa NHCP at sa Provincial Engineering Department, ay huli na ang askyonan natin ito.

Sa ngayon ay pinapahanapan ito ng NHCP ng bagong lugar na kailangan din nating maikunsulta sa mga tao, eskperto, at sa mga advocates. Upang maiwasan na mangyari ito sa hinaharap at patuloy nating maprotektahan ang ating mga natitira pang heritage structures at tangible and intangible important cultural properties, inirekomenda ng NHCP na makapagtatag tayo ng Cultural and Historical Council.

Ang council na ito, ay bubuuin ng mga kawani ng ating pamahalaan, mga eskperto sakasaysayan, mga miyembro ng academe, mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng nasyonal na pamahalaan, mga cultural heritage advocates, at mga alagad ng sining. Ang council na ito ang magiging katuwang natin sa mga cultural mapping initiatives, pag-aasikaso ng ating local cultural inventory, pagpipinal ng ating opisyal na nakasulat na kasaysayan, at iba pang mga gawaing nakatutok sa pagprotekta at pagpapayabong ng ating kultura, mga pamana at kasaysayan.

Nais ko po sanang ihain ngayong araw ang draft ordinance creating the Taytay Cultural and Historical Council. Malinaw sa ating local government code, na isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga local na pamahalaan ang pagprotekta sa ating kultura mga pamana, kaya’t sana po ay mapagtulung-tulungan nating magampanan ito.

Maraming salamat po at umaasa akong sa Sangguniang ito magsisimula ang mga konretong hakbang upang ating maengganyo ang ating mamamayan sa pagbasa at sa pagpapahalaga sa ating kasaysayan, kultura at mga pamana.###

(Ldg.)
KGG. JOHN TOBIT E. CRUZ
Konsehal

Action Taken:

Draft Ordinance No. 2301-001 referred to Civil Service Cmte., Draft Ordinance No. 2301-002 referred to Tourism Cmte.

Remarks:

LnB Pres. Rufe C. Tapawan

LnB Pres. Rufe C. Tapawan
27th Regular Session
January 11, 2023

ISANG MAPAGPALANG ARAW SA LAHAT NG SANGGUNIAN, KAWANI, PANAUHIN NA NARITO SA BULWAGAN.

ISANG MASAGANANG BAGONG TAON AY MAPASA ATIN NGAYONG 2023.
ANG NAKARAANG TAON AY NAGING MAPAGHAMON SA INYONG LINGKOD, KASABAY NG ATING PAGKATALAGA BILANG PUNONG BARANGAY NG BARANGAY DOLORES.

MATAPOS ANG ISANG ELECTION LOCAL/NATIONAL, HINDI RIN INAKALA NG INYONG LINGKOD NA MADAGDAGAN PA ITO NG MAHALAL NAMAN AKO BILANG PANGULO NG MGA LIGA NG MGA BARANGAY SA ATING BAYAN PARA KUMATAWAN SA LIMANG (5) BARANGAY NG ATING BAYAN.

3 CONCERN ANG AKING NAIS NA MAIPAABOT SA ATING MGA SANGGUNIANG BAYAN MEMBERS SA INYONG KAPAHINTULUTAN
1.TIANGGE –
PANG BAYAN NA USAPIN ITO, SAPAGKAT MUNISIPYO ANG NAGPAHINTULOT DITO. SAAN TAYO NAKAKITA NG IPINAGMAMALAKI NATING TIANGGE AY NAGPAHIRAP SA ATING MGA KABABAYAN.

MGA KABABAYAN NA DAPAT MAPAPARYORIDAD AY HALOS NABALIWALA.

NAG AKYAT PO BA NG MALAKING KITA SA ATING PAMAHALAANG BAYAN NG BIGLAANG NAGSULPUTAN ANG MGA MANININDA SA ATING PALIGID NG TIANGGE?

WAG PO NATIN SABIHIN NA ANG MAY ARI NG LUPA ANG DAPAT SUMAGOT SA MGA ITO. ALAHANIN PO NAYIN ANG MGA EMPLEYADO NG ATING PAMAHALAAN ANG NAKIKITA NATIN SA ARAW-ARAW NA NANDYAN SA TIANGGIAN AT GUMAGANAP SA TRAFFIC AT KAAYUSAN DITO SA KABILA NG NAPAKALAKING BILANG NG KANILANG BINABANTAYAN.

NUNG NAKARAAN LINGGO, SA PRIBILEHIYO NG ATING PANGALAWANG PUNONGBAYAN HINGGIL SA TIANGGE AT NAG-IWAN SIYA NG TANONG AT KATAGANG “WAG SA SANANG MAULIT MULI”.

SUSUGAN KO PO ITO BILANG KINATAWAN NG ATING LIMANG (5) BARANGAY NA MAREBISA ANG MGA BATAS O ORDINANSA NA NAIPASA PATUNGKOL SA TIANGGE.

LIMANG (5) BARANGAY PO NA PINAGKUKUNAN NG MGA MANANAHI, PATAHIAN NA LUBOS NA NAAPEKTUHAN NG ISANG PASAKIT NA PANAHON NG TIANGGE NA SILA MISMO AY DUMADAING HINGGIL DITO.

TAYO PO NA MGA SANGGUNIAN ANG NILAPITAN NGAYON NG TAONG BAYAN LALO MA MGA LEHITIMONG MGA MANININDA, NAGPAPATAHI NA UMAASANG AASENSO ANG ATING TIANGGE SA MULING PAGSAPIT NG PANAHON NG KAPASKUHAN.

MULI ANG PAGHILING NG INYONG LINGKOD KASAMA NG APAT PANG MGA KAPITAN SA ATING BAYAN NG TAYTAY NA MANGYARI MAGBALANGKAS NG BATAS O ORDINANSA NA PUMOPROTEKTA SA KANILANG MGA NEGOSYO.

2. PERYA
ANG ATIN PONG KINATAWAN SA BARANGAY SAN JUAN, KONSEHAL PATRICK ALCANTARA AY NAGMUNGKAHI NG ISANG ORDINANSA SA PAGPAPATIGIL SA MGA PERYAAN LALONG MGA ITO AY NAGPAPASUGAL AT NGAYON AY MAY ISYU PA NA NAGAGAMIT DIN ITO PROSTITUSYON.

NATITIYAK KO NA ITO ITATANGI NG MGA KAPANGYARIHAN NA NAGBIGAY NG PAHINTULOT DITO.

MULI, ITO AY MGA SUMBONG SA INYONG LINGKOD BILANG KINATAWAN NG MGA BARANGAY SA ATING BAYAN NA NARARAPAT LANG HARAPIN AT PAKINGGAN NG MGA SANGGUNIAN UPANG HIGIT NA MAPAG ARALAN.

HINDI NATIN MAITATANGI NA POSIBLENG ANG BAGAY NA ITO AY MAGKAROON NG MGA KAUGNAYAN SA SUGAL AT PROSTITUSYON.

HINIHILING PO NG INYONG LINGKOD NA ALAMIN MABUTI ANG ORDINANSA O BATAS NG NAAAYON DITO.

3. INUMING TUBIG PARA SA EMPLEYADO NG ATING MUNISIPYO
NONG PONG NAKARAAN MGA ARAW AY MADALAS NA NATUNGHAYAN SA SOCIAL MEDIA ANG TUNGKOL SA LIHAM NG ATING MUNICIPAL ADMINISTRATOR TUNGKOL SA INUMIN GINAGAMIT SA ATING MUNISIPYO. NOONG UNA NG AKING MABASA AY NAPAKIBIT BALIKAT NALANG AKO. SUBALIT ANG MGA SUMUSUNOD NG MGA ARAW AY MARAMI ANG NAGPAABOT NG CONCERN TUNGKOL DITO. MGA EMPLEYADO NG ATING PAMAHALAANG BAYAN, MGA PAMILYA NG MGA ITO, NAGPAPAABOT NG PAGKADISMAYA AT HINANAKIT SA LIHAM NA NABANGIT.

MGA MINAMAHAL KONG SANGGUNIANG, MARAHIL ALAM NATIN KUNG GAANO KAHIRAP ANG PAMUMUHAY NGAYON, TUBIG NA INUMIN NA LAMANG PO AY PARANG IPAGKAKAIT PA SA ATIN.

SA PAMAMARAAN PO NG PAGPAPAHATID NG MGA MENSAHE, DI PO BA MAAARING IPATAWAG MUNA ANG MGA CONCERN NA HEPE NG MGA DEPARTAMENTO AT HUMANAP NG MAGANDA AT POSIBLENG SOLUSYON DITO. KAILANGAN PO BA TALAGA NA KUNG MAY NAIS TAYONG IPARATING SA MGA KAWANI AY ILALAGAY TALAGA NA MAY MGA BATAS NA MAAARING NILALABAG O MAAARI BANG PAG USAPAN MUNA BAGO MAGLABAS NG MGA DIREKTIBA HINGGIL DITO. TAYO PONG MGA TAGA BAYAN NG TAYTAY, BAGAMAT MALAKAS ANG BOSES TUWING NAGUUSAP AY MAYROON MALAWAK NA PANG UNAWA, NASA ATING KOSTUMBRE NG MGA TAGA TAYTAY NA LAHAT AY PWEDENG PAG USAPAN NG WALANG INTIMIDASYON. MGA MAHAL KONG SANGGUNIANG HINIHILING PO NG INYONG LINGKOD NA MAIKONSIDERA NA PAG USAPAN ANG MGA KAGANAPAN SA ATING MUNISIPYO AT KUNG MAARI AY MAGTALA NG ISANG COMMITTEE NA TUTUGON SA MGA BAGAY-BAGAY NA INAAKALA NG ATING PAMAHALAANG BAYAN NG TAYTAY ANG NAAPEKTUHAN.

MULI ANG MUNGKAHI PO NA ITO NA AKING HINIHILING NG MABIGYAN PANSIN AY PAGTULUNGAN NATIN, MAAYOS AT IKABUBUTI NG ATING BAYAN NG TAYTAY.

MGA MINAMAHAL KONG LINGKOD BAYAN ANG PANAWAGAN ITO AY MAAARING MAY KATOTOHANAN KUNG KAYA’T ANG IYONG LINGKOD AY KUMAKATOK SA INYONG MGA PUSO NG MALALIM NA PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA ISYUNG ITO.

LAHAT NG ITO AY PARA SA IKABUBUTI NG ATING PINAKAMAMAHAL NA BAYAN NG TAYTAY AT MGA NASASAKUPAN NITO.
MARAMING SALAMAT PO.

(Sgd.)
HON. RUFE “ROY” C. TAPAWAN
LNB PRESIDENT BRGY.DOLORES

Action Taken:

naitalaga sa Committee on Civil Service and Local Government Re-organization

Remarks:

Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral

Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral
26th Regular Session
January 4, 2023

Privilege Speech of Vice Mayor Sophia Priscilla L. Cabral to the 12th Sangguniang Bayan Regarding the Concerns of Tiangge Vendors and Operators in connection with the Proliferation of Illegal Vendors Before and During the Holiday Season of 2022

SANA DI NA MAULIT MULI

Mr. Presiding Officer, members of the 12th Sangguniang Bayan, sa lahat ng ating mga kababayan na nandito ngayon, abot ko ang pagbati ng isang masaganang bagong taon sa unang Session natin ngayon 2023.

Bago ang huling linggo ng disyembre ng nakalipas na taon, tayo po ay naimbitahan sa isang pagpupulong ng mga organizers at mag titiangge na pawang mga taga Taytay. Bago po nito, tayo po ang kinausap ng coordinator ng isang TV station para i-feature sa kanilang umagang programa ang ating mga tianggihan. Simple lang naman po ang kahilingan nila, mag shoot sa tiangge, mag interview ng mananahi at mananabas ng damit, manininda or organisasyon nila, mag interview ng mamimili, mag interview sa mga opisyales ng ating local na pamahalaan dahil gusto nilang malaman kung ano ang nagiging kontribusyon ng tiangge sa ating local na ekonomiya.

Ngunit ang simpleng request ng coordinator ng tv station ay naging komplikado ng kausapin namin ang isang organisasyon ng mga magtitiangge. Sino ba ang mag-aakala na ang inisip natin na exposure para sa ating mga magtitiangge ng tatanggihan nila? At ang nakakagulat, natatakot sila! Natatakot sila na kapag nagpa-interview sila sa media ay hindi maganda ang sasabihin nila. At humihingi sila ng tulong at aksyon sa atin.

Sa kadahilanang ito ay nagpulong at nagkausap kami ng mga organisasyon ng mga magtitiangge. Doon ay narinig ko ang mga hinaing nila. Hinaing nila na wala na silang kinikita dahil hindi na pumapasok ang mga mamimili sa mga pwesto nila, for obvious reasons, na nahaharangan na sila ng mga illegal vendors na nakapwesto sa tabi nila. Hinaing nila na kahit sila ay nagbabayad ng business permit at taxes at parang mas napapaboran pa ang mga illegal vendors ngayon dahil hindi sila nagbabayad ng permit at buwis. Hinaing nila na dahil walang palikuran at basurahan ang nakalaan sa mga naglipanang illegal vendors umiihip ang mapanghi at mabahong amoy at nagkalat ang mga basura sa paligid nila. Hinaing nila na wala silang kapangyarihan na alisin ang mga illegal vendors dahil mukhang may kinakapitan sila at pinayagan sila na magtayo ng mga pwesto sa gilid nila. Hinaing nila na dahil sa mga pwestong nagsulputan sa tabi ng daan ay hindi na makalakad ng maayos ang mga mamimili at ito ay nagdulot na ng buhol-buhol na traffic ng mga sasakyan.

Hinaing nila na may nagbuwis na ng buhay na pinaniniwalaan nilang konektado sa usapin tungkol sa pwesto. Hinaing nila na sa mga panahon na sila ay akin ng nakausap ay mukhang hindi na sila makakabawi ng kita nila sa mga oras na yon. Hinaing nila na ibig nating maituring, at sa palagay ko ay naituring na tayong garments capital of the Philippines, pero bakit hindi natin pinoprotektahan ang industriyang ito.

Mr. Pesiding Officer, nagtanong din po tayo sa mga kausap natin kung ano ang nakikita nilang mga solusyon sa mga hinaing nila. Straightforward ang sagot nila, kailangang tanggalin ang mga illegal vendors. Mukhang napaka simple ng kahilingan nila pero ang mabigat na katanungan ay paano natin gagawain? At bago gawin ang mga hakbang na iyon, hindi po dapat ay malaman natin kung bakit dumami ang mga tinatawag nilang illegal vendors noong panahon ng kapaskuhan. At king hindi man natin iyon malalaman, naniniwala ako na dapat ay hindi na ito muling mangyari sa susunod na mga panahon.

Mr. Presiding Officer, Sana Hindi na Maulit Muli.

Sa pamamagitan ng mga bagong ordinansya o pag amyenda sa mga existing ordinances, dagdagan natin ang proteksyon sa ating pangunahing industriya. Sa kadahilanang isa sa mga hinaing nila ay nagbabayad sila ng business permit at taxes pero hindi sila kumita dahil sa illegal vendors, tingnan natin mabuti at pag-aralan kung maaari naitng gawin na hindi magtaas ng permit fees sa kanila ngayon. Tingnan din natin ang definition ng Tiangge sa ating mga existing Ordinance sapagkat sa mga lumipas na panahon ay nag-evolve na ang meaning nito sa ating bayan. Hindi na po ordinaryong flee market ang mga naka establish nating mga tinaggihan. Pero hindi rin natin makakaila na ang mga established nating tianggihan ay siyang mga kilala at nagpasikat sa ating bayan. Sa pamamagitan nito ay makakagawa tayo ng mga ordinansa na tunay na aakma sa sitwasyion ng ating mga tinaggihan.

Para hindi na maulit na may makapagtayo ng pwesto sa mga karsada sa tabi ng ating mga tiangge, maari nating gayahin ang probisyon sa ating market code na bawal maglagay o magpahintulot sa mga ambulant vendors o mga temporary na pwesto na makakakompetensya ng ating mga Tiangge within 50 meters radius sa tianggihan. Katulad ng sinabi ng ating distinguished member mula sa San Juan sa kanyang nakaraang Privilege Speech, repasuin natin ang Ordinansa na nagtatatag ng Taytay Garments Council. Bigyan natin ang ating mga stakeholders ng ibayong boses at partisipasyon sa panggawa ng mga polisiya na direktang makakaapekto sa kanila. At sa ngayon, himukin nating ang mga offices concerned na gamitin ang mga existing na batas at ordinances kagaya ng Operation Tanggal Sagabal para mabigyan kaagad ng sagot ang mga hinaing ng ating mga magtitiagge sa mga illegal na pwesto at sa traffic.

Mr. Presiding Officer, alam ko po na marami sa atin dito ang may naiisip pang iba kung paano ang gagawin natin sa hinaharap tungkol sa pangunahing industriya natin. Alam ko na magtutulungan tayong lahat para Hindi na Maulit ang mga naging hinaing ng ating mga magtitiangge.

Hinihiling ko po sana na maisama at mai-refer itong pribilehiyong talumpati na ito sa mga proper committees.

Maraming Salamat po. Magandang hapon sa ating lahat.

(Lgd.)
KGG. SOPHIA PRISCILLA L. CABRAL
Pangalawang Punong Bayan

Action Taken:

Naitalaga naman ang “concern” ng nakalahad na Pribilehiyong Talumpati ng Pang. Punong Bayan Kgg. Sophia Priscilla L. Cabral patungkol sa suliraning nabanggit sa Pangkalahatang Lupon o “Committee En-banc”

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
24th Regular Session
December 22, 2022

Mapagpalang araw po sa ating lahat,

Lagi natin pinagmamalaki bilang lingkod bayan na ng bayan ang Taytay, Rizal ang capital garments of the Philippines. At isa ito sa ipinagmamalaking kabuhayan sa ating lugar.

May mga natatanggap tayo na mga hinaing o reklamo paukol sa mga nararanasan ng mga kababayan natin na nagtitiangge (nagtitinda man o mga namimili) na inaasahan nila ang mga agarang aksyon tulad ng mga sumusunod:

1. Ang pagkakaroon ng Traffic Plan ng LGU tuwing holiday o rush season.
2. Maayos ang mga pagpapatupad ng mga Traffic Rules lalo na sa bahagi ng CME and all connecting Hiway papunta sa tiangge at maging strict sa “No Parking sa Hiway”.
3. Pagpapataas ng Police Visibility. Dahil marami na naman ang mga nakawan sa mga natitiangge.
4. Pag reregulate ng mga Ambulant Vendors lalo na yong walang business permit to operate or to sell.
5. Istriktong pagpapatupad ng “No. Business Permit, No Operation” dahil unfair sa mga nagbayad ng buwis o mayroong License to Operate.
6. Pag reregulate ng operation ng tiangge at pagsusulong sa pagbuo ng Municipal Operated Tiangge.
7. Conduct full inspection sa mga bodega ng tela kung kasama ba sa kanilang operation ang manufacturing. Kaya mahalaga na magkaroon ng actual inspection activity to determine their business operation.

Ilan lang po ito sa concern ng ating mga magtitiangge na naiparating na sa ating punong bayan at pamahalaan ng Taytay.

Kalakip ng pribilehiyong talumpati na ito ay maumpisahan at mapag-usapan na po sana ang pagkakaroon ng “Garments Code” sa ating bayan kabilang na sa pag aamyenda sa kasalukuyang Ordinance No. 712 series of 2021 “An Ordinance creating the “Taytay Garments Council defining its function and composition and for other purposes”.

Ibalik or strengthening the Municipal Tripartite Industrial Peace Council; (MTIPC) para may partisipasyon ang sector ng mga iba’t-ibang industriya sa bayan ng Taytay.

Ang pagkakaroon ng panukalang Ordinance on the Transitioning ng mga Informal Economy Towards Formalization.

Sa ganitong paraan mauumpisahan na din ang pag institutionalize ng aitng mga industria para hindi na rin kada taon ay mararanasam ang mga ganitong problema ng mgamamimili at mga business operators.

Malaki ang paniniwala ng ating mga kababayan sa ating mga ipinangako na tutulungan natin ang industriya.

Ang pananaw sa paglilingkuran na ang makinig sa daing at hinaing ng ating mga kababayan para magkaroon ng tamang mekanismo at solidong programa.

Tulong po tayo. Maraming salamat po

(Lgd.)
JOANNE MARIE P. CALDERON
Konsehal ng Bayan

Action Taken:

Remarks:

Matapos maihayag ang talumpati ay minarapat na hilingin ni Kon. Joanne Marie P. Calderon na maitalaga sa proper committee ang mga nabanggit na kinakailangan on the legislation part sa Sangguniang Bayan. Ang mosyon ay pinangalawahan nina Kon. Ma. Jeca B.

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
22nd Regular Session
December 5, 2022

“Walang perya na hindi maingay! Malaki ang binayad naming dito!”
“may pasyente po kami na kalalabas lang ng ICU, hindi makapagpahinga ng maayos dahil sa kanila”
“pimakamaaga na po yung 1am (patayin ang mic) pero madalas lumagpas po diyan”
“sobrang nakaka-affect na po siya sa araw-araw naming trabaho”
“work from home po kame sa gabi, dinig po sound ng perya”
“may time po na nagmamakaawa na ako sa pulis para tulungan kami mapahinaan yung mic”
“simula po 4pm until 1am-3am, depende po sa gustonilang oras magsara”
“nilalagnat na po ako sa sobrang puyat at kulang sa tulog”
“kapag nagtatrabaho sa gabi rinig sila ng client ko”
“yung galing sa trabaho hindi nakakapagpahinga dahil sa ingay nila”
“everyday po sila nakakaperwisyo samin, apektado po trabaho namin”

Ito po ay iilan lamang sa bahagi ng mga mensaheng ating natanggap mula sa mga kababayan natin na nakatira sa paligid ngf perya sa may kamino sa San Isidro. Malinaw po kung alin sa mga ito ang mula sa mga napeperwisyo at naaabala gabi-gabi. Ang pagkakaroon ng perya ay para sa sandalling kasiyahan, aliw at libangan. Ngunit hindi dapat ito sa kapinsalaan ng iba o “at the expense of others” sa Ingles. Sa panahong nagbalijkan na sa school at trabaho ang karamihan, ang pag-uwi sa bahay, matapos ang mahabang araw ay nakalaan na para sa pagpapahinga at kung work from home naman na night shift ay tahimik na paligid ang kailangan. Ganoon naman ang nkagawian bago pa ito naabala ng perya na nasa loob ng isang parang warehouse. Doon dapat sila magtatayo ng perya sa dating San Juan Leongson Hospital pero dahil katapat ng FM Sanvictores Elementary school ay marami ang tumutol kaya napujnta sa kasalukuyang pwesto nito. Dahil sa residential area, dinig sa paligid na mga bahay ang bawat tunog ng peryahan. Kabi-kabila ang reklamo ng ating mga kababayan sa Barangay, sa kapulisan at maging sa atin. Kapag dinaanan at nasita ng barangay ay hihinaan ng bahagya at back to normal pag-alis ng mga rumesponde. Umaabot ng disoras ng gabi ang mga ingay galing duon na dapat na sana ay oras na na tahimik na ang kapaligiran at payapang nakakapagpahinga ang lahat. Ano po kaya ang dapat na mas matimbang? Ang establisyemento na sugalan na nagkukubli bilang libangan at pampalipas oras o ang kapakanan ng ating mga kababayan? Palagay ko ay iisa pio ang pipiliin nating sagot.

Nabanggit na po natin ito sa hepe ng PNP Taytay kaharap ang ating Mayor, naiparating narin natin ito sa Kapitan ng San Isidro, naiforward narin po natin sa BPLO para malaman kung may “grounds” para bawiin ang kanilang permit. Ngunit sa kasalukuyan ay wala pamg kongkretong hakbang ang ating pamahalaang local patungkol dito. H anggang kagabi ay may messages parin po. Sana po ay masolusyonan po natin ito sa tulong ng Sangguniang Bayan sa lalong madaling panahon.

Akin pong iminumungkahi na maitalaga sa “Committee on Grievances” ang usaping ito upang makabuo ng pagkakasunduan kung pano ito matutugunan para sa kapakanan ng lahat ng may kinalaman sa talakaying ito.

Maraming salamat po!

(Lgd.)
Kgg. Philip Jeison J. Cruz
Konsehal

Action Taken:

naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Sophia Priscilla L. Cabral ang naihayag na talumpati sa Lupon sa mga Hustisya, Karapatang Pantao at Hinaing (Grievances)

Remarks:

LnB Pres. Rufe C. Tapawan

LnB Pres. Rufe C. Tapawan
22nd Regular Session
December 5, 2022

December 5, 2022

Sa bumubuo ng ating Sangguniang Bayan,Bise Alkalde Pia Cabral, sa ating mga Konsehal, Konsehal JV Cabitac, Konsehala Jeca Villanueva, Konsehal Patrick Alcantara, Konsehala Joan Calderon, Konsehala Leng Calderon, Konsehala Elaine Leonardo, Konsehal Papoo Cruz, Konsehal Tobit Cruz, Sa ating SK Fed Zai Villanueva,

Mga kawani ng Sangguniang Bayan ng Taytay, Rizal, sa lahat ng naririto sa loob ng bulwagan, isang magandang araw po sa ating lahat.

Ang kabuuang ng (5) Limang barangay ng bayan ng Taytay, mula kay Kapitan Buboy Santos, Kapitan Rassel Valera, Kapitan Michael Cruz at Kapitana Vivian Yupangco ay nagdaos ng isang proseso kung saan ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay nag-atas na punuan ang bakanteng posisyon ng pangalawang pangulo ng bumubuo ng komposisyon pumunuan ng mga kapitan sa ating bayan o tinatawag nating LIGA NG MGA BARANGGAY. Ito po ay nakatadhana sa batas at kami rin po ay inaatasan na kumatawan ng isang posisyon sa ating pamahalaang bayan bilang kinatawan sa ating liga o maaaring tawagin o ihalintulad sa mga halal ng ating bayan sa itinakdang pagkakataon mayroong simula at mayroon din katapusan, TERMINO.

Dumating po sa pagkakataon na ang dating pangulo, Kapitan Buboy Santos ng Barangay Muzon. Sa kanyang panahon ay naghain na ng kanyang pagbitiw ay otomatiko na ang pangalawang pangulo ang dapat na gumanap sa posisyong bakante.

Kung kaya’t ako po, Kapitan RUFE ‘Roy’ TAPAWAN ng pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal, humaharap sa inyong lahat upang ganapan ang naiiwang ilang buwan bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Bayan ng Taytay, Rizal. Dahil po dito ay humihiling po ang inyong lingkod na sana’y makatulong ang aking mga kaalamang bumalangkas ng ilang panuntunan, Ordinansa o Resolusyong nararapat para sa ikabubuti ng ating mamamayan at ng ating mahal na Bayan ng Taytay.

Ibabahagi ko po ang isang napakalaking pagbabago sa aming barangay at maaaring din ninyong paniwalaan pero kayo po mismo ang aking hinihiling na dumayo at sumaksi, sa loob ng halos anim na buwan mula ng tayo po ay manungkulan ay inuna ko ang panawagan ng kalinisan.

Ang paglilinis ng mga kanal o estero, paglilinis ng aming nasasakupang mga sapa, ang pagwawalis ng aking mga mangagawang humigit kumulang sa 100 ang bilang, ang walang sawang pananawagan sa aming mga kabaryo na makipagtulungan sa kalinisan, kayo na mismo ang sumaksi kung gaanong nakikipagtulungan ang aming mga kabaryo sila mismo ay umiiwas sa pagkakalat.

Hindi marahil perpekto, subalit natatanaw ko ang ugnayang mag-ka-baranggay ay higit na mahalaga kaysa mga palamuting mga programa. Ang aktuwal o personal na pakikinig ay higit sa lahat ng pamamaraan na epektibo kung nais natin ng tunay na pagbabago sa ating mahal na bayan maaaring maunlad ang ating bayan pero naniwala po ako kung nais natin ng tunay na pagbabago sa ating mahal na bayan maaaring maging panimula ng higit na pagunlad pa ng ating mahal na bayan.

Mga minamahal na kapwa lingkod bayan, umasa po kayo na ang aking magiging partisipasyon ay ayon sa itinakda ng batas, maaaring tayo po ay may magkaka-ibang paniniwalang politikal, subalit mas higit ko pong pinaniniwalaan na ang maayos na ugnayan ng kapulungan kasama ng ating mga kababayan ay higit na mas mahalaga. Sila po ang higit na makikinabang kung ano dapat na maibigay nating mga panukala o mga ordinansa.

Paalala po lamang, ang higit na bilang ng mga kababayan natin ang naglagay kung saan man po ako, kayo, tayo ay naroroon ngayon. Karapatan po ng ating mga kababayan na maramdaman ito, kung ito po ang layunin ng sangguniang bayan makaasa po kayo na ka-isa niyo ako.
Ang labis na pasasalamat ko sa inyong lahat.

(Lgd.)
RUFE “ROY” TAPAWAN
Pangulo-Liga ng Barangay Taytay, Rizal
Punong Barangay-Barangay Dolores

Action Taken:

Remarks:

Coun. John Tobit E. Cruz

Coun. John Tobit E. Cruz
15th Regular Session
October 12, 2022

To our Presiding Officer, Sophia Priscilla Cabral, and to the members of this August body, isang mapagpalayang araw po sa ating lahat.

I availed of this privilege hour to discuss two urgent items that I wish to discuss with the council. Una po, sa pakikipag-ugnayan natin sa opisina ni Senator Risa Hontiveros, kasamahan natin mula sa Akbayan Party, napag-alaman po natin na maaaring makapagbigay ang kanyang opisina ng isang multi-purpose facility at isang kalsada na maari nating ipa-ayos o ipasemento.

Nais ko po sanang kunin natin ang oportunidad na ito na tumanggap tayo ng proyekto mula sa ating nasyonal na pamahalaan, kaya’t naghanda po ako ng isang draft resolution requesting these two infrastructure projects to the Office of Senator Risa. Kung mamarapatin po ng kapulungan, nais ko po sanang maisama natin sa talaan ng ating pag-uusapan ngayong araw ang draft resolution na ito.

Pangalawa po, it has come to the attention of my office na ang proyektong Pasig River Expressway o PAREX, ay dadaan na din sa ating bayan. Mula po ito sa March 25 public consultation and presentation ng San Miguel Corporation Infrastructure. Tumungo ako sa Office of the Mayor, sa opisina ng ating Legal Officer, sa MPDO at sa Engineering office upang tanungin kung nagkaroon ba ng komunikasyon ang San Miguel sa ating pamahalaan simula nung nakaraang taon, at nakumpirma po natin na wala.

Sa Administrative Order ng DENR sa mga pagawaing imprastraktura, kinakailangang makipag-ugnayan ng nangangasiwa sa proyekto sa lahat mga lokal na pamahalaan na tatamaan nito. Basic courtesy naman din po siguro na dumaan sila sa atin upang aware tayo sa proyekto at magkaroon ng boses patungkol dito, lalo na’t sa kanilang disenyo ay maaaring tamaan ang ating mga mag-iitik at mga magka-kangkong.

Sumulat ako ng isang draft resolution upang hilingin sa San Miguel Infrastructure na makipag-ugnayan sa ating pamahalaan tungkol sa bagay na ito. Kung mamarapatin din po ninyo, nais ko po sanang hilingin na maisama din natin ito sa talaan ng ating pag-uusapan ngayong araw.

Nais ko po sanang matalakay natin ito at magkaroon tayo ng iisang tinig patungkol sa bagay na ito. Maraming, maraming salamat po and I look forward to a meaningful session this afternoon.

Lubos na gumagalang,

(Lgd.)
John Tobit Cruz

Action Taken:

Draft Resolution No. 2210-101

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
13th Regular Session
September 28, 2022

Magandang hapon po sa lahat ng ating mga kababayan at mga kapwa lingkodbayan!

Binibining tagapamatnugot,

Noong mga nakalipas na taon ay kaliwa’t kanan ang reklamo ng ating mga lokal na garment’s producers ng mga cones na may semento at mga tindahan ng mga tela na nagpapatahi narin. Dahil dito ay nabuo ang Garments Council, nagkaraoon ng Ordinansa na nagbabawal sa labis-labis na bigat ng patigas sa rolyo ng tela at may ilang napasara sa paglabag sa kanilang mga Business Permit bilang supplier ng tela. Ngunit ang ilan ay sadyang gagawa at pagawa ng paraan para paikutin ang batas at makapanlamang sa kapwa.

May ilang “warehouse” o magtetela na sila narin ang nagpapatahi ng mga damit. May mga bilihan ng tela na may mga sako-sakong “yari” na at meron ding mga na-“cut” na na tela at ready nang ipa-”subcon”. Mas mura nilang naibebenta ang mga produkto dahil sa kanila na din mismo ang tela at bultuhan kung magpatahi sa mga “subcon”. Malamang ang karamihan sa mga ito ay hindi sakop ng kanilang business permit ang mga ginagawang gansal na aktibidad. Ang iba naman ay nakakalusot sa pananamantala sa malawak na klaripikasyon ng kanilang business permit ng “Trading”.

Sa puntong ito ay nais pong hingin ng representasyong ito ang tulong at atensyon ng ating Punong Bayan sa pamamagitan ng BPLO sa pag “spot chek” ng mga establisyementong naiuulat ng ating mga lokal at lehitimong garments producers na bukod sa pagtitinda ng tela ay sya naring nakakakompitensya nila sa pagpapatahi ng mga damit na gawang Taytay. Ipinapakiusap din natin ng ating BPLO na repasuhin ang mga “permits” na ibinigay sa mga magtetela at mga nasa linya ng garments na “trading” at mailatag kung ano ano lamang ang talagang saklaw nito ng sa gayon ay maprotektahan po natin bilang Lokal na Pamahalaan ang kapakanan ng ating mga kababayan na pawang na-iinfiltrate na ng mga tagalabas.

Sigurado akong bukas din po ang Sangguniang Bayang ito kung may mga kakailanganing lehislaturang hihilingin ang ating butihing Alkalde Allan De Leon para sa agarang tugon para sa kasalukuyan at pangmatagalang solusyon sa usaping ito para sa hinaharap.

Sabi nga po sa kataga ng dating Punong Ministro ng Noruwega, and I quote:
“Sustainable development is development that meets the needs of the present without compromising the ability of future generations of meet their own needs.” End Quote. Wika ni Gro Brundtland, Former Prime Minister of Norway.

Nawa ay magkaroon po ng agarang pagtugon ang ating kagawaran ng tagapagpaganap para sa kapakinabangan ng pangunahing industriyang naglagay sa bayan ng Taytay sa pedestral.

Dalangin ko po na magtulungan tayo upang mapanatili ang ating mahal na bayan na Nakangiting Garments Capital of the Philippines.

Pagpalain po tayo ng Maykapal!

(Lgd.)
COUNCILOR PHILIP JEISON J. CRUZ

Action Taken:

Referred to Committee on Trade, Commerce and Industry

Remarks:

Coun. Jean Lalaine P. Calderon

Coun. Jean Lalaine P. Calderon
3rd Regular Session
July 20, 2022

Magandang araw po sa ating Kagalanggalang na Madam Presiding Officer, Vice Mayor Pia Cabral, sa mga kapwa ko miyembro ng Sangguniang Bayan ng Taytay, sa ating SB Secretary Atty Stanlee Calma, sa bumubuo ng SB Secretariat, sa mga Staff, at sa ating mga kababayan na narito ngayon sa gallery.

Ito po ang aking pinaka-unang pribilehiyong talumpati sa aking buong buhay at nais natin na maging kapakipakinabang ang bawat paksa na ating ipapahayag. Ito po ay hinati natin sa dalawang bahagi;

Una, ay ang ating pangarap na maibsan ang pagbaha sa ating lugar. Marahil lahat tayo na lingkod bayan ay nakatanggap na ng mga suhestiyon at matinding pagnanais ng ating mga kababayan na mawakasan na ang problemang ito. Totoo naman po na hindi ito madali, dahil ang problema na ito ay problema din ng ibang bayan. Pero hindi dahil hindi ito nawawala, ay atin itong susukuan at hahayaan.

Nagpapasalamat tayo sa mga nagpapatuloy na humanap ng lunas at sa mga gumagawa ng mga proyekto na makakatulong na maibsan ito. Hindi na ako lalayo, isa na din na may matinding damdamin at hangarin para dito ay ang aking yumaong Ama na si Kap. Joey. Ang patuloy na pag-aaral at pagbibigay ng kanyang Engineering Solutions mula sa masigasig na paglilinis ng mga kanal, dredging programs na nakakapagpalalim ng mga ilog at sapa, detention tanks na nagiimbak ng excess road area drains, hanggang sa pagpa-plano ng mga pocket-pumping stations.

At ang problema ngayon ay maiiba na din sa mga kakaharapin natin sa darating na panahon. Kung kaya’t nais din natin makilahok at gumawa ng mga hakbang na naaayon sa pangangailangan ng ating bayan.

Alinsunod sa pangarap ng ating butihing Punong Bayan Allan De Leon, na Sistematikong Pagpapalalim at Pagpapalapad ng ating mga Ilog at sapa, at pagnanais na makabuo ng Teknikal na Grupo na tutuon sa usaping Flood Control and Mitigation na bubuo ng mga plano at proyekto na akma sa pangangailangan ng ating bayan. Layunin din nito na gumawa ng reference point at i-regulate ang mga gagawing proyekto na sumunod sa itatakdang plano.

Ikalawang bahagi po ng aking talumpati ay ang pagkilala at pakikiramay sa pamilya ng ating kababayan at kaibigan na nagbigay ng di mabilang na karangalan sa ating bansa, sa larangan ng BODYBUILDING, walang iba kundi si Ginoong Roderick “Jerick” Ternida. Siya ay namayapa noong nakaraang Sabado, July 16, 2022. Ganun na lang ang ating pagsuporta sa larangan ng palakasan upang makatulong sa ating mga kabataan na ma-hilig sa sports. Ito ang isa sa adbokasiya ni G. Ternida, ang maging isang inspirasyon at makilala hindi lang sa ating bayan kundi maging sa buong mundo. Dinala niya tayong mga Pilipino sa bawat laban na kanyang sinasalihan at napapagtagumpayan, kung kaya’t ating hinihiling na sana, ang bawat karangalan na naiuwi at naibahagi niya sa ating bayan ay maipaalam at maipakilala sa ating mga kababayan.

Ang ating pamahalaang bayan ay laging sumusuporta sa kanyang bawat laban. Ilan dito ay noong taong 2008, naiuwi niya ang mga titulong Men’s Unlimited Welterweight Champion sa National Physique Committee Los Angeles Bodybuilding Championship in Culver City, California noong July 19, 2008; Small Category Champion sa Mr. Asia Pacific International Championship, Cebu City noong April 25, 2008; at kinilala at pinarangalan sa Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Taytay noong August 7, 2008 na iniakda ng then Vice Mayor Janet De Leon-Mercado.

Kahanga-hanga ang kaniyang ipinakitang galing sa larangan ng BodyBuilding, kaya’t marapat lamang na siya ay muling kilalanin at parangalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Plake at Cash Assistance sa kanyang naiwanang pamilya, sa pamamagitan ng kaniyang asawa na si Ginang Janine Ternida.


(Sgd.)
HON. JEAN LALAINE P. CALDERON, UAP
Municipal Councilor

Action Taken:

Draft Resolution No. 2207-019 and Draft Resolution No. 2207-020

Remarks:

LnB Pres. Frank Luster L. Santos

LnB Pres. Frank Luster L. Santos
2nd Regular Session
July 13, 2022

Isang mapagpalang hapon sa inyong lahat,

Nagpapasalamat po ako sa paghalal sakin bilang Chairperson ng Committee ng Trade, Commerce and Industry dito sa 12th Sangguniang Bayan.

Bilang unang hakbang sa akin ginawa ay nakipagugnayan ako sa mga Opisyales ng isa sa pinakamalaking Business Organization sa Bans ana may Chapter dito sa Bayan ng Taytay, yan ang Philippine Chamber of Commerce of Industry (PCCI Taytay). Ito din ang pinakamalakas na Partner ng ating Bansa pagdating sa Negosyo.

Isa sa mga tinalakay naming ay ang pagiging Partner ng PCCI Taytay sa ating Bayan at kasapi ng mga Council simula ng matatag ito nuong 2013 hanggang sa kasalukuyan. Kaya naman gumawa po ako ng isang resolution upang magrequest sa ating Local Chief Executive na si Hon. Allan Martine S. De Leon para maging ganap at pagtibayin ng Konsehong ito ang patuloy na pakikipagtulungan ng nasabing grupo sa ating Pamahalaang Bayan ng Taytay na aking ipapanukala.

Ikalawa naming tinalakay ay patugnkol sa mga palaboy at pagdami ng mga nasa lansangan sa ating Bayan na nagiging sanhi ng panganib sa ating mga Kababayan at mga Negosyante na hindi maganda ang naidudulot sa Turismo at Negosyo sa Bayan. Yan ang mga sumusunod:

1. Mga kapatid natin Badjao na ang isa sa kanilang tinutuluyan sa ngayon ay nsa baybayin ng Manila East Road sa labas ng Royal Subdibisyon, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal na ginibang establishment at dating SCBC furniture.
2. Rugby Boys & Girls na paikot-ikot sa may PSBANK at paligid ng St. John The Baptist Parish Church.

Nais ng PCCI Taytay na bigyan ng pansin ang mga ito ng ating Pamahalaang Bayan na nangunguna ng ating Mayor Allan Martine S. De Leon kaya naman gumawa po ako ng isang resolution upang magrecommend na magbuo ng isang Task Force sa ating Bayan upang mangalaga dito at tutukan ang problema ana maari natin kaharapin.
Ipinaparating din po ng mga Opisyales ng PCCI Taytay na nandito po ang grupo upang tumulong at magbigay respeto sa ating Pamahalaang Bayan. Katuwang po natin sila sa larangan ng Trabaho. Negosyo at Kabuhayan bilang Boses ng mga Negosyante sa Pilipinas or being the Voice of the Philippine Business recognized by Government & International Institutions.

Minumungkahi po na masama ang aking Pribilehiyong Talumpati sa ating Business of the Day for Today’s Calendar of Business. At masama ang aking ginawang dalawang Resolution sa Agenda ngayon 2nd Regular Session.

Ako po ang inyong lingkod Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa ating Bayan ng Taytay at Punong Barangay ng Muzon Hon. Frank Luster L. Santos.

Magandang Hapon po sa inyong Lahat

HON. FRANK LUSTER L. SANTOS
PRESIDENT, LIGA NG MGA BARANGAY

Action Taken:

Draft Resolution No. 2207-010

Remarks:

Vice Mayor Michell B. Bermundo

Vice Mayor Michell B. Bermundo
139th Regular Session
June 20, 2022

Isang Magandang umaga ang nais kong ipahatid sa bawat isa na andito ngayon, upang dumalo at gawin pang kapakipakinabang ang ating huling sesyon bilang mga miyembro ng ating 11th Sangguniang Bayan ng Taytay. Sa loob ng tatlong taon, madaming nagawa para sa bayan ang 11th Sangguniang Bayan, saksi ako bilang Pangalawang Punong Bayan sa pagod ng bawat isa, lalo ang pinakamalaking hamon sa atin ng pandemya. Sa loob ng tatlong taon, kahit minsan, ay hindi ako nagkaroon ng damdamin ng pagkapagod, bagkus ako ay excited dumalo sa mga sesyon, excited lumabas at maging katuwang ng ating Punong Bayan sa lahat ng programa, gayundin naman kayo, lahat tayo, itinaguyod natin ng sama-sama ang pagiging Best Taytay. Masasabi ko ng taas noo, walang lokal na pamahalaan sa buong lalawigan ng Rizal ang kayang gawin ang ginawa nating pag-aalaga sa Bayan. Pag-aalaga kung kailan kailangan nila tayo, tayo ay naroroon.

Ilang araw na lamang, ay manunungkulan na ang bagong Pamunuan ng Bayan ng Taytay. May halong lungkot sapagkat, dapat sa mga panahong ito ay naghahanda tayo para sa ating inagurasyon, naghahanda tayo para sa ating mga mensahe, naghahanda tayo para sa mga bagong programa para sa susunod na tatlong taon, ngunit sa pagkakataong ito ay kakaiba at iba-ibang paghahanda ang ating tatahakin. Sa mga pinalad ay tuloy tuloy na serbisyo publiko, sa mga hindi pinalad ay tuloy tuloy na buhay. Tuloy tuloy na pagtulong kahit hindi ka na ganap na lider ng lokal na pamahalaan. Tuloy tuloy na itataguyod sa puso at isip ang Best Taytay, sa kabila ng maiba naman. Bagaman may halong lungkot, bigyan natin ng pagkakataon ang mga nagnais maglingkod sa Bayan, ang mga nahalal sa pagkakataong ito, baka ang maiba naman ay may kakaiba ding ipagkakaloob sa ating mga mamamayan. Maging bantay din tayo para sa mas maayos na pamamahala sa ating bayan.

Sa isang message post sa facebook na aking nabasa, binigyan ng diin ng isang netizen ang salitang maiba naman. Maiba naman upang makapagpahinga sa mga bashing ng ating mga mamamayan na kapos sap ag-unawa sa Sistema ng ating Gobyerno, maiba naman upang hindi na masisi sa mga kalsadang ipinapagwa na wala sa ating control, maiba naman sa lahat ng pagkakataong hindi natin makontrol ang madaming bagay sapagkat wala sa mga kamay natin ito. Maiba naman kung sa palagay ng iilan ay hindi na tayo naging sapat sa kanila. Humihiling ako at hangad ko pa din ang tagumpay sa pamamahala ng susunod na pamunuan. Ang taong bayan ang pumili ng mga bagong lider, ang kanilang pagpili ang magbibigay ng kahulugan sa pamumuno. Kung ano man ang maging bung anito, taong bayan din ang magsasabi.

Ang aking pang huling mensaheng ito ay nais kong punuin ng pasasalamat. Una ay sa ating Poong Maylikha. Salamat dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na maging isang lider ng Bayan. Madami akong natutunan, mga aral na hindi mawawala sa akin habang ako ay nabubuhay.

Maraming Salamat Mayor Joric Gacula, ang aking BEST TAYTAY Mayor. Salamat dahil piniga mo kaming ibigay ang the best para sa Bayan ng Taytay, salamat sa lahat ng tulong, salamat sa lahat ng pag-gabay, salamat sa lahat ng paghubog, hindi ako magiging Vice Mitch kung hindi dahil s aiyo. Salamat dahil hindi kalamang naging lider para sa akin, kundi naging isa kang ama para sa aming lahat. Salamat sa lahat ng aking kasamahan sa development team, na siyang kasama ko din sa 11th Sangguniang Bayan. Salamat dahil naging isang pamilya tayo. Salamat dahil sa inyong kasipagan, talino at pagmamahal sa bayan, marami tayong nagawa para sa Bayan ng Taytay. Salamat din sa aking pamilya, at mga kabigan na naging supportive sa aking karera bilang isang public servant, sa inyo ako kumukuha ng lakas at gabay. Sa aking mga kasamahan sa trabaho, sa ating mga staff sa araw araw kong kasama, maraming maraming salamat. May mga pagkakataong hindi tayo nagtutugma, maaring may nasaktan ako, ako po ay bigyan ninyo ng paumahin, sapagkat ang araw araw sa buhay ng isang lingkod bayan, araw araw din ang pagkatuto. Higit sa lahat, sa mga mamamayan ng Bayan ng Taytay, maraming salamat sa inyong pagmamahal at pagtangkilik sa akin sa maraming taong lumipas. Umasa po kayo na andito lamang si Vice Mitch, sakaling kailanganin po ninyo ako, hindi po magsasara ang aking pintuan.

Hanggang sa muli Bayan ng Taytay, Mabuhay Tayong lahat.

Action Taken:

Remarks:

SK Pres. Zyrell May B. Villanueva

SK Pres. Zyrell May B. Villanueva
139th Regular Session
June 20, 2022

Isang magandang araw po sa atin. Pagbati sa ating masipag na Presiding Officer Vice-Mayor Michell Bermundo gayundin sa ating mga kasama sa 11th Sangguniang Bayan at sa ating SB Secretariat. Sa ating mga panauhin sa bulwagang ito at pagbigay kilala rin sa ating ama ng Bayan Mayor Joric Gacula. Hindi man po ako ang kasama niyong nagsimula sa 11th Sangguniang Bayan, hindi man po ako ang kasama ninyo sa loob ng tatlong taon, alam ko po kung gaanu ninyo sinuportahan at ginabayan ang ating mga nakasamang SK Federation President dito sa konseho. Kami man ang pinaka bata sa konseho ay binigyan niyo pa rin kami ng pagpapahalaga bilang taga representa sa kabataan at hinayaang gumawa ng mga programa at activities na kapaki-pakinabang para sa kabataan. Sa ating Mayor Joric Gacula, maraming salamat po sa inyong pagsisilbi sa Bayan sa loob ng ilang taon, isa kayo sa mga taong sumuporta sa bawat aktibidad ng kabataan sa buong Taytay. Isang mabigat na trabaho ang pagiging alkalde at sa bawat pagdi-desisyon ay marami dapat ikunsiderang aspeto. Kaya’t bilib po ako sa inyo dahil sa loob ng ilang taon ay kinaya ninyo at pinagbuti po ninyo ang inyong pagsi-serbisyo para sa taongbayan. Sa ating Vice-Mayor Presiding officer Mitch Bermundo maraming salamat po dahil naging kaisa rin po kayo ng Sangguniang Kabataan ng Taytay sa isang mabuti at pantay na pagsi-serbisyu para sa kabataan. Maraming salamat po sa pagbibigay halaga sa saloobin at representasyon ng bawat miyembro ng konseho. Sa bumubuo po ng 11th Sangguniang Bayan, bagamat po tayo ay ilang buwan lamang nagkasama, ako po ay taos-puso sa inyong mainit na pagtanggap sa akin bilang miyembro ng 11th Sangguniang Bayan. Sa loob ng ilang buwan na ito, ay nakita ko kung paanu ninyo pinag-iigi ang inyong mga trabaho mapa legislative work man o community work. Nakakatuwa na mapabilang sa mga tao na ang nasa puso ay tunay na pagsi-serbisyu para sa bawat sektor ng ating lipunan. It is my honor to work along side all of you. Maraming salamat po sa inyong gabay, suporta at tulong sa buong Sangguniang Kabataan ng Taytay. Maraming salamat din po kay Sec Sonia at sa ating masisipag na miyembro ng secretariat team sa inyong puso at dedikasyon sa inyong gawain. Isang mabigat na trabaho po ito at kahit marami po kayong dapat ipripara ay hindi po nawawalan ng oras para tumugon pagmay mga katanungan kami at pagkami po ay nagpapaturo sa Sangguniang Kabataan ng tamang paggawa ng mga minutes at proseso ng pagpapasa ng mga resolusyon at ordinansa. Bagamat tayo rin po ay nasa huling yugto ng ating pagsasama-sama bilang 11th Sangguniang Bayan, alam ko po na hindi dito matatapos ang ating pagkilos para sa mamamayan ng Taytay. ang taong mulat sa kalagayan ng Bayan ay patuloy na titindig para sa Bayan. Kami po sa Sangguniang Kabataan ay patuloy na magiging katuwang ng pamahalan para sa isang progresibong bayan. Ako at ang bumubuo ng Sangguniang Kabataan ay kaisa ng bawat Taytayeño sa paghangad ng isang aktibo at progresibo at mabuting pamamahala. Bilang pangwakas, nais ko lang pong muling banggitin na, “lahat tayo ay pwedeng maging magaling na leader pero huwag po sana nating makalimutan maging isang mabuting leader.” Maraming salamat po and that we all face, God may be Glorified.

Action Taken:

Remarks:

LnB Pres. Frank Luster L. Santos

LnB Pres. Frank Luster L. Santos
139th Regular Session
June 20, 2022

Sa ating Taytay Best Mayor, Joric Ricardo Gacula II, maraming salamat po sa inyong pag-gabay sa aimn sa 11th Sangguniang Bayan. Sa ating Tagapamatnugot/Pangalawang Punong Bayan, Michell B. Bermundo, maramign salamat po sa pamumuno nyo sa amin. Sa aking mga kasamahan sa konseho, Kgg. Sophia “Pia” Cabral, maraming salamat po. Kgg. Ma. Jeca Villanueva, maraming salamat po. Kgg. Patrick John Alcantara, maraming salamat po. Kgg. Joanne Marie Calderon, maraming salamat po. Kgg. Ceferino Resurreccion, Jr., maraming salamat po. Kgg. Konsehal Kyle Gacula, maraming salamat po, Kgg. Ma. Elaine Leonardo, maraming salamat po, Kgg. Philip Jeison Cruz, maraming salamat po, at sa ating SK Federation President, Zyrell May. Villanueva, maraming salamat po.

Hindi man tayo nagkakaisa sa prinsipyo at idilohiya, nagkakaisa naman tayo sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa ating mga kababayan. Sa totoo lang po, natuto po ako sa bawa’t isa sa inyo, kaya’t ikinararangal ko po na kayo ay makasama sa 11th Sanggunian. Sa ating Sangguniang Bayan Secretary, Sonia Samson at sa Secretariat, ganun din po sa mga Sangguniang Bayan staff, maraming maraming salamat po. Ito na pala yung ikinukwento ng Tatay ko na former Councilor Mon Santos nuong siya ay maupo bilang konsehal at nag-iisang konsehal na elected mula sa Barngay Muzon na kung saan ay naranasan niya at naging bahagi ng paggawa ng batas para sa ating bayan na ipinapatupad ng Punong Bayan. Ako po ay naging kabahagi ng kanyang panunungkulan pero nasa likod lamang ako nuong mga panahon na yon. Kaya naman nuong siya po ay matalo, nuong siya ay muling tumakbo bilang konsehal ay nasabi ko sa aking sarili, na babalik po kami sa serbisyo publiko sa Bayan ng Taytay. Sa kabila ng kanyang dedikasyon sa panunungkulan at mga nagawang ordinansa ay yun po ang kanyang sinapit na hindi ko inaakalang sa katauhan ko na po pala matutupad yung pagbalik sa ating Bayan ng Taytay sa biyaya ng Ating Panginoon. Kaya naman nuong maging Barangay Kagawad po ako sa Barangay Muzon, hanggang ngayon naging Punong Barangay na ako at Pangulo ng Liga ng mga Barangay ay binibigay ko ang aking serbisyong nasimulan ng aking Tatay. Happy Father’s Day po sa lahat ng mga Ama na nandito ngayon.

Nuong mahalal ako bilang Brgy. Kagawad sa Brgy. Muzon, ay nangangapa po ako dahil ito ay isang parte din ng lehislatura at nabibibago dahil sa ibang yugto na ito ng aking buhay. Dito ko naranasan na maliitin at matahin ng aking mga beteranong kasamahang kagawad, na sa salita natin ngayon ay ma-bully, pero dahil dito natuto po akong mag-aral at lumaban. Dumadating na lahat ang mga kasamahan ko ay kalaban ko na sa deliberasyon, pero talo man ako dahil nasa kanila ang bilang, sa totoo lang po nag-enjoy po ako. Dahil nasabukan ko na tumayo at ipaglaban ang aking prinsipyo kahit nag-iisa lang ako. Dala ko yan nuong maupo ako sa konsehong ito, ngunit malaki din pala ang pagkakaiba. Dahil dito ay kailangang palagi kang nakatayo sa komite na naka-atang sa akin bilang nasa Barangay Affairs, na masasabi ko kapag nabanggit pala ang salitang barangay ay asahan po ninyong palagi akong tumatayo sa podium upang ipagtanggol po ang limang (5) barangay dito sa Bayan ng Taytay.

Sa 11th Sangguniang Bayan ng Taytay ng nakaranas ng pinaka-malaking hamon at dagok na din na dulot ng pandemya na matatala sa kasaysayan ng buong mundo. Mapag-aaralan ng ating mga anak or ka-apu-apuhan, ito po ang lagi kong binabanggit sa mga privilege speech ko sa aming barangay, na kapag ka-dating po ng araw na pag-aaralan po ito ng ating mga anak at mga apo. Ang tanong po duon ay nasaan po tayo, nasaan po tayo habang nahihirapan ang ating bansa, nasaan tayo habang nagugutom ang bawa’t pamilya, nasaan tayo habang namamatay ang ating mga kababayan. Tayo ba ay nagbibigay ng solusyon o dumadagdag pa sa problema. Mas masarap isipin na kahit wala na tayo sa panunungkulan o sa mundong ito, mapag-aaralan ng mga susunod ng henerasyon na tayo ay tumutulong upang muling makabangon ang ating bayan at hindi para sirain ang gobyerno at ang mga namumuno dito.

Nuong nakaraang Linggo lang po isa sa in-attend-nan kong seminar, sa speech ng ating DILG Barangay Affairs, USEC Martin Diño ay binanggit niya na hindi lang pala dito sa Bayan ng Taytay hindi dumaan ang Social Amelioration Program para sa mga barangay kundi sa buong bansa. Dahil ito po ay nai-atang sa MSWD upang ibahagi sa bawa’t pamilyang Pilipino. Kaya sa mga kasama kong Kapitan sa Bayan ng Taytay, na nagkaroon ng tampo sa mga namumuno sa bayang ito dahil lang po dyan sa SAP, ito na po ang kasagutan. Ang kapangyarihan ng Lehislatura ay ang paggawa ng resolusyon at ordinansa na gagampanan ng Ehekutibo o ng ating Punong Bayan. So ano man pong nai-pasa natin dito, yun po ay nagbibigay ng giya sa ating Punong Bayan, upang kanyang gawin sa Bayan ng Taytay.

Ang serbisyo publiko ay hindi nasusukat sa haba ng termino, kundi sa dami ng naihain at nai-pasang ordinansa at tulong na rin para sa ating bayan at ganun din po sa naging pagkilos natin sa oras ng pangangailangan.

Maraming salamat po sa Ating Panginoon sa pagkakataong ito na ibinigay nyo sa akin upang maging miyembro ng 11th Sanggunian at akin ding mga kasamahan. Ako po si Liga ng mga Barangay President, Frank Luster L. Santos, maraming salamat po.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
139th Regular Session
June 20, 2022

Magandang hapon po sa ating taga-pamatnugot at sa atin pong mga kasamahan. Ng matapos ang bilangan noong 2019, lumabas na mag-isa lang ako sa aming line-up. Hindi ko alam kung anu ang kalalagyan ko sa Pamahalaang Bayan at sa Sangguniang Bayan ng Taytay bagamat ang ilan ay nakasama naman na natin sa nakaraang konseho ay hindi ko pa rin alam kung anu ang aking i-expect. Kaya’t pinapaabot ko po ang pagpapasalamat sa ating Punong Bayan, Mayor Joric Gacula sa pagkupkop at pagpapakita ng mabuting pakikitungo sa akin mula ng gabi ng proklamasyon hanggan sa kasalukuyan. Nagpapasalamat din po ako sa ating Presiding Officer, Vice-Mayor Mitch Bermundo dahil kailanman hindi niyo po ako pinagsarhan ng pinto bagkus ay pinakitunguhan ng mabuti simula sa kauna-unahang sesyon hanggang sa huli. Salamat po Vice pagkalinga sa Sangguniang Bayan ng Taytay – salamat po Vice Mitch. Salamat din po sa mga kasamahan nating konsehal na marami akong natutunan at natunghayan na iba’t ibang punto de bista at kuru-kuro na nagpalawak sa ating kaisipan. Salamat din po sa mga tumayang kasamahan na bagamat hindi ako kahanay ay kanilang pinagkatiwalaan at kinuhang miyembro ng kanilang komite – salamat po sa tiwala. Committee on Peace and Order ni Konsehal Patrick Alcantara, Committee on Ways and Means ni Konsehal Pia Cabral at Committee on Transportation ni Konsehal Gene Resurreccion. Sa mga hindi po pumili sa inyong lingkod sa kanilang mga committee – peace po sa inyo. At kay secretary Sonia Samson na nasindak dahil sa unang wika sa aming unang pagkikita, ang sabi niya sa akin, “Councilor Papoo Cruz I am accepting a lot from you.” Nawa’y na arok ko po ng kahit papaanu ang hamon ninyo, salamat po sa paggabay at masusing magganap bilang kalihim ng Sanggunian. Pinagaan niyo po, sampu ng inyong mga bataan sa secretariat ang aming trabaho sa Konseho. Sa pagputok ng pandemya na binago ang buhay ng lahat, maraming nagsara ngunit may mga oportunidad din na nagbukas. Nabigyan tayo ng lahat ng pagkakataon na maglingkod lampas sa itinakda at mag-isip ng mga pamamaraan na makakaagapay sa ating mga kababayan na kagaya natin ay nangangapa sa drastikong mga pagbabago. Mapalad po na mapagkatiwalaan ng ating mga kasamahan na mag-akda ng pinaka unang ordinansa patungkol sa guidelines ng ating Bayan sa paglaban sa Covid-19 at doon tuloy-tuloy na ang ugnayan para sa pagganap sa trabahong mas higit pa sa hinihiling ng pangkaraniwang panahon. Talaga ngang may purpose ang bawat sitwasyon. Nadaanan ko ang isang taludtod na nagsasaad na, “and we know that God causes all things to work together for good to those who love God, to those who are called according to his purpose.” Tayong 11th Sangguniang Bayan ng Taytay, Konsehala Pia, Konsehala Jeca, Konsehal Patrick, Konsehala Joanne, Konsehal Gene, Konsehal Kyle, Konsehal Boknay, Kapitan Buboy, SK Zai at mga nakasama natin sa loob ng termino na itoKapitana Vivian, SK Arky, SK Jannah at SK Roda. Sa pagtimon ng ating Vice-Mayor Mitch Bermundo at OVM Staff maging ng buong SB Secretariat na pinamunuan ni Sec Sonia at lahat ng mga staff ng mga konsehal sa buong 5th floor. Tayo ang hinirang at pinahintulutan ng Panginoon na maglingkod sa Bayan ng Taytay sa panahon ng walang kasiguraduhan at lahat ay hindi natin alam. Dahil alam ng Siyos ang bawat isa sa atin ay makakatugon, kaya’t sa inyo pong lahat – salamat at pinadali niyo ng bahagya ang mahirap. Salamat at pinalinaw niyo ang minsa’y malamlam, salamat at pinili niyong maglingkod sa gitna ng kawalang katiyakan. Baunin natin ang mga aral na napulot natin sa mga talakayang narinig, sa mga bagay na nasaksihan natin at mga pinagdaanan natin sa gitna ng pandemya. At sa gabay ng Diyos sama-sama po nating maisasara ang yugtong ito ng ating buhay bilang mga lingkod bayan ng pinagpalang Bayan ng Taytay. Isang karangalan po na makatrabaho ang bawat isa sa inyo sa loob o labas man ng bulwagang ito. Mapalad po ako na pwede ko kayong tawaging mga officemates, workmates at kapwa lingkodbayan, mapalad po ako na nakasama ko kayo. God Bless po sa bawat isa.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ma. Elaine T. Leonardo

Coun. Ma. Elaine T. Leonardo
139th Regular Session
June 20, 2022

Magandang hapon po sa lahat ng panauhin na naririto, sa aking mga kasamahan sa 11th Sangguiniang Bayang, sa pangunguna ng ating Hon. Vice Mayor Mitch Bermundo, sa ating SB Secretariat at sa lahat ng bumubuo nito.


Gusto ko pong sumulan ang aking talumpati sa salitang “SALAMAT”.

Salamat, Vice Mayor Mitch Bermundo sa iyong liderato ng 11th sangguniang bayan sa loob ng tatlong taon, Salamat sa pagpapamalas mo ng kalinga, malasakit at dedikasyon sa Sanggunian.

Salamat, dahil sa aking unang termino pinagpala tayo ng magandang sumila at minulat tayo na mayroong pagkakaunawaan, pagbibigayan at may pagmamahalan sa samahan, kaya naman ipinagmamalaki ko itong 11th sanggunian dahil sa terminong ito, buong puso tayong nahulma at pinatatag sa ibat ibang karanasan na ating kinaharap.

Sinimulan ang ating unag taon ng bulkan taal, covid19 pandemic at ibat ibang variant nito kasunod ng mga bagyo, pagbaha at iba pang mga sakuna at sa dulo nito ay nangibabaw ang kapakanan ng ating mga kababayan, pagbabayanihan at pagtutulungan sa kapwa ang nanatiling nanaig sa 11th Sanggguniang Bayan.

Ang tatlong taong terminong ito ay napakabilis, para bang dumaan lamang at para bang marami pa tayong nakaligtaan at hindi naisakatuparan ukol sa ating mga layunin. Pero kung ito ay susumahin napakarami nating hinarap na iba’t-ibang sitwasyon, karanasan at mga aral na NAGBAGO sa pagsasagawa at katuparan ng mga polisiya, programa at proyekto sa sating bayan.

Kaya binabati ko po ang ating Vice Mayor Mitch Bermundo, “You did great, Vice”, thank you sa tatlong taon na napakahalaga and we appreciate you. You’re an inspiration to all of us!

Sa ating mga kasamahan sa 11th sangguniang bayan, Councilor Pia, Jeca, Patick, Joan, Gene, Kyle, Papoo, Kap, Buboy at SK Zai.

Maraming Salamat sa inyo, our workplace is more motivating and enjoying place because of you guys! Sa lahat ng hinarap nating pagsubok, we faced and solved it together. Dahil tayo ay sama-sama at iisa para sa kapakanan at kabutihan ng ating bayan, walang imposible, ika nga, we can do great things “together”

Sa 11th SB Secretariat at sa lahat ng SB Staff maraming Salamat sa inyong pagmamahal, sakripisyo at malakasakit sa ating ginampanang trabaho. We value each one of you! Saudo kami sa inyo! Dahil naging haligi tayo ng progreso, transformation at development ng terminong ito.

Sa pagtatapos ng aking unang termino.

-Let’s celebrate our achievements
-Commit to the work ahead of us
- at bilang opisyal ng ating bayan we will keep ourselves accountable!
Sa lahat ng ating pangarap, plano at magagandang proyekto sa ating bayan. Kayang kaya natin yan abutin para sa mga susunod na henerasyon. as long as we are working together nothing is impossible for our beloved town Taytay.

Muli maraming Salamat po sa tatlong taon. I learned a lot and I will keep learning. Thank you Mayor Joric Gacula, Vice Mayor Mitch Bermundo, 11th Sanggunian and to everyone for your guidance and support!

Mabuhay po tayong lahat! God bless us all

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.
139th Regular Session
June 20, 2022

Magandang araw po lahat ng ating mga kababayan.

Ako po si Ceferino "Gene" Resurreccion, Jr. Nanunungkulan na konsehal ng Bayan ng Taytay mula pa noong mga taong 1998 hanggang 2001, taong 2004 hangang 2007 at taong 2013 hanggang sa taong kasalukuyan. Ang aming pamilya ay taos pusong nagpapasalamat sa mga pagtulong ninyo sa amin simula pa sa panahon ng aking ama na si dating Vice Mayor Nonong Resurreccion. Nanungkulan sya bilang Barangay Kagawad at Kapitan ng Brgy. Sta Ana noong 1982-1986, bilang Konsehal ng Bayan noong 1988-1992, at kauna-unahan na nanalong independent Vice Mayor sa Bayan ng Taytay noong 1992-1995. Ako po si Ceferino "Gene" Resurreccion, Jr. Nanunungkulan na konsehal ng Bayan ng Taytay mula pa noong mga taong 1998 hanggang 2001, taong 2004 hangan
Sa panahon naman po ng aming mga panunungkulan ng aking ama, ay maipapahayag naman po namin sa mga mamamayan ng Bayan ng Taytay na hindi sila nabigo sa pagkakahalal sa amin, sapagkat ginampanan po naman namin ng taos sa puso ang aming mga tungkulin. At sa loob ng limang (5) termino na pinagkatiwala nyo, ay aking pong kababaan loob na iulat sa inyong lahat na nakagawa o nakapag-akda ako ng mahigit 300 resolusyon at ordinansa, na pinakikinabangan ng ating mga kababayan. At para naman po sa inyong kabatiran ay ang aking pong ama ang nagsulong na magkaroon po tayo ng bagong palengke, noon siya ay nanungkulan konsehal ng bayan.

Ilan sa mga ordinansa at resolusyon na aking naiakda ay Resolution #99-2016 - “Municipal Senior Citizen Social Fund (cash gift)”, na ngayon ay pinakikinabangan na ng halos 30,000 senior citizens sa ating bayan. Ordinance #44-1999 - regulasyon ng tricycle at nagbibigay ng pribilehiyo sa ating mga kakabayan na makapaghanap buhay sa pagtatricycle. Resolution #144-2004 - Pagpapagawa ng Bagong Munisipyo. Res. #121-2005 - panukalang pagdagdag ng mga barangay sa Bayan ng Taytay. Bagamat hanggang ngayon ay di pa nagkakaroon ng kaganapan. Res. #113-2004 - panukalang pagsasaayos ng lumang sementeryo, na hanggang sa ngayon ay aking inaadbokasiya, dahil wala naman po yatang konsehal na gustong mabansagang “konsehal patay’?. Mga alituntunin at regulasyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng bayan tulad ng Ord. #4-2019 - Public-Private-Partnership-Program (PPPP)..... Pagsasaayos ng mga usapin sa palupa sa Floodway. At sa aking panunungkulan bilang chairman ng housing and land use ay nasimulan ang pag aaward ng lupa sa floodway A&B na sa kasalukuyan ay meron ng halos 800 na nabiyayaan ng palupa ng NHA. Gayun din ay tinulungan natin ang mga tga Sitio Bukal Uno na maipamahagi sa kanila ang mga lupang kanilang kinatitirikan, ng walang hiningin kabayaran ang may-ari ng lupa. Gayun din ang San Isidro Labrador HOA sa Brgy Dolores na atin din pong nagabayan para magkaroon ng katuparan na “Direct Buying Scheme” ng lupang kanilang matagal ng tinitirhan. Community Mortgage Program (CMP) sa Hapay na Mangga, ang kauna unahan sa Taytay, na nabiyayaan ang 250 pamilya. At sa iba pang mga lugar at mga subdivision sa ating bayan na atin din pong natulungan sa mga usapin sa palupa o mga pag turn over ng mga road lots at open spaces ng mga subdivision upang maipagawa ng pamahalaan na mga covered courts at mga school buildings at multi-purpose buildings. Res. #88-2005 - Pagsasaaayos ng lupang pagtatayuan ng Univ. Of Rizal System-Taytay Campus. Res. #146-2017 - establishing NBI office in Taytay Res. #245-2014 - pagpapagawa ng sports complex, cemetery, trade center, college campus at material recovery facilities. Noong taon 1999 ay aking iniakda na madeklara ang Taytay na maging “Garments Capital of Rizal”, at makalipas ang dalawangpung taon(20), noong 2019, ay akin naman inaakda na ang Taytay ay maging “Garments Capital of the Phils” at itinatag ang “Taytay Garments Council”. Kaalisabay na din nito ang Ord. #734-2022 - regulating “textile cones”. Res. #179-2017 - ang “Tech for ED” program o kilala sa tawag na “pag me wifi - me hanapbuhay”. Akin din pong iniakda ang Res. #309-2021 - upang maitayo sa bayan ng Taytay ang “An Information Technology (IT) Park” or the “CYBERPARK SIERRA” along Ortigas Ave. na pag aari ng Robinsons Land Corp. Na nagbibigay daan sa mga malalaking investor na mag invest sa bayan ng Taytay. Res #74-2006 - establishing TESDA branch in Taytay, na matatagpuan sa gawing likod ng ating bagong munisipyo. Res. #263-2017 - establishing “Senior High School” in Taytay. At marami pang iba tulad ng mga regulasyon sa trapiko at pang kapayapaan, pang edukasyon, pang kalusugan, at inprastraktura gaya ng pagtatayo ng mga school buildings at
day care centers.

At hanggang sa huling sandali ng aking termino bilang konsehal, ay aking pong iniakda na maging 4,000 piso na ang tatanggapin ng ating mga senior citizens sa taon na ito. Dahil sa malaki naman po ang naging karagdagan sa ating annual budget, kayat minarapat natin na mabigyan ng mas magandang biyaya ang ating mga senior citizens. Sana po ay mas makatulong ito sa mga pangangailangan ng ating mga katandaan dito sa ating bayan.

Mga kababayan, marami pa po akong pangarap para sa ating bayan. Ngunit di lahat ay agad agad maisasakatuparan. Kailangan ng masusing pag-aaral at marubdob na pagsasaliksik. Kaya’t minarapat namin na sana’y maipagpatuloy ng aking asawa ang mga simulain. Ngunit sadyang hindi pinagbigyan ng tadhana. Sa anumang kadahilanan ng kabiguan.....tanging Diyos lamang ang nakakaalam.

Maaring hinahagad na din ako ng panahon. Sabi nga ng aking mga kaibigan...i am the “the last of the mojicans” sa konseho. Lagi na lang nababansagan....pinaka”beterano” o “pikamatanda” sa konseho? Tunay nga naman po. Sapagkat sa aking tatlong (3) huling termino, ay ako ang laging “eldest” or “oldest” sa mga nanalo. Medyo malayo na ang pagitan ng edad ng mga kasunod ko. Malaki na ang “age gap”? Ngunit hindi edad ang nakapigil sa aking pagnanais na makapagsilbi sa bayan. Bagkus dinala ko ang aking mga karanasan at kaalaman sa loob ng parlamentaryo at nakipag tagisan ng talento sa mga batang mambabatas ng bayan. At sa apat na sulok ng bulwagang ito ay pinatunayan ko at binahagi sa mga nakasama ang mga naisin, na alam kong magiging bahagi ng ating aklat ng kasanayan sa konseho.

Mga kababayan, naging malaking bahagi na ng aming buhay ang paglilingkod sa ating bayan. At pinagpapasalamat namin sa Panginoon ang pagbibigay Niya sa amin ng mga pagkakataon upang makapagsilbi sa taong bayan ng Taytay. Bagamat mahirap ang mga pinagdadaan halalan upang makamit ang ninais na upuan. Kailangan ng matinding sakripisyo at pag aalay ng sarili upang maging karapatdapat sa paningin ng bayan. At ito’y bahagi na ng debosyon upang maibahagi sa bayan at sa mamamayan ang biyayang talento at mga munting kakayahan na nagmula sa ating Panginoon Diyos. Nawa’y naging karapatdapat kami doon. At kung muli pang pagbibigyan at itutulot ng Maykapal, ay taos puso at bukas palad pa din namin tatanggapin ang hamon, na maging instrumento ng patuloy na pag unlad ng bayan at paglago ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Bayan ng Taytay.

Maraming salamat sa lahat ng aking mga nakasama sa panunungkulan mula noon hanggang ngayon. Sa mga Mayor, mga Vice-Mayor, mga Konsehal, mga Kapitan at kagawad, mga SK at kagawad, at sa lahat ng secretaries at staffs..... lahat po kayo ay bahagi na ng aking kasaysayan...salamat po sa mga masasarap at matatamis na karanasan....at naway walang mapait na alaala na maiiwan dito.

At kung maisusulat ko pa ang aklat ng aking buhay.....asahan ninyong kayo’y bahagi ng mga pahina nito. At naway maging inspirasyon ito ng mga susunod sa ating mga yapak.

Pagpalain po palagi ng Poong Maykapal ang Bayang aking niyakap at minahal, niluwalhati at pinaglingkuran......at titingalain habang buhay.

Maraming salamat po.


Gumagalang,

Ceferino “GENE” Resurreccion jr.
Konsehal ng Bayan

Action Taken:

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
139th Regular Session
June 20, 2022

Mapagpalang araw po sa ating lahat.

Jeremiah 29-11,

For I know the plans I have for you, declares the Lord. Plans to prosper you and not to harm you, plan to give you hope in the future.”
Ang paglilingkod po sa kapwa ang nagbigay daan sa akin upang higit na pagbutihin pa at magpatuloy sa paglilingkod. Sa aking unang termino bilang konsehal, madalas ko pong sabihin sa aking sarili na pagkaka-ingatan ko ang tiwalang ibinigay sa akin ng aking mga kababayan na naniniwala at patuloy na sumusuporta.

Patuloy na magsusulong na mga karapatan at kapakanan ng mga seniors, PWD, solo parent, children welfare and gender equality. Naniniwala rin po ako na ang isang epektibong pamahalaan ay may malasakit sa kaniyang nasasakupan.

Sa ating unang termino bilang miiyembro ng sangguniang bayan, sinubok ng pagkakataon ang aking kapasidad sa paglilingkod lalo na ng dumating ang pandemya. Siniguro po natin ang partisipasyon ng lahat sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa lahat ng nasasakupan.

Nagpasa ng resolusyon at ordinansa na makakatulong sa ating kapwa. Kaakibat nito ang malalaking obligasyon at responsibilidad na nakaatang na sa ating mga balikat. Dito na natin tunay na naintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang paglilingkod.

Isa sa mga adhikain at paniniwala ng inyong lingkod ay ang pagkakaroon ng participatory governance sa pamahalaang Bayan ng Taytay. Ang pagkakaroon ng boses ng bawat sektor at naniniwala na ang isang epektibo at functional na pamamahala ay nakikinig sa daing at hinaing at pagkakaroon ng tamang mekanismo with whole of government and whole society approach, ‘yan ang ginawa natin sa 11th Sangguniang Bayan.

Kaisa ng ating Punong Bayan George Ricardo R. Gacula II at Pangalawang Punong Bayan Mitch Bermundo, SB Secretariat Maam Sonia Samson at sa lahat ng bumubuo ng SB Secretariat, Legislative Staff, Office of the Vice-Mayor – maraming maraming salamat po sa inyo.
Ang aking lubos na pasasalamat sa aking mga nakasama sa paglilingkuran, muli lagi ninyong tandaan mula sa inyong Konsehal Joanne Calderon, “na kahit anu pa man ang aking pagdadaanan at pagdadaanan pa, Jesus Loves You at ang kalakasan at pagpapala ay sumainyo lahat.”

(Sgd.)
Kgg. JOANNE MARIE P. CALDERON
Konsehala

Action Taken:

Remarks:

Coun. Patrick John P. Alcantara

Coun. Patrick John P. Alcantara
139th Regular Session
June 20, 2022

Magandang Araw po sainyong lahat!

Sa ating Bise Alkalde Michelle Bermundo, sa ating mga kasamahang Konsehal ng Bayan, mga kawani ng Gobyerno at sa lahat ng mga bisita. Salamat po sainyong pagdalo.
Tatlong taon na ang nakalipas, maraming mga pagsubok at mga pangyayari ang dumating na hindi natin inasahan. Pandemya, bagyo sunog at iba pang mga suluranin na humamon sa kaalaman, ugali at determinasyon ng bawat isang empleyado ng ating munisipyo.
Maraming natutunan sa mga nagdaang taon ng paglilinkod sa bayan at sa ating mga kababayan. Maraming natuwa at marami rin namang hindi sumangayon sa patakaran na ipinatupad ng 11th Sangguniang bayan.

Isa lang po masasabi ko sainyo ang mga bagay po na aming pinagdesisyunan dito sa bulwagang ito ay masusing pinag aralan at binalagtas ng mga nakaupo sainyong harapan. Kayo po mga kababayan ko ang aming panuntunan upang mapangalagaan, maiayos at maproteksyunan ang inyong mga karapatan dahil kayo po ang dahilan kung bakit kami nakatayo sa aming tinutuntungan.

Ang mamayan aking boss. Kayo po ang nagpapasweldo sa lahat ng kawani ng gobyerno kaya asahan nyo po ang patuloy na Tapat at saPAT na serbisyo ng pamilya Alcantara. Kung meron man po kaming pagkukulang ipagpaumanhin nyo po. Kung kami man po ay umabuso sa inyong karapatan pagpaumanhin nyo po. Pero isa lang po ang masasabi ko sainyo at makakatingin ako sa mga mata nyo hindi po ako naging mapangabuso.
Sa mga nakasama ko sa 11th Sangguniang bayan maraming salamat po. Pwede ba kayong tumayo pagtinawag ko ang inyong pangalan VM Mitch Bermundo, Konsehal Pia Cabral, Konsehal Jeca Villanueva, Konsehal Joan Calderon, Konsehal Gene Resurreccion, Konsehal Kyle Gacula, Konsehal Elaine Leonardo, Konsehal Papoo Cruz, Kap Buboy Santos at SK Zai Villanueva. Maaari nyo po bang bigyan ng malakas na palakpakan ang ng honorables sainyong harapan? Salamat po at maari na po kayong maupo.

Ang samahan ng Sangguniang ito ay sinubok ng panahon, ito ay malalagay sa kasaysayan na ang 11th Sangguniang Bayan ang termino ng nagkaoon ng COVID-19 Pandemic na ikinatakot at ikinabahala ng lahat.

May mga nagkasakit at marami ang nasawi hindi lang sa ating bayan bagkus ganyundin sa sa buong mundo. Masasabi nating napagtagumpayan natin ng samasama ang delubyong duamaan sa ating buhay at panalangin ko na sana ay hindi na ito muling maulit pa.
Muli, sa 11th Sangguniang Bayan at aking mga nakasama at makakasama pa salamat sa ating samahan, salamat sa ating diskusyon, salamat sa ating ating pagtatalo at pag-aaway at salamat sa ating masayang tawanan at halakhakan. Marami akong natutunan sainyo, normal po sa lahat ng relasyon ang may tampuhan, away, pagtatalo at tawanan. Pero ang higit sa lahat salamat sa pagmamahal nyo sa bayan. Bawat karanasan ko po ay nakaukit sa aking puso at isipan na dadalhin ko sa aking paglalakbay pa sa mundo ng pulitika.

Asahan nyo na iapagpapatuloy ko ang serbisyong may malasakit at pagmamahal sa kapwa.
Kung ang bayan ang mamayan ay isang halaman na Cactus ay Handa ako masaktan mayakap at mapaglingkuran ka lang.

Alam nyo po ba kung bakit? Paki taas nyo po ang kamay nyo at ituro sa taas.

Dahil No.1 po kayo sa puso ko.

Magandang araw po at pagpalain tayo ng poong may kapal.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ma. Jeca B. Villanueva

Coun. Ma. Jeca B. Villanueva
139th Regular Session
June 20, 2022

Hayaan nyo munang batiin ko ang bawa’t isa sa atin, pagbati po sa ating mga kasama sa Bulwagang ito, sa ating Vice Mayor/Madam Presiding Officer Hon. Michell “Mitch” Bermundo. Sa aking mga kasamang konsehal ng bayan, Coun. Pia Cabral, Coun. Patrick Alcantara, Coun. Joanne Calderon, Coun. Gene Resurreccion, Coun. Kyle Gacula, Coun. Boknay Leonardo, Coun. Papoo Cruz, LnB Pres. Kap. Buboy Santos, SK Federation Pres. Zy Villanueva. Sa ating masipag at sexy na Secretary, Mam Sonia Samson, at sa ating mga SB Secretariat Staff, Sangguniang Bayan Staff, sa ating mga kasama sa gallery, muli po magandang, magandang hapon po sa inyong lahat.


Napaka-bilis talaga ng panahon, tatlong (3) taon na pala agad ang lumipas. Kaya sinimulan natin ang termino na ito ng punung-puno ng excitement. Bawa’t isa sa atin ay may kanya-kanyang ilalatag na programa para sa bayan. Nguni’t pumasok ang Taong 2022, ito na ata ang most challenging term para sa ating lahat. Hindi natin inaasahan na ang buong mundo ay malalagay sa pandemya, walang instruction manual, walang tutorial sa youtube, walang “how to” sa google na para mai-guide tayo. We are all new to this pandemic, sinubukan agad tayo. Kung magbabalik-tanaw tayo nuong 2020 lockdown, duon ko nakita na walang mataas o walang mababa na position para magtulung-tulong sa ating mga kababayan.

Hayaan nyong ibigay ko ang aking huling Pribilehiyong Talumpati, para pasalamatan at bigyang kilala ang lahat ng ating mga kababayan, Walang mayaman, walang mahirap, empleyado man o volunteer, matanda o bata, dito ko nakita, naramdaman, natutunan na tunay na pagmamahal at malasakit ang ibibigay natin na serbisyo sa tao para sa Bayan ng Taytay. Bilang naging Chairperson ng Committee ng Health & Sanitation, sa panahon ng pandemya ay naisakatuparan natin ang isa sa mga pinapangarap nating proyekto, ang magkaroon ng pampublikong ospital para sa Bayan ng Taytay. Gusto kong pasalamatan ang ating Governor Nini Ynares na malaking biyaya na ito, dahil napapanahon ding kinakailangan natin ang malawakang serbisyong medikal. Ganun din sa ating Mayor Joric Gacula, na a hindi tumigil sa paglaban at sa pagsuporta sa proyektong ito. Hayaan nyo na rin na ibigay ko ang panahon na ito para pasalamatan ang mga naging bahagi ng aking pangalawang termino dito sa Sangguniang Bayan. Sa bumubuo ng SB Secretariat Staff, kay Mam Sonia, sa inyong lahat na naging laging gabay namin at tinuring kaming pamilya. Pasasalamat din sa aking mga kasamang konsehal, sa lahat ng tulong at bawa’t suporta na ibinigay ninyo para sa akin. Sa mga resolusyon, ordinansa na aking iminumungkahi para sa bayan. Sa magaganda at nakaka-hangang mga payo na naririnig ko bawa’t isa sa inyo. Sa pinagsamahan, pagkakaibigan na ipinaramdam ninyo, maraming maraming salamat po.

Sa ating Vice Mayor/Madama Presiding Officer, Mitch Bermundo, sa ipinakita ninyong kasipagan, pagmamalasakit sa lahat ng Taytayeño, sa naging Nanay namin dito sa konseho na ito. Sa walang sawang suporta at pagtulong ninyo para i-guide ang bawa’t konsehal sa Bulwagang ito, maraming maraming salamat po.

Ganun din sa ating Mayor Joric Gacula, sa kanyang limang (5) termino bilang Ama ng ating Bayan ng Taytay. Maraming maraming salamat po, sa gabay, sa suporta na laging ipinararamdam ninyo para sa 11th Sangguniang Bayan. Lalung lalo na sa pagmamahal ninyo para sa buong bayan ng Taytay.

Para sa pangwakas talumpati na ito, nawa’y lagi nating isa-isip, lagi nating isa-puso, lagi nating gawin at bitbitin ang nababanggit sa ating Councilor’s Creed na “as I thread the pathways of local legislation, may the Almighty guide my mind and heart that I shall be true to my constituents and the Filipino people.

Muli po, maraming maraming salamat, Mabuhay ang Taytay, to God be the Glory.
Thank you po.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
139th Regular Session
June 20, 2022

SAMA-SAMA SA PAGTULONG

Honorable Presiding Officer, my Fellow Colleagues and all of those who are now present in this final session of the 11th Sangguniang Bayan of Taytay, Rizal, magandang tangghali po.

I am deeply honored, and at the same time humbled, for being a part of the Sangguniang Bayan of Taytay, Rizal, which has been consistently recognized as one of the premiere municipality of the Philippines. I am thankful to all my colleagues from whom I have learned valuable lessons in how to face and overcome challenges, and how to seek comfort in God when all seems to be impossible. Indeed, He makes the impossible possible.

Before ending my stint as a three (3) termer councilor of our beloved municipality, I, together with Mayor Elect Allan De Leon and Councilors Elect JV Cabitac and Leng Calderon went to Malacañang to thank President Rodrigo Roa Duterte and Senator Bong Go. Honestly speaking, every time I have the opportunity to meet national officials, the first thought that I have is about Taytay, Rizal. I always carry with me the municipality to which I owe a lot. Taytay nurtured me and formed me as to who I am today.
That is why when we met PRDD and SBG, I thought of requesting Dialysis Machines. I was particular with the dialysis machines because I have seen the need of many Taytayeños who are undergoing dialysis in order to extend their lives or make them comfortable. I also thought that at the very least, families who have patients that need to undergo dialysis procedure will no longer encounter difficulties in making both ends meet. At least, they can focus on other needs of their family while being assured that their patient’s dialysis needs are met. Maybe we all think that this is such a simple reason, but often than not, it is the simplest reasons that make a huge impact.

I was not wrong. PRDD and SBG granted our request. They promised to give Taytay not just one (1) dialysis machines but five (5) of these.

After formalizing our request with a letter, it was coursed through PAGCOR which in turn provided for a Memorandum of Agreement with the Municipal Government of Taytay, Rizal regarding the delivery of the said machines.

Now, I am introducing a Resolution to authorize the incumbent Local Chief Executive to Sign the Memorandum of Agreement for PAGCOR in accordance with the Local Government Code. As I have said, this will pave the way for the realization of our request for five (5) dialysis machines that will not only help our constituents but will also pave the way for the delivery of better health services.

I hope that we can adopt this Resolution today, as this can also be counted as an accomplishment of the 11th Sangguniang Bayan.

This also signifies that after a divisive election, we are now and still moving forward with Taytay and its people as our priority.

Thank you, Honorable Presiding Officer.

Action Taken:

Draft Resolution No. 2206-064

Remarks:

SK Pres. Roda May A. Diño

SK Pres. Roda May A. Diño
127th Regular Session
March 15, 2022

To the 11th Sangguniang Bayan Council and my fellow public servants,

It was such a pride and honor to be standing and working alongside with all of you as we fulfill our responsibilities and promises to our fellow Taytayeños-and that is to help, support encourage and serve them with all our best. It was truly remarkable to be sitting next to each and everyone with you, and seeing how passionate and dedicated you are with your assigned duties and tasks

Ang aking pong pasasalamat sa walang sawang pagga-guide niyo sa akin simula sa unang araw ng aking temino bilang SK Federation President ng bayan ng Taytay hanggang sa huli, at gayundin sa pagtulong niyo sa aking mga staff. At bilang kinatawan ng mga Kabataan dito sa ating bayan, ang akin din pong lubos na pasasalamat sa walang tigil na pagtulong at pagsuporta niyo sa mga gawain o program ana aming ginawa para sa patuloy na ikauunlad ng ating mga kabataan. Patunay na kayo at kami ay patuloy na nagkakaisa para sa iisang mithiin-ang patuloy na pasiglahin at palakasin ang bayan ng Taytay. Muli, ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga aral, memories, experiences at tulong na inyong ipinagkaloob sa akin. Rest assured that all the lessons I’ve learned will not be put in vain as I will use those as I continue to serve my constituents as the SK Chairwoman of Barangay Muzon.

To a genuine, strong and patriotic public service-para sa kabataan, para sa bayan.

Magandang hapon po and God bless everyone!

Action Taken:

Remarks:

SK Pres. Zyrell May B. Villanueva

SK Pres. Zyrell May B. Villanueva
127th Regular Session
March 8, 2022

Isang maZalyang araw po sa ating lahat,
Una, nais ko po batiin ang ating mga kasama ngayon sa bulwagang ito-Vice Mayor Mitch Bermundo, ang ating mga konsehal-Konsi Pia, Konsi Jeca, Konsi Joan, Konsi Patrick, Konsi Kyle, Konsi Papoo, Konsi Boknay, Konsi Gene, LnB President Kap Buboy Santos, ang atin pong kasama sa SK Federation, SK Chairwoman Roda May Diño, gayundin sa ating Sangguniang Bayan Secretariat sa pangunguna po si Sec. Sonia Samson, nais ko rin ipaabot ang aking pag g aba ating Butihing Mayor Joric Gacula. Isang maZalyang araw para sa ating mga panauhin ngayong hapon para sa ika_____session ng Sangguniang Bayan.

Kahapon, tayo po ay nanumpa bilang bagong halal na SK Federation President ng Bayan ng Taytay at ngayon po ay naimbitahan sa pangkaraniwang pagpupulong na ito upang magpakilala bilang bagong president ng pederasyon ng Sangguniang Kabataan.

Tatlong taon mahigit na po tayo naglilingkuran bilang SK Chairperson sa aming barangay, at sa nakalipas na mga taon ay kung paano g aba sinupportahan ang aming mga kabataan ay ganon rin ang aming pag bigay supporta sa lahat ng programa at proyekto ng mga naupong SK Federation President sa ating bayan.

Gusto ko lang po kunin ang pagkakataon na ito upang ipahayag ang aking pag papasalamat, una sa ating mga kasamahan sa SK Chairperson ng bawat barangay, para sa tiwala nilan upang ipagkaloob sa akin ang position na ito. Gayundin sa aking mga kasamahan sa SK Dolores at sa aming mga kabataan, na patuloy na niniwala at sumusupporta po sa akin. Alam ko na kung paano po nila kami sinupportahan ay ganoon rin ang magiging supporta nila para buong SK Federation of Taytay. Maraming salamat rin po sa aking magulang at pamilya para sa walang sawang pag supporta sa aking mga nais gawin sa buhay. Maraming salamat rin po sa inyong lahat na kasama ko po ngayon dito gayundin sa ating Mayor Joric Gacula, dahil kayo po ay naniniwala sa kakayahan naming mga kabataan na maging mabubuti at magagaling na lider kabataan dito sa ating bayan.

Nais ko i-share sa inyong lahat ang dahilan bakit ako pumayag tmakbo noong bilang SK. Hindi ako desidido g aba takbo noon, tingin ko ay mahihirapan ako pag sabayin ang pagaaral ng medisina at paglilingkod sa bahay, pero pinagdasal ko po ito at nag seek sa church leaders ko. One time, may big event kami at volunteer medic po ako doon, may lumapit na isang patient at after naming siya bigyan ng first aid noon, tinanong niya kami kung okay lang na ipagdasal kami, nagulat ako kasi prophetic prayer ang ginawa ni Ma’am, pag dating sa akin sabi niya “You’ll be a lioness in your own community”. Tapos yung leader ko, said, maybe it’s the sign I was waiting for. And that’s when I said YES to the opportunity to lead and serve the people.

Looking back, after all the things na naexperience ko while in public service, maybe that prayer meant something talaga. A lioness lives in a jungle, and usually magulo ang jungle…and just like in public service, hindi lahat smooth sailing, as a leader you have to take the lead para sa iba, provide for, support and protect your people and at the time think on ways how to serve the people around you. Being a lioness, feeling ko, another quality of a female is being motherly and caring. Bukod sa pagiging strong, you also have the ability to nurture them. And it’s a beautiful thing, to be able to serve and touch the lives of other people.

Sa totoo lang po, halo halo po ang nararamdaman ko po ngayon, takot, kaba, excitement…Nakakatakot at nakakakaba mas Malaki na ang sakop ng ating responsibilidad… Mas maraming kabataan ang dapat natin maabot. Pero nakaka excite kasi, marami tayo pwede maging opportunity upang makadaupang palad ang iba’t ibang organizations at tao, at matuto mula sa kanila at gayundin ay makapaghatid ng iba’t ibang programa ang tingin po natin ay makakatulong g aba hubog ng kabataan. Sa totoo nga lang po, nakakatuwa, kahapon pa lamang ay may ilang pribadong tao at youth organization po ang nag message sa akin at nag pahayag ng supporta at nais na makipag partnership para sa iba’t ibang proyekto para sa kabataan. Bilang panimulang proyekto rin po, ngayong Friday po ay mag sisimula na ang OPLAN TULI Caravan, ito po ay amin na ring ginawa last year sa aming lang barangay at ngayon taon po ay atin po itong iikot sa ibang barangay bilang panimulang proyekto ng buong SK Federation of Taytay sa tulong rin po ng ating mga nakuhang volunteer doctors mula sa Rizal Medical Center, San Beda University, UERM, Our Lady of Fatima University at Chinese General Hospital.

Isa po sa nais kong makamit sa magiging temino ko bilang SK Federation President ay ang mas magkaroon ng matibay na ugnayan ang bawat kabataan ng bawat barangay. Gayudin ay mag bigay ng iba’t ibang opportunity para sa kapwa ko SK at sa aming mga kabataan upang idevelop ang kanilang mga sarili at ma-equip pa lalo bilang mga lider ng kanilang mga lugar. At alam ko po na maisasakatuparan po natin ito, sa tulong ng ating kapwa SK Chairpersons at kanilang council, at lalo sa supporta rin ng ating Mayor Joric Gacula, Vice Mayor Mitch Bermundo at mga konsehal. Asahan po Ninyo na ako rin po ay kaisa Ninyo para sa inyong magagandang hangarin para sa ating Bayan.

Bago po ako magtapos sa aking pribilehiyong talumpati, nais kong iremind po tayong lahat na when its God’s will then it is God bill. God wouldn’t bring you into certain situations unprepared, He will equip you and guide you journey. Kaya naman sa panahon po na tayo ay napapagod, nagsasawa or napanghihinaan ng loob sa paglilingkod, may we always be reminded of our WHYs, kung bakit g aba tayo nandito at naglilingkod sa kapwa.

Ayun lamang po at maraming salamat,

(Lgd.)
HON. ZYRELL MAY B. VILLANUEVA
Sangguniang Kabataan Federation President

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.
126th Regular Session
March 8, 2022

Simula po noon ako ay unang nahalal na konsehal sa bayan noon 1998, adbokasiya at panukala ko na ang pagdaragdag ng mga barangay dito sa ating Bayan ng Taytay. At maaring hindi pa nappapanahon noon ang nasabing usapin na yon sapagkat sa kabila ng me mga naniniwala sa magandang hangarin, ay maraming mga opisyales ng barangay ang ayaw sa panukala, dahil mababawasan daw ang kanilang mga “kaharian”?

Ngunit sa paglipas ng mga panahon, unti unti ng nauunawaan ng mga mamamayan ng Taytay ang kahirapan na malaki masyado ang mga barangay. Lalo na nun nagkaroon ng mga malalaking bagyo at pagbaha at iba pang mga sakuna at pandemya, na di naman natin lahat inaakalang magaganap. Doon napagtanto na mas magiging epekto ang serbisyo ng mga opisyal ng mga barangay kung sapat lang ang laki ng kani kanyang nasasakupan.

Ngunit alam naman po nating lahat na hindi madali ang hangarin na ito. Maraming mga teknikal at legal na bagay ang dapat pag aralan at paghandaan. At maraming pagkakataon sa aking paghahanda para dito ay maraming kalungkutan at pagkabigo ang aking naranasan. Kadalasan sa aking pakiramdam, nag iisa lamang ako sa laban na ito.

At maging ngayon sa aking huling termino bilang konsehal ay akin pa din sinikap na paghandaan at isulong ang pagdaragdag ng mga barangay. Marami ng umaasa ng pagdaragdag ng mga barangay, ngunit sadyang mapaghamon ang panahon? Dumating ang pandemya. At halos tumigil ang mundo para sa lahat. At kailangan unahin ang kaligtasan ng mga tao higit sa ano pa man. At maraming mga proyekto at iba pang mga prioridad na gawain ang kailangan ipaisang tabi muna upang unahin ang mga nagkakasakit at nagugutom. At ang aking panukalang pagdaragdag ng mga barangay ay kasamang napaisang tabi na muna.

Alam kong gipit na ang panahon ko sa ngayon. Malapit na naman ang halalan. At sa kabutihang palad, nagluwag nas ng kaunti ang sitwasyon ng pandemya. At sa tulong ng ilang mga teknikal na mga tao, ay nakagawa pa din kami ng ilang presentasyon ng mapa ng Taytay na naghahati hat isa ilang bahagi upang ipresenta na mga karagdagan mga barangay para sa ating Bayan ng Taytay.

Kaya’t mga kasama sa konsehong ito at sa ating mga mamamayan, nais ko pong ipresenta sa inyo ang isang plano o mapa na nagbabaha bahagi ng mga barangay sa Bayan ng Taytay. Mula sa kasalukuyang limang (5) barangay, ay akin pong ipinapanukala na magdagdag pa ng sampung (10) barangay, para sa kabuuang labing limang (15) barangay para sa ating Bayan ng Taytay.

Mga kasama dito sa konseho, kalakip ng pribilehiyong talumpati kong ito ang plano o mapa ng panukalang pagdaragdag ng mga bargy sa ating bayan. Dalangin ko’y mabigyan ito ng pansin at nawa’y maging bahagi ito ng ating kasaysayan. Na sa mahabang panahon, ay nakagisnan na natin na lima (5) lang ang barangay natin. At nawa ang panukalang ito’y makatulong sa ikauunlad ng ating bayan. At magkaroon ng matatag na istraktura political ang ating bayan upang mag higit na mapagsilbihan ang ating mga kababayan.

Magandang araw po sa lahat. Nawa’y me magpatuloy ng aking magandang hangarin sa Bayan ng Taytay. Pagpalain po nawa tayo ng Poong May Kapal.

Gumagalang

(Lgd.)
Ceferino “GENE” Resurreccion, Jr.
Konsehal ng Bayan

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Michell B. Bermundo ang nakalahad na komunikasyon sa Lupon sa mga Gawaing Pambarangay bilang pangunahing Tagapagtaguyod kasama ang Lupon sa Pabahay at Muling Pananahanan at Subdibisyon.

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
122nd Regular Session
February 8, 2022

PRIVILEGE SPEECH
February 8, 2022


Hon. Sophia Priscilla Lopez Cabral
Municipal Councilor


Madam Presiding Officer and fellow members, I am thankful that our sessions are now available for access as we open to the public. I am sincerely thankful that we have reserved seats at the back, so as our guests and constituents and who are invited to attend our sessions they can obtain a convenient condition as they observe thee full length of our session also to add, they can witness and attest our conduct and gestures during our session. Of course, we also have our specific sitting arrangement? and as I understand it, most and foremost, ang pagkakaayos ng mga upuan natin ay hindi base sa first come first serve basis kundi po base sa dami ng nakuha nating boto noong nakaraang eleksyon, kasunod and representative ng Liga ng mga Barangay at ng mga SK. Sad to inform you po aside from the facts which I stated, matagal ko na pong natanggap at nararamdaman at na-validate ko na sinusuri ng malalim at mabuti and aking mga galaw dito. Sad to Speak in fact I was branded as “Except One”. Kaya nga po ako ay nagpapasalamat din na kahit papaano pa minsan minsan ay nakakarating rin sa akin ang mga imbitasyon ng mga committee hearing natin. And I always ensure and make it a point to attend the committee hearings but limited only dun sa na-receive kong invitations on time to before the hearing or session. The invitation is primordial document for us to attend di ba? Without such means you are not invited! Siyempre, lahat dito ay nag-iisip na pantay-pantay naman tayo. Even the law speaks we are enjoying the same rights and privilege and duties as well. Do you agree? Or am I wrong? I STAND TO BE CORRECTED? I AM WRONG BECAUSE I am the except one? Let me give an example… During the implementation of the program of Taytay na tinatawag na “Tulong Alalay ng Best Taytay” na hindi naman natin mapagkakaila na galing sa pondo ng bayan, hindi man lang ako nasabihan o naimbitahan na sumama sa pagbigay nito. Even if all others were invited? DI AKO KASAMA BECAUSE I AM THE EXCEPT ONE?! FOR YOUR KONWLEDGE AND INFORMATION, I am still an incumbent councilor of Taytay! Except One nga ako but you vehemently denied my right! Let me ask you po? Bakit may pinapayagang magsasalita doon na hindi naman hinalal ng ating mga kababayan? Were they invited or at least informed where the activity will be held so that they can go there and join to speak? This is an act to disrespect where we are expected to deliver our jobs with highest respect and dignity and protect women’s right. Noon pong namimigay ng bigas, na original na pinamimigay sa program na “tulong alalay”wala naman yatang nagsalita noon, di po ba? At hindi naman sumasali ang mga nagfile ng certificate of candidacy ngayon, noon. Dahil malayo pa po ba ang eleksyon ng mga panahon na yon? Bakit po ngayon kailangang mag-overtime dahil malapit na ang campaign period? Hindi bale, ang mga Taytayenos na ang magpapasiya kung ginagamit sa ibang bagay ang tulong aalay, issue dito is the purpose, is it for humanity or for self interest? Tulong alalay nga po ba sa ating mga kababayan o tulong alalay para sa mga kandidato ng Development Team para sa darating ng eleksyon? Are we serving our people or serving our dreams to win in the electorate? Please do not misinterpret me! Maganda po na tinutulungan natin ang ating mga kababayan lalo na sa pandemyang ito. Sana nga po ay noon pang kasag-sagan ng pandemya natin ginawa ito, noong day one pa lang ng covid-19 at noong malayo pa ang eleksyon. Di po ba na may kasabihan na aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Kaya nga po ang inyong lingkod na The Except One ay naghanap ng mga makakatulong sa atin sa panahon ng pamdemya. Noong una pa man, sa kasagsagan ng pandemya, tahimik na akong tumutulong. Kaya nga po ako EXCEPT ONE! Hindi po nanggaling sa pondo ng ating munsipyo ang ating itinutulong at ito po ay nanggaling po sa National Government, kay President Rodrigo Duterte mismo at sa mga Senators and other private individuals, groups or organizations, whether local or international. At galing po yung iba sa personal na pondo ko. Ikinararangal ko po na ako ay ma-tag na except One dahil sa aking pagmamahal sa bayan. Dahil inaasahan ko na Except One po ako for the love of humanity lahat po ay ginawa ko para matulungan ko ating mga kababayan. I rather be hated of yours by speaking the truth loud than listening to lies! It is my highest intention and prayer and ray of hope that we amend the ordinance by providing that no person who filed their certificate of candidacy shall be allowed to speak during the implementation of the tulong-alalay program. Para naman po hindi isipin ng ating mga kababayan na nagagamit ang pondo natin para sa kandidatura at personal interest ng iba. Or an amendment could be made that For all who filed their certificate of candidacy can speak or attend the distribution of goods or item during the implementation of the tulong alalay program. But as of this time, I am afraid that an amendment will be too late. Baka akala ng iba pakitang tao na lamang. But I pray and hope that, in the future, an amendment will be made. Dahil dapat pantay-pantay as the law speaks, di po ba? We are all equal, di po ba? In your eyes, Except One nga pala! Anyway, considering that it is already the start of the campaign period and I know that we all know our existing laws. I also learned na marami palang mga mahihilig sa movie industry na uma-attend sa ating session. But I don’t know kung sila ay camera man or director. And I also learned that some of us here have hidden talents. Talentado, sabi nga. Kasi nga po, after ng session last time, ang daming malicious videos na naipost sa social media. In fact even outside of this hall, two individuals, from I don’t know from which office or if kung inutusan sila na videohan ako, (ayaw kong maging judgemental), took my video while I was returning here from a “call of nature”. Call of nature po kaya po ako lumabas. Nag number one po ako. Ayan, baka po ma misinterpret na naman ng iba ang sinasabi ko. So allow me to explain. Dalawa po ang ginagawa during the call of nature. They refer to them as number one and number two. Yung hindi po naiintindihan pa, paki research na lang. BASTA NAG BUMBER ONE PO AKO! It's awful on my part naman po, pero alam ko na very inappropriate na habang may nagsasalita noon ay bigla akong tatayo at sasabihin na; “Madam Presiding Officer, may I go out? Kaya nga po tumayo na lang ako at lumabas to answer the call of nature which I know it is not prohibited? As I pointed out earlier, nagkataon po na nakaupo ako sa hanap kaya doon ako dumaan. Yumuko po ako habang dumadaan out of respect to the presiding officer and the one who is speaking. Yun po ang wisdom na itinuro sa atin ng mga magulang at nakasanayan natin, isang kultura ang pag respeto at pag-galang. Ngayon, kailangan pa po ba nating mag adopt ng “May I go Out Rule”? On my part, just kindly ask me kung gusto niyo pong malaman kung saan ako pupunta. And OK lang din po kung gusto ninyong sumama. AND…FOR THOSE film makers who attended the session who made the big deal about this ISSUE. Photogenic po ba ako kaya maraming nag vi-video sa akin? Or talagang pinabantayan lang ang mga kilos ko at pinapa videohan ako? IT HAPPENS TO ME ALONE BECAUSE I am the Except One? nga po pala kaya kailangan ganon ang gawin sa akin. Do I truly deserve this vexation? A lawful and elected official? I think it is high time that in order to prevent this, we should adopt rules and regulations regarding the videos taken during the sessions. Baka po officially, naka video naman po ang ating session. Para po kung may edited versions na iuupload, pwede nating ma-clarify by posting the official video taken by our secretariat. Or we can even prevent our guests and visitors taking videos. But we can give a copy of the official video if they want one subject to the reason they may give when they make a request. Very Talentado nga po kasi yung ibang kumukuha ng video. Hindi natin alam, bini-videohan na pala tayo, kahit mukhang may iba silang ginagawa. Baka minsan nakatago pa nga sa what seems to be an innocuous place ang celpon o camerang ginagamit nila. At malamang ay nakikita at navivideohan din nila ang mga talentado na nasa likuran natin. Baka kahit habang tayo ay nagsasalita, pinapakita nila ang pagka talentado nila. Tapos, wala tayong control sa pag edit at pag post nila sa facebook ot other social media platforms. Pero pwede naman natin sabihin na at least napakita na natin ang pagka talentado natin, di po ba? they have the rights to free access but with such limitations defined by law! Tayo naman pong mga fellow members, I think we are responsible enough kung ano ang gagawin natin dito during the sessions. We may take selfies or videos or even showcase kung gaano tayo ka talentado as long as we are not hurting others. And I think that our privilege is with a duty to be responsible with all our actions while in session. Kasi nga po, pantay-pantay po tayo di po ba? For the interest of justice and fair play I pray for highest respect for each one of us regardless of what political side we belong. From Except One, siyempre.

(Sgd.)
SOPHIA PRISCILLA L. CABRAL




Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
114th Regular Session
November 9, 2021

Nalalapit na naman po ang pag-aaply at pag-rerenew ng mga negosyo sa pagpapalit ng taon. Itong panahon din ng BER months ang karaniwang “peak season” para sa ating mga kababayan na nasa sektor ng Garments Industry na mas kilala sa kolokyal na terminong “Tiangge”. Ngunit dahil sa pandemya, ang inaabangang siksikan sa mga tianggean ay tila baga napalitan ng pagkabalisa. Ang dapat sana’y hanggang madaling araw na pagtitinda ay naging hanggang umagang pag-iisip kung kailan muli babalik sa dati. May mga nakasabay sa pagbabago at nakadiskarte ng mga inobasyon sa pagbenta ng kanilang mga paninda at mayroon ding halos nakakaraos lamang.


Napaisip po ako kung paano kaya na kahit papaano ay makatulong tayo sa isa sa mga pangunahing sektor na naglagay sa Taytay sa mapa bilang Garments Capital of the Philippines. Nagkonsulta po tayo sa ating Punongbayan at sa pinuno ng ating BPLO sa kung saan tayo pwedeng makapagbigay ng diskwento sa mga tungkuling panghanapbuhay ng ating mga magtiya-tiangge. May ilang mga bayaring pangregulasyon ang nakita natin na pwedeng bawasan na makakatulong sa ating mga maliliit na garments producers na hindi naman makakaapekto ng malaki sa target na kikitain ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito ay akin pong inihahain sa kapulungan ang isang Ordinansa na magbibigay daan sa ating hangarin na makaalalay, kahit papaano, ang ating administrasyon sa ating mga kababayan. Akin pong iminumungkahi na ito ay maisama sa mga tatalakayin sa araw na ito.

Maraming salamat po at magandang hapon!

(Lgd.)
KGG. PHILIP JEISON J. CRUZ
Konsehal

Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
100th Regular Session
August 3, 2021

Sa patuloy na pagbabago ng panahon, kasabay ng pagbabago ng pasahe ng ating bayan ay ang patuloy ang pagharap natin sa mga epekto ng tinatawag na climate change kung saan pinapakiramdaman pa rin sa atin, maging sa ibang lugar ang pag baha.

Iba’t ibang proyekto na ang mga ginawa at patuloy na ginagawa ng local at pambansang pamahalaan, simula pa nuong araw ngunit kulang na kulang. Nariyan ang pagtaas ng mga kalsada, pag lagay at pagkukumpuni ng mga drainage system at iba pa, ngunit hindi pa rin sapat. Marahil ang pagiging “catch basin” mg ating lugar, paglago ng populasyon at mga establisyamento at pagbara ng daluyan ng tubig ay ilan lamang sa kadahilanan.

Kaya kinakailangan ang patuloy na inobasyon kung paano maiibsan, kundi man talagang mawawakasan itong pagbaha na panahon pa ng mga ninuno natin ay nararanasan na. Sa kadahilanang ito ay naghain po tayo sa 10th Sangguniang Bayan ng panukalang Kautusan na may titulong “TAYTAY RAINWATER COLLECTION ORDINANCE”


Dalawa ang pakay ng Ordinansang ito, Una ay makabawas ng mga tubig ulan na mapupunta sa mga kalsada tuwing tag-ulan at magamit bilang “non-potable water” reserve tuwing tag-init.

Nais ko po muli itong ihain sa kapulungan sa 11th Sangguniang Bayan at nawa’y mapaglaanan na ng oras para mapag-aralan at magkaroon ng makabuluhang diskusyon kasama ang iba’t ibang kawani ng ating Pamhalaang Bayan ng Taytay.

Maraming Salamat po at Magandang Hapon!

Action Taken:

Ayon sa Tagapamatnugot/Pangalawang Punong Bayan Kgg. Michell B. Bermundo ang nabanggit na Draft Ordinance No. 1810-015 paukol sa Taytay Rainwater Collection Ordinance ay naihain nuong panahon ng 10th Sangguniang Bayan. Kung kaya naman ito ay kanyang nait

Remarks:

Vice Mayor Michell B. Bermundo

Vice Mayor Michell B. Bermundo
97th Regular Session
July 6, 2021

Isang mapagpalang araw at masaganang hapon na puno ng pag-asa sa ating lahat. Hayaan po ninyo sa pagkakataong ito ay aking bigyan ng pagkilala ang aking mga kasamahan sa ika-11th Sangguniang Bayan na aking naging kasama at katuwang sa paglilingkuran: Coun. Pia Cabral, Coun. Jeca Villanueva, Coun. Patrick Alcantara, Coun. Joanne Calderon, Coun. Gene Resurreccion, Coun. Kyle Gacula, Coun. Elaine Boknay Leonardo, Coun. Papoo Cruz, LnB Pres. Kap. Frank Luster Santos at ang ating SK Federation Pres. Roda May Diño.

Isang mataan na pagkilala naman ang nais kong ipa-abot sa Ama ng ating bayan na walang sawang gumagabay bilang Ama naming lahat, ang ating Best Mayor, Kgg. George Ricardo R. Gacula II. Salamat sa kanyang walang kapantay na tulong at suporta sa ating lahat, lalo’t higit sa ating mga mamamayan. Makalipas ang dalawang (2) taon ng paglilingkod maraming pagsubok ang nagdaan, lalo’t higit ang pandemyang ating nararanasan. Tayo ay nanatiling matatag at isa sa naging sandigan ng ating lokal na pamahalaan upang makamit ang pangarap na the best para sa mga mamamayan ng ating mimamahal na Bayan ng Taytay. Sa kabila ng lahat ng pagsubok na dulot ng pandemya, tayong mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay patuloy na gumanap sa ating sinumpaang tungkulin para sa ating mga kababayan. Ang lahat ng ating pagkilos ay isa ng legasiya kung paanong nagkaroon ng magandang bukas ang ating bayan. Makikita din ng mga susunod pang lider ng ating bayan, kung paano ang 11th Sangguniang Bayan ay naging seryoso sa kanilang tungkulin para sa bayan. Narito po ang audio-visual presentation ng lahat ng accomplishment report ng 11th Sangguniang Bayan mula July, 2020 hanggang June, 2021 na katuwang ng inyong lingkod sa pagpasa ng mga ordinansa at resolusyon para sa ating bayan. Atin din pong tunghayan ang mga programa ng inyo pong lingkod kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ng ating Punong Bayan

(Video Presentation)

Sa pagkakataong ito nais ko pa din bigyan ng diin ang aking sinabi sa unang araw ng ating panunungkulan na “ang uri ng liderato na nais nating bigyan ng katuparan ay kagaya ng bungkos ng abaka, puno ng tibay at hindi masisira kahit ulanin o arawan man, ngunit wala namang silbi kung ito ay iilang hibla lamang. Iisa lamang ang ibigsabihin, tayo ay kikilos ng iisa, sasagwan patungo sa ating pangarap.” Tunay na marami tayong magagawa kung ang ating puso at isip ay iisa lamang ang hinahangad. Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Kaya naman ako po ay buong pusong nagpapasalamat sa miyembro ng 11th Sangguniang Bayan sapagka’t hindi matatawaran ang inyong walang kapagurang pagtalima sa tungkulin. Maraming salamat sapagka’t palagiang nagniningas ang inyong mga damdamin upang sa tuwina ay maging lakas ng ating mga kababayan. Kinikilala ko din at pinasasalamatan sa pagkakataong ito ang lahat ng kawani ng aking tanggapan, ang Office of the Vice Mayor, ang ating SB Secretary, Ms. Sonia Samson, mga kawani ng ating SB Secretariat, mga Legislative Staff at ating mga Department Heads. Sapagka’t binigyan buhay din ninyo ang aming gawain ng walang pag-iimbot sa halip ay puno ng malasakit sa amin, sa ating mga kababayan at sa ating bayan. Higit sa lahat salamat sa Dakilang Lumikha, sa dalawang (2) taong lumipas na tayo ay Kanyang pinuno ng biyaya at ginabayang maging tapat sa ating mga sinumpaan tungkulin. Kagaya po ng ating sinabi nuong simula pa lamang “kami ay nandito para magbigay ng the best serbisyo sa bawa’t mamamayang Taytayeño, hindi pa tapos ang ating laban. Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap, nguni’t tandaan po nating lahat mananatiling kasama ninyo ang 11th Sangguniang Bayan na kaagapay ng ating Punong Bayan upang mas lalo pa nating pag-ibayuhin ang ating paglilingkod.” Makakaasa po kayo na sa paglipas pa ng mga araw,buwan at taon, mas lalo pa nating pag-iigihin, sisipagan at hindi magpapabaya sa ating tungkulin para sa ating bayan. Kaya naman sama-sama tayong manalangin upang malagpasan ang mga pagsubok na dulot ng pandemya at sabay-sabay tayong bumangon tungo sa magandang kinabukasan para sa mga mamamayan ng Bayan ng Taytay. Muli, maligayang pagbati ng ika-2 Taong Anibersaryo ng 11th Sangguniang Bayan ng Taytay, mabuhay tayong lahat, mabuhay ang Bayan ng Taytay.

Action Taken:

Remarks:

Mayor George Ricardo R. Gacula II

Mayor George Ricardo R. Gacula II
97th Regular Session
July 6, 2021

Maraming maraming salamat po, maupo po tayong lahat. Ako po ang nagtanggal ng aking faceshield pansamantala, more than 1-meter naman ang aking distansya kay Kon. Jeca.

Sa mga kagalang-galang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Taytay, our Hon. Vice Mayor Mitch Bermundo, Kon. Pia Cabral, Kon. Jeca Villanueva, Kon. Patrick Alcantara, Kon. Joanne Calderon, Kon. Gene Resurreccion, Kon. Kyle Gacula, Kon. Elaine “Boknay” Leonardo, Kon. Philip Jeison “Papoo” Cruz, ang ating LnB Pres. Kap. Buboy Santos, SK Pres. Roda May Diño, our Sec. Sonia Samson at sa lahat po ng mga kawani ng ating Sangguniang Bayan at ang ating SB Secretariat, sa lahat po ng mga panauhin, isang magandang hapon po sa inyong lahat.

Ang inyo pong Punong Bayan ay bumabati sa inyo ng isang maligayang anibersaryo ng paglilingkod sa Sangguniang Bayan. Tayo po ay nasa pangalawang taon ng pagsagupa sa pandemya ng covid-19. Ako po ay nagpapasalamat sa ating Sangguniang Bayan na naging very supportive po lalung-lalo na ng mga panahon ng ECQ kung saan ang Sangguniang Bayan ay naging instrumental upang mapa-bilis natin ang ating mga pagtulong sa ating mga kapwa tiga-Taytay. Alam nyo po na ipinamalas ninyo ang kaisahan ng Sangguniang Bayan nuong mga panahon na dapat nating magbigay ng mga mahahalagang batas upang ito ay itugon sa mga pangangailangan ng national government upang ang ating mga kababayan ay makatanggap ng ayuda. Ganun din po ay nagpapasalamat ako sa mabilis na aksyon ng Sangguniang Bayan upang magbigay ng suporta para sa ating Municipal Health Office sa plano ng pagbili ng mga bakuna laban sa covid-19. Sa masamang palad lang na ang bakuna po na ating balak bilin ay hindi maisakatuparan dahil po sa crisis na hinaharap na shortage ng covid vaccine sa buong mundo. So ito po ay hindi lamang nararanasan dito sa ating bansa, sa ating bayan kung hindi sa buong daigdig na kung saan ang mga tao ay aware na ligtas ang bakuna. Kaya’t sa biglang awareness ng mga tao ay lahat po agad-agad gustong magpa-bakuna laban dito sa ating covid-19. Ang Sangguniang Bayan po ay working hand in hand with the executive department kaya po sa ngayon ay kasama kayo sa aking pasasalamat na from hundreds of covid cases nitong mga nakaraang buwan. Today po ang official count po ay nasa line-up 2 digits na lang, 80 plus na lang po and we are hoping na sa pagpapatuloy ng mga inyong ginawa na tailor-made na mga health protocols para sa ating mga establishments, para sa ating mga lansangan ay inaasahan natin na patuloy na bababa ang numero ng infection ng covid sa ating bayan. So parating na naman ang ating panahon kung saan tayo ay gagawa ng budget, ang aking pong panawagan at pakiusap sa bawa’t miyembro ng Sangguniang ay ilagay ang kalusugan pa rin sa prayoridad dahil naniniwala ako na hangga’t hindi pa fully vaccinated ang 75% na mga taga-Taytay ay nadyan pa rin at umaaligid pa rin si covid-19. Ang ating pong target po ay katulad din ng goal ng national government na by December ay masayang pasko para sa ating mamamayan kung saan 70% ng ating mga kababayan ay mababakunahan. Kamakailan tayo po ay nakipag-ugnayan sa ating Presidential Sopkesperson Harry Roque na kung saan ipinarating niya sa aming mayors na ang Pangulo po mismo ang umorder ng more than 200 million doses of vaccines. Sa Estados Unidos po they are nearing their goal, they already 80% or 85% vaccinated. So after that sabi ni Pres. Joe Biden kapag ang 85% ng mga amerikano ay nabakunahan na, they will release more than 2 billion doses of Pfizer to the countries at kasama po dyan ang bansang Pilipinas. Ganun din po ang bansang China at ang bansang Russia na kinukumpleto ang target nila para sa kanilang mga mamamayan at ito po ay malapit na. After that ay ire-release po yan sa mga bansa na hindi gumagawa ng bakuna ng covid-19. So ang ating bayan po ay so far nakapag-cope-up po tayo sa pandemic although syempre may mga buhay po na nawala sa ating mga kababayan, dahil po sa magandang pag-uugnayan ng Ehekutibo at ng Sanggunian ay masasabi ko na nakapag-cope-up din tayo kahit po mabigat ang hamon ng nakaraang 2 taon. So sa araw pong ito ay nagpapasalamat ako sa imbistasyon ng ating Pangalawang Punong Bayan/Vice Mayor Mitch at sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Bayan na makapagsalita sa inyo at I will take this opportunity also to thank each and everyone of you sa inyong mga kasipagan, sa inyong mga ginawa na paghihirap although syempre napakabigat ngayon. Ito siguro ang pinakamahirap na termino na inabot ko sa aking history ng pagiging Punong Bayan, akala ko ay nuong Ondoy, ito ay second place ng Ondoy, siguro ay ito na ang pinaka-mahirap at ako’y nagpapasalamat sa Panginoon na kayo ay nakasama ko ngayon at although some of us came from different parties at tayo ay iba-iba ang ating mga agenda, nguni’t nagkaisa tayo upang mabilis nating matulungan ang ating mga kababayan dito sa kakaiba na naranasan nating ngayong 2020 at 2021. So ako’y nananalangin na sana ay bumalik na yung tunay na norman na kung saan ay nakikita ko na ang ating mga legislation ay patuloy duon sap ag-improve, sa pag-unlad sap ag-construct,sa pag-re-build ng ating ekonomiya at gusto ko rin na mabalik yung mga panahon na kung saan ang ating mga kapwa kasama sa trabaho ay patuloy na nakakapag-ugnayan sa mga iba’t ibang bayan at iba’t ibang lalawaigan ng ating bansa. Ang alam ko kasi ang mga konsehal, malaking tulong sa kanila yung kanilang mga seminars, yung mga PCL na lahat yan ay nawala nitong panahon na ito because of the pandemic. Kami man sa mga Liga ng mga Mayors ay hirap na hirap din po kami upang makipag-ugnayan. I hope this will go back to normal, kasama po natin ang ating Punong Lalawigan, Gov. Nini Ynares nitong nakaraang linggo at siya po ay nagpahayag din na inspite of all this ang ating lalawigan ay patuloy na tumataas ang antas ng ating lalawigan at ang kompiyansa ng mga negosyante sa Lalawigan ng Rizal ay nasa pinakamataas na level pa rin. Ako ay natutuwa rin na ibalita sa inyong mga member ng Sanggunian na nitong nakaraang linggo ang Bayan ng Taytay ay naging isa sa 9 na siyudad, ang kaisa-isang munisipyo na napabilang sa 9 na pinili ng Department of Information, Communication and Technology bilang Digital City sa ating bansa, Kaya po ako ay naniniwala na sa inyong ipinasa batas, I think it was authored by Coun. Gene na ang pangalawang Techno Hub na itatayo dito sa ating bayan ay maisasakatuparan with the full support of the DITC, yan po yang Robinsons TechnoHub. Sana po ay patuloy natin na pag-ibayuhin ang ating commitment sa ating mga constituents at kami po sa Ehekutibo ay kaisa ninyo sa magandang layunin ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Patuloy po at paulit-ulit ang aking sinasabi na stay safe and stay healthy, let us stay strong, mabuhay ang Taytay, mabuhay ang Lalawigan ng Rizal at mabuhay ang Bansang Pilipinas. Maraming maraming salamat po.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.
92nd Regular Session
June 1, 2021

Magandang araw po sa ating sa Pangalawang Punong Bayan at sa mga kapwa ko konsehal ng bayan.

Tumindig po ako muli sa kapulungang ito upang ipahayag ang ilan mga obserbasyon at mungkahi ukol sa usapin ng "boundary" ng mga bayan ng Taytay at Cainta.

Noon ika-29 ng Oktubre, 2019 ako po nag pahayag ng talumpati ukol sa usaping ito. Atin pong hiniling sa magkaroon ng pag uulat ang alin mang sangay ng ating lokal na pamahalaan upang tayo dito sa konseho ay bigyan ng mga impormasyon ukol dito? Ngunit hangga sa ngayon ay wala pa tayo natatanggap na ano mang impormasyon o ulat ukol dito?
Muli nais ko pong hilingin sa kapulungang ito na mabigyan pansin ang usapin ng "boundary dispute" sa ating kalapit bayan ng Cainta.
Noong nakalipas na araw ako po ay napadaan sa exodus floodway, Brgy. Sta Ana, Taytay Rizal, at akin pong napuna ang police patrol car at isang sirang patrol vehicle na me tatak ng Brgy San Juan Cainta, na nakaparada sa harapan ng Exodus Elementary School. At kapuna puna na ang patrol vehicle ng brgy san juan cainta ay sira at flat ang gulong? Ito po ba ay sinadya upang makita ng naninirahan doon na un ay sakop nila? At bakit me police station ang cainta sa lugar na iyon? Malayo pa po ang boundary ng Taytay At Cainta mula sa kinalalagyan ng eskwelahan? Parang ang hirap tanggapin, na pababayaan nalang ba natin sakupin nila ang lugar na iyon?

Kamakailan din ay aking nabalitaan na meron mga taga Greenland Taytay ang nag apply ng building permit dito sa Taytay, dala nila ang titulo ng lupa na sakop sila ng Taytay, ngunit ang kanilang amilyar ay sa Cainta? Dahil dito ay hindi sila nabigyan ng building permit dito sa Taytay. Sa akin pong pagkakaalam, mas dapat binigyan ng kahalagahan un titulo ng lupa? Ang tax declaration ay pagbabayad lan ng buwis o amilyar, at mas higit na matibay na basihan ay ang titulo ng lupa?

Mula noon pa, marami na tayong nabalitaan na ganyan pangyayari. Kaya minsan hindi na tayo nagtataka kun bakit nahihikayat un mga nasa boundary na sa "ibayo" pumunta, dahil na din sa kapabayaan natin dito sa Taytay. Naipaalam ko na po ito sa ating Punong Bayan at kanya pong bibigyang utos ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan na pagtuunan ang mga nasasakupan natin hanggang sa boundary ng cainta.

Sa gawing Ortigas Ave. Extension, Brgy San Isidro naman po, na kung saan ay siyang matagal ng pinagtatalunang "boundary dispute" ng Taytay at Cainta, ay patuloy ang pagdami ng mga establisyamento. At kung patuloy natin pababayaan, ay patuloy na tatamasahin ng cainta ang dapat ay tinatamasa ng bayan natin. Magandang balita naman ang pagpasok ng imbestor na Robinsons Land sa naturang lugar sapagkat kanilang kinilala na ang ilan sa lupain na kanilang pagtatayuan ng mga building at ibat ibang negosyo ay may titulo ng Taytay. Pagpapatunay na ang nasabing lugar ay nasasakupan ng Bayan ng Taytay.

Dahil sa mga kaganapan na ito, nais ko po hilingin sa kapulungang ito ang pagpasa ng isang resolusyon na humihiling sa Sangguniang Panlalawigan, sa pamamagitan ng ating Kgg. Gobernadora Rebacca Alcantara Ynares, na resolbahin ang usapin sa boundary ng Taytay at Cainta, upang magkaroon na ng kalinawan sa pagitan ng Taytay at Cainta.

Gayun din, nais ko pong hilingin na makapagpasa ang kapulungan ito ng isang resolusyon na humihiling sa kapulisan, sa pamamagitan ng ating Punong Bayan Kgg. George Ricardo Gacula II, na maglagay ng Police Station sa Exodus Floodway Brgy Sta Ana, Taytay Rizal. Upang maipakita natin sa mga nasasakupan natin sa naturang lugar na iyon ay sakop ng Bayan ng Taytay at ang presensya ng "Pulis Taytay" sa naturang lugar ay pagpapakita ng seryosong serbisyo pangkapayapaan. Gayun din ang ating katugunan sa mga nagdaang kaguluhan na nangyari sa lugar na yaon sa pagitan ng mga tricycle drivers at UV express drivers.

MARAMING SALAMAT SA KONSEHONG ITO. AT AKO'Y NANINIWALA NA SA ATING PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN, AY MAIDUDULOT NATIN ANG ISANG MATAAS NA ANTAS NG PAGLILINGKOD SA BAYAN.

PAGPALAIN NAWA TAYO NG PANGINOON.

Nagbibigay Pugay sa Lahat,

(Ldg.)
Kgg. Ceferino R. Resurreccion Jr
Konsehal

Action Taken:

Draft Resolution No. 2106-052 and Draft Resolution No. 2106-053

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
90th Regular Session
May 18, 2021

Binibining Tagapamatnugot, sa mga kasamang kasapi ng Sangguniang Bayan magandang hapon po!

Taytay, Rizal equals Garments Capital of the Philippines. Sa gitna ng pandemya ay patuloy parin ang pangunahing industriya na nagpatanyag sa ating bayan. May mga nakasabay sa pagbabago ng panahon gaya ng mga nakatawid sa online selling at reselling at mayroong nananatili sa mga tradisyunal na pamamamaraan ng pagtitinda sa mga pwesto at stalls. Kasabay ng pag-usbong ng mga patahian ng mga RTW at paglaki ng “demand” sa mga tela, sinulid at iba pang gamit sa pananahi, ay ang pagpasok ng mga investors mula sa labas gayundin ang mga banyaga na di hamak na mas malaki ang kapital. Kabi-kabila ang mga naitayong mga warehouse na nag iimbak ng mga tela. Maganda ito dahil nailapit sa mga kababayan nating nangangailangan ng tela ang bilihan at hindi na nila kailangang bumyahe ng malayo para makakuha ng mga tela. Ngunit ang nakakabahala ay ang
mga naging daing ng ating mga kababayan. Una ay ang pagpapatahi narin umano
ng mga may ari ng mga malalaking warehouses at direktang pagtinda narin ng mga yaring damit.

Sumulat tayo sa OIC ng BPLO noong May 7, 2021 para patignan kung ano ang saklaw ng “Business Permit” ng mga inirereklamong mga malalaking warehouses. Agad tumugon ang BPLO noong May 11, 2021 at inilahad ang “Date Established” at “Line of Business” ng mga naturang mga warehouse. 2018 ang pinakaluma at 2020 ang pinakabagong tayo. Nakumpirmang “Textile – Clothing Materials” ang kanilang permit at hindi ang pagpapatahi at pagtinda ng mga RTW. Makailang ulit na ring nagpa-spot check and ating Punongbayan sa pamamagitan ng BPLO at ilang mga establisyemento ang napasara at binawian ng “Business Permit”. Sa mga ganitong aksyon natin mapoprotektahan ang ating mga kapwa Taytayeno mula sa mga iligal na kalakal kaya’t hinihikayat natin ang BPLO, mga Barangay, ang Kapulisan at maging ang ating mga kababayang nasa linya ng garments na maging mapagmatyag at patuloy na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamahaalan. Upang tuluyang mapigilan ang mga ganuong gawain.

Ikalawa ay ang matagal na nating nababalitaan na nangyayari sa ibang mga lugar ngunit ngayon ay tila laganap na rin sa Taytay. Ito ay ang pagkakaroon ng semento sa loob ng mga rolyo ng carton sa gitna ng mga kinikilong tela. Ang mga cone na ito na may lamang semento ay umaabot ng tatlong kilo pataas at minsan pa ay dalawang layer na ng semento ang nakikita ng mga bumibili ng tela. Lugi sa timbang ang mga mamimili na makakakuha ng ganito. Kung magiging normal ang ganitong kalakaran ay argabyado ang ating mga kababayan dahil ang tatlong kilong tela dapat at patapon lang pala. Hindi rin ito marerecycle dahil nakadikit na ang bato sa karton. Dagdag basura ang katumbas nito.

Kaya’t nanawagan po tayo sa BPLO, sa PNP at maging sa DTI na kung maaari ay tutukan ang ganitong mga insidente at kalakaran; dahil bukod sa panlalamang sa ating mga kababayan ay magdudulot rin ito ng hindi magandang imahe ng ating bayan kung hahayan nating magpatuloy ang ganito.

Umaasa po tayong matutugunan ito sa lalong madaling panahon ng mga tagapagpatupad ng mga batas sa ating bayan.

Mapagpalang hapon po sa ating lahat.


Kgg. Philip Jesion J. Cruz
Konsehal

Action Taken:

Naitalaga ang Kalihim ng Sangguniang Bayan na bigyan ng kalatas kaakibat ang sipi ng talumpati para sa kanilang kaukulang aksiyon ang Tanggapan ng BPLO at PNP sa puna na naitala ng Pribilehiyong Talumpati ni Kon Philip Jeison J. Cruz.

Remarks:

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.
79th Regular Session
March 2, 2021

On this privilege hour Madam Presiding Officer and my colleagues, I must at the outset admit, that I find it hard to speak about matters connected with the administrative cases pending before this august body. And this is for obvious reason. To avoid prejudging the outcome of the case pending investigation and determination. I also find it even harder to initiate the crafting of the rules that will govern the conduct of the proceedings for these administrative cases because regardless of good faith and how completely honest we are, in enacting the needed rules, any of the parties involved may interpret the proceeding in a different light.

Be that as it may Madam Presiding Officer, the committee on rules, thru this representation, can not and will never ignore the fact that two administrative cases, distinctly and separately filed, are now pending before us. Yes, Madam Presiding Officer and my colleagues. I am referring to the cases filed before this Sangguniang Bayan involving some Barangay Officials of Brgy. Sta. Ana, wherein the proceedings related thereto were temporarily held in abeyance precisely because we are yet to enact the needed rules governing the conduct of the proceedings. Lacking which, the formal investigation of the same, in an orderly fashion cannot proceed.

Just a couple of weeks ago, we formally met and initially have discussed and explored the substantive aspects of the rules. Using all available references as guide, we have agreed on some of possible choices preparatory to the finalization of the working draft which may best be fitted in a Sangguniang set-up at the municipal level.

It may not be amiss to recall that one of these cases was inceptively referred to the Committee on Brgy. Affairs sometime February of 2020 which, as correctly pointed out in its committee report therein, that the jurisdiction over the complaint of such nature lies with the Sangguniang Bayan, to be proceeded with in accordance with the rules of procedure on administrative cases.

Indeed, times have been tough lately. Countless number of our constituents are still reeling to overcome the effect of the current movement restrictions to their livelihood. And yet, this Sangguniang Bayan will surely be distracted in its primary legislative duties, which normally as it should, be focused on social and economic measures, that our economy badly needs. With these administrative cases, we expect to be detoured in our usual legislative routine by going through and exercising quasi-judicial duties. True, the engine of our local economy is now gradually moving forward. But we still can see and feel the worries and anxieties among the gloomy faces of our residents impoverished amidst this current crisis. To them, life is but an unending cycle of drudgery and toil, a ceaseless struggle for survival, for the elemental right to just exist instead of truly living. To them full governmental response and assistance is needed but we, as public functionaries can only do so much.

On our part as member of this Sangguniang, we surely will not back down. Being the repository of legislative power in our municipality, we remain steadfast and continue to legislate measures of all types, amidst the worst crisis, peace and even in less tranquil times. And this includes the deliberation of the draft rules of procedure in administrative cases towards its eventual approval.

Thank you and good day.

Action Taken:

Draft Ordinance No. 2103-003

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
75th Regular Session
February 2, 2021

Binibining Tagapamatnugot, mga kapwa miyembro ng Sangguniang Bayan magandang hapon po.

“Ako na ang binangga ako pa ang nag multa…” “Kami na ang naabala lalo pa kaming naabala at napagastos pa.” “Bakit pati ako natikitan eh ako ang nabangga?”

Ilan lamang po ito sa mga katagang pangkaraniwang naririnig natin sa mga nabangga, naaksidente o nadamay sa mga aksidente sa sasakyan sa ating bayan. Maging ang mga nananahimik na mga nag mamaneho ng sasakyan na mababangga kahit walang kasalanan ay nabibigay ng Traffic Violation Receipt dahil ito daw ay nakasaad sa Section 1 (A) 40 ng Traffic Regulations Ordinance na nagpapataw ng P2,500 na multa sa “use and involvement by the driver in the commission of a crime”. Ang “commission of a crime” Madam Presiding Officer” is the act of perpetrating an office” o pag gawa ng pag kakasala. Malinaw na ang dapat lamang bigyan ng Ticket ay ang nakabangga at hindi ang nabangga. Maging ang pagkumpiska sa mga lisensya nang magkabilang partidong sangkot sa aksidente ay ang syang kasanayan.

Nakausap ko po ang ating hepe ng Kapulisan at nabanggit nya na kaya daw parehong partido sa insidente ang ini-issue-han ng ticket ay minsan kanya kayang bersyon ang pahayag ng mga tao. Hangga’t hindi daw napapatunayan kung sino ang talagang nagkasala at nabiktima ay kailangan ng pang-hold sa parehong panig. Valid ang ganitong pamamaraan ngunit pag napatunayan naman na ikaw ay naabala o biktima ay kailangan mo pa ring tubusin ang iyong lisensya sa pamamagitan ng pagbabayad ng multa sa Treasury Department.

Marahil ay mainam, na kung napatunayang hindi ikaw ang may kasalanan sa insidente o ang involved sa “commission of crime” ay mabigyan ka ng certificate o notice mula sa PNP o TRAFCOM na hindi mo kailangan bayaran ang multa para mabawi ang iyong lisensya.

Akin pong hinihiling sa ating mga kasamahan na kung maaari ay amyendahan ang probisyong ito sa Traffic Regulation Ordinance nang sa gayon ay hindi maging dagdag abala sa mga aksidenteng kinakabilangan ng mga sasakyan at mga nag mamaneho nito.

Maraming salamat po at magandang hapon po.

Gabayan nawa tayo ng panginoon.

(Sgd.)
KGG. PHILIP JEISON J. CRUZ
Konsehal

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Michell B. Bermundo ang nakalahad na komunikasyon sa Lupon sa Kapayapaan, Kaayusan at Kaligtasang Pambayan

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
64th Regular Session
November 3, 2020


PREBELIHIYONG TALUMPATI
November 3, 2020

Mapagpalang araw po Madam Presiding Officer at sa lahat na kasamahang lingkod bayan. Isang Ligtas at Makabatang Tanghali po sa ating lahat.

Ngayong buwan ng Nobyembre ay ating ginugunita ang National Children’s Month na may temang “Sama-samang Itaguyod Ang Karapatan ng Bawat Bata sa Panahon ng Pandemya!” Di naman lingid sa ating kaalaman na ang mga bata ay kabilang sa sektor na may higit na pangangailangan at kalinga sa panahon ngayon. Mahalagang mabigyan natin ng pansin ang kalagayan ng mga bata dahil nakasalalay sa kanila ang susunod pang henerasyon ng pamumuno sa ating lipunan.

Ang pagsulong ng kanilng karapatan at magandang kalusugan ay isa sa mga prioridad ng pamahalaan lalo na ngayong pandemya hindi lang sa Pilipinas pati narin sa iba’t ibang bansa. Kamusta na nga ba ang kalagayan ng mga bata sa ating bansa sa kinahaharap na pandemya? Ayon sa ulat ng Commission on the Welfare of Children (CWC), as of October 25, 2020 ang isa sa mga naging biktima ng pandemya ay ang mga Bata. Ang kabuuang bilang ng mga Batang tinamaan ng Covid 19 ay nasa 29,420, ang datus ng recoveries ay nasa 25,550 at ang pumanaw ay nasa 140 at ito nakakabahala. Sabihin man natin na hindi ang mga bata ang mukha ng pandemyang ito base sa dami ng ulat ngunit masusukat ang negatibong epekto nito base sa karapatan nilang mabuhay ,umuunlad, mapangalagaan at makilahok sa pamamagitan ng kakulangan o kawalan ng access sa mga pangunahing serbisyo na kanilang kinakailangan .

Sa pag pasok natin sa Modified General Community Quarantine ang mga batang edad 15 pababa ay di pa rin pinapayagan base sa Inter-Agency Task Force (IATF) at edad 17 pababa sa ating Bayan, dahilan upang malimitahan ang kanilang interaskyon, resultang pagmumukmok sa loob ng kanilang tahanan, na nagreresulta ng pagkaroon ng anxiety at depression.
Ayon pa rin sa Commission on the Welfare of Children (CWC) ang mga bata ay nakararanas ng mga sumusunod:

• 54% Kalungkutan takot at pangamba
• 41% Pisikal at Sikoloholikal na pang aabuso
• 84% naghahayag ng pangamba para sa kanilang sarili at pamilya
• 19% walang sapat na kamalayan

Nakapaloob pa rin sa usapin ng Bata ang mga isyu na tinalakay ko noong ako ay nag Prebelihiyong Talumpati noong March 3. 2020, on Children in Conflict with the law (CICL) at Children at Risk CAR); proper case management on exploited, abandoned, neglected, abused- physical, sexual, emotional, rape cases and custody cases/battle especially experts on handling psycho-social interventions; and Children in Need of Special Protection (CNSP) such as adoption cases, foster care, child trafficking, child prostitution, child pornography, cyber bullying, street children, child labor, OFW repatriated and illegal recruited/maltreated.

Not less than 100 cases per day on Violence Against Women and Children (VAWC), anti-trafficking, referrals, CAR, CICL, adoption, counseling ang naidudulog sa tanggapan na ating MSWDO, ganun din sa bawat Barangay ng ating Bayan. Higit na nakakabahala ang pagtaas ng datos sa usaping Bata.

Dapat din matugunan ang mga community-based services (individual, family esp marginalized sectors), disasters, informal settlers, internally displaced persons and pre-marital counseling and conflicts. Sa pagtatayo po ng “Bahay Pag-asa” sa bayan ng Taytay na kasalukuyan ng inaayos ng ating Local Chief Executive, ay isang malaking hakbang upang ang usapin ng mga ilang kabataan ay matugunan.

Kalakip sa prebelihiyong talumpati na ito, nais ko pong hilingin na mai refer sa tamang komite ang pag amyenda ng Ordinance No. 31 AN ORDINANCE ENACTING THE “CHILDRENS CODE” OF THIS MUNICIPALITY OF TAYTAY RIZAL series 2015.

At gayundin ang isang Draft Resolution na magbibigay ng tulong sa mga Learners with Special Education Needs (LSENS) mula sa paaralan ng ROSARIO OCAMPO ELEMENTARY SCHOOL, STA.ANA ELEMENTARY SCHOOL, CASIMIRO A. YNARES SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL , AT TAYTAY SENIOR HIGH SCHOOL na may 200 na bilang sa kabuuan, sa ating mga PWDs na may edad 15 pababa at sa ating mga mag aaral sa Day Care Center upang ito ay maitalaga sa Business of the Day for Today.

Muli, pagbati sa National Children’s Month.

(Sgd.)
KGG. JOANNE MARIE P. CALDERON
Konsehala

Action Taken:

Ang kalakip na pribilehiyong talumpati kaugnay sa kahilingan sa pag- amiyenda ng Ordinance No. 31 s.2015 entitled “An Ordinance Enacting the Childres Cod of this Municipality of Taytay” ay naitalaga sa Lupon sa mga Serbisyong Panlipunan at Ikatlong Ka

Remarks:

SK Pres. Jannah Roa D.P. Dazo

SK Pres. Jannah Roa D.P. Dazo
62nd Regular Session
October 20, 2020

Hello po, pag pasensyahan niyo na po ngayon lang po ako naka attend kasi almost 1 month po akong na-quarantine po… Pero ngayon po Masaya ako na nakabalik po at makapag goodbye sa inyo…

Magandang Tanghali po sa mga kasamahan ko sa Sangguniang Bayan, ganun din po sa ating Vice-Mayor Mitch Bermundo at sa mga Konsehal Magandang Tanghali po.

1Corinthians 16 verse 14 – do everything in love, I believe leadership is not define by age but it is define by willingness to serve and to love on what you are doing.

May mga nagtatanong sa akin, “anung kurso ang tinapos mo?,” Tourism “Bakit nag SK ka?” “Sana ganito, si ganiyan nasa eroplano na ikaw, Anung Plano mo?” simple lang ang sagot ko, Masaya akong nakikihalubilo sa mga taong-Bayan Masaya ako na naririnig ko ang iba’t ibang kwento at nakakatulong para sa ating mga taong Bayan at naramdaman ko ang pasasalamat ng bawat tao sa tuwing sila ay ating inaabot. Andami kong natutunan sa paglalakbay na ito, hindi ko akalain na mabibigyan ako ng pagkakataon na maging isang mambabatas at makasama ang masisipag na leader sa Bayan ng Taytay. Sa mahigit isang taon kong pamamalagi bilang SK Federation President sa ating Bayan, marami akong natutunan na lubos kong iingatan at gagamitin para sa mga kapwa ko kabataan. Siguro nga wala ako sa eroplano na nagwi-welcome ng mga pasahero, nakangiti sa kanila at bumabati ng Mabuhay Philippines, ngunit mayroon naman akong karanasan na hindi ko malilimutan at saya na aking naramdaman sa paglilingkod sa Bayan ng Taytay dahil para sa akin ang tunay na tagumpay ay ang pagiging Masaya at kuntento sa buhay.

Muli ang inyo pong SK Chairperson sa Barangay San Juan, SK Jannah Dazo, maraming salamat po, mabuhay po tayong lahat!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
57th Regular Session
September 15, 2020

Magandang hapon po sa lahat nang nasa bulwagan ng Sangguniang Bayan ng Taytay!

Madam Presiding Officer, sa huling update po ng MHO ay halos isanlibo na ang nagpositibo sa Covid-19 sa ating bayan, mapalad ang mahigit anim na raang gumaling na at atin pong pinapaabot ang pakikiramay sa 40 na hindi pinalad at sumakabilang buhay. Dalangin natin na bumagal na ang pagtaas ng bilang, kundi ay tuluyan nang tumigil ang pagkalat nito. Ang mga bilang pong ito ay yung mga natest lamang, maparapid man o swabtest. Kaya’t ang reyalidad sa buong bansa at maging sa buong mundo ay siguradong mas mataas ang aktwal na bilang ng mga tinamaan ng Covid-19.

Sa kabila ng mga inilalabas na guidelines ng IATF at mga Ordinances, Resolutions at Executive Orders ng Pamahalaang Lokal tumataas parin ang bilang ng mga kaso ng tinatamaan ng sakit na itinuring nang isang pandemya. Ang patuloy na pagkalat nito ay bunsod narin ng kakulangan ng kaalaman ng ilan sa ating mga kababayan tungkol sa peligrong dulot ng Covid-19 gayun din ang napakaraming mga nahuli dahil sa violations sa mga batas na patungkol sa Quarantine Protocols. Sa katanuyan maraming menor de edad ang nahuhuli sa iba’t ibang mga paglabag kahit antimano’y itinakda na bawal lumabas ang mga “below 21 years old” nang walang “valid reason” o makabuluhang gawain sa labas ng tahanan. Ilan sa mga pangunahing dahilan ng paglabag ay, una, kawalan ng kaalaman o impormasyon na sila ay bawal lumabas. Malabo ito dahil halos lahat ng kabataan ay updated sa social media. Pangalawa, kawalan ng pakialam sa mga kahihinatnan ng kanilang paglabag at ang pangatlo, na sana ay hindi totoo, ay ang kapabayaan ng ilang magulang na gampanan ang kanilang responsibilidad na pangalagaan at ilayo sa kapahamakan ang kanilang mga anak na wala pa sa wastong gulang.

Ang pandemyang kinakaharap natin ay mukang matagal-tagal pang mamamalagi sa ating komunidad. Huwag nating hayaan na masayang ang pagsisikap ng bawat kababayan natin na sumusunod sa mga patakaran. Hindi na kakayanin na gobyerno na lang ang kikilos, maninita, sasaway at huhuli sa mga menor de edad na maaaring makapagpakalat pa ng virus nang hindi nila namamalayan. Kailangan natin gumawa ng pamamaraan para maiwasan ang paglaganap nito gayun din ang pagdami ng mga kabataang lumalabag sa mga Protocol.

Kaya’t akin pong inihahain sa kapulungang ito ang isang Panukalang Ordinansa na magbibigay proteksyon sa mga menor de edad at papanagutin ang mga pabayang mga magulang o ligal na tagapag-alaga ng indibidwal na wala pa sa wastong gulang at mahuhuling lalabag sa mga Quarantine Protocols at mga Ordinansang patungkol sa pandemyang ating kinahaharap.

Ano ano po ang mga batas na tutungtungan ng nasabing panukala? Narito po:
1. Republic Act No. 7610: “AN ACT PROVIDING FOR STRONGER DETERRENCE AND SPECIAL PROTECTION AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION, AND FOR OTHER PURPOSES”

Section 2. Declaration of Policy and Principles – It is hereby declared to be the policy of the state to provide special protection to children from all forms of abuse, NEGLECT, cruelty, EXPLOITATION, and DISCRIMINATION, and other conditions prejudicial to their development.”

“It shall be the policy of the State to PROTECT and rehabilitate children gravely threatened or endangered by circumstances which affect or will affect their survival and normal development and over which they have no control.”

Section 3 (c) (6) "Circumstances which gravely threaten or endanger the survival and normal development of children" include, but are not limited to, the following;

Circumstances analogous to those above stated which endanger the life, safety or normal development of children.”

2. Republic Act No. 11332: “AN ACT PROVIDING POLICIES AND PRESCRIBING PROCEDURES ON SURVEILLANCE AND RESPONSE TO NOTIFIABLE DISEASES, EPIDEMICS, AND HEALTH EVENTS OF PUBLIC HEALTH CONCER… OTHERWISE KNOWN AS THE "LAW ON REPORTING OF COMMUNICABLE DISEASES"

Section 4 (f) (3) and (4) Objectives. -This Act shall have the following objectives:

(f) To ensure that public health authorities have the statutory and regulatory authority to ensure the following:

(3) Quarantine and isolation; and

(4) Rapid containment and implementation of measures for disease prevention and control;”

Sa pagkakaroon ng sariling Ordinansa sa ating bayan ay maisasalba natin ang mga kabataang menor de eda na susuway sa IATF Guidelines upang sila ay hindi mapatawan ng mga parusa na maaaring makalabag sa kanilang mga karapatan bilang mga bata bagkus ay ang mapatawan ng mga parusa o multa ay ang mga magulang o “guardian” na naging pabaya. Layunin nitong himukin an gating mga kababayan na maging parte ng solusyon sa pagdidisiplina, pagpoprotekta at pagiging responsable sa pagkalinga sa ating mga menor de edad.

Ngayon higit kailanman, inaasahan ang pagtutulungan ng bawat isa, bata man o matanda, nasa gobyerno man o nasa pribadong sector, frontliner man, backliner o homeliner, lahat ay may parte sa pagsugpo ng Covid-19 lalong-lalo na at hindi pa natin tanaw ang wakas.

Magandang hapon po at pagpalain at gabayan po tayo ng Poong Maykapal.


PAPOO J. CRUZ
Konsehal ng Bayan ng Taytay, Rizal

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pangalawang Punong Bayan Michell B. Bermundo ang nakalahad na panukalang kautusan sa Lupon sa mga Serbisyong Panlipunan at Ikatlong Kasarian

Remarks:

SK Pres. Roda May A. Diño

SK Pres. Roda May A. Diño
55th Regular Session
September 1, 2020

Madam Presiding Officer, allow me to read my privilege speech for this afternoon.

Pagbati ko po sa ating Presiding Officer, Vice Mayor Mitch Bermundo, sa mga kapwa ko konsehal na nandito ngayon, Kon. Jeca Villanueva, Kon. Joanne Calderon, Kon. Pappo Cruz, Kon. Patrick Alcantara, Kon. Boknay Leonardo at LnB Pres. Buboy Santos. Ganun po ang pagbati ko sa ating konsehal na bagama’t hindi natin kasama ngayon ay alam naman po natin na lubos ang ginagawang pagtulong at paggalaw dito sa bayan ng Taytay. Ofcouse ang pagbibigay pugay ko rin po sa Ama ng Bayan ng Taytay, Mayor Joric Gacula, pagbati rin po sa lahat ng bumubuo ng Secretariat Office sa pangunguna ni Sect. Sonia Samson at sa lahat ng naririto upang saksihan ang sesyon ngayong araw, magandang araw po.

Tunay po na ako ay nagagalak ngayong araw na makakasama ko kayong lahat dito at dahil ito rin po ang pagsisimula ng aking panunungkulan bilang SK Federation President ng Bayan ng Taytay. I would like, if I will say that I am not nervous, I am very nervous indeed but at the same time I am very excited and faithful. I am excited to work with all the hardworking people here and to extend my service to my fellow Taytayeños. I am grateful to have been given the chance to serve and help and be able to touch more lives. I know this will not be smooth sail, I’ve been bombarded by issues in the early start but I know that everything happens for a reasons and rest assured that I will not let hinder myself from fulfilling my duties and from helping in supporting my fellow youth. I would just like to use this opportunity as well to thank everyone for the warm welcome mula sa mga tao sa munisipyo, sa mga kapwa ko SK mula sa iba’t ibang barangay at sa mga kababayan natin sa Taytay, maraming salamat po at sobrang nakakataba ng puso ang inyong pagpapakita ng suporta. I would really love to work with everyone of you to be able to do more programs and activities for the youth in the five (5) barangays here in Taytay. I’m looking forward to have a harmonious relationship with everyone and to my fellow youth out there, we will get through this, we are able, we are capable, we can do something, something good, something better and something best eventhough some people are doubting us. I’ve already thought of a few projects in mind na gustong gusto kong magawa para makatulong sa mga kabataang nag-o-online classes at mga kabataang nagsisimula ng kanilang mga negosyo. I know this would be possible thru the unity, support and cooperation of everyone. Again, I am truly humble standing here and be part of this 11th Sangguniang Bayan. That would be all have a blessed afternoon everyone, God bless us all. Thank you po.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Patrick John P. Alcantara

Coun. Patrick John P. Alcantara
54th Regular Session
August 25, 2020

Magandang araw po sa inyong lahat.

Madame Presiding officer, Members of this august body, Ako po ay magsasalita
bilang boses ng mamayan ng Taytay, Rizal.

Ang nais kop o ay ang magbigay patungkol sa serbisyo ng isang hospital na nasasakop ng ating bayan, ang Manila East Medical Hospital na ang lokasyon po ay matatagpuan sa may Manila East Road, Taytay, Rizal. May mga natatanggap po akong mfga reklamo ukol sa mahal ng serbisyong medical at inconsistencies sa mga medical processes na base sa kakayanang magbayad ng mga pasyente. Sa marami pong pagkakataon na ang aming pamilya ay nangangailangan ng kanilang serbisyong medical o ang kanilang Emergency Room. Kami rin po ay may mga reklamo at di pagsang-ayon sa pinagdaanan naming serbisyong medical sa nasabing hospital.

Una, ipina check-up ko po ang aking anak na babae noong taong 2019 dahil sa nakaramdam sya ng sakit sa tiyan (Stomach pain).Ako bilang ama nakinig po ako sa doctor na alam ko po na sila ang nakakaalam sa dapat gawin. Nagsagawa po ng mga tests, gaya ng abdomen ultrasound, urinalysis at kung anu-anu pa. Pero ang di kop o maintindihan na kung bakit kailangan ipa pregnancy test ang isang 9 years old na batang test? Ang sagot po sa akin ng nasabing doktora ay kailangan raw talaga. Gusto ko lang po na ito ay malinawan. Ito po ba ay sa kadahilanan na may medical health card kami? Dahil po ba sa covered ang mga tests na ito ngt health card na kahit hindi naman kailangan ay ipapagawa sa isang pasyente.

Pangalawa, nagpunta po kami sa emergency department ng Manila East Medical Hospital sa kadahilanan na ang Kapatid ko na si Jogie Alcantara ay na stroke noong nakaraang August 7, 2020 humigit kumulang po na ika-9 ng gabi. Sinabihan po kami na kailangan raw po na ma CT Scan. Tinanong po ng Nanay ko kung magkano po ba ang charge ng CT Scan? Ang sagot po ay P6,000.00 so pumayag po kami na ang CT Sacan ay gawin kay Jogie. Pero pagdating po ng bill P7,000.00 pala. Ang tanong po magkano po ba talaga?

Pangatlo, ang sabi po sa amin ng doctor na kailangan I admit ang pasyente, pero ang sabi ng mga assistant ay sa ICU raw po dapat ang kapatid ko. Bakit po magkakaiba sila ng recommendations? Nagtanong po ako kung magkano ang magiging charge sa ICU, dahil ang alam kop o ay medyo may kamahalan ang charge sa ICU, ang sagot po sa akin ay P50,000.00 po raw per day monitoring lang at wala pa ang professionals fee. Nagdesisyon po kaming pamilya na ilipat na lang ng ibang hospital sa kadahilanang mabigat po para sa amin sa totoo lang. Ang sabi po ng mga empleyado ng nasabing hospital na kami raw po ang tatawag sa lilipatan na hospital. Tama po ba yon? Di po ba ang dapat ay may endorsement na manggagaling sa kanila o sa nasabing hospital?

To cut the story short, napagdesisyunan ng aming pamilya na magbaka sakali sa ibang hospital na kahit walang endorsement ng Manila East Medical Hospital upang mabigyan ng karampatang lunas ang aming kapatid.

Sa awa po ng diyos, natanggap po ang aking kapatid sa pangatlong hospital na aming pinuntahan, ang Amang Rodriguez Hospital. Ni required po uli kami ng hospital na ma CT Scan dahil ang sabi po ay 6-hours po bago Makita ang resulta, samantalang sa Manila East sinabihan kami na may initial reading sila within 2 hours lamang na di po naman mabasa ang resulta ng Amang Rodriguez at wala pong proper endorsement ang Manila East Medical Hospital n asana makapag bibigay ng linaw sa sino mang hospital na pwedeng tumanggap sa isang pasyente. Nais ko pong malinawan ang mga bagay na ito?

Sinabihan po kami ng doctor ng Amang Rodriguez Hospital na hindi naman po required na ilagay sa ICU ang pasyente dahil po conscious, nagsasalita at aware po naman ang inyong kapatid. Sa awa apo muli ng ating Panginoon Diyos at mga doctor na nagmalasakit upang agarang bigyan ng lunas ang aking kapatid ay malapit na po siyang lumabas ng hospital upang tuluyang magpagaling.

Hindi ko na po pahahabain pa ito, bilang is apo akong miyembro ng konseho, nais ko pong hilingin sa pagpupulong na ito at hinihiling kop o ang pagsang-ayon ng mga kapwa ko konsehal na ipatawag ang Management or sino mang Opiyales ng Manila East Medical Hospital sa susunod na 54th Regular Session upang magbigay ng kalinawan at malinawan rin po ang taong bayan. Hindi po para sila ay husgahan o siraan, pero upang itama ang kanilang kamalian kong meron man. Ipaliwanag po sa tao ang proseso pagdating sa medical.

Kasi kapag binanggit po o sinabing Manila East Medical Hospital, ang maririnig mo kaagad sa tao ay sobrang mahal diyan, mukhang pera dyan, sorry for the term, pero yan po ang kalimitan kong naririnig.

Sa totoo po at alam naman po natin na maganda po ang hospital na eto, ang nais po lamang natin na itama ang mga maling nakakasanayan kung meron man.

Sa ngayon po ay nahaharap tayo sa National Health Emergency na kailangan po ng taong bayan ang tamang serbisyong medical lalo na sa bayan ng Taytay.

Maraming Salamat po.

Hon. Patrick John P. Alcantara
Municipal Councilor

Action Taken:

Refered to Committee on Health and Sanitation

Remarks:

Coun. Kyle Georic Y. Gacula

Coun. Kyle Georic Y. Gacula
49th Regular Session
July 21, 2020

Thank you, Madam Presiding Officer. Madam Presiding Officer obviously this time or this part of our history is a very unique. This pandemic will not be experience probably by the generations that will follow us, it is a situation unique to us. Our country, our national government has been doing its best to provide resources, to provide guidelines for our country during this tough times. But brilliant thing or the very admirable thing about our IATF is that even though it has national enforcement it recognizes the unique nature of the localities and how every locality has individual characteristics and traits. And because of that it also gives lee-way to our LGU to approach the situation, the best manner we seem fit. Here in the legislative body we have done or we have tried to do our part to make ordinances and guidelines. In making this ordinances and guidelines they are not closes that we just pull out of a hat. We consult our PNP chief, our Municipal Health Officer, we are guided by date and we are guided by facts and we approach the situation accordingly. The great thing about this august body is that all of us are equal, we all have the opportunity to give our own opinion or to fight for our own representation. These ordinances were not passed in twenty (20) minutes, in ten (10) minutes, they were passed through a thorough discussions in which all of us individually were given the opportunity to speak and to give our own contributions and to asked the proper questions to our resource speakers. So, I think in my humble opinion we were all given a chance to give input on these ordinances and these guidelines. These were fated successively depending on the situation, the GCQ, the ECQ, we all have different guidelines but we all have the say. So, I wish or I suggest that the members of this august body give their great suggestions during the appropriate time when it is truly needed because every second during this pandemic is crucial. Thank you.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
49th Regular Session
July 21, 2020

Good afternoon ladies and gentlemen.

Last July 19, 2020, a letter addressed to DILG Secretary Eduardo C. Año circulated in many social network sites. Although some portions of the letter a difficult to comprehend, you can read from it the decision to modify the definition of critical zones in relation to the implementation of localized lockdowns. It said that this will be more beneficial to our constituents.
Fast forward, what we see right now is an extreme rise of our
Covid - 19 cases in Taytay. And one cannot help but think if this the result of the modification that were made to the IATF guidelines. To be precise, these guidelines were put into place because they were tested and proven to be effective in containing Covid-19. Now, what is stated in the letter is that Taytay will change them. Why?

Like a good soldier, why not follow the guidelines first and look at the results before deciding to modify them? Napakadali namang maintindihan at sundan ng mga IATF guidelines. If the guidelines were only followed, and if our Covid-19 cases continuously rose, a person can safely conclude that there may be other reasons why our Covid-19 cases are arising. But because of the modification - siguradong may mag-iisip na ang pagbabago natin sa guidelines ang naging dahilan ng pagtaas ng Covid-19 cases sa Taytay. And a person who thinks like that has a reasonable basis. Or at least, an ordinary person can now argue that the changes made contributed to the rise of our Covid-19 cases.

Yung modification po ba, kasali yung hindi pag-announce kung anong mga lugar ang ila-lockdown? Palagi naman tayo sigurong nanonood ng TV, nakakakinig sa radio or nagbabasa ng diaryo. And I know that we see, hear and read about the places that are put on ECQ by LGU as part of the zoning strategy or localized lockdown in the fight against Covid-19. But here in Taytay, why are there no announcements on the vicinities of the houses or buildings that are put into lockdown. For those who are thinking about privacy, hindi po kailangan na mismong address or may-ari ng bahay ang sabihin. Kahit yun lang pong kanto or kahit anong palatandaan, para malaman lang ng ating mga kababayan na mag-ingat sila sa lugar na iyon. So what we see right now is the total lack of information kung ilan ang naka lockdown sa atin. Eh kung may inosenteng taong makalusot diyan dahil di niya alam na may covid sa lugar na iyon, e di baka na expose pa siya. And to think that in the letter, the plan to lockdown Wilcon was mentioned. Na lockdown po ba ang Wilcon? Are there ordinary houses or building that were locked down without going to the same process? These questions would have been prevented from being asked if only the guidelines were followed.

I looked at the Covid-19 data in Rizal last July 14 and was surprised to find out that Taytay is 2nd only to Antipolo in terms of Covid-19 Active cases.

The data is not lying. The data is clear. Hinahabol ba natin ang No. 1? The data is telling us something. Common Sense. Either: (1) it is telling us that we are doing something wrong, kasi kung tama ang ginagawa natin, bababa ang kaso natin; or (2) We should have stuck to the guidelines and not modify them. Or at least, sana po sinabi muna natin yung plano natin na baguhin yung guidelines at naghintay ng abiso sa IATF bago natin ginawa and gusto natin. I know that there are other people that will derive other conclusions from our data. So why not share the data to the extent allowed by law para makatulong sila. Makinig tayo sa iba kung kinakailangan. Maraming gustong tumulong na mas may alam.

Sige, susubukan ko na pong sagutin ang mga trolls, mga bashers at mga masyadong affected. Pero palagay ko wala dito. I am in full support of the efforts of our Municipal Government to fight and prevent Covid-19. Alam ko tayong lahat gusto nating walang masawi, walang mahawa at walang maghirap dahil sa pandemya na ito. But we should not throw out common sense and reasoning out of the window just because we have novel ideas. We should not either send out minions of poularde to fight and take away the crown from the queen. Sundan natin ang guidelines. Let us not change them either by executive or legislative fiat. Coordinate more our efforts to the barangays and try to ask and then guide them on how we are going to get through this pandemic. Isali natin sila ng maayos. Ito ang totoong laban ng lahat.

(Sgd.)
Hon. Sophia Priscilla L. Cabral
Municipal Councilor

Action Taken:

Remarks:

Vice Mayor Michell B. Bermundo

Vice Mayor Michell B. Bermundo
47th Regular Session
July 7, 2020


One Year Accomplishment Speech
Vice Mayor Michell B. Bermundo
Municipal Mayor
11th Sangguniang Bayan
Municipality of Taytay

Isang pagbati ng magandang araw at magandang hapong puno ng pag asa sa lahat. Hayaan ninyong sa pagkakataong ito ay aking kilalanin ang aking mga kasamahan sa Ika-Labing Isang Sangguniang Pambayan sa pangunguna ng ating Konsehal mula sa :

Konsehal Sophia Priscilla L. Cabral
Konsehal Ma. Jeca B. Villanueva
Konsehal Patrick John P. Alcantara
Konsehal Joanne Marie P. Calderon
Konsehal Ceferino R. Resurreccion Jr.
Konsehal Kyle Georic Y. Gacula
Konsehal Ma. Elaine T. Leonardo
Konsehal Philip Jeison J. Cruz
LnB Frank Luster Santos
SK Federation President Jannah Roa DP. Dazo

Ang aking mga kasamahang tunay na nagseserbisyo kasama ng inyong lingkod isang taon na ang nakalipas ng kami ay manumpa sa tungkulin bilang mga lingkod ng Bayan at ng mga mamamayan ng Bayan ng Taytay. Isang mataas na pagkilala naman ang nais kong ipaabot sa Ama ng ating Bayan, sa ating the Best na Mayor, Mayor Joric Gacula, na hindi lamang nagtiwala kundi lahat tayo ay hinubog din upang magsama sama sa iisang layunin, ang ibigay ang the best para sa mamamayan ng ating Bayan. Sa mga Kapitan ng Barangay sa Pangunguna ng ating kapitan:

 Kapitan ng Brgy San Isidro- Kapitan Vivian R. Yupangco
 Kapitan ng Brgy San Juan- Kapitan Roseller Z. Valera- represented by Kagawad Viring Alcantara
 Kapitan ng Brgy. Dolores- Kapitan Allan Martine S. De Leon- represented by Sec. Jun Raymundo
 Kapitan ng Brgy Sta. Ana- Kapitan Joselito T. Calderon- susubukan na makahabol

At Kasama din natin nating ang mga Sangguniang kabataan Chairperson sa pangunguna ni:

 SK Charpeson Roda Diño ng Barangay Muzon
 SK Chairperson Zai Villanueva ng Barangay Dolores kasama si SK Kagawad Jay Edward
 SK Chairperson Ella Capuno ng Barangay Sta Ana
 SK Chairperson Arky Manning ng Barangay San Isidro

Kasama din natin ang Taytay PNP Chief - Chief Major Rodel Ban-o at ang ating DILG Officer, MLGOO Jennelyn Alvarez- Sicat. Gayon din ang presensya ng former Brgy. San Juan Kagawad, Bonene Javier at SK Bimbi ng Brgy. San Juan.

Tanggapin po ninyo ang aking pagkilala at sa aking mga kasamahang nagbabalangkas ng mga palatuntunan sa pagklilingkuran sa bayan at sa ating Sangguniang na bahagi ng Araw na ito, lahat tayo ay sama samang nagsikhay upang mabuo ang Isang taon sa ating panunungkulan sa Bayan.

Noong kami ay nanumpa, binigyang diin ko sa aking talumpati ang paghahalintulad sa isang bungkos ng abaka, matibay at talagang maaasahan sa kahit anong gamit. Ginagamit ito upang gawing matibay ang anumang pagtatalian nito, ngunit kung hibla lamang nito ang gagamitin wala itong silbi ito ay marupok at hindi kailanman magkakaroon ng kahalagahan upang maging pundasyon ng isang bagay. Nakatutuwang isipin na ang liderato mayroon tayo sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan ay bungkos bungkos na abaka, kung saan ang bawat hibla ay binubuo ng malasakit sa kapwa, pagmamahal sa bayan, proteksyon sa pulitika ng mamamayan, pagkilos at pag abot sa mga pangarap na the Best para sa mga mamamayan ng ating minamahal na bayan ng Taytay.

Ang makarating sa Isang taon ng paglilingkuran na may palatuntunan ay simula pa lamang ng mas malalim na pagsasamahan ng mga Lider ng Bayan at mamamayan ay karangalan ng maituturing na may matibay na liderato. Matapos tayong manumpa sa Bayan noong nakaraang taon, bumilang tayo ng Isang Daang Araw, at dito nag ulat tayo sa Bayan, nagsulit at ipinakita sa lahat na hindi sila nagkamali sa pagpili sa atin. Kung maa-alala ninyo, sa loob ng isang daang araw natin bilang miyembro ng Ika- Labing Isang Sanggunian, madami na tayong nagawa, sapagkat hindi tayo naging mabagal, tayo ay sumabay sa hamon ng ating paglilikuran kung ano ang mga kinakailangan gawin bilang taga pagbaklangkas ng mga lokal na batas para sa kaayusan ng ating Bayan. Ngunit Tatlong Isang daang araw na ang lumipas o higit pa at tunay na nag uumapaw ang mga nagawa ng ating Sangguniang Bayan. Hindi ko malilimutan ang Pag uulat na ito, ang Ika-Isang taon sa aking panunungkulan bilang Pangalawang Punong Bayan sapagkat sa loob ng isang taon pumaloob ang isang krisis, na hanggang ngayon ay ating nilalabanan.

Sa simula po ng ating panunungkulan noong nakaraang Hulyo 2019, hayaan nyong ilatag ko sa inyo sa pamamagitan ng isang pagsusulit kung ano ba ang ginawa ng inyong lingkod sa Ika Labing Isang Sangguniang Bayan.

o Nagkaroon po tayo ng kabuuang 51 Session sa buong taon,
o 1 inaugural Session
o 45 Regular Sessions
o At nakapaloob dito ay napagbigyan tayo ng pagkakataong magsession sa bawat barangay sa kauna-unahang kasaysayan.
o 1 on-line Session
o 4 Special sessions
o Narito po ang summary ng Attendance ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
o total present total absent
o Kon. Pia Cabral 23 28
o Kon. Jeca Villanueva 45 6
o Kon. Patrick Alcantara 47 4
o Kon. Joan Calderon 50 1
o Kon. Gene Resurreccion 41 10
o Kon. Kyle Gacula 49 2
o Kon. Elaine Leonardo 45 6
o Kon. Papoo Cruz 49 2
o LnB Pres. Buboy Santos 43 3
o SK Fed. Pres. Jannah Dazo 48 2

At ang inyong pong lingkod ay nakadalo ng 50 sessions at isang Official Business sa kadahilanan na ang Munisipalidad ng Taytay ay tumanggap ng pinaka mataas na parangal bilang isa sa awardee ng Seal of Good Local Governance.

LEGISLATIVE ACTION UNDERTAKEN
• Communication referred for legislation - 179
• Draft Resolutions endorsed to plenary - 216
• Resolutions Adopted - 208
• Draft Ordinance Endorsed to plenary - 67
• Ordinance Enacted - 40
• Committee Report Adopted - 81
• 96% of the Resolutions has been Accomplished
• 60% of the Ordinances has been Enacted




Narito din po ang work performance ng ating mga miyembro ng Sanggunian sa kani-kanilang mga komite:
 Kon. Pia Cabral - Comm. Chairperson on Ways & Means
Authored Ordinance - 0
Authored Resolution - 1

 Kon. Jeca Villanueva - Comm. Chairperson on Health & Sanitation, Cooperative Legislation & Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources
Authored Ordinance - 5
Authored Resolution - 11

 Kon. Patrick Alcantara- Comm. Chairperson on Peace and Order, Games and Amusement & Natural Resources and Environmental Protection
Authored Ordinance - 3
Authored Resolution - 8

 Kon. Joan Calderon - Comm. Chairperson on Social Welfare, Men, Women, Third Sex and Family, & Education
Authored Ordinance - 1
Authored Resolution -22

 Kon. Gene Resurreccion - Comm. Chairperson on Housing and Land Use, Transportation and Communication Technology & Privatization, Economic Enterprise, Market & Slaughterhouse
Authored Ordinance - 19
Authored Resolution - 21

 Kon. Kyle Gacula - Comm. Chairperson on Budget, Finance & Appropriation, Rules, Resolution & Ordinances, and Civil Service and Government Re-organization
Authored Ordinance - 12
Authored Resolution - 103

 Kon. Elaine Leonardo - Comm. Chairperson on Public Works, Policies and Utilities, Labor/Employment, Human Resources, Commerce, Trade and Industry, and Tourism and Special Events
Authored Ordinance - 2
Authored Resolution - 7

 Kon. Papoo Cruz - Comm. Chairperson on Human Rights and Grievances
Authored Ordinance - 4
Authored Resolution - 24

 LnB Pres. Buboy Santos - Comm. Chairperson on Barangay Affairs
Authored Ordinance - 0
Authored Resolution - 3

 SK Fed. Pres. Jannah Dazo - Comm. Chairperson on Youth and Sports
Authored Ordinance - 0
Authored Resolution - 2
Matapos ninyong matunghayan,bigyan natin ng isang masigabong palakapakan ang mga konsehal ng 11th Sangguniang Bayan, minarapat ko pong bigyan ng pagpuri at pasasalamat ang nagging partisipasyon, matalinong pag-aaral ng mga batas at alintuntunin. Karangalan pong kayo’y aking nakasama sa lahat ng balangkasing na naging sandigan ng isang taong palatuntunan ng paglilingkuran sa ating bayan.

* Narito po ang ilan sa mga Resolution at Ordinansa na aming naipasa bago pa magkaroon ng pandemya:

Atin naman pong tunghayan ang mga naging pagsasanay sa mga datus ng panunungkulan, pakikiisa sa ibat ibang departamento ng ating pamahalaan sa pumumuno sa ating Bayan, mga kasiyahan, pampalakasan, palitan ng kuro-kuro ng iba’t ibang munisipalidad at siyudad ng ating Bansa.

Mas malaking hamon ang ating pinagdaanan pagpasok ng taong 2020. Ang bungkos ng abaka ay mahigpit na hinihila dahilan sa hamon ng pagsubok. Pagsubok na hindi lamang banta sa kabuhayan ng bawat mamamayan kundi banta sa buhay at kalusugan. Kung iilang hibla lamang meron ang abaka ng pag-asa ay siguradong babagsak ang ating liderato, ngunit dahil tayo ay buo at nasa puso ang ating pagmamahal sa bayan at sa mamamayan patuloy tayong naglatag ng mga kapaki pakinabang na mga odinansa sa magbibigay sa proteksyon ng bawat isa, bawat sector kasama ang ating industriya. Sa panahon ng pamdemya, hindi lamang tayo umikot sa buong bayan at sumama sa pamamahagi ng mga pangangailangan ng ating mga kababayan bagkus naglaan ng oras upang maglatag ng mga gawaing lehislatura upang mabilisang maipatupad ang paglalabas ng mga pondong marapat ay ilaan para sa madaliang aksyon laban sa pandemya.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Ordinansa sa pagkakaroon at pagpapatupad ng Curfew sa Bayan ng Taytay upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na Covid 19 sa Bayan ng Taytay.
2. Pagsuporta sa pamamagitan ng isang resolusyon ang Executive Order No. 117 na inilabas ng ating Punong Bayan patungkol sa mga alintuntunin para sa banta ng sakit na Covid 19 sa ating Bayan.
3. Pagsuporta sa pamamagitang ng resolusyon ang pagbubuo ng Task Force para sa mga mali at malisyosong balita patungkol sa Sakit na Covid 19 sa ating Bayan mula sa isang Executive Order No. 116 mula sa ating Punong Bayan.
4. Pagpasa ng isang resolution para sa isang insentibo na ibibigay sa mga Brgy. Nutrition Scholars at mga Brgy. Health Workers bilang tulong pinansyal.
5. Pagpasa ng isang resolusyon upang mabigyan ng insentibo ang lahat ng mga Public Health Workers sa Bayan ng Taytay kaugnay ng kanilang trabaho at serbisyo upang labanan ang sakit na Covid-19.
6. Pagpasa ng isang resolusyon na humihiling sa Punong Bayan na tugunan ang mga tulong na hinihingi ng mga barangay sa ibat-ibang pamamaraan bilang suporta at bilang bahagi ng paglaban sa pandemya ng sakit na Covid-19.
7. Pagpasa ng ordinansa sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Bayan ng Taytay.
8. Pagpasa ng ordinansa sa pagbabago ng mga batas na nakapaloob sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Bayan ng Taytay.

9. Pagpasa ng ordinansa na magbabawal at magpaparusa sa anumang uri ng diskriminasyon sa lahat ng mga Medical Health Workers, Non-Medical Frontliners, mga halal ng bayan at mga manggagawa ng Pamahalaan Bayan sa panahon ng Pandemya.
10. Pagpasa ng isang resolusyon na nagbibigay ng pahintulot sa Punong Bayan na lumagda sa isang kasunduan sa pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD.
11. Pagpasa ng ordinansa sa mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng facemask, face shield o kahit anong panakip sa mukha at mahigpit na pagpapatupad ng Social Distancing bilang mga precautionary measures upang hindi mahawahan ng sakit na Covid 19.
12. Pagpasa ng resolusyong naglalayong magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng buwis sa mga negosyante ng Bayan ng Taytay para sa 2nd Quarter ng taong 2020.
13. Pagpasa ng resolusyong pinagtitibay (ratipilasyon) ang Memorandum of Agreement ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay at ng Department of Social Welfare and Development sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program.
14. Pagpasa ng isang resolusyong nagmumungkahi sa Municipal Social Welfare and Development Office na huwag bigyang prayoridad sa pagbibigay ng tulong pinansyal ang mga mamamayang lalabag sa kahit anong batas na mahigpit na ipinatutupad sa Bayan ng Taytay kaugnay sa Pandemyang dala ng sakit na Covid-19.
15. Pagpasa ng resolusyong nagmumungkahi sa kabuuan at mga panuntunan sa pagpapatupad ng lahat ng mga ordinansa para sa pagbabantay sa mga ibat-ibang lagusan sa Bayan ng Taytay sa panahon ng Pandemya.
16. Pagpasa ng resolusyong nagpapahintulot sa Punong Bayan na lumagda sa kasunduan sa pagamutang Medical City upang magproseso at magsuri ng mga Swab Samples sa mga taong maaaring maysakit na Covid-19.
17. Pagpasa ng resolusyong nagpapahintulot sa Punong Bayan na lumagda sa kahit anong uri ng kasunduan sa Pamahalaang Lungsod ng Marikina upang maproseso at masuri ang mga Swab Samples sa mga taong maaring maysakit na Covid-19 sa Bayan ng Taytay.
18. Pagpasa ng resolusyong naglalayong magbigay ng tulong sa mga hindi nabigyan ng tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD.
19. Pagpasa ng ordinansa upang aprubahan ang pagkakahati hati ng pondong ibinigay ng Pamahalaang Nasyunal sa Bayan ng Taytay para sa mga gastusing may kinalaman sa Pandemya. (Bayanihan Heal as One Act Fund)
20. Pagpasa ng ordinansa na sumusuporta sa pagpapatupad ng alituntunin ng General Community Quarantine (GCQ) kung saan ang Lalawigan ng Rizal ay nasa ilalim nito.
21. Pagpasa ng ordinansa sa mahigpit na pagpapatupad ng Social Distancing ng mga mamamayan sa lahat ng mga lugar sa bayan ng Taytay kasama ang pamilihan at lahat ng mga tindahan at kaugnay nito.
22. Pagpasa ng resolusyong nagpapahintulot sa Punong Bayan na makipag usap at lumagda sa kasunduan sa Nadal Meat Shop para sa pamamahala ng Taytay Municipal Slaughter House.
23. Pagpasa ng resolusyong nagmumugkahi sa Department of Trade and Industry na bigyang prayoridad ang pagtulong sa mga maliliit na Negosyante ng industriya ng pananahi at damit na naapektuhan ng Pandemya.
24. Pagpasa ng ordinansa sa mga pagbabago ng mga salik o section ng ordinansa bilang 30. Serye ng 2020.
25. Pagpasa ng ordinansa na nagbabawal sa mga mamamayan ng Taytay na mapaglipad ng saranggola habang nasa ilalim ang bansa ng State of Public Health Emergency.
26. Pagpasa ng resolusyong nagpapatibay (ratipikasyon) sa kasunduang nilagdaan ng Pamahalang Bayan ng Taytay ay ng Nadal Meat Shop.
27. Pagpasa ng resolusyon sa mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng mga Minimum Health Protocols para sa mga Barber Shops at Salon sa Bayan ng Taytay.

Narito po ang AVP ng lahat ng programang actual na pinanungkapan ng inyong lingkod kasama ang mga kawani ng pamahalang Bayan, ang Sangguniang Bayan at ang ating Punong Bayan. Atin pong tunghayan.

Lubhang naging mapagbantay tayo habang ang ating Bansa ay nasa ilalim ng Enhanced Communtiy Quarantine, may mga pagkakataong inaabot na kami ng hating gabi matapos lamang ang mga dokumentong kailangan gawin para sa kaayusan ng ating Bayan. Kagaya po ng aming pangako sa simula pa lamang na mabigyan ng kabuhayan, kaunlaran, kapayapaan at kaayusan at karangalan ang ating Bayan sa pamamagitan ng makabuluhang palatuntunan tungo sa the Best na serbisyo sa bawat mamamayang Taytayeno. Hindi pa tapos ang ating laban katuwang ang mga Barangay sa pamumuno ng masisipag na mga Punong Barangay na patuloy na nagaambag ng serbisyo sa ating Bayan katuwang din ang mga Sangguniang Kabataan na patuloy na humuhubog sa mga mabubuting kabataan ng Bayan. Hindi natin masasabi ano ang mangyayari sa hinaharap, ngunit tandaan po nating lahat, mananatiling kasama ninyo ang 11th Sangguniang Bayan na kaagapay ng ating Punong Bayan upang sama samang lampasan ang pagsubok na ito.

Iyan po ang binubuo ng aming isang taon sa paglilingkuran sa mamamayan at Bayan, mas lalo naming pag iibayuhin pa ang aming paglilingkod sa paglipas pa ng mga araw, buwan at taon. Maraming Salamat sa mga kawani ng Legislative department sa pagtulong sa aming mga opisyal. Paalala sa lahat na tayo po ay sumunod sa mga batas, magsuot ng Face Mask, magkaroon ng disiplina sa sarili para sa Social Distancing, pagmalasakitan ang bawat isa, isang tabi muna ang pulitika, makipagtulungan sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan na labanan ang Pandemya na ito .Higit sa lahat tayo ay manalangin at hingin ang awa ng ating Dakilang Lumikha na mawakasan na ang sakit ng dulot ng COVID19. Maraming Salamat, Mabuhay ang mga mamamayan ng Taytay, Mabuhay ang Bayan ng Taytay, Mabuhay tayong lahat!

Action Taken:

Remarks:

Mayor George Ricardo R. Gacula II

Mayor George Ricardo R. Gacula II
47th Regular Session
July 7, 2020

Magandang hapon po sa inyo, sa ating Vice-Mayor, Vice-Mayor Mitch Bermundo, sa atin pong mga ginagalang na Konsehal ng Bayan: Konsehala Jeca Villanueva, sa atin pong Konsehal Patrick Alcantara, Councilor Joanne Parilla Calderon, Councilor Gene Resurreccion, Councilor Kyle Gacula, Konsehal Elaine Boknay Leonardo, Konsehal Philip Jeison Cruz, sa ating LnB President Kapitan Frank Buboy Santos, sa ating SK President Jannah Dazo. Binabati ko rin po ang kapitan ng Barangay San Isidro-Kapitana Vivian Reyes Yupangco, Kagawad Viring Alcantara ng San Juan, ang ating mga SK nandoon sa likod, kinatawan ng ating mga Punong Barangay na imbitado, our secretary Sec. Sonia Samson, at ang kaniyang mga samahan sa SB Secretariat. Former Kagawad Bonene Javier, sa inyo pong lahat isang magandang hapon.

First, I would like to congratulate the 11th Sangguniang Bayan sa inyong anniversary and ako po ay bumabati sa inyo na, hindi ko masabi kung happy ba o gustong batiin kayo ng GCQ anniversary because tayo po ay nasa General Community Quarantine. Ang atin pong Vice-Mayor ay isang neophyte Vice-Mayor but she is not new to public service that’s why nakikita ko po na itong panahon na ito ay tayo po, ang ating Pamahalaang Bayan ay slowly but surely ay nakakausad inspite of all the challenges that is arising from this crisis.

In particular the Sangguniang Bayan is composed of a rich mixture of seasoned of government servants. Sa katauhan ni Konsehal Gene Resurreccion, isa sa mga beterano dito sa Sangguniang Bayan. Ganundin ang ating mga subok na din sa larangan ng paglilingkod, si Konsehal Papoo Cruz. Ang ating mga dating naging Kagawad at naging Sk, Joanne Calderon at Jeca Villanueva. Ang ating dating Kagawad din at ngayon ay LnB President si Kapitan Buboy. So kung tutuusin ang neophyte lang dito si Konsi Kyle at si Konsi Boknay, lahat ay may mga karanasan at kasama rin si [SK] Jannah. Si [Councilor] Patrick din kasama rin, although yun naman ay dati rin na nagtrabaho dito sa Pamahalaan, dahil ang alam ko ikaw ang executive assistant ni Lolo Tasyo diba. So nakita ko ang inyong teamwork ngayon, thru the leadership of our Vice-Mayor who has been an SK, the Barangay as Kagawad, three (3) term Councilor at ngayon ay Vice-Mayor. Napabilis kayong maka-cope-up, actually malaking tulong ang ginagawa ninyo sa akin sa executive, it is the first time din na nakaranas din ako na kapag mayroon tayong mga priority measures ay agad-agad naipapasa.

I also admire people who are here who try to help, by giving constructive criticism or by suggesting a constructive measures dahil hindi naman talaga mapi-perfect yan pag tayo ay may nilatag dito, talagang kailangang talaga, mas gusto ko na pinadadaan sa inyo sa Sangguniang Bayan.

Kamakailan ay miniting ko ang ating, just want to have a small chit chat with our legislators from the barangays, halos lahat ng mga Barangay kagawads ay aking miniting dahil nagkataon din naman na may padala ang ating Pangulong Duterte na konting ayuda para sa paghihirap ng ating mga Kagawad. At yan pagnapag-uusapan, palagi kong ipinagmamalaki ang ating 11th Sanguniang Bayan, sabi ko tingnan niyo itong nangyari sa atin sa pandemic, kako mabilis naubos yung ating quick response fund ng disaster. So kailangang kailangan ko na humingi ng tulong, at within one session alam ko isang mahabang session ang tinawag ni Vice-Mayor Mitch at agad-agad kayong nakatugon, binigyan niyo kaagad ng pahintulot ang ating Budget Officer, kung saan ang natitirang pera ng disaster ay nagamit natin para sa ating Covid-19 operation plan.

Ngayon ng paubos na ito, napakabait rin ng ating Pangulo na thru Senator Bong Go ipinadala yung ating Bayanihan Heal as One Fund na kung saan, agad-agad din ay dumulog ako sa ating Sangguniang Bayan upang gumawa ng isang appropriation ordinance upang ang pera na ‘yan ay mailagay kung saan dapat gagamitin as plan by our, ng ating, meeting ng ating SB at ng ating Executive. So agad-agad rin, sa loob ng isang araw lang isang meeting, ang pondo na ‘yan ay naayos naitalaga sa mga dapat paggastusan. Noong tayo ngayon ay napasok na sa GCQ, ngunit nakita rin natin na marami pa rin tayong mga kababayan na hindi pa rin agad-agad makakabangon mula sa pagkaka-sad-lack sa 2 buwan na walang kinikita, walang trabaho, natanggalan ng trabaho ay agad-agad din kayo na gumawa ng mga resolusyon at ordinansa upang ang bahagi ng pananalapi ng ating Bayan ay ilagay pa rin doon sa continous relief operations na ating ginaganap.

So as of now, we are steadily facing the challenges of our Covid-19 Crisis, pagtiningnan po natin yung ating graph, ay ang Pilipinas po ay never bumaba ang ating curve. We achieve the highest peak of curve yesterday with the record of 2000+ fresh cases na Covid sa buong bansa. The highest to date, kaya po masasabi natin na hindi pa ito pababa. At ang ating Bayan being in the boundary of Metro Manila-kasi ka boundary natin ang Taguig at Pasig- ay patuloy pa rin na nakakaranas ng mga araw na may mga surges in Covid-19 cases.

At nakikita po natin, noong isang araw nag meeting tayo mga Sangguniang Bayan doon sa aking Office, na talagang ang kailangan po ay patuloy pa rin na pagdi-disiplina, mabuti at nandito ang kinatawan ng ating kapulisan. I meet them a few hours ago, at ang ating Pulis naman sa pangunguna ni Maj Rodel Ban-O ang ating Chief of Police ay nangako na sila ay tutulong sa pagpapatupad ng ating mga ordinances and resolution na ginagawa ng Sangguniang Bayan para din makapuksa doon sa ating Covid-19 Crisis. So ang isa nga po sa hinihiling natin ng executive, ay lalo pang higpitan o paigtingin ang mga penalties para sa mga violators ng ating community quarantine.

Kanina po isa sa pinarating ng atin hepe, na si Major Ban-O na, parang yung ibang nahuhuli nila sa curfew-natutuwa na sila na, nahuhuli sila, dadalhin sila sa isang place, pagkatapos nandoon sila mag-i-stay sila ng ilang hours, parang sanay na sila, minsan nga parang nagiging thrill nila na oh tara magpahuli tayo. So that’s why sabi ko tamang-tama kay hepe na ngayon ay pupunta ako ng Sangguniang Bayan, I will ask the Honorable Sangguniang Bayan to put fines on the first offense na nahuli. Ibig sabihin hindi lang basta anu, siguro kahit a fine of 1000 pesos para everytime na nahuhuli ka eh masakit pa rin sa iyong magulang o sa sarili mong bulsa, and at the same time kung maari ay maglagay ng provision na kailangan ay susunduin sila ng older family member para yun ay ating mapagbilinan din o mapagsabihan din bago nila makuha yung tao na nahuli sa curfew.

So tayo rin po ay nakakaranas pa rin ng mga araw na wala o mababa ang Covid cases, pero mayroon ding mga araw nagugulat tayo, like for example mayroon tayong isang araw na 7 ang positive sa swab PCR Test. Mayroon ding araw tayo last week na nag 12 ang ating mga kaso, kaya nga po ang ating Sangguniang Bayan ay aking pinakikiusapan na palaging maging isa, palaging maging united, dahil nakikita ko po if this worsens, I’m just going to give you a front, if thes worsens, ay kailangan talaga natin na maggawa pa ng mga drastic measures like as of now, there are 39 patients doon sa ating PUI facility. Mabuti na lang walang pasok ngayon ang mga bata, so if this worsens, we may have to build another school, to convert another school into another PUI facility or Covid Facilty. Ganun din po, as of now, we can get buy doon sa ating mga testing dahil maraming tumutulong before I went here, that’s why I am late Vice-Mayor Mitch, because our Philippines under the leadership of Secretary Joey Concepcion and Wilcon Store donated 950 rapid test dito sa ating health office na tinanggap ng ating kinatawan ng ating health office.

Pero naniniwala ako na kung tataas ang ating cases dito sa Taytay. We have to do more tests, more swab test na alam natin na mahal, iyan talaga ang kailangan natin because that is what is being done doon sa malalaking bansa kamukha ng Amerika. As what we have experience doon sa ating rapid test, out of 2000 rapid test mayroong mga 200+ na nagpositive, pero actually 2 lang yung tunay na positive sa swab test. So ganun ka in-accurate, ako’y natutuwa dahil sila ay naging negative sa swab test at sila ay positive doon sa rapid. Eh panu kung isipin natin, ilan kaya ang nagnegative sa rapid [test] ang tunay na positive? Yun ang nakakatakot, dahil we have done more than 2000 test already at bukod pa diyan yung mga ginawa ng ating mga Punong Barangay.

So kung sakali itong dadami pa, pinapauna ko na, na we may need additional funds to purchase swab test for our Taytayeños. Kung ito ay lalala pa, we may need to avail of other funds, probably avail of a loan from landbank design for LGU in combating Covid-19. Because kung tayo ay magpapagawa ng isang facility o magko-convert tayo ng isang facility, gagawin nating mas malaking PUI center, at ako’y nananalangin na sana ay hindi na matuloy, hindi na tayo dumating sa, tayo ay kailangan pang umutang para malabanan natin. Ang isa sa ating iniiwasan ay magkaroon pa ng tinatawag na second wave dahil mas malupit daw ang second wave. So ngayon, ay wala naman pa tayo sa ganiyan,pero yan ay inuuna ko na sa inyo na kung dadating talaga tayo sa ganiyan ay mayroon na tayong mga measures na dapat paghandaan at ako naman hindi naman ako, [panu ba masasabi yun?] hindi naman ako nag-aalangan dahil alam ko that the 11th Sangguniang Bayan as always been supportive magmula ng maupo tayo ng July 1, 2019 hanggang ngayon ay nakita ko naman ang suporta ng most or majority of all the Sangguniang Bayan members at naniniwala ako na kaisa tayong lahat dito sa laban ng Pandemic.

So I admire the each and everyone of you, for coping-up with the situation. Napakahirap ng dinadadanas ngayon, siguro para masasabi ko, ito na ang pinaka Sangguniang Bayan members na hirap sa history ng Sangguniang Bayan. Bakit? Because we have to deal with the pandemic, wala pa akong, na ako’y nakaabot sa naging miyembro ako ng Sangguniang Bayan ay pera namin sa Munisipyo noon eh 79 million lamang eh. Pero wala kaming ganito, ang problema lang namin minsan mga JO hindi nakaka sweldo, pero ina-abunuhan namin yun.
Pero ang dinadanas natin ngayon ay ‘yung kahirapan talaga ng tao nakikita ko na, I know your efforts, dahil pagkagaling sa DSWD pumupunta pa sa mga opisina ng mga Konsehal at ng Vice-Mayor-iniisa-isa para lahat ay mahingan ng tulong. Siguro nararanasan din ng ating mga kapitan at ng ating mga Kagawad yan, ng mga SK. At ang mahirap ngayon, wala kang gawing mabuti, lahat ng gawin mo ay may pintas, tumulong si Konsehal dito nagbigay ng gatas, nawikaan pa ng bawal daw magbigay. Tumulong si ganito, bakit daw hindi tumulong sa ganito. Hindi lang naman tayo ang nakakaranas nito, ka-dayalogo ko ang ating mga SK Chairman noong isang araw, ganundin. So mukhang itong mga lahat ng mga dinadanas natin ay dinadanas ng mga lingkod-Bayan sa Pilipinas o maaring sa mundo na kung saan wala ka talagang magawang tama, lahat ay may pintas.

Pero, ayun nga sabi nga nila, we are doing this for them, we are in this because sinumpuan natin ito, tayo ay nasa larangan na ito dahil gusto natin maglingkod, so sana hindi mawala yung ganoong pag-iisip, yung ganitong gawain ninyo, nakikita ko na yung mga tulong ninyo sa mga online sellers na mga tiga-Taytay nakikita ko na talagang lubos ang tulong ninyo para matulungan ang industriya na mga nag fail sa ating Bayan.

So sana hindi mawala yung inyong fire inside you na tumulong sa mga kababayan natin, sana ay huwag kayong magsawa. Dahil hindi man tayo perfect in the eyes of our fellowmen, but I’m sure that there is someone above there that appreciate what we are doing. Sabi nga, na ‘let’s not do it for the appreciation of our fellowmen but let’s do it all for the Lord’ na kung sino ang ating talagang pinagkaka-utangan ng loob.

On behalf of the executive department, I’d like to congratulate the 11th Sangguniang Bayan for surviving the pandemic, you all look good, lalo kayong gumaganda at pumu-pogi. So sabi nga nila, “do good, feel good and I’m sure you will look good, continue the efforts, continue the good job” and I’m sure that somewhere and later on we will be all be leading normal lives again and we will be helping the people in such a way that pwede na tayong mag kamay-kamay ulet, mag api-apir, mag beso-beso at maramdaman natin talaga kung paanu ang maglingkod sa kapwa Pilipino.

Good Afternoon and Mabuhay po tayong lahat!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
46th Regular Session
June 30, 2020

Omnes sumus aequales. WE ARE ALL EQUALS. I am using the maxim in a limited sense, that is, among us who were elected as members of this august body. Because sadly for me, the one who was branded as “#ExceptOne1”… THIS! IS! NOT! TRUE!

During our session last June 23, 2020, I made it of record that I was not given any staff for my office. But as usual, one who acts as primus among us did not seem to get what I mean. Wittingly or unwittingly, I was given the answer that I have my own staff. I know that a certification from the Human Resource Office was even prepared for this purpose. I know that she was referring to my first legislative staff who is my father and who holds a coterminous and primarily confidential position.

Lest I forget, a few months ago, my only staff received a letter telling him that he will no longer receive any salary after all of his leave credits were deducted. This is after a sudden change in the usual practice on reporting attendance by now requiring confidential staffs to log in the biometrics attendance system. I mean, is not this action, in interfering on the manner of reporting by a primarily confidential staff violative of the very nature of the position? We should have full control of our confidential staff. Yet, for one reason or another, this is being taken away. Anyway, now, he receives his salary just because others were allowed to avail of work from home arrangements. Of course, after this work from home arrangement thing is over, I think I will literally have no staff. Then I will have to fend for myself in running my office.

Going back, does having a first legislative staff makes me equal, in terms of office staffing, among all of the members of this Sanggunian? CERTAINLY NOT! All of us here have one or more job order employees assigned in our office… “#ExceptOne1.” All of us here do not require our primarily confidential staffs – who I am sure are related to us or were appointed since they are close to us – to clean our offices or do menial tasks… “#ExceptOne1.” I am very sure that we all now the characteristics of a primarily confidential position. In this kind of positions, there exists close intimacy between the appointee and the appointing power which insures FREEDOM OF INTERCOURSE WITHOUT EMBARRASSMENT OR FREEDOM FROM MISGIVINGS OR BETRAYALS of personal trust or confidential matters of state. I am sure that we have our job order employees to do routine and ordinary tasks like receiving agendas, letters and others and to stay in our offices to keep them open everyday… “#ExceptOne1.” If one thinks that this is the notion of equality, he or she has a sick mind. DAPAT MALAMAN NA NG LAHAT, PANTAY PANTAY PO RAW LAHAT, MALIBAN KAY “#ExceptOne1.” MALIBAN PO SA PRIMARILY CONFIDENTIAL NA STAFF KO, WALA NA PONG IBANG EMPLEYADO NA PUMAPASOK SA OPISINA KO. YUNG IBA PO SA ATIN NA IBINOTO NG MGA TAO BILANG REGULAR MEMBERS NG SANGGUNIAN, MAY TATLO O HIGIT PANG EMPLEYADO NA NAGREREPORT SA OPISINA NILA. BAKIT AKO WALA? OO NGA PALA, “#ExceptOne1” KASI AKO.

I made a facebook post about the result of the rapid testing that was done here wherein there was a positive result for covid-19 without intending to offend anyone. Previous, we all know that various results of rapid testing are even televised or broadcasted without any accusation of privacy violation. I did not expect that the secretary of the Sanggunian will later on make a facebook in what she calls an OFFICIAL RESPONSE to me. There, I was accused of peddling misinformation and that I put in uncertainty the credibility of the Municipal Health Office and the whole local government unit. I am very sad that an innocuous post will receive a blatant and lusty response. The response, as usual, put the blame on me and lambasted me for allegedly not opening or reporting to my office.

BUT! It is the OFFICIAL RESPONSE which nearly identified the person who tested positive in the rapid test. It is the OFFICIAL RESPONSE that gave all the details short of naming the person who tested positive. It is the OFFICIAL RESPONSE that injected other issues including the accusation that I am absent on several dates. You gave the details, and yet you are blaming me for putting in uncertainty the credibility of the MHO and LGU?

It is sad. I was accused of being absent. Yes, I am absent physically in my UNSTAFFED office at the fifth floor of the New Municipal Building. But I assure you. I am always PRESENT with the ordinary people who voted for me. I was PRESENT for those who needed help. I was PRESENT in the relief distribution during this times when it is not safe to go outside everyday because of the looming threat of Covid-19 everywhere. I was PRESENT when I spent my own funds and money to give to the Taytayenos who felt that they had been left out in the list. I was PRESENT when I tried to solicit from different government offices, agencies and private individuals so that I can give something to my kababayans who have less in life. I was PRESENT with those who needed the most help during these difficult times.

And let us not go to legalese arguments. We all know that a member of the Sanggunian can practice his profession or engage in any occupation except in session hours. And that three (3) consecutive absences during sessions were already foreseen as acceptable by the authors of the Local Government Code. (Sections 50 and 90, LGC). Yes, the LGC itself does not require us to be physically present everyday at our offices. My understanding of this is that it more important to be with my lowly kababayans who felt left out rather than imprison myself on an empty office. If my being PRESENT with my constituents does not justify why I cannot go everyday to my UNSTAFFED fifth floor office, I do not know what will.

NOW, THE OFFICIAL RESPONSE HAS THE TEMERITY TO ACCUSE ME OF BEING ABSENT? AND WHY DID THE SECRETARY OF THE SANGGUNIAN CALLED IT “OFFICIAL RESPONSE”? IS IT BECAUSE THE SANGGUNIAN AUTHORIZED HER TO MAKE IT? AND THAT A COMMAND WAS MADE TO COMMENT, LIKE, AND SHARE THE RESPONSE IN FACEBOOK BY THE SO CALLED SOCIAL MEDIA TEAM AND KEYBOARD WARRIORS – WHO ARE MAINLY ORDINARY JOB ORDERS WHO HAVE NO OTHER OPTION BUT TO DO SO AT THE RISK OF BEING REMOVED. FOR THOSE WHO WERE FORCED TO DO SO, DO NOT WORRY, I WILL NOT STOOP DOWN TO THEIR LEVEL. NOW I AM REALLY AMUSED. HOWEVER YOU DENY IT, A SIMPLE POST MADE A HUGE IMPACT. MASYADO NAMAN KAYONG AFFECTED SA SIMPLENG POST. I AM REALLY FLATTERED BY YOUR ACTIONS.

Now, if the SB Secretary was not given authority to make an official statement, she abdicated powers not belonging to her but to the Sanggunian. And if indeed, authority was given to her to make an official statement about my post, is it not that this shows that I am really treated differently here. Obvious nga pala, “#ExceptOne1” NA NGA EH!

I will not entertain any interpellations.

(Sgd/) – 6/30/20
SOPHIA PRISCILLA L. CABRAL
Municipal Councilor

Action Taken:

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
37th Regular Session
April 28, 2020

Good afternoon ladies and gentlemen to this 11th Sangguniang Bayan.


As you are all aware, an incident happened at Taytay Emergency Hospital. Ms. Josie Mabini was turned away and was not provided emergency treatment. It was obvious from the video that the person required emergency treatment. Instead of being provided immediate care, the nurse was turned away. From the video, it was obvious that she was not accommodated by the hospital. This is unacceptable to use as people of Taytay.

We are not like this. At this time we need to make sure we are there for each other. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan, ika nga. We need to support one another. We need to help one another. But what did the video show? It showed that some people are capable of leaving others to die. We are not like this. We should not be like this.

Action Taken:

Draft Resolution No. 2004-063

Remarks:

Coun. Patrick John P. Alcantara

Coun. Patrick John P. Alcantara
36th Regular Session
April 21, 2020

Magandang araw sa inyong lahat.

Nais ko lamang pong pasalamatan si Tita Sally Reyes, sa pamamagitan ng sang pribelehiyong talumpati. Sa dami ng naitulong sa atin ni Tita Sally Reyes, kami pong sampu na bumubuo ng Libisenan Batsikaw ay nais magpabatid na pasasalamat sa dalawampung silya na ipinagkaloob niya sa samahan nitong January 2020 lamang. Hindi ko akalain na iyon na ang huling pagkikita naming. Marami ang nalungkot noong nabalitaan na si Tita Sally Reyes ay pumanaw na. Malapit sa puso ng mga Taytayenos.

Si Konsehal Tacio po, ang aming pamilya at lahat ng bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Taytay ay nagpapahatid ng taos pusong pasasalamat at taos pusong pakikiramay sa mga naiwan na mahal sa buhay ni Tita Sally Reyes.

Ngayon, mga kasama, gusto ko lamang humiling sa inyo na kapag natapos na po ang crisis na dala ng COVID-19 at ang Enhanced Community Quarantine na ito sa ating bayan ng Taytay, na ating pagkalooban ng sertipiko ng pagkilala at pasasalamat para kay Tita Sally Reyes na ating ipagkakaloob sa kanyang pamilya.

Maraming Salamat po!

Action Taken:

KAPASIYAHAN BILANG 191 serye ng 2020

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
32nd Regular Session
March 3, 2020

Mapagpalang araw po Madam Presiding Officer at sa lahat na kasamahang lingkod bayan.


Kasabay sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ay atin ding ginugunita ang kontribusyon ng mga Social Workers sa buwan ng Marso. Ang buwang ito ay pagpupugay sa mga kababaihan na may tamang “We Make Change Work for Women” at sa mga Social Workers na may temang “Promote the importance of Human Relationships among Social Workers”. Mahalagang mabigyan natin ng pagkilala ang contribusyon o ambag ng mga ito sa ating lipunan towards people’s participation and empowerment.

Kalakip sa pribilehiyong talumpati na ito, nais ko pong hilingin na mai refer sa tamang komite ang dalawang (2) kahilingan.

1). Establishment of Persons with Disability Office and Designation of Plantilla Position for PDAO Officer/Head; and
2). Additional Plantilla Position for Registered Social Workers (RSW)

Ang unang kahilingan ay pagtugon sa itinatakda ng batas kautusan na “RA No. 10070 - An Act Establishing and Institutional Mechanism to Ensure the Implementation of Programs and Services for Persons with Disabilities in Every Province, City and Municipality” implementing Rules and Regulations (IRR)

Section 1 of RA No. 10070 mandated the creation of Persons with Disability Affairs Office (PDAO) under the Office of the Mayor and designation of a PDAO Officer/Head. It may be a department, division of section head, subject to the qualification requirements as approved by the Civil Service Commission.

Sa ikalawang kahilingan ay dagdag plantilla position for Registered Social Workers upang tugunan ang mga interventions sa mga sumusunod:

- Dedicated RSW for CICL (Children in Conflict with the law) at CAR (child at risk);
- Dedicated RSW for VAWC who will handled proper case management on exploited, abandoned, neglected, abused-physical, sexual, emotional, rape cases and custody cases/battle especially experts on handling psycho-social intervention; and
- Dedicated RSW for CNSP (children in need of special protection) such as adoption cases, foster care, child trafficking, child prostitution, child pornography, cyber bullying, street children, child labor, OFW repatriated and illegal recruited/maltreated.

Not less than 100 cases per day on VAWC, anti-trafficking, referrals, CAR, CICL, adoption, counselling ang pumapasok sa tanggapan na ating MSWDO sa nabanggit ayon mismo sa kanila.

Ang MSWDO ay tumutugon din sa mga community-based services (individual, family esp marginalized sectors), disasters, informal settlers internally displaced person and pre-marital counselling and conflicts. Sa pagtatayo po ng “Bahay Pag-asa” sa bayan ng Taytay, ay isang malaking hakbang upang ang usapin ng mga ilang kabataan ay matugunan.

Hindi lamang tayo ay maging compliant sa mga functionalities na hinihingi ng DILG o iba’t-ibang ahensya, bagkus tama lamang na ang ginagawa natin ay “Beyond Compliance” upang maging mas epektibo at functional ang lahat na mga interventions ng ating pamahalaan.

Ang isang epektibong at functional na pamamahala, ay iyong nakikinig sa daing, hinaing at tamang mekanismo. We want to build “governance” with inclusivity, open and participatory towards Gender Equality.



Muli, pagbati sa lahat on Women’s Month at World Social Work Month.

(Lgd.)
KGG. JOANNE MARIE P. CALDERON
Konsehal

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Michell B. Bermundo ang nakalahad na kahilingan mula sa pribilehiyong talumpati sa Lupon sa Serbisyo Sibil at Pagsasa-Ayos ng Lokal na Pamahalaan.

Remarks:

Coun. Kyle Georic Y. Gacula

Coun. Kyle Georic Y. Gacula
26th Regular Session
January 14, 2020

ON OUR INTERNAL RULES

Greetings members of this august body, as the committee chairman on our internal rules, I feel it is my responsibility to recognize that while our internal rules have set stability and precedence, the application of rules must be able to address new situations that may not have been previously contemplated upon its creation. It has come to my attention through the discussion of my predecessor and anecdotal narrative about his predecessor, that our own rules regarding the submission of the annual budget of Barangays, sometimes function to circumvent the very purpose for which it was designed and intended. I think it is about time we tackle this matter.

Furthermore, it has come to my attention, that just because our internal rules are silent on certain matters, such as the those dealing with any of our members who fails to follow proper decorum, disregard the sanctity of the session hall and does not respect the authority of the presiding officer, cannot be taken to mean that this council tolerates it and encourages such behavior. I believe the collective wisdom of this council is needed to address this as well to avoid confusion and to uphold the honor of this chamber and the mandate bestowed unto us by our citizens.

(Sgd.)
Hon. Kyle Georic Y. Gacula
Chairman-Committee on Rules, Resolutions, Ordinances and Accreditation.
Municipal Councilor

Action Taken:

reminders for the submission of annual budget of our respective barangays inquire with the Sangguniang Panlalawigan regarding the second part of the Privilege Speech

Remarks:

Coun. Kyle Georic Y. Gacula

Coun. Kyle Georic Y. Gacula
23rd Regular Session
December 10, 2019

The White Van Controversy

Madame Presiding Officer, Members of this August Body I come before you today not just as a member of this esteemed council but as a youth empowerment advocate, a fighter for truth and most of all a concerned citizen.

The speech was supposed to be delivered a week ago but was withdrawn due it becoming moot however current events have brought it back to life so I wish to share this to you all as I originally intended. Recently news on social media has been spreading of an infamous white van. It has almost become an urban legend of some sort, this van has been said to abduct children and harvest their internal organs. In another narrative they take adults as well for ransom. To further bolster these stories viral videos have circulated the web such as that of a young kid who shows his alleged stitches as he takes the viewer into his experience of being robbed of his kidney. Another video shows a white van suddenly pulling up by the sidewalk and masked men grabbing a bystander and staffing him into the van before it quickly runs of. The aftermath of this was a flood of posts claiming that this van has been seen in the municipalities of Angono and Cainta which has caused fear in our very own municipality.

Much to everyone’s relief after a thorough investigation by various major news outlets ABS CBN and TV PATROL these videos were declared to be a hoax Fake news at its finest causing mass public confusion and distress. Due to these findings it seems my exposition has lost meaning up until the night of December 9.

A woman was kidnapped along the commercial road Paseo de Roxas in Makati City late evening Monday. Videos circulating on social media shows a van speeding off with its right back door still open A woman inside was heard shrieking and screaming “tulong” stunning bystanders. This was in fact confirmed by the Makati Police.

I do not know how this story will unfold, I do not know their motives, I do not know where and when it will reoccur. What I do know is that in a world of compromise, when it comes to the safety of our constituents I do not, the chief executive does not and the 11th Sangguniang Bayan does not. An ounce of prevention is worth a pound of the cure. I urge that we request the Chief Executive on coordination with the PNP and local Barangay official as well as a force multipliers to set up spot checkpoints and exercise vigilance to deter the commission of such heinous crimes in our municipality. As individuals and leaders we may have differences in our politics but it is the well-being and welfare of our constituents that unite us and it is in these alarming times that we are needed to do our role more than ever. Let us take a stand against terror.

(Sgd.)
HON. KYLE GEORIC Y. GACULA
Councilor

Action Taken:

Inatasan ang Tanggapan ng Kalihim na mapadalan ng sipi ng talumpati ang Tanggapan ng Punong Ehekutibo

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
22nd Regular Session
December 3, 2019

Sa ating mga kasamang lingkod bayan, magandang hapon.

Ngayong papalapit na ang Holiday rush ay lalong lalaki ang volume ng mga magpupuntahan sa ating Tiangge Complex. Kaya’t nararapat lamang na mas paigtingin pa ang seguridad at kaayusan sa lansangan sa paligid at papunta nito. Isang paraan para mapanatili ang seguridad ng mga mamimili at motorista ay ang pagkakaroon ng maliwanag na kalsada . Duon sa kahabaan ng Don Hilario Avenue ay maliwanag na dahil sa mga poste ng ilaw at ngayon pa nga ay may light tunnel na rin kaya maaliwalas at mas ligtas sa lugar. Ngunit sana ay ganun din sa pagpasok ng Manila East Compound, sa may Veteran’s Park at sa tawiran papuntang Tiangge Complex. Mayroon po tayong installation ng anim na floodlights katabi ng ating clock tower na sa ngayon ay hindi gumagana. Noong ito po ay napailawan natin mga ilang taon na ang nakalipas ay ibang liwanag sa nasabing lugar at mas kampante ang mga tao na dumadaan duon. Mas visible ang mga taong tumatawid, sasakyang dumadaan at ang buong paligid ay maaliwalas tingnan at mas safe para sa lahat. Makakabawas din ito sa mga pagtatangkang gumawa ng mga pretty crimes sa area.

Akin pong hinihiling na ito ay matignan sa lalong madaling panahon ng ating Engineering Department upang matignan kung ito ba ay pundido lamang o dapat kumpunuhin. Hinihiling po natin sa ating butihing Mayor na mapa-inspect ito at sana ay mapaganang muli sa mga susunod na araw nang sa gayon ay lumiwanag sa lugar na yun para sa kaligtasan ng ating mga kababayan at mga bisitang dumadayo sa ating pinagmamalaking industriya.

Maraming salamat po at magandang hapon.

(Lgd.)
KGG. PHILIP JEISON J. CRUZ
Konsehal

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Michell B. Bermundo ang nakalahad na komunikasyon sa Lupon sa mga Pagawaing Bayan, Imprastruktura at mga Palingkuran-Bayan upang mabigyan ng kaukulang inspection ang mga areas na nabanggit sa talumpati

Remarks:

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.
17th Regular Session
October 29, 2019

PAKSA: BOUNDARY DISPUTE” SA BAYAN NG CAINTA

Magandang araw po sa aking mga kasama dito sa Konseho ng Bayan ng Taytay. Gayun din po sa aking mga kababayan.

Minarapat ko pong tumayo sa pagpupulong na ito upang iparating sa konseho ang aking ilang mga katanungan sa napakatagal ng isyu ng ating bayan tungkol sa “Boundary Dispute” sa karatig bayan ng Cainta.


Ano na nga po ba ang estado ng mga pag-uusap o ang matagal ng nakabimbing kaso ukol dito? Sa nakalipas na mga taon, ay wala po ako matandaan na kaganapan ukol dito?

Kung atin po mapupuna, ang mga lugar na sakop ng naturang usapin, mula po sa may gawing bukana ng “volleygolf” sa Ortigas Ave., hanggang sa makalampas ng kalye Estrella sa Rizal Ave., Brgy. San Isidro, mga lugar na pinaniniwalaan natin na sakop ng Bayan ng Taytay; ay napuno na ng mga makabagong gusaling pang residensyal at komersyal, bukod pa sa mga naglalakihang industriya.

Ang malaking katanungan, sino po ang nakikinabang sa mga buwis doon? Ang bayan po ba ng Cainta?

Kung kayo po ay napapadaan sa gawing Ortigas Ave. Ext., makikita nyo po mula sa kanto ng Volleygolf, ay marami ng nakatayo na mga modernong gusali. Marami ng mga modernong restoran at supermarket. At kailan lamang ay nakita ko na me bagong bukas na “Starbucks Coffee” doon sa malapit sa “Panasonic Bldg.”. Ang mga lugar na iyan ay ipinaglalaban natin at mahigpit na pinaniniwalaan natin na nasasakupan ng Bayan ng Taytay. Ngunit ako po ay nababahala, dahil po sa nabalitaan ko na ito po daw ay nasakop na ng Bayan ng Cainta? Kung ating titingnan, malayo pa nga po ito sa hangganan na atin po nasasakop, at mas dapat po siguro na sa atin mapunta ang pakinabang sa mga lupain na ito?

Matagal na po ang usapin ng “Boundary Dispute” sa pagitan ng Bayan ng Taytay at Cainta. Kung di ako nagkakamali ay Administrative Case #001 series of 1969. Kung gayon, mga kababayan, limampung (50) taon na ang usapin na ito? At sa tagal ng panahon na iyon, Bayan ng Cainta ang nakikinabang sa lupain na alam natin na sakop ng Bayan ng Taytay. Lalo na siguro ngayon, na mataas na ang halaga ng mga lupa sa mga lugar na yon? Pababayaan na lang ba natin ito?

Kaya po hinihiling ko sa Konseho na ito na sana po mabigyan tayo ng pag-uulat kung ano na po ang kasalukuyang estado ng usaping ito, at gumawa ng aksyong nararapat para dito sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po.

Gumagalang.

(Sgd.)
Kgg. Ceferino R. Resurreccion Jr.
Konsehal
Taytay, Rizal

Action Taken:

Naitalaga na Tagapamatnugot/Pangalawang Punong Bayan Michell B. Bermundo ang naihayag ng Pribilehiyong Talumpati sa Committee on Rules, Resolutions and Ordinances bilang pangunahing tagapamatnugot kasama ang Committee on Housing and Land Used.

Remarks:

Vice Mayor Michell B. Bermundo

Vice Mayor Michell B. Bermundo
14th Regular Session (100 Days)
October 8, 2019

Isa ang okasyong ito sa aking pinakahihintay mula ng aking isulong ang aking pangarap bilang Pangalawang Punong Bayan at panundan ang turo ng ating ama ng bayan na si Kgg. Mayor Joric Gacula. Nasasabik akong Makita muli kayong lahat! Naalala ko pa noong mga panahon na tayo ay nanunuyo sa ating mga kababayan, mga panahon na tayo ay humihingi ng suporta sa ating mga lider, ang ating gabi-gabing caucuses hanggang sa dumating na ang araw ng halalan. Hindi ko mabilang kung ilan beses akong kinabahan, nag agam-agam dahil may karanasan din ang aking naging katunggali. Pero hindi iyan ang dahilan para ako panghinaan ng loob dahil isa lamang ang pinaniniwalaan ko,yun ay ang mahal ko kayo at ang alam ko na ako ay mahal ninyo kasama ang aking mga kasamahan na naglilingkod sa bayan. Kaya maraming maraming salamat po sa inyong lahat [clapping].

Isang Tanghaling siksik ng kaligayahan, paggalang at pagmamalaki ang aking idinudulong sa inyong lahat. Magandang Araw ng Martes Best Taytay, magandang araw ng martes po. Sa lahat ng nandito upang saksihan ang isang kakaibang pag-uulat na gingagawa lamang ng isang Punong Bayan, ngunit ngayon dito po sa ating Bayan ang inyong Pangalawang Punong Bayan ang siya naman mag-uulat. Hindi pangkaraniwan ngunit sa araw na ito ay ikukwento ko sa inyo kung anu ang trabaho ng isang Sangguniang Bayan. Gaanu ito kahalaga, anu ang bahagi nito sa pag-unlad ng Bayan at kung paano nito sinusuportahan ang mga programa ng ating Punong Bayan.

Hayaan muna ninyong batiin at pasalamatan ko ang ating Kgg. na Punong Bayan Mayor Joric Gacula sa pagbibigay ng napaka-gandang ulat kanina para sa ating Bayan, maraming-maraming salamat po Mayor Joric.

Gayundin ang aking pagbati sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Konsehala Pia Cabral, Konsehal Jeca Villanueva, Konsehal Patrick Alcantara, Konsehla Joanne Calderon, Konsehal Gene Resurreccion, Konsehal Kyle Gacula, Konsehala Boknay Leonardo, Konsehal Papoo Cruz, LnB President Buboy Santos, at Sk President Jannah Dazo. Nandito rin kasama natin ang ating mga Kapitan ng Barangay mula sa Barangay San Isidro Kapitana Vivian Reyes Yupangco, mula sa Barangay San Juan paparating na po an gating Kapitan Rasel Valera, mula po sa Barangay Sta. Ana Kapitan Joey Calderon at mula sa Barangay Dolores Kapitan Allan De Leon. Gayundin nakikita ko po na nandirito rin ang ating mga Kagawad si Kagawad JV Valera, Kagawad Allan Dela Rosa, Kagawad Bering Alcantara, at ang SK po ng Barangay San Juan, SK Kagawad Ella Barredo. Nandirito rin po ang presensya ng ating DILG-Taytay MLGOO si Sir Harry Toledo at ang ating Municipal Administrator si Maam Joyce Yoinco, nakita ko rin po an gating former Councilor Dingdong Gatapia, nandito rin po an gating Municipal Fire Department Head si Sir Alvin De Leon. Gayundin si Mr. Eleno Tolentino nandirito po. Ang mga mahal nating Civil Society Organizations na nandirito ngayon, babangitin ko po isa-isa pero sana wala akong ma-miss. Ang ating MIS head pala nandito si Maam Lucette dela Rosa. Ang ating unang Ginang Mayora Joanne Gacula, yan.

Ang ating mga Civil Society Organizations sa pangunguna ng: Saint Vincent Bayhome Homeowners Association na nirerepresent ni Mr. Damiano Arañas, Jr; Ang Bagong Pag-asa Homeownes Association ni Maam Levi Gomez; Ang SILAHOA ni Maam Concepcion Bambila; ang SAMALTAI Association si pangunguna ni ate Cristy Dela Cruz; Ang PACHOA sa pangunguna ni kuya Nick Berdigay, Jr; Tibagan Dolores sa pangunguna ni Maam Nenita Deliano; ang SAMAGTA Homeowner Association sa pangunguna ni Engr. Ruben Fornal; ang Maharlika Homeowners sa pangunguna ni Rowena Nivado; C-6 Road Hogs and Livestock Association na si Nicolas Villarama; Kapit-Kamay Sitio Siwang ni ate Linda Fernandez; Malumanay Association si ate Magdalena Campanegro; Municipal Agriculture Fishiries Council si sir mike Selgado; ang Lupang Arenda Multi-purpose Cooperative si Ate Letty Agnas; ang SB II Neighborhood Association na si Sir Vic Marcos; ang Unity Home ng Sitio Bato-bato kay Mr. Jordan Janer; ang SAVHOA na pinamumunuan ni ate Emily Cornel; ang PILAMAN na pinamumunuan ni Kuya Bonifacio Mueta; ang APHOA na pinamumunuan ni ate Emilda Capitle; Diwa ng Magkakapitbahay ng Taytay Floodway sa pangunguna ni Kuya Rodrigo Kanson; ang Presidio Homeowners Association sa pangunguna ng ating Koreano sa Pilipinas kuya Rodrigo Koreano; Ang Arenda Riverview Homeowners Association sa pangunguna ni Ate Fe Eljin Eboa; ang Phase 2 Arenda Circle Homeowners Association Nicanor Berdigay, Jr.; ang Bagong Sigla ng Pamamalakad Homeowners Association Diosdado Mangoba; ang Samahang Pampamayanang Pilipino sa Lupang Swerte Homeowners Association na si Amparo Anacio; ang Arenda Balikatan Homeowners Association Phase I si ate Nimfa Villar; ang Purok 7 Bayview Central Homeowners Association, Inc si ate Elsi Mesa; and Genises Manggahan Floodway sa pangunguna ni Kuya Ariel Portugal; ang Arenda Balikatan Neighborhood Association sa pangunguna ni Roman Gabuya, Jr; ang Saint Michael Homeowners Association sa pangunguna ni ate Judith Serencio; ang Mamamayan East Arenda Homeowners Association sa pangunguna ni Salvation Larra; Gabayan ang Bagong Adhikain Homeowners Association ni Mark Anthony Bello; ang New Arenda Community Panther Association sa pangunguna ni Politico Arnante; ang Samahan ng Magkakapitbahay sa Lupang Arenda Block 1, 2 & 3 sa pangunguna ni kuya Eddie Tesurero; C-6 Taytay Lakeview Village sa pangunguna ni ate Luvy Flores; Taytay Arenda Balikatan Homeowners Association sa pangunguna ni ate Nory Paragas; United Lupang Arenda Neighborhood Association sa pangunguna ni ate Josephine Cordero; Bagong Samagta Inc. sa pangunguna ni ate Agnes Lumugdang; ang Authentic Block 13 Homeowners Association sa pangunguna ni Josefina Bernardo; Floodway Village Residence Association Inc. sa pangunguna ni Jimmy Limhuco; Gintong Aral Community Development sa pangunguna ni Lee Martinez; Nagkakaisang Mamamayan ng Lupang Arenda sa pangunguna ni Kuya Ramil Castil; Samahang Maralita ng Tibagan sa pangunguna ni Joseña De Los Santos; Ms. Emily Cornel ng SERHOA; at ng Solidarity Inhabitants of Lupang Arenda sa pangunguna ni Vicente Barlos.

Kayo po ang puso ng pangarap namin para sa ating bayan. Sa aking panimula, hayaan ninyong maipaliwanag ko, kung anu ba ang gawain ng Sangguniang Bayan. Ayon pos a Bureau of Local Government & Supervision o BLGS ng Department of Interior and Local Government, ito ang sanghay ng ating Pambansang Tanggapan na nakatutok sa mga Lokal na Pamahalaan. Ang Sangguniang Bayan ay may pananagutang lumikha ng mga Ordinansa o mga lokal na batas na paiiralin sa ating bayan na hindi nasasakop ng mga umiiral na batas sa ating bansa. Gumawa ng mga resolusyon sumusuporta sa mga programang magpapalakas at magiging pundasyon ng pagpapatupad ng mga ito. Kung walang Sangguniang Bayan walang matibay na basehan at legal na pamamaraan ang pagpapatupad ng mga programa. Ang Sangguniang Bayan ay pwersa ng Punong Bayan sa pagtatawid ng mga programa na kanyang naipangako sa taong bayan. Ang pagsasakatuparan ng mga ito ay isang responsibilidad na nakaatang sa aming mga balikat. Binibigyan ng Sangguniang Bayan ng katauhang legal ang mga programa upang sa panuntunan naman ng ating Local Government Code ay maging katanggap tanggap at tama.

Ayon pa rin sa [Local] Bureau of Local Government Supervision, sa unang buwan ng mga halal na miyembro ng Sanggunian kung saan ang inyong lingkod ang namuno ay mayroon dapat gawin. Isa dito ang paghalal ng iba’t ibang “Standing Working Committees” para maisaayos ang mga pagkilos at prosesong lehislatura ng Sangguniang Bayan.

Mayroon po tayong 21 Standing Working Committees sa ating Bayan kabilang dito ang Committee ng Ways and Means na pinamumunuan ni Konsehala Pia Cabral; Ang Committee ng Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources, Committee ng Cooperatiba, Committee ng Health & Sanitation na pinamumunuan ni Konsehala Jeca Villanueva; Committee ng Games & Amusement, Committee ng Natural Resources and Environmental Protection na pinamumunuan ni Konsehal Patrick Alcantara; gayundin ang Committee ng Edukasyon, Committee on Social Services, Men, Women, Third Sex and Family na pinamumunuan ni Joanne Marie P. Calderon; Committee ng Housing and Land Used, utilization, Committee on Transportation, Communication and Information Technology na pinamumunuan ng ating Konsehal Gene Resurreccion ; Committee on Social Service and Local Government Re-Organization, Committee on Finance, Budget and Appropriation, Committee on Rules, Resolutions, Ordinances and Accreditation na pinamumunuan ating Konsehal Kyle Gacula; gayundin ang Committee on Labor & Employment, Human Resources, Trade, Commerce and Industry, Committee on Public Works Policy and Utilities, Committtee on Tourism Special Events, Arts and Culture na pinamumunuan n gating Konsehala Boknay Leonardo; gayundin ang Committee ng Human Rights and Grievances na pinamumunuang ni Konsehal Papoo Cruz; gayundin ang Committee ng Barangay Affairs na pinamumunuan ng ating LnB President Frank Luster Santos; gayundin ang Committee ng Youth and Sports Development na pinamumunuan ng SK Federation President Jannah Roa Dazo.

Isa din pamantayan ang isaayos ang mga tanggapan at maglagay ng mga emlpeyadong siyang mangangasiwa sa tanggapan ng Sangguniang Bayan at tanggapan n gating mga Konsehal, Iyan po ay ating nagawa na. Pangalawang panuntunan ay bisitahin ang mga ordinansang ginawa sa mga nakalipas na administrasyon pag-aralan at amyendahan at iupdate sakaling hindi na na tutugma sa tawag ng serbisyong publiko o makalumang ideya na. Iyan po ay ginawa na natin at na-refer na sa iba’t ibang committees para ito ay mapag-aralan. Dapat din sa loob ng anim na buwan, inaasahan ang Sangguniang Bayan ay pagtibayin ang Executive and Legislative Agenda. Mga programang itatakbo ng administrasyon sa loob ng tatlong taon, kasama dito ang Devlopment and Investment Program, ang Annual Investment Program, Ang Comprehensive Development Plan, ang Annual Appropriation Ordinance at ang pagbisita, pag-aaral sa taunang Barangay Approrpiation Ordinances. Ito po ay isasagawa pa lamang sa mga darating na araw at buwan ngunit makakaasa kayo na ito ay gagawin natin upang mas makapgdala ng ibayong serbisyo tungo sa Best Taytay!

Ngayon po ay ang ika-labing limang (15) regular session at makikita niyo pos a aking likod ang mga larawan n gaming session na ginawa naming sa mga Barangay Session Hall na ating mga Bayanm ng ating mga Barangay. Layunin nito na maibahagi sa Sangguniang Barangay ang iba’t ibang karanasan, kasanayan na meron kami upang mas maging epektibong lingkod mambabatas. Muli ako po ay nagpapasalamat sa mga Barangay sa mainit na pagtanggap po sa 11th Sanggunian at nagpapa-advance notice po kami po ay muling bibisita sa inyo pong Barangay.

Makikita din po ninyo ang isang talaan na kung saan inilalarawan ang pagdalo at pagliban ng ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Mapapansin ninyo po ay maraming kulay ube, ang ibig sabihin po nito ay madaming dumadalo at mas madaming nagtatrabahong mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ang ating Legislative Actions, mayroon pong pumasok na 65 communications na ating narefer na sa iba’t ibang committee; may 84 na draft resolution na naihain, 83 po ang na adopt na resolution; at 24 draft ordinances ang naihain at 3 ang adopted na ordinances; nakapagconduct din tayo ng 19 committee hearings at nakapag adopt ng 11 na committee report; mayroon pang naiwan sa draft resolution na maliit na portion 1% lang po at mayroon din po 86% na naiwan sa draft ordinances at sisikapin po ng mga miyembro ng Sangguniaang Bayan na matapos ito bago matapos ang taong ito.

Silipin naman natin kung papaanu ginagawa ng mga Konsehal ang Committee Hearings na kanilang pinapatawag para aksiyunan ang mga problema ng ating Bayan. At pinapupurihan ko po ang lahat ng miyembro ng ating Sangguniang Bayan dahil sa kanilang sipag at dedikasyon sa kanilang tungkulin, maraming maraming salamat po sa inyo. Tuloy-tuloy po ang kanilang paghi-hearing halos dito na po sila tumitira sa kasipagan po nila. Ilan lamang po ito sa 83, yung nakikita niyo pos a screen, ilan lamang po iyan sa 83ng resolutions na ipasa ng ating Sangguniang Bayan. Isa po dito yung nabanggit po ng ating Punong Bayan na pagbibigay ng authority sa kanya na makipagnegotiate and enter into a memorandum of agreement sa may-ari po ng lote na pagtatayuan po ng ating annex ng ating municipal, old municipal building at n gating trade center. Gayundin po, ang resolution na nagrerequest sa ating Secretary Edgar Galvante na magkaroon tayo ng LTO extension office dito sa ating Bayan ng Taytay. Na adopt din po ang resolusyon na magrerequest sa ating Governor Nini Ynares na magkaroon tayo ng Provincial General Hospital dito sa ating Bayan. Na adopt din po ang isang resolution recognizing and commending all public school teachers, educators within the territorial jurisdiction of the Municipality of Taytay, ito po yung pagbati sa pagcecelebrate po ng Teacher’s Month ng ating guro. Na adopt din po ang resolution no. 78, A resolution designating yung ating Old Municipal Buliding na pagtatayuan po n gating Provincial Hospital. Na adopt din po ang isang resolusyon, ang Taytay Comprehensive Local Juvenile Intervention Program. Gayundin po, na adopt din po ang resolution no. 80 nagrerequest sa ating Municipal Mayor na magkaroon tayo ng Municipal Free Legal Assistance Office, para matulungan ang ating mga kababayan. Gayundin din po ang resolution na nagdedeklara sa Municipality ng Taytay, Province of Rizal as Garments Capital of the Philippines. Gayundin po ang isang resolusyon na nagrerequest sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maideklara na ang ating Bayan at kilalanin sa buong Pilipinas na ito ang Garments Capital ng ating Bansa. Meron din po tayong 3 adopted ordinances, kabilang po dito ang Ordinances amending certain provisions of Ordinance No. 8 2017 which is known as Taytay Accreditation Ordinance, naipasa din po na ordinansa ang pag-o-authorize sa ating Punong Bayan para gamitin ang imminent domain para po magamit na ang lupang halos kalahating ektarya para pagtayuan n gating Municipal Government Annex and Events Center. Gayundin po ang ordinance no. 3, an ordinance providing expanded benefits to Solo Parents of Municipality of Taytay. Nagkaroon din po tayo ng mga pending resolutions katulad po ng amendments ng Market Code. Ang legislation na nabanggit din n gating Mayor na kailangan natin sa mga residente na maapektuhan ng construction ng South East Metro Manila C-6 Skyway Project. Meron din po tayong pending draft ordinance para sa regulation ng junk shop operation. Meron din po tayong pending resolution ay ordinance regarding sa anti-bullying. Meron din po tayong mga ginanap na Capacity Building Activity, ang Legislative Orientation Seminar para sa ating mga staff sa Sangguniang Bayan. Nagkaroon din po tayo ng Civil Society Organizations Conference sa ating Municipal Atrium Hall, ito po yung assembly ng mga CSO. Nagkaroon din po tayo ng 5th Leg Historical Arts and Culture Tour and Documentation. Ito po ay dinaluhan ng mga librarians sa iba’t-ibang bayan dito po sa Lalawigan ng Rizal.

Sa inyo pong mga narinig ay tila ba napaka seryoso at teknikal na Gawain ang Sangguniaang Bayan, ngunit mas bibigyang buhay nito an gaming paglapit sa mga mamamayan. Nalalaman natin ang kanilang saloobin, mga suliranin at inaasahan sa ating Pamahalaan. Mula sa pakikinig sa kanila, mararamdaman natin kung anu ang dapat nating lunasan. Lunasan ng mga tamang Ordinansa at Resolusyon na mga makakatulong sa ating mga kababayan.

Mahalaga na ang ating workplace ay kaaya-aya. Ang isang conducive na opisina para magtrabaho ay nagbubunga ng resulta at maayos na serbisyo. Kaya naman, ipinagmamalaki natin ang mga pagbabagong ating naisakatuparan upang maging maayos ang tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan. Ang masinop na aligid ay palagiang nagbubunga ng magandang bunga mula sa trabaho. Ang ating Session Hall na luma na ay ating napaganda at naayos. Ito ay para sa Bayan at mananatiling para sa taong Bayan.

Muli, Magsama-sama po tayong harapin ang kinabukasan, buo ang loob at may determinasyon na ang lahat ay kakayanin at maabot dahil tayo ay nagkakaisang Taytayeño!

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

Action Taken:

Remarks:

Mayor George Ricardo R. Gacula II

Mayor George Ricardo R. Gacula II
14th Regular Sesssion(100 days)
October 8, 2019

Marami salamat, maupo tayong lahat, maraming salamat sa ating Kalihim ng Sangguniang Bayan, Ate Sonia Samson, sa ating Kagalang-galang na Pangalawang Punong Bayan, Hon. Vice Mayor Mitch Bermundo, sa ating mga konsehal, Hon. Pia Cabral, Hon. Jeca Villanueva, Hon. Patrick Alcantara, Hon. Joan Calderon, Hon. Gene Resurreccion, Hon. Kyle Gacula, Hon. Elaine Leonardo, Hon. Papoo Cruz, Hon. ABC President Frank Buboy Santos and Hon. SK Pres. Jannah Dazo. Nadyan din po ang ating mga Barangay Captain, ang ating former LnB President at Kapitana Vivian Reyes Yupangco. OurBarangay Captain of Brgy. Sta. Ana, Hon. Joselito Calderon. Sa lahat po ng mga CSOs, mga panauhin natin isang magandang hapon. Ako po ay bumabati sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa Ika-100 Araw ng kanilang panunungkulan dito sa Administrasyong 2019-2022.

Isang karangalan po na maimbitahan dito sa inyong mahalagang sesyon ngayong araw na ito upang maipakita ang naging direksyon ng ating administrasyon sa Ika-Unang 100 Araw nitong 2019. Kung makikita po natin naghanda ako ng isang presentasyon na para mapabilis. Nagsimula tayo nuong June 30 na kung saan ay inimbitahan natin ang ating mga pinagpipitagan na pinuno ng bayan, ng bansa sa pangunguna ni Secretary Mark Villar, ang ating Congressman/Kinatawan Jack Duavit at ang ating Punong Lalawigan/Gov. Nini Ynares. Ang naging tugon ng lahat ng ating mga mamamayan ay bilang pangalawang pinakamalaking populasyon na munisipyo sa buong bansa ay kulang at kulang ang ating health services. Sa lumalaking populasyon ng Taytay mayroon tayong daytime population of around 600,000 at mayroon tayong night time population of around 400,000 ay kulang na kulang ang ating pambayan pagamutan ang Hon. June V. Zapanta Memorial Hospital na nakasanayan natin bilang Taytay Emergency Hospital. Sa ating panawagan at pakiusap sa ating Punong Lalawigan Gov. Nini Ynares na magkaroon ng isang Provincial Hospital dito sa ating bayan ay agad agad tinugunan ng ating Punong Lalawigan. Ala sais ng gabi nuong tawagan niya ako after June 30 nuong tayo ay nagkaroon ng Panunumpa sa Katungkulan ay agad agad siyang umaksyon upang ako ay atasan na humanap ng isang lugar na mapaglalagyan ng Rizal Provincial General Hospital-Taytay Annex. Sa requirement po ng Rizal Provincial Engineering Division at ng Provincial Health Office na isa’t kalahating ektarya ay wala tayong maibigay na lupa. Kaya’t ang naging Engineering Solution ay magtayo ng isang high-rise na ospital na siguro ay maihahalintulad natin sa Taytay Doctors o kaya dito sa ibang bayan sa Medical City o dito sa ating mga ospital katulad nitong MakatiMed na kung saan ito ay vertical expansion o pataas. Gayun pa man ay kinailangan natin ng malaking lugar para ito ay paglagyan. Ang isang nai suggest po ng ating dating Punong Bayan Gody C. Valera ay ilagay sa Kalayaan Park na ito ay na inspection din ng ating Provincial Engineering, nakita nila na okey ang Kalayaan Park nguni’t kulang ang sukat ng lupa kaya’t ang napag pasyahan po ay ang ating lumang munisipyo na yan naman ay na condemned na nuong bago tayo lumipat dito nuong 2008 ay na condemned na ang building na yan. Kaya sinuri iyan ng ating PEO nakita na kulang pa rin ang sukat kaya’t isa sa napag aralan na lagyan ng bridge way kamukha ng SM na may bridge way. Tumatawid ng kalsada upang gamitin na din ang existing na gymnasium ng bayan ng Taytay, ang San Juan Gym na yan ay ating tinignan at lalagyan ng bridge way kulang pa rin kung isasama ang lugar na pinagtatayuan ng Christmas Tree ay kulang pa rin duon sa harap ng ating munisipyo. Kaya’t sinukat ang kalsada sa gitna ng DiviMart at ng ating lumang gusali kung yan pala ay pagsasama-samahin ay magiging acceptable sa isang P400Million project na gagastusan ng ating lalawigan at yan ay ime maintain ng ating provincial government walang gastos ang bayan ng Taytay. So yan po ang nakikita natin na malaking solusyon para sa kalusugan ng ating bayan. May pondo tayo na para gamitin sa ating June V. Zapanta Memorial Hospital at may pondo ang lalawigan para gastusin sa Taytay Annex ng Rizal Provincial Hospital. So ang ating pong pasasalamat sa Sangguniang Bayan na agad agad nagpadala ng resolusyon sa ating Punong Lalawigan upang mai reiterate ang request para sa ating Rizal Provincial Hospital. After ilang araw I think isang linggo o sampung araw dumating ang resolusyon na ipinadala ni Vice Governor Junrey San Juan na nagtatalaga ng intensyon ng ating Punong Lalawigan at ng Sangguniang Panlalawigan na ituloy ang proyekto na ospital sa bayan ng Taytay. Kinailangan ang isang legislation at ang legislation na yan ay magmumula uli dito sa atin sa Sangguniang Bayan sa loob ng dalawang (2) sesyon ay naibigay agad ang papeles na kung saan ay ipinagtitibay na dito sa mga lugar na ito ilalagay ang ating ospital. Pinapapurihan ko ang Sangguniang Bayan sa mabilis nilang pagkilos sa isang napakahalagang pangangailangan dito sa Taytay yung ngang kalusugan. Hindi na dumaan o umabot sa mga dating karanasan na tumatagal ng buwan ang mga hinihingi nating mga tulong sa Sangguniang Bayan. Sa loob ng isang sesyon lamang, sa masusing pag-aaral at pag de debate ng ating mga kasamang naglilingkod sa Sangguniang Bayan agad-agad natutugunan ang mga legislative measures na kinakailangan para sa isang libreng imprastruktura na galing sa ating Governor Nini.

So bukod duon ang ating balita din na ang ating Sangguniang Bayan ay nagtalaga ng halagang ilang milyones para duon sa project study at saka architecture and program of work para duon sa ating sports center na kaloob ng ating Pangulong Duterte at ganuon din ang ating bagong senador, si Sen. Bong Go. Aking gustong ibalita na ang paghihirap ng Sangguniang Bayan para sa proyektong ito ay nagbunga, tumawag ang po ang Department of Budget and Management na ang P300 Milyon na kaloob ng ating pangulo ay hindi na veto mula sa National Budget ng 2019. Ito po ay kasama at mismo ang ating Sen. Christopher “Bong” Go ay tumawag sa inyong lingkod, siguro tatlong (3) linggong nakaraan upang sabihin na huwag mag alala ang Taytay dahil ito ay up for bidding sa January. Ang ating Cong. Jack Duavit naman po hindi pa man nagsisimula ang proyekto ay naglaan agad ng P50 Million upang maging panimula para mai ayos ang site development ng ating lupa sa Muzon. Ito po ay ibi bid ngayong buwan ng October upang ihanda para sa pagpapagawa ng mga sport recreational projects na manggagaling sa national government. Ang isa pong magiging kawalan natin ay yung annex ng ating munisipyo. Yung ating San Juan Gym din po na pinaglalaruan ng ating mga kabataan at pinagdadausan ng mga activity ay mawawala pero ang kapalit naman ay isang napakagandang ospital na nagkakahalaga ng P400 Million at taun taon ay babadgetan ng lalawigan, walang gastos ang bayan ng Taytay. Kaya’t kinakailangan din natin na magkaroon ng isang lugar na kapalit yan ating mga gusali na yan na pinagdadausan ng ating mga aktibidades. Ang ating pong Sangguniang Bayan ay muli kong nilapitan nitong mga nakaraang linggo at humingi po ako ng kapangyarihang expropriation ordinance. Ang kapangyarihan ay binibigay ng Sangguniang Bayan sa Punong Ehekutibo o sa Mayor upang gamitin ang tinatawag na expropriation o ang kapangyarihan na bumili ng lupa na kakailanganin para sa isang mahalagang bagay na makaka apekto sa buhay ng ating mamamayan dito sa Taytay. At agad agad ako ay nagpapasalamat hindi na nagpatumpik tumpik pa binigyan ako ng ating Sangguniang Bayan ng kapangyarihan upang makipag usap, upang mag expropriate, upang maghanap ng isang lupa. Mayroon po akong nakita na isang lupa na kalahating ektarya dito sa Brgy. San Isidro kung saan ay pwede nating ilipat ang annex ng ating munisipyo.

Sa kagandahang loob ng Bahay Partylist, ako po ay tumungo sa Kongreso at personal na ipina abot ng ating Kinatawan ng Bahay Partylist Cong. Naealla Bainto Aguinaldo at ito po ay ipinag alam na rin sa Chief of Staff ng ating Cong. Duavit na ang P50 Million na pera ng Bahay Partylist ay naka earmark na para panimula na pondo para duon sa annex building ng ating Taytay Government Center. Ganun din po ay kakailanganin natin ng isang gymnasium o isang multipurpose sports and recreational center na papalit sa San Juan Gym at iyan po ay muli kong ilalapit sa ating Sangguniang Bayan upang ito ay mapondohan, upang hindi naman mawalan ng palaruan ang mga tiga duon sa gitnang bayan ng bayan ng Taytay. So akin pong pinupuri muli ang Sangguniang Bayan dito sa ating proyekto ng ating palengke, ang ating pong Pamilihang Bayan ay nagagamit na ngayon, okupado na po ang first at naokupahan na ang second floor ng building na nasunog nuong May 27, 2010. Ito po ay nagagamit na ngayon kulang na lang ang blessing ayoko lang pong ipatuloy hangga’t napipintahan ang ating bagong gusali.

Ang ating pong Sangguniang Bayan ay gumagawa ngayon ng isang ordinansa yung tinatawag na Market Code at yan po ay iniintay ko na lamang upang ang market code na yan ay magkaroon din tayo ng pamamaraan upang maipa ayos, mapaganda pa yung mga building na nakapaligid at nakahilera duon sa ating bagong palengke. So suma total ang ating pong bayan sa loob ng isang daang (100) araw ay nakamula ng napakaganda at napakadaming proyekto mula sa ating lalawigan, mula sa national government, sa ating Pangulo at sa Sen. Bong Go at ganun din po sa ating Kinatawan, Michael John “Jack” Duavit. At hindi po maisasakatuparan lahat kung hindi po mabilis ang aksyon ng ating Sangguniang Bayan. Pede po bang palakpakan natin ang mga miyembro ng ating 11th Sangguniang Bayan na nakita ko na sa pagtutulungan ay sa loob ng 100 days ay mayroong tayong agad na nailatag na mga programa na pakikinabangan ng ating bayan na pang habang buhay o pang habang panahon. Malaki pa ang panahon na ating inaasahan at marami pa tayong inaasahan na magiging tulong at trabaho nitong ating mga mambabatas, mga legislators ng bayan ng Taytay. Natutuwa po ako sa kanilang kaisahan at hinihiling ko na panatilihin ang kaisahan na ito para po mas marami pa tayong magawa para sa ating bayan.

Ang isa po na nagbibigay ng malaking hamon sa atin ay yung mga changes o mga pagbabago sa mga dadating na panahon. Alam nyo po ba na tayo ay nagkaka problema ngayon pagdating sa trapiko dahil sa dami ng sasakyan na pumupunta sa ating bayan at yan naman po ay sinasagot ng ating national government. Yung kakulangan sa imprastruktura ay sinasagot nguni’t may mga problema rin dala ang mga proyektong ito.”

1. Yung mga bahay na tatamaan o madi displace ng mga proyekto tulad ng C6
2. Skyway

Pero ganun po yata talaga pagka po mas marami ang makikinabang ay kailangan mayroon kaunting magsakripisyo. So ganun po yan po ay kinakailangan din ng mga mahahalagang legislation mula sa ating Sangguniang Bayan. Maging ang ating pagpapatuloy na pagpapalupa o proyektong makamit ang palupa sa ating Floodway at Lupang Arenda ay isinusulong natin at agad agad naman na natutugunan ng Sangguniang Bayan ang mga kahilingan na mga batas na kailangan upang iyan ay mai submit natin sa NHA (National Housing Authority), sa HUDCC (Housing and Urban Development Coordinating Council), sa DENR (Department of Environment and Natural Resources) o yung mga national government na opisina na kinakailangan ang mga legislative requirements na ito. So yan lamang po siguro although marami pa akong gusto pang banggitin at papuri, sa lahat ng aking lakad ay sinasabi ko na napakahalaga pala na mayroong pagkakaisa ang mga opisyales ang ating bayan. Sa totoo man at huwag sanang magagalit na kung sino man yung makakarinig pero ito pong Sangguniang Bayan na ito ang naging isang napakabilis ng mga pagtugon sa mga pangangailanan ng ating bayan. Hindi ko sinasabing sila ay pinakamahusay, hindi sinasabing sila ay pinakamagaling pero sila po ang pinakamabilis kaya nga po mas mabilis ang Ehekutibo na makatrabaho at makahingi ng mga proyekto mula sa natinal government. So mga kasama isang karangalan Honorable Vice Mayor Mitch Bermundo na makapagsalita sa inyo sa Ika-100 Araw at yung nga bago ako matapos gusto ko sanang ipakita yung sinasabi kong mga hamon sa ating bayan. Na ito siguro pag ating palalampasin ay kawawa naman ang ating bayan pero kakailangan ko rin mas lalo ang inyong tulong dito sa mga proyekto na ito na mula sa ating national government. Paki play nga yung video.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
13th Regular Session
October 1, 2019

Wala daw pong Pangulo, Senador, Doktor, Arkitekto, Abogado, Inhinyero, Piloto, at iba pa kung walang Guro. Kaya may #ThankYouTeachers.

Simula nung unang Linggo ng Setyembre ay ipinagdiriwag ang National Teacher’s Month na magtatapos sa darating October 5, Sabado, kasabay ng “World Teacher’s Day”. Layunin nitong mapasalamatan ang ating mga Guro at bigyang halaga ang mga sakripisyo at napakalaking ambag ng mga kaguruan sa lipunan.

Paano pa natin mapapakita ang ating pagkalugod sa kanila? Dapat bigyang pagkilala ang mga Ulirang Guro na tumulong mahubog ang bawat estudyanteng kanilang nagabayan sa paaralan.

Positibo po ako na ang kasalukuyang namumuno at ang bumubuo ng “Committee on Education” ay pagdidili-dilian ang ating nabinbin na “Proposed Ulirang Guro ng Taytay Ordinance” na nais nating maging daan upang tuloy-tuloy na mabigyan ng pagkilala at gantimpala ang mga karapat-dapat at mga mapagmalasakit na mga Guro na naglilingkod sa bayan ng Taytay.

Kaya’t akin pong pormal na minumungkahi na ang nasabing Banghay na Kautusan (Draft Ordinance) ay mahalukay sa aparador at talaan ng ating Sanggunian upang mabasa, mapag-aralan at tarukin ng mga kasapi ng Lupon ng Edukasyon sa kanilang mga susunod na pagpupulong.

Maraming salamat at magandang hapon po!

(Lgd.)
KGG. PHILIP JEISON J. CRUZ
Konsehal

Action Taken:

Naitalaga ng Tagapamatnugot/Pang. Punong Bayan Kgg. Michell B. Bermundo ang naihayag na talumpati sa Lupon sa Edukasyon.

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
10th Regular Session
September 10, 2019

Magandang araw po madam Presiding Officer at sa ating mga kasamahang lingkod-bayan.

Ipinagdiriwang natin ang araw ng mga guro sa buong mundo o Teachers World Day tuwing ika-5 ng Oktubre mula pa noong 1994 sa pangunguna ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO.

Sa ating bansa ay ipinagdiriwang ang National Teacher’s Month ng isang buwan mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, ayon sa Presidential Proclamation No. 242 na nilagdaan noong 2011. At sa taong ito ang tema ay Gurong Pilipino Handa sa Makabagong Pagbabago.

Ang mga pagdiriwang na ito ay may layunin na kilalanin ang ating mga guro para sa kanilang pagpupursige sa larangan ng pagtuturo.

Bilang naging mag-aaral, at sa kasalukuyan ay magulang at lingkod-bayan, hanggad nating maiparamdam sa kanila an gating lubos na pasasalamat sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at hindi pagsuko sa mga pagsubok sa kanilang propesyon bilang tagapag-turo.

Nararapat lamang na bigyan sila ng kahalagahan sa kanilang araw-araw na ginagawa.

Mula pagkabata hanggang sa ating paglaki ang kanilang impluwensya sa mga itinuturong pag-aaral at pagsasanay ay tumatatak sa ating puso at isipan.

Ang sakripisyo na hindi matutumbasan.
Ang hirap sa pagtuturo at pagdi-disiplina sa kabataan mag-aaral ng henerasyon ngayon.
Maghapon nakatayo, pagkamalat dahil nais na maipaliwanag ng maigi ang lesson sa mga mag-aaral at siguraduhin sa pag-uwi nila meron silang natutunan.

Minsan pang magpaluwal sa mga pangangailangan ng silid-aralan at minsan pa ang pangangailangan na mismo ng mag-aaral ay kanila pang tinutugunan ng walang pag-aalinlangan.

Sila rin ay required na dumalo sa mga seminars at trainings upang lalong lumawak ang kanilang kaalaman, kasanayan at kagalingan sa pagpapasya ng teachers sa hamon ng pagbabago ng edukasyon.

Dahil sa pagmamahal sa ating kabataan at sa kanilang dedikasyon sa kanilang propesyon, nangingibabaw sa kanila ang pasensiya at pang-unawa sa lahat ng mga suliranin.

Maaring kulang ang mga salita ng pasasalamat at papuri upang mapahalagan ang lahat ng sakripisyo ng mga guro sa loob at labas ng paaralan alang-alang sa dekalidad na edukasyon sa ating Bayan.

Para sa ating Ma’am, Sir, Prof., Teacher, Ms. o anu pa man ang tawag natin sa lahat ng tagapagturo.

Maligayang Buwan ng mga Guro!, Taos-Puso kaming nagpapasalamat sa inyong pagpapahalaga at pagmamahal sa kabataan.

Ang 11th Sangguniang Bayan ay saludo sa inyong propesyunalismo, katapatan at integridad!

At kalakip ng prebilehiyong talumpati ito ay nais ko pong hilingin na maitala sa Business of the Day ang Draft Resolution entitled, “A RESOLUTION RECOGNIZING AND COMMENDING ALL PRIVATE AND PUBLIC SCHOOL TEACHERS/EDUCATORS WITHIN THE TERRITORIAL JURISDICTION OF THE MUNICIPALITY OF TAYTAY, RIZAL” na nagbibigay pagkilala sa lahat ng guro sa publiko o pribadong paaralan sa Bayan ng Taytay nararapat lamang na lahat sila ay kilalanin at pasalamatan sa nasabing resolusyon na ito.

Ganun na din Madam Presiding, nais ko po na rin samantalahin ang pagkakataon ito para naman sa Draft Ordinance entitled, “AN ORDINANCE DECLARING LAST FRIDAY OF SEPTEMBER OF EVERY YEAR AS THE OFFICIAL TEACHERS’S DAY CELEBRATION IN THE MUNICIPALITY OF TAYTAY, RIZAL” na kung saan ang ating Sangguniang Bayan ay magtatakda ng Teacher’s Day sa ating Bayan na kung saan nakasaad sa ordinansang ito ang pagkakaroon ng isang buong araw na selebrasyon para sa ating mga guro ganun din ang pagbibigay kilala sa mga natatanging guro sa iba’t ibang kategorya na mapagkakaisahan ng tatayong komite atbp na maaring maidagdag para pagbibigay halaga sa ating mga guro sa ating Bayan ng Taytay.

Akin po na minumungkahi na ang Draft Ordinance na ito ay mai-refer sa tamang komite para lubos na mapag-aralan.

Mula po sa Committee on Education
Maraming Salamat Po.

(Sgd.)
Hon. Joanne Marie P. Calderon
Municipal Councilor

Action Taken:

Panukalang Kapasiyahan Bilang 1909-077

Remarks:

Coun. Kyle Georic Y. Gacula

Coun. Kyle Georic Y. Gacula
10th Regular Session
September 10, 2019

IT IS IN THE INTEREST OF GIVING TRUE MEANING TO OUR POLICY OF PARTICIPATORY GOVERNANCE, THAT I RISE IN THIS PRIVILEGE HOUR, IN ORDER TO SPREAD INTO THE RECORDS, A MATTER WHICH I PERCEIVED TO BE EXTREMELY URGENT, AND DEMANDS THE COLLECTIVE WISDOM OF THE MEMBERS OF THIS AUGUST BODY.
MADAM PRESIDING OFFICER, MY COLLEAGUES IN THIS SANGGUNIANG BAYAN, THIS MATTER IS IN CONNECTION WITH THE REQUEST OF SOME OF THE 34 NGOs/POs, OTHER THAN THOSE ALREADY GRANTED ACCREDITATION BY THIS SANGGUNIANG BAYAN, CONVEYING IN SUBSTANCE ALMOST THE SAME SENTIMENTS, AND UNIFORMLY PLEADING THAT THEY BE ALLOWED PARTICIPATION IN THE SCHEDULED SELECTION PROCESS TO THE LSB, THIS COMING THURSDAY, SEPTEMBER 12, THIS YEAR.

But before going through the merits of the same, allow me to briefly narrates, in an outlined form, the significant intervening facts and events, that led to this confusing and stressful situation. And by way of summary therefore, the facts in its sequential order were as follows;

August 27: -------------The Sangguniang Bayan adopted 19 Resolutions that granted Accreditation to 19 organizations.
August 28, 29, 30: ------- A total of 34 NGOs/POs completed the submission of their documents to the committee on Rules and Accreditation.
August 28, 29, 30: ------- an ELA Conference was held at Tagaytay City, wherein almost all the SB Members participated thereat.
September 3: -------------- Regular Session
September 9: -------------- Awarding of Certificate of Accreditation to the 19 NGOs/POs.

On the same vein, let me quote the pertinent provisions of the DILG Guidelines on Accreditation which provide that;

“Section 4.3.1. The Sangguniang shall evaluate all applications for Accreditation upon receipt thereof, starting on the 3rd. week but not later than the last working day of August xxxxx

“Section 4.3.3. The Sangguniang shall issue before, but not later than the last working day of August the Certificate of Accreditation to every qualified CSO.”

Madam Presiding Officer, only yesterday, the Sangguniang Bayan has awarded the 19 NGOs/POs with their respective Certificate of Accreditation on the basis of the resolutions adopted on August 27 Regular Session. Having been awarded the same, these 19 awardees will perforce be entitled to participate in the selection of representatives to LSB.

Unknown to some of us however is the fact that, in between August 27 to August 30, there were 34 NGOs/POs which, out of their determination to be accredited, has exerted much of their efforts to complete, and has in fact completed, the submission of all the documents required from them. Incidentally, it must also be stressed that during those same days, the ELA conference was held at Tagaytay City wherein almost all of us in this Sangguniang have participated thereat. Thus, it would hardly be possible to evaluate these documents, in time for the succeeding regular session scheduled on the 3rd. day of September.

On the other hand, the Sangguniang under the above quoted provisions, was given until the last working day of August to evaluate the applications and to issue the Certificate of Accreditation to every qualified CSO. The cut-off date is too clear to be mistaken and so categorical to be misinterpreted.

My distinguished colleagues in this august body, from the above narrated anterior and posterior facts and circumstances, taken as a whole, I am legally and morally convinced that the appeal made by those concerned NGOs/ POs to be granted the requisite Accreditation by this Sangguniang, to enable them to participate in the scheduled selection process to the Local Special Bodies (LSB), has strong as well as sufficient basis in fact and in law, thus warranting consideration by this august body. This view is further buttressed by the Officer in Charge of the DILG, Taytay Field Office, when I conferred the matter to his office, saying that he totally agrees with the grant of the Accreditation to the 34 NGOs/POs that completed the submission of their documents on the last working day of August, consistent with the DILG guidelines on Accreditation of CSO.

With these Madam Presiding Officer, and only if permitted by my colleagues, I already have prepared the corresponding draft resolutions dealing on the subject and lists of the said NGOs/POs is herewith attached as reference hereof.
Thank you for bearing with me and again, good afternoon.

(Sgd.)
KGG. KYLE GEORIC R. GACULA
Municipal Councilor

Action Taken:

Kapasiyahan Bilang 1909-043 hanggang 1909-076

Remarks:

Coun. Kyle Georic Y. Gacula

Coun. Kyle Georic Y. Gacula
7th Regular Session
August 20, 2019

I stand today availing this privilege hour, impelled by no other motive, than to bring out matter of legislative importance. But before I’ll be misunderstood, I must state beforehand that I incline not to take your time too much, much less attempt to make a dissertation on some legal principles rather this speech will try to discuss and present the issues briefly and in abbreviated manner.

My co-leagues in this Sangguniang Bayan, I am referring to the latest DILG Memorandum Circular # 2019-72. Issued by the DILG last May of this year, this Memorandum Circular has outlined the guidelines on accreditation of Civil Society Organizations and selection of representatives to the Local Special Bodies.

About a week ago, a CSO Orientation/Conference was conducted under the auspices of the DILG Municipal Officer. Records speak of itself, that over 100 participating NGOs/POs attend the same as part of the accreditation process. I have been approached by numerous organizations regarding their difficulty to accomplish all the requirements. I would then reply to them that we must follow what is mandated by Law. However in my determination to fast track other aspects of the process, I referred to our existing Ordinance which is known as Taytay Accreditation Ordinance (TAO) and coordinated with the DILG and the Office of the Vice-Mayor to examine ways and means we can help ease the process for those aspiring to be accredited. The DILG called our attention to one requirement found in the TAO which was the Barangay Certification.

Their current governing Memorandum Circular No. 2019-72 did not include the Barangay Certification as among the listed requirements. To re-state, the Memorandum Circular does not require Barangay Certification while Taytay Accreditation Ordinance (TAO) requires a Barangay Certification. Moreover, Memorandum Circular instructs that accreditation shall be in accordance with the guidelines provided therein. Memorandum Circular likewise provides in its repealing clause that all circulars which are inconsistent with this latest Memorandum Circular are repealed or modified accordingly.

Honorable Members of this Sangguniang Bayan, with due respect to the Author, I see no other recourse that to adjust portions of the provisions of Ordinance number 8 series of 2017. This necessity and necessity alone dictates as the Chairman of the Committee on Rules and Accreditation, I must initiate the amendment to reconcile the conflicting versions on the matter.

At this juncture, I commend the Author of Ordinance number 8 series of 2017 in crafting measure of this kind as it provided stability in the accreditation process. It guided me and my predecessor and I hope this humble amendment serves the greater purpose in which this Ordinance was intended.

In closing, this representation is of the view, that every Ordinance enacted by this Sangguniang Bayan shall not collide with any existing laws, circular or issuances with nationwide capability.
Thank you for your indulgence and Good Day.


(Sgd.)
HON. KYLE GEORIC Y. GACULA
Municipal Councilor

Action Taken:

Draft Ordinance No. 1908-015

Remarks:

Vice Mayor Michell B. Bermundo

Vice Mayor Michell B. Bermundo
6th Regular Session
August 13, 2019

Ang aking pribilehiyong talumpati ay patungkol po sa naganap na Sesyon nuong ika-6 ng Agosto, 2019 panahon ng ika-5 Regular na Pagpupulong. During Privilege Speech ay nakapagpahayag po ang ating LnB Pres./Kap Vivian Reyes-Yupangco ng kanyang pagbaba o pag resign bilang LnB President at siya po ay pinalitan ng ating bagong LnB Pres./Kap. Frank Luster “Buboy” L. Santos. Kung maaari po sana ay maihain at maisama sa hanay ng Business of the Day ang Resolusyon patungkol sa pagsasalin ng mga committee ng ating dating LnB President sa ating ating bagong LnB President upang mapasimulan ang kanyang pagganap sa kanyang tungkulin dito sa ating Sangguniang Bayan. Maraming salamat po.

Action Taken:

Draft Resolution No. 1908-019

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
5th Regular Session
August 6, 2019

To Vice Mayor Michell B. Bermundo,
To all Sangguniang Bayan Member, and
To the SB Secretariat

Good day!

My office received a letter dated July 21, 2019 informing me about our rules about on our attendance in session. Not only that is also partly quoted DILG-13 Opinion No. 14 dated May 29, 2013 stating that any member of the Sangguniang Bayan who incurred at least four (4) consecutive absences in sessions is liable administratively pursuant to Article 124 (a) (6) of the IRR of the Local Government Code.

I will refer to the IRR. It states that, and I quote:

“Article 124 Grounds for Disciplinary Actions. – An elected local
officials may be censured reprimanded, suspended, or removed from
office after due notice and hearing of any of the following grounds”.

I will read No. 6 which states:

“(6) unauthorized absence for fifteen (15) consecutive days, in case of local chief executives and four (4) consecutive sessions in case of members of Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Bayan.” End of quote.

I was surprised in receiving such letter and being reminded of the provisions of the Local government code because I filed a leave of absence on July 3, 2019 with inclusive dates of July 15, 2019 to August 1, 2019. My leave of absence was even approved by the Municipal Vice Mayor which in accordance of the Section 47 of the LGC.

Section 12 of our Internal Rules also allows me to be not present in our sessions with the explicit words and I quote “Unless expressly, excluded, by him/her” end of quote.

I am thus in quandary why the Secretary to the Sanggunian send me such letter. I followed our rules. I followed the law. I haven’t seen any problem. What is my fault?


(Sgd.)
HON. SOPHIA PRISCILLA L. CABRAL
Municipal Councilor

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ma. Jeca B. Villanueva

Coun. Ma. Jeca B. Villanueva
5th Regular Session
August 6, 2019


Magandang Umaga sa ating Kgg. Pangalawang Punong Bayan Michell Bermundo, Sangguniang Bayan Members, SB Secretariat, Kap Allan De Leon at kawani ng Brgy. Dolores, Pagbati sa inyong lahat.

Nagpasya po ang inyong lingkod na tumayo at gamitin ang bahagyang oras na nakalaan para sa pribilehiyong talumpati ngayong ika-limang sesyon ng ating 11th Sangguniang Bayan. Ito ay upang bigyan pansin, pag-usapan at maliwanagan, hindi lamang ng inyong lingkod kundi pati na rin marahil ng iba pa nating kasamahang bumubuo ng Konseho na ito. Noong nakaraang dalawa linggo, naging alalahanin na po sa akin ang pagsasagawa ng Committee Hearing sa mga panukala na refer sa komiteng aking pinangangasiwaan. At hanggang sa nitong nakaraang araw nang makatanggap ang inyong lingkod ng kopya ng legislative monitoring chart/update mula sa tanggapan ng ating OIC SB Secretary, muling napukaw ang aking kamalayan na kailangan na ngang magdaos/magpatawag ng pagdinig sa mga panukalang nakabinbin sa aking komite.

Batid po nating lahat na pansamantalang naantala ang pagpapatawag ng mga Committee Hearing upang bigyan daan ang repair/renovation ng Conference Room at Session Hall. Ang mga pagawaing nabanggit na ang nakakabit dito ay ang usaping pangkaayusan at pangkaligtasan ng mga miyembro ng Konseho, mga kawani nito at lalong higit ang ating mga kababayan na dadalo o makikinig sa ating talakayan sa sesyon o pagdinig, ay hindi rin pwedeng ipagpabukas o maging huli sa mga dapat bigyan ng pansin. Ang pangyayaring ito ay hinihingi ng pagkakataon at hindi hinangad ng kahit isa man sa atin. Nanaisin pa ng inyong lingkod na magkaroon ng pansamantalang pagkaantala sa mga pagdinig ng mga komite kaysa malagay sa peligro ang kaligtasan ng sinumang papasok sa ating bulwagan at Conference Room. Sa pagkakataong ito, hindi po nasasapat ng aking pasasalamat at paghanga sa ating Kgg. Pangalawang Punong Bayan Michell Bermundo, sa kanyang maagap na pansin, pagtugon at inisyatiba na ipaayos ang Bulwagan at Conference Room.

Ngunit sa kabila nito, nagiging palaisipan sa inyong lingkod kung makakasunod sa 30 days deadline para sa pagsusumite ng Committee Report. Sa ating pong Internal Rules Section 25 letter a binibigyan ng 30 days from the date of referral ang mga komite na magsumite ng Committee Report. Ang mga panukala na na refer sa mga komite noong nakaraang unang dalawang sesyon ay mahihirapan kung hindi man imposible na makasunod sa itinakdang 30 days deadline.

Sa puntong ito, at ibilang na rin natin ang espesyal na rason sa pagka-antala sa mga pagdinig hinihingi po ng inyong lingkod na magkaroon ng fresh 30 days period of extension para sa pagsumite ng Committee Report. At kung sa tingin man ng aking mga iginagalang na mga kasamahang bumubuo ng Sanggunian, na hindi ito ang akmang solusyon o hakbang, itinakda rin po sa ating Internal Rules na maaring ikonsidera ang pagsuspendi sa Internal Rules. Alin man sa dalawa ang maaring pagkaisahan ng mga iginagalang kong mga kasama, nakakatiyak ang inyong lingkod na ang mga nakabinbin na referrals sa mga komite ay mabibigyan ng lubusang pag-aaral. At ang lahat ng pagsisikap para sa mga ito ay dahil na rin sa hangarin nating paglingkuran ang bayan.

(Sgd.)
HON. MA. JECA B. VILLANUEVA
Municipal Councilor

Action Taken:

Draft Resolution No. 1908

Remarks:

LnB Pres. Frank Luster L. Santos

LnB Pres. Frank Luster L. Santos
5th Regular Session
August 6, 2019

Thank you Madam Presiding Officer, thank you po kay Sec. Sonia.

My warmest greetings to everyone and to all the members of this 11th Sangguniang Bayan.

I may not be new in Legislation but still the learnings are lifelong. I THANK GOD for this opportunity to represent the Liga ng mga Barangay in our Municipality. I also would like to thank my family who unselfishly supported me in this new journey of mine. Especially to my dad, ‘former Councilor Mon Santos,’ once became a Municipal Councilor that represent Barangay Muzon, after having been elected as Barangay Kagawad. To Barangay Muzon, who undoubtedly give their support in delivering and providing services to the people. To our beloved Municipal Mayor, Mayor George Ricardo R. Gacula II, whom he extensively gave his support to fight and bring changes for Barangay Muzon, and to the Punong Barangays, Kapitan Vivian, Kapitan Rasel, Kapitan Allan and Kapitan Joey, whom I know will be supporting me to bring out the best for our Barangay. I can say this that our batch are the good guys.

As the new LnB President, I will strive hard and the best for whatever I can for I have known that you will be supporting me throughout this new tasks brought in me. I will represent our Barangay as I represent the changes we wanted to a better Municipality. Let’s work hand in hand, heart to heart and say I can, we can!

Before I end this speech, let me read the bible verse, Romans 13:1-7 Obedience and Authority. Ang bawat tao ay dapat pasakop sa mga pinuno ng Pamahalaan. Sapagkat walang Pamahalaang hindi mula sa Diyos at ang Diyos ang nagtatag ng mga Pamahalaang umiiral. Kaya ang lumalaban sa Pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos at sila ay paparusahan. Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti, ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno gumawa ka ng mabuti, pararangalan ka nila. Sila ay mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo, ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila ay may kapangyarihang magparusa. Sila ay mga lingkod ng Diyos na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya nga dapat kayo pasakop sa kanila, upang hindi kayo maparusahan kundi alang-alang na rin sa inyong budhi. Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinunong Pamahalaan ng mga lingkod ng Diyos, at ito ang kanilang tungkulin. Ibigay niyo sa bawat isa ang nararapat sa kaniya, magbayad kayo sa dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa mga dapat buwisan. Igalang ninyo ang dapat igalang at pangaralan ninyo ang dapat parangalan. Ito po ay nasusulat sa banal na kasulatan at jung sinusunod po ng iba, sana all! God Bless our town, God Bless our People of Taytay, Thank you.


(Sgd.)
HON. FRANK LUSTER L. SANTOS
LnB President/Punong Barangay

Action Taken:

Remarks:

LnB Pres. Vivian R. Yupangco

LnB Pres. Vivian R. Yupangco
5th Regular Session
August 6, 2019

Isang pagbati ng Mabiyayang Hapon ang aking nais iparating sa lahat ng andito ngayon, mga kasama ko sa 11th Sangguniang Bayan SK Jannah Dazo, Kon. Papoo Cruz, Kon. Elaine Leonardo, Kon. Gene Resurreccion, Kon. Kyle Gacula, Kon. Joan Calderon, Kon. Patrick Alcantara, Kon. Jeca Villanueva, Kon. Pia Cabral at sa ating Tagapamatnugot Vice Mayor Mitch Bermundo.

Higit na mataas na pagbati at pagkilala din ang aking ipinaabot sa aking mga kasamahan sa Liga ng mga Barangay, ang ating mga magagaling na Punong Barangay, na sina Kap. Allan De Leon, Kap. Joey Calderon, Kap. Rasel Valera, Kap. Buboy Santos lalo na ang ating mga lingkod sa Liga ng mga Barangay.

Isang taon na ang nakalipas na sa hindi pinangarap, ay nabigyan ng pagkakataon ang inyong lingkod na maging Tagapanguna ng Liga ng mga Barangay dito sa ating Bayan. Naguumapaw na biyaya ito sapagkat ang mga pangyayaring ito ay bahagi na ng kasaysayang pampulitika ng ating Bayan. Mula sa pagtangkilik sa akin bilang unang babae na Punong Barangay, kasunod naman ay ang pagkakataong maging unang Babaeng Pangulo ng Liga ng mga Barangay ng Taytay at unang taga-Taytay na naging opisyal sa Panlalawigang Liga ng mga Barangay sa Rizal.

Ang mga unang pagkakataong ito ay sadyang mahalaga sapagkat pinatutunayan nito ang pag ipaw sa lumang pananaw na ang lakas at talino sa paglilingkod bayan ay pantay na nahahati sa lahat ng kasarian. Salamat sa mga lider ng ating Bayan na sumusuporta sa Paradigm Shift na ito at lalong pinalalakas ang linya ng liderato ng inyong lingkod. Maraming Salamat sa aking Pamangkin, Kgg. Joric Gacula, sa iyong pag gabay. Natatangi ang iyong pangarap para sa bayan ng Taytay sapagkat ang bawat pagkakataon ay mas binibigyan mo ng kulay upang ang hangaring umunlad ang bawat mamamayan ay siyang maging puso ng serbisyong pambayan.

Sa loob ng isang taon, natuto akong higit na maging kritikal ang pag iisip. Tumingin sa mas makakabuti para sa karamihan, Maging mapanuri at magtimbang timbang. Maging matigas sa mga desisyong sa aking pag-aaral ay tama, at bumali naman sakaling napag-isipan kong ito ay hindi tugma. Hindi din pala lahat ng nagsasalitang may malakas ang boses ay tama ang sinasabi, hindi din sapat na paniwalaan ang isang taong magaling manalita sapagkat ang basehan ng lahat ng ito ay ang gawang tama para sa bayan at para sa mga mamamayan.

Ang isang taon na aking naranasan ay nagturo sa akin na higit na maging mapagpakumbaba, maging mapagnilay, maging maaralin sa aking mga assignments bilang lider at paulit ulit na pagyamanin ang responsibilidad na ipinahiram sa akin.

Sa loob ng 1 taon naisagawa natin ang Barangay Newly Elected Officials Seminar sa Batangas, Ang buwanang pulong ng mga opisyales ng Liga at sa darating na buwan hindi man na ako ang Pangulo ay inihanda natin ang gabay para sa Legislative Summit kasama ang ating mga katuwang na Barangay.

Masaya rin po ako na mapabilang sa hanay ng opisyales sa LnB Rizal bilang Panglalawigang Director ng Liga ng mga Barangay at taas noon po akong bababa rin sa posisyong ito.

Bakit ba nagkaroon ng Liga ng mga Barangay? Isa lamang ang hangarin ng bagay na ito. Patatagin ang mga Barangay at bigyan ng boses sa ating Sangguniang Bayan. Patunay ito na sa bawat sulok ng ating Bayan, dapat hindi makakaligtaan ang pangangailangan ng ating mga mamamayan, hindi maaring malalampasan lamang ito ng ating paningin, bagkus ang pag aksyon sa lahat ng nakikita at idinudulog na suliranin ay bahagi ng responsibilidad na ating sinumpaan. Maaaring bantad na sa ating pandinig, Many are called, but few are chosen. Ikaw ay hinirang, hinirang upang ang kawan ay iyong pangunahan, Pangunahan sa daang tama at pag -asang marapat ay makamit ng bawat mamamayan.

Makalipas ang isang taon, ay panahon naman muli ng paghirang, paghirang sa taong maaring higitan ang ating ambag sa paglilingkod bayan, maaring ang lider na ito ay tunay na maalam, sapagkat naniniwala ako na marami ngang tinawag ngunit ilan lamang ang pinili. Ang mahalaga, ay ang puso para sa bayan at mamamayan, ang galing at talino ng isang lider, ay makikita o masasalamin kung paano niyang inuna ang bayan kaysa ang sarili, kung paanong inuna ang mga mamamayan kaysa sa sariling kasiyahan, kung paanong naipadama niya ang tunay na malasakit sa mga programang naibahagi niya para sa kanyang mga kababayan.

Maraming salamat sa karanasang aking niyakap. Ito ay nasa himaymay na ng aking pagkatao. Anuman ang kahulugan ng legasiya ay binibigyang buhay ng isang magandang naiwan ninoman. Mabuhay ang Liga ng mga Barangay, Mabuhay ang Bayan ng Taytay! Mabuhay ang Tayong Lahat!

Ngayon ay inihahain na po ng inyong lingkod ang pormal na dokumento ng pagbibitiw bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa kapulungan ito.

Muli, ito po ang inyong Lingkod ang Unang Babaeng Pangulo ng Liga ng mga Barangay, Vivian Reyes Yupangco.


(Sgd.)
HON. VIVIAN REYES-YUPANGCO
LnB President

Action Taken:

Remarks:

Barangay Captain Allan Martine S. De Leon

Barangay Captain Allan Martine S. De Leon
5th Regular Session
August 6, 2019

Magandang hapon po sa ating lahat, sa atin pong pinakamamahal na Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Michell Bermundo. Aking pribilehiyo na matawag isa isa ang ating mga konsehal first time na mapunta sila sa ating maliit na Pamahalaang Pambarangay sa pangunguna ng ating konsehala, Kon. Pia Cabral, sa ating dating SK Chairwoman ng ating Barangay Dolores, Kon. Jeca Villanueva, at sa aking Kon. Patrick Alcantara, Kon. Joanne Calderon ang aking napakagandang pinsan, isa po sa pinagkakapitaganan konsehal ng bayan pero batam bata pa na si Kon. Gene Resurreccion, sa ating Kuya ng Bayan, Kon. Kuya Kyle Gacula, at siyempre sa aking isa pang pinsan Kon. Elaine “Boknay” Leonardo, at sa ating pong konsehal na paborito ni Kon. Berwin, Kon. Papoo Cruz at sa atin pong Liga ng mga Barangay Kap. Vivian Reyes Yupangco. At sa atin pong napakabait kaibigan ko po ang kanyang Daddy, SK. Jannah Dazo. Sa ating pong Madam Secretary, Ate Sonia Samson, sa lahat po ng naririto na mga officials ng barangay Kag. Tegan Cayton, Kag. CJ Torres at secretary ng SK si Kristine. Sa lahat po ng mga empleyado ng ating pong Secretariat same faces old, new, lahat po ng mga naririto na magaganda’t mga gwapong secretary magandang magandang hapon po sa inyo.

Isa pong karangalan na ang ating pong Pamahalaang Barangay Dolores ang nag host po ng ating pong sesyon at kung mamarapatin po ninyo ay welcome po kayo lagi dito, Madam Presiding Officer. Welcome na welcome po kayo dito sa ating Pamahalaang Barangay. Maraming maraming salamat po na ako po’y nabigyan nyo ng pagkakataon na makapagsalita. It’s been awhile na napakatagal ko na rin na hindi nakakita ng session muli. Hindi siguro nabigyan ng chance pero ngayon lang ulit ako nakapagsalita magmula nuong ako ay bumaba sa pwesto bilang konsehal nuong 2013. Nakalimutan kong i acknowledge ang atin pong kasamahan sa Liga, incoming LnB President Kap. Buboy Santos magandang hapon kap. Nais ko pong hingin ang pagkakataon na ito na maiparating ang iba ko pong mga request. Pero ito naman po ay may mga naunang naipatuloy sa ating Punong Bayan pero uulitin ko po na maaari kong maihingi ng tulong sa ating mga minamahal ng mga konsehal ng bayan na sana ay mapagbigyan ang kahilingan ng ating mga kabarangay dito sa Brgy. Dolores. Ilan lamang po dito ay ginagawan naman ng paraan na malagyan ng badyet at parating na rin po ang session ng pag plano per budget at hiling for next year and I hope po kami ay mapagbigyan at kundi man ay paunti unti kung hindi kayang ibigay po lahat. Alam naman po naman natin na lumalaki ang populasyon sa atin bayan ng Taytay particularly po sa Barangay Dolores. So medyo lumalaki po ang demand na kami ay makapagsilbi. Nuong mga nakaraang panahon ang Barangay Dolores ay naduon lamang sa kabila. Tayo po ay tinulungan ng Panginoon at ni Mayor Joric na ma acquire po ang property na ito. Pero kulang at kulang pa rin po so ang hiling ko ang alam kong hiling din ito ng lahat ng mga kapitan ng barangay kasama sina Kap. Vivian, Kap Buboy:

1. Land Banking

Tulad ng binabanggit ng ating mayor na kailangan ng lupa na kung saan ay maaaring mapagtayuan ng mga Day Care Centers at iba pang pwedeng mapagtayuan ng opisina ng ating Pamahalaang Bayan. Lalong higit sa ating mga barangay. Dahil kulang at kulang din lalo pa at tumataas ang value ng mga lupa sa bayan ng Taytay. Gayon din ay baka hindi na makabili ng lupa in the near future. Kung kaya’t ang kahilingan ko po kung mag a allot po ng budget para sa pagbili ng lote ng ating municipal government ay maisama na mai propose dahil ang mga ito ay kailangan na kailangan at mahalaga.




2. Uniformity with regards to the Rates and Fees

Ang patungkol dito ay nagkaroon na ng pagpupulong ng samahan ng mga Barangay Captains at dito ay nagkaroon ng kahilingan na magkaroon ng uniformity. Nabanggit ko lamang and I know that the incoming LnB President ay nakalaan na ito ay maisakatuparan dahil nagkakaraon ng comparison ang mga rates and fees ng bawat barangay which is supposedly hindi dapat kung kaya’t hinihiling ko po na ito ay magkaroon ng uniformity.

3. Vehicle Obstructing the Roads/Updating the Parking Ordinance

Alam po naman natin yung kautusan po ng ating Pangulong Duterte at ang lahat naman po tayo ay tatalima duon. Nagkaroon din naman po ng obligasyon ang ating Pamahalaang Bayan even barangays are covered by the implementation of the said direct order by our Chief Executive, our President Duterte. Kasama po dito ay yung mga sasakyan na nakasagabal sa daan. Ang maganda po dito ay ginagawa na po ng ating Pamahalaang Bayan at marapat na ito ay maging tuluy tuloy subali’t ang sa akin po ang mapagtuunan ay yung Towing Ordinance at yung Parking Ordinance. Ang sa akin po ay hindi ako masyadong informed kung paano kami makakatulong. As I recall ito po ay naitaguyod sa pamamagitan ni Kon. Papoo Cruz nuong pang taong 2016. Ang huling alam ko dito ay nagkaroon ito ng pag suspend ng implementation so after that and hindi ko na rin po alam. So sa pamamagitan ng pagkakataon na ito ay hinihiling ko sa ating Honorable Sangguniang Bayan members nab aka po pwedeng makita o mai update tulad ng lugar ng Naval St. at Salazar St. ay one side parking ang allowed pero hindi naman po mapa alis dahil nga po may ordinansa. Hindi rin po namin masabi dahil may one-way circular at mababalewala na yung ordinansa. So baka pwedeng mabisita ng ating mga konsehal ang mga nasabing mga ordinansa. Way back 2017 or 2018 ay nakapagpatawag ay may naisama ng mga additional streets subalit tila hindi pa naisasakatuparan at naitaguyod kung kaya’t hindi rin naman ito maipatupad sa lugar ng Barangay Dolores ang dahilan ay ang ordinansang nakapaskil at hindi pa rin naisasama ang mga kalsadang tulad ng Jupiter St., Costalina St. ang iba pang daan dito sa Barangay Dolores. Kung kaya’t ang aking kahilingan ay mapag-usapan ng ating August Body na mai update ang ating ordinansa patungkol sa Tanggal Sagabal.

4. Impounding of Stray Dogs

Isa pa po sa pinag-uusapan ay ang patungkol sap ag-ikot ng panghuhuli ng aso, I understand yung ating Agriculture Office ay nag iikot at ang schedule ng ating Barangay Dolores ay every Wednesday. Pero sa kakulangan nabanggit din po ng ating Mayor na kailangan na madagdagan o palakihin yung dog impounding place baka po pwede sa pagba badyet kung mai propose naman ay magkaroon ng malaki laking dog impounding place na magkakaroon ng mga manghuhuli per barangay. Naitagubilin din naman po sa amin by next year ay makapag alot ng isang service upang makatulong din ang barangay sa panghuli sa mga stray dogs na kailangan na mabigyan ng aksyon dahil rampant na ang mga stray dogs dito sa ating bayan.

5. Flooding along Mahinhin St., Brgy. Dolores

Isa pa po sa aking kahilingan actually ito ay self -serving dahil ako naman ang nagre request dahil specifically sa Barangay Dolores kung mapapansin nyo po yung Mahinhin St. ay isa sa pinakamababang lugar malapit sa Dolores Elementary School. Kapag tag-ulan ay wala ng tubig sa lahat ng lugar subali’t naiiwan na may tubig baha o yung nasabing lugar particular yung lugar ni Kag. Evelyn. Nagkaroon na rin pag overlay sa lugar subali’t ito ay sandali lamang din. Marahil mula sa Committee ng Public Works ay may makapag suggest sa akin kung ano yung pinaka best na marapat gawin patungkol dito kung ito ba ay marapat na mapataasan o ayusin ba ang drainage.

6. Possible Passage Way between Building A & B of Barangay Dolores

Mayroon po kaming bagong building dito sa aming barangay baka pwede po kaming maka request ng connection going sa kabilang building at kung ito ay makakasama sa proyekto para sa susunod na taon. Kung kakayanin din naman na mabigyan ng badyet ay pwede din naman kaming makihati. Hindi naman kailangan na malagyan ng aircon ang tulay at importante lamang ay mayroon tulay o passage way mula sa lumang papuntang bagong building.

Nakalaan po akong mai pormal ang request pero binanggit ko na rin po dito sa ating session. Muli po mga kasamang naglilingkod dito sa ating bayan, Vice Mayor Mitch Bermundo, sa lahat po ng mga konsehal at lahat po ng mga naririto ngayon maraming maraming salamat po. Welcome po kayo anytime kung gusto nyo pong bumalik muli at nawa po ay nabusog namin kayo. Kung may kailangan po kayo nadito lamang po kami sa ibaba so you can go on with the session. Muli po Madam Presiding at sa lahat maraming maraming salamat po at magandang hapon.

Action Taken:

Remarks:

SK Pres. Jannah Roa D.P. Dazo

SK Pres. Jannah Roa D.P. Dazo
4th Regular Session
July 30, 2019

Isang pagbati Ms Presiding Officer, sa ating mga Konsehal gayun din po sa mga kasama natin ditto sa Plenaryo, isang karangalan po na mabigyan ng pagkakataon ang makapagsalita sa Plenaryong ito. Nais ko pong bigyang ng parangal bilang pagkilala sa natatanging paglilingkod bayan ang aking kapwa SK Chairperson.

Noong July 23, 2019 ay pinarangalan sa Davao City si Former SK Federation President Raymond Emmanuel Arcadius C. Manning sa Youth Forum 2019 in Transforming Education bilang isa sa hinirang na National Finalist for the 1st Outstanding SK Awards Project in Social Inclusion and Equity Category para sa programang MANNINGning Sunday.

Bilang pagkilala, nais ko pong ihain ang Draft Resolution na nagsasaad ng “A RESOLUTION IN RECOGNITION AND PROFOUND APPRECIATION TO HON. RAYMOND EMMANUEL ARCADIUS C. MANNING FOR HIS MANNINGning SUNDAY” at iminumungkahi na maipasama sa “Unassigned Business” upang mabigyan ng pagkilala sa 11th Sangguniang Kabataan, lalo’t higit para sa kabataang Taytayeños na siyang naging sentro at bahagi ng adbokasyang MANNINGning SUNDAY.

Action Taken:

Draft Resolution No. 1907-016

Remarks:

Barangay Captain Frank Luster L. Santos

Barangay Captain Frank Luster L. Santos
4th Regular Session
July 30, 2019

Good afternoon po sa ating lahat Madam Presiding Officer, sa atin pong members ng 11th Sanggunian. Maraming salamat po kay Kon. Joanne Marie P. Calderon para po sa motion na mapagbigyan po ang aking Welcome Remarks. Sa ating pong Secretary, Ms. Sonia C. Samson, sa lahat po ng staff na nadito ngayon at siyempre po sa atin pong SK Federation President, SK Jannah Dazo. Nagpapasalamat po kami na dito po ginanap ang ating 4th Regular Session po ng Sangguniang Bayan. Bagama’t humihingi din po ako ng pasensya kasi hindi pa po talaga tapos itong opisina na kung saan po tayo nandito kaya makakaramdam po ng inconvenience, medyo mainit, medyo masikip pero hayaan nyo sa mga susunod ninyong pagdalaw ay sisikapin po naming na mas magiging maayos po ang ating lugar. Himihingi rin po ako ng pagkakataon para po magpasalamat sa ating pong Punong Bayan, Mayor Joric Gacula II kasi po itong kinatatayuan natin ngayon ay JG Gacula II Building ay sa pamamagitan niya kaya po natayo ang gusaling ito. Katulong po ang ating dating Mayor ng Antipolo, si Kuya Jun Jun Ynares na sila po ang nag donate dito po sa atin sa Barangay Muzon. Kaya naman po maganda po ang pasilidad natin at patuloy po nating inaayos. Welcome po kayong lahat dito po sa ating Barangay Muzon. Kasama po ninyo sa inyong public service si Kag. Mando Aldana, na dyan po sa inyong likuran. Ang aming pong Secretary, si Sec Mayeth, gayundin po ang atin pong Treasurer, si Tes Micah. Sa inyo pong lahat maraming maraming salamat.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
3rd Regular Session
July 23, 2019

Sa Inaugural Session ng 11th Sangguniang Bayan ay nagpahayag ang ating Punong Bayan Mayor Joric Gacula ng ilang mga bagay na nais niyang bigyan pansin sa kasalukuyang Sangguniang Bayan patungkol sa mga basic na problema sa ating mga lansangan. Ilan sa bahagi ng pahayag ng ating Alkalde ay narito: (and I quote) “Unang una, yun pong mga curfew sa ating mga kabataan na alam kong makakatulong natin ang mga Barangay. Gayun din po na mas stricker at mas malaking penalty doon sa mga pasaway na gumagamit ng karaoke o videoke, na kahit dis oras na nang gabi at hindi weekend ay wala man lang paki-alam sa kanilang papitbahay” (end of quote).

Ang dalawang nabanggit ng ating Alkalde ay naihain po ng inyong lingkod noong nakaraang Sangguniang Bayan Draft Ordinance 1803-004 Entitled. “An Ordinance Imposing Discipline/Curfew Hours For Minors And those Over 18 Years Old But Are Incapable of Fully Taking Care Of Themselves Based On The Philippine Constitution”, na na-refer sa Committee noong March 22, 2018 at Draft Ordinance 1807-010 Entitled, “An Ordinance Regulating The Use Of Videoke Machines, Radio Karaoke/Musical Apparatus And Other Amplified Audio Devises Within The Municipality Of Taytay, Providing Penalties For Violations Thereof, And For Other Purposes”, na na-refer sa Committee noong July 5, 2018.

Dahil inabot na ng pagsasara ng 10th Sangguniang Bayan, atin pong ikinukonsedera na na-shelved ng ang dalawang “Draft Ordinances.” Nais ko po muling ihain ito sa 11th Sangguniang Bayan nang sa gayon ay maisakatuparan natin ang mga naisin ng ating mga kababayan at ng lokal na pamahalaan tungo sa mas disiplinadong komunidad.

Akin po muling inilatag ang dalawang Draft Ordinances tungkol sa Curfew at Videoke Regulation sa bayan ng Taytay para mairefer sa mga Committee na tututok dito hanggang sa ito ay maisabatas sa ating Munisipalidad.

Maraming salamat po at magandang hapon.

Action Taken:

Naatasan ang Tanggapan ng Kalihim na mai update on a monthly basis ang mga pending communications, draft resolutions and draft ordinances.

Remarks:

Barangay Captain Joselito T. Calderon

Barangay Captain Joselito T. Calderon
3rd Regular Session
July 23, 2019

Sa ating Kagalang-galang ng Punong Bayan ng Taytay, George Ricardo R. Gacula II, kagalang-galang Presiding Officer at Pangalawang Punong Bayan Mitch Bermundo, sa ating mga kagalang-galang na mga Konsehal o Sangguniang Bayan Members, sa mga kagalang-galang Ex-Officio Members, Liga ng Barngay President, Konsehal Vivian Yupangco at SK President Dana Dazo, sa SB Secretariat sa pangunguna ni Sonia Samson at Malou Distor. At sa inyo pong lahat ng naririto, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!

Ang inyo pong lingkod, kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Sta. Ana ay mapalad at lubos ang pasasalamat na sa pagkakataong ito ay dito sa Barangay Sta. Ana magaganap ang isang Sangguniang Bayan Regular Session na napaka-halagang gawain para sa mamamayan ng Taytay, Rizal, sa pangunguna ng ating Vice Mayor Mitch Bermundo. Kipkip ang layunin ng isinasagawang Session na makatulong, makapagsa-ayos at patuloy na mapaunlad ang buong Bayan ng Taytay, katulong at kaakibat ang mga Punong Barangay.

Kung inyo pong mamarapatin, nais ko pong banggitin ang matapat na panunungkulan po ng inyong lingkod sa pakiki-isa sa Legislative Body o Pamunuan ng Sangguniang Bayan ay aking ipinagkaloob at tumutugon sa atas ng Local Government Code lalo na po sa pangkalahatang batas at resolusyon, kagaya ng pagpapadala ng mga natapos na ordinansa para sa review nito, iba’t-ibang komunikasyon sa Sangguniang Bayan para sa ikabubuti ng mamamayan, ika-uunlad ng Barangay at ng Bayan ng Taytay.

Kami po’y magiging katuwang sa magandang layunin ng Sangguniang Bayan. Nais at mithiin po lang namin ay magkaroon ng maayos na ugnayan, upang maisakatuparan ang mithiin ng mga mamamayan ukol sa katuparan ng pagawain at iba pang proyekto mula sa Local Government tungo sa barangay.

Ukol po sa Health Clinic – kahilingan po ng mamamayan ng Barangay Sta. Ana na maibalik ang Rural Health Center dito sa Central para sa pangkalahatang serbisyong-medikal na maaaring makamit sa iba’t-ibang kaparaanan at pagkakataon, gaya ng pagbibigay ng bakuna at libreng gamot.

Makaka-asa po kayo, Pamahalaang Bayan at Sangguniang Bayan, na ako, bilang Punong Barangay at ang buong pamunuan ng Sangguniang Barangay Sta. Ana ay patuloy na magiging kaagapay ninyo sa mga LAYUNIN at ADHIKAIN sa PAGTULONG sa pagpapa-unlad ng ating Bayan - na magdudulot ng ibayong kasiyahan sa lahat sa pagiging masigla, maayos, masipag, matalino at kapaki-pakinabang na mamamayan ng Barangay, Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal.




Muli, marami pong Salamat!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
2nd Regular Session
July 16, 2019

Muli po, magandang tanghali po madam Presiding Officer, sa kapwa ko mambabatas sa ating Pamahalaang Bayan. Ito pong aking pribilehiyong talumpati ay naglalayon lamang po ng isang mungkahi, lalong lalo na po sa hinahawakan kong komite, na Committee on Education and Social Services na kung saan po, syempre ganun din po sa ating SB Secretary na magkaroon po sana ang inyong lingkod ng kopya ng mga existing resolution and ordinance na nakapaloob po doon sa nasabing committee. Sa pamamagitan po nito, duon ako magsisimula kung anu po ang pwede nating amyendahan na batas o resolusyon at anu pa ‘yung kakulangan at kailangan pa natin pagtrabahuhan bilang isang Sangguniang Bayan. At kaugnay din po ng aking pribilehiyong talumpati, ito po’y ukol doon sa natanggap natin na sulat mula sa Municipal Administrator, Ma’am Joyce Yoingco, dated July 12, na kung saan lahat ng department head at section officers ay nirerequired nilang magkaroon ng citizen’s charter. Naniniwala ako na bilang mambabatas, tayo rin po siguro sa Sangguniang Bayan, ay mabigyan din ng pansin itong citizen’s charter. Siguro ang aking mungkahi na mapag-aralan ito ng Committee on Rules. Na tayo mismo ay hindi maligaw ‘yung ating mamamayan lalong lalo na iyong nangangailangan ng tulong at mga grupo na nangangailangan ng tulong sa atin. Magkaroon po sana tayo ng isang chart o mapag-aralan po kung posible po ito sa atin po sa Sangguniang Bayan. Muli po ‘yun lang po ang kinapapalooban ng aking pribilehiyong talumpati. Maraming salamat po.

Action Taken:

Inatasan ang Tanggapan ng Kalihim na mabigyan ng sipi ang mga komite para sa kakailanganin na pag amyenda. Gayon din ayon sa kanya ay mainam na rin na mabigyan ng background ang iba pang mga councilors upang mai update na rin kung ano ang mga pending sa

Remarks:

Barangay Captain Roseller Z. Valera

Barangay Captain Roseller Z. Valera
2nd Regular Session
July 16, 2019

Madam Presiding Officer, Vice-Mayor Mitch Bermundo, good afternoon, and to all the members of the Sangguniang Bayan, good afternoon, and Madam Secretary, good afternoon din po. Your honor(s) I welcome all of you sa inyong 2nd Regular Session dito po sa aming Barangay San Juan. Kami po ay umaasa nalahat ng inyong gagampanan sa inyong pagdaos ng regular session dito ay naglalayon upang makatulong po ng malaki sa ating Bayan. Kaya kami sa Barangay San Juan umaasa at nananalig na ang bagong miyembro ng ating Sangguniang ay magiging productive and fruitful ang mga pag-uusapan na naglalayon upang mapasaayos ang lahat ng barangay ng ating Bayan ng Taytay, Salamat po.

Action Taken:

Remarks:

Vice Mayor Michell B. Bermundo

Vice Mayor Michell B. Bermundo
Inaugural Session
July 1, 2019

Isang mabiyayang araw ng paglilingkod Bayan ang nais kong idulog sa lahat ng andito ngayong araw, sa pagbubukas ng sesyon ng Ikalabing-Isang Sangguniang Bayan ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Taytay. Nais ko pong batiin ang mga kasamahan natin naglilingkod na dumalo sa ating paanyaya. Sa pangunguna po ng ating Hon. Mayor, Mayor George Ricardo R. Gacula, nandito din po ang presensya ng ating unang ginang Mayora Joan Gacula, babatiin ko din po ang ating mga Punong Barangay, kumpleto po ang ating mga Punong Barangay sa pangunguna po ng ating LnB President Kapitana Vivian Reyes Yupangco, nandito din po ang ating Punong Barangay ng Brgy. San Juan, Rasel Valera at ang kanyang maybahay si Mam Chelen Valera, nandito din po ang Punong Barangay ng Brgy. Dolores Kapitan Allan De Leon, nandito din po ang Punong Barangay ng Brgy. Muzon Frank Luster Santos, nandito din po ang Punong Barangay ng Brgy. Sta. Ana Kapitan Joey Calderon. Sa mga Kagawad ng mga Barangay at Barangay Secretary na nandidito, sa mga Sangguniang Kabataan sa pangunguna po ng ating SK President Arky Manning, nandidito din po ang ating SK Chairman Jannah Dazo mula sa Brgy. San Juan, ang SK Chairman ng Brgy. Muzon Roda Dino, ang ating SK Chairman Zai Villanueva ng Brgy. Dolores at sa mga SK Kagawads na nandirito. Nandito din po ang presensya ng mga Department Heads sa pangunguna po ng ating Mun. Administrator Mam Joyce Yoingco, nandito din po ang representative ng ating DILG si Mam Jen Sicat. Sa ating mga naging katulong sa Development Team, sa pangunguna po ng ating Chairman ng Partido si Tito Freddie De Leon. Nandito din po ang ating mga Former Councilor, Councilor Archie Calderon, Former Councilor Tasyo Alcantara, nandito din po ang ating Former Councilor Tony Alabata, Former Councilor Dingdong Gatapia, nandito din po ang ating mga miyembro po ng mga kapatid natin sa Muslim at mga Pastors. At sa lahat po ng mga bisita ngayong umaga. Magandang magandang umaga po sa ating lahat.

“Anuman ang Tibay ng Piling Abaka, wala din namang Tibay kung Nag-iisa.” Iyan po ay isang napaka gandang salawikaing Filipino na naglalarawan sa kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagyakap sa iisang pangarap para sa ating Bayan at sa kanyang mamamayan. Ang abaka na sobrang tibay ay walang saysay, kung hibla ang bibilangin, ngunit kung ito ay bungkos-bungkos kayang hilahin ang Bayan, sa pangakong totoo ay magtatapos. Kahalintulad din siya ng isang Bangka, kung sabay-sabay ang lahat ay gagaod o sasagwan, ang pinagsama-samang lakas at talino ay hindi mapapantayang suporta sa Timon ng Bangka upang makarating ang pangarap na hinulma at sinadya.

Ang araw na ito ay hindi lamang araw ng pagbubunyi sapagkat tayo ay nagwagi, ang araw na ito ay dakila sapagkat ang pangarap natin para sa bayan ay nabigyan ng pagkakataong maibahagi sa lahat, simula pa ng ating kampanya. Ito ang araw na tayong lahat ay kikilos para sa baying umaasa sa malinis na hangaring maibigay ang serbisyong the best sa Bawat isa. Walang mayaman, walang mahirap, sino at ano ka man ay kasama sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Bayan, ngayon at sa darating pang mga taon. Sa araw na ito ay isasa-alang-alang nating lahat ang mga adhikain, programa lalo’t higit na katatampukan ng mga Polisiyang magsusulong sa kaginhawahan ng ating mga mamamayan. Ito ay isang Malinaw na ayuda sa ating Punong Bayan, KGG. George Ricardo R. Gacula para sa isang epektibo at mahusay na pamumuno na tatampukan ng mga sumusunod:


1. Pagpapaunlad ng Ekonomiya
2. Kapayapaan, kaayusan, kalinisan at ang aspetong pamamatnugot
3. Abot kayang tustusing pangkalusugan
4. Mataas na kalidad ng Edukasyon
5. Programang angkop para sakapakanan ng mga batayang sector katulad ng Senior Citizens, kabataan, kababaihan, mga Impormal na Manggagawa at mga kaugnay nito.
6. Komprehensibong polisiyang magsusulong sa pangangalaga at kaayusan ng kapaligiran at kaugnay na polisiya sa usaping ng maayos na pagtapon ng basura.

Umaapaw ang mga panukalang magbibigay ng tunay na lakas para sa bayan. Ang inyong lingkod bilang tigapatnugot ng ating Sanggunian ay nagpapahayag ng isang sinserong talastasan sa lahat ng miyembro ng ating kagalanggalang na grupo na maibigay ng Bawat isa ang tapat at akmang panukalang mahalaga para sa tunay na bida ng ating karera bilang mga lingkod bayan. Gampanin nating lahat na bigyan ng isang Lehitimong mukha o pagkakakilanlan ang balangkas ng local na batas at alituntunin sa pamamagitan ng makatwiran at pantay na talastasan na sandigan ang kaalamang inuuna ang bayan at hindi naglalaban sa personal na interes ng iilan lamang.

Bilang Pangalawang Punong Bayan at siya ding Tagapatnugot ng ating kagalanggalang na Sangguniang Bayan, ang ugnayan natin sa iba pang sangay ng ating ehekutibo ay magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga polisiyang ating tatanghalin sa mga susunod pang mga taon.

Ang inyong suporta bilang myembro ng ating Sanggunian sa inyong lingkod ay isa ding paglalarawan ng maayos na pagsasaalang-alang sa interes ng mga nangangailangan ngunit tumutugon naman sa iba pang aspeto na kasama ng ating Pamahalaang Bayan na mapaunlad ng higit pa ang grupong siya din naman aayuda sa direksyon itinakda.

Nakatutuwang isipin at ako ay sigurado, sapagkat nadarama ko na hindi lamang hibla ng abaka ang magbibigkis sa ating ngunit bungkos-bungkos na daladala ang nararapat na makita, maranasan at madama ng ating mga mamamayan.

Kaugnay naman ng ating mga barangay, Barangay San Isidro, Barangay Dolores, Barangay Sta. Ana, Barangay San Juan at Barangay Muzon, nais kong ipabatid na kayo ay aking tinatanggap sa pagsasama-samang ito upang tayo ay maging iisa sa kagalingang pangkalahatan.

Taos puso ang aking pasasalamat, lalo’t higit sa taong bayan na nagturo sa inyong lingkod na maging mapagpakumbaba, at sa proseso ay naglinang ng isang isip na may malinaw na patutunguhan at pusong kayang magdalisay sa kabila ng lahat hamon sa kakayahan. Salamat sa Dakilang Lumikha, sa iyong kaloobang hindi ko kainlaman tatalikuran, kagaya ng walang katapusang pagmamahal sa Bayan, Maraming maraming salamat!

Muli, ang inyong kasama at katuwang, at your SerVICE Michelle B. Bermundo. Magandang Araw sa lahat.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral

Coun. Sophia Priscilla L. Cabral
Session Session
July 1, 2019

To our Hon. Mayor George Ricardo R. Gacula II, newly elected Vice Mayor Hon. Michell B. Bermundo, to my fellow Members of the Sanggunian, Guests, magandang umaga po!

Its an honor to be a part of this 11th Sangguniang Bayan of Taytay, this will be my last term as a Municipal Councilor and I will promise to render my best effort in terms of legislation and giving service to our kababayan.

We are voted by the people believing, that we are all capable of making valuable decision, that will benefit and uplift the lives of our fellow Taytayeños.

I challenge this Sanggunian Bayan to establish a high standard, not only to work together but to exceed the expectation of the people who entrust their votes to us.

Let me end this speech with a verse: “Do nothing out of selfish ambition or vain conceit, rather, in humility, value other above yourselves – Philippians 2:3”

Magtulungan po tayo para sa ikauunlad ng ating Bayan ng Taytay. Maraming Salamat Po.

God Bless Taytay. To God be the glory!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ma. Jeca B. Villanueva

Coun. Ma. Jeca B. Villanueva
Inaugural Session
July 1, 2019

Magandang magandang tanghali po sa inyong lahat, sa ating Punong Bayan Mayor Joric Gacula. Sa ating napakabait, napakaganda at napakadaling lapitan na Vice-Mayor, Vice-Mayor Mitch Bermundo. Sa aking mga lumang kasama sa Sangguniang Bayan, Konsehal Pia Cabral, Konsehal Gene Resurreccion, Konsehal Papoo Cruz, SK Federation President SK Manning, LnB President Vivian Yupangco at sa aking mga bagong kasama, nakaka excite po itong termino na ito, talagang nakakatuwa po, Konsehala Joan Calderon, Konsehal Patrick Alcantara, Konsehal Kyle Gacula at Konsehala Boknay Leonardo. Sa lahat po ng mga Kapitan at mga Kagawad na nandito ngayong araw na ito, sa mga SK Chairman/Chairwoman at mga SK Kagawads, mga staffs, guests, ladies and gentlemen.

First let me thank God Almighty for the blessings bestowed upon me and the health and safety of his tender care during long, hot, tedious local election. Secondly, our kababayans who gave me their trust once again as a public servant.Third, to my family and their unwavering support.

Public service is a public trust, many people want to serve but only a few are called to the field of government service. I have experienced the ups and downs of politics having started as SK Chairman, SK Federation President and I also learned the agony of defeat in my first local elections. But, if you have the will to serve then, setbacks cannot stop you. I gathered my courage and ran as Kagawad and was trusted by our constituent in Barangay Dolores as Topnotcher Kagawad, which give me strength and inspiration to again strive to help our town as Sangguniang Bayan Member. Eventually, landing in 8th and the last position.

In my comeback in 2016, I was faced with numerous challenges and faced numerous issues and attacks both in my political career and personal life from political opponents. I thank everyone for this vindication having landed the 2nd most highest votes in the Sangguniang Bayan and I urge everyone to give all our strength, time and ability in serving the people of Taytay.

Sa history po ng ating Bayan, madaming mga professionals, educators, intellectuals at mga mahusay na tao ang nag-balak maging Lingkod-Bayan. Mapalad tayong mga nahalal ay may pagkakataon tayo matupad ang ating mga adhikain. Sa bawat halalan ay walang katiyakan kung muli tayong papayagan maglingkod. Ito na po ang panahon, ‘wag na ‘wag po natin sasayangin.

Kung mabibigyan muli (ako) ng pagkakataon ng aking mga kasamahan sa konseho, gusto ko pa din po maging Chairman ng Committee ng Health and Sanitation. Sa pag-ikot ko po sa Bayan ng Taytay, madami pa din ang hindi kayang magpagamot sa Private hospitals, espesyalista at maka-avail ng diagnostic procedures. Kaya ang isyu ng kakulangan at pagkukulang sa health services at ng ating Hon. Jun V. Zapanta Taytay Emergency Hospital ay kailangan natin bigyan ng pansin.

Nais ko pong tumulong sa ating Punong Bayan upang lalo nating ma-improve ang mga serbisyo sa ating mamamayan. Alam ko na madaming resolusyon at ordinansa ang kakailanganin para maisakatuparan at mapondohan ang mga pangagailangan na ito. Anuman ang unlad ng ating bayan, kung may karamdaman at kulang sa kalusugan ang ating mamamayan ay hindi natin masasabing lubos ang ating tagumpay. Kaya't aking pinakikiusapan ang aking mga kasamahan sa konseho, na suportahan ang adhikain kong ito sa panahon na makasama ko kayo sa terminong ito.
Hinding hindi po ako magsasawa sa aking kataga na, "sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit” at bilang isang mambabatas at lingkod Bayan ay tulungan natin ang kababayan nating may sakit.

Maraming salamat, mabuhay ang Taytay!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Patrick John P. Alcantara

Coun. Patrick John P. Alcantara
Inaugural Session
July 1, 2019

Good morning po!

Gusto ko muna po bigyan ng pagkilala Mayor Joric Gacula, Vice Mitch Bermundo, gayundin ang Mayora Joan Gacula, andyan po siya at syempre ang mga konsehal, at mga konsehala, LnB President Vivian Yupangco, SK President Arky Manning, Kapitan Rasel Valera, nandyan din po si Momsie Helen, Tita Helen, good morning! Ang Kapitan Joey ng Brgy. Sta. Ana, good morning po! Kapitan Allan de Leon ng Brgy. Dolores at Kapitan Buboy Santos ng Brgy. Muzon at sa mga Kagawad po ng limang brgy, gayundin po sa SK President at mga SK Kagawad, sa lahat po sa inyo, Magandang Umaga po! Sa Kalihim ng ating SB, at gayundin ang lahat po ng mga department heads nandito po sila lahat, Good morning po sa inyo. Parang di na po ako sanay magsalita, natapos na po yung kampanya, na araw-araw naming ginagawa, na mi miss ko si kuya Boy, Pareng Kyle diba? Oh di ko na ikukwento yung sa Singapore pero isa lang po ang di magbabago number 1 parin po kayo sa puso ko at ah katulad po ng sinasabi po natin nandito po kami dahil sa inyo kundi po dahil sa pagtutulungan po natin kung di dahil po sa inyong pagtitiwala wala po kami dito yan po ang totoo. Sa hindi pa po nakakakilala sa akin malamang meron pa rin po ako po ay anak po ni Kagawad Viring Alcantara ng Brgy. San Juan, ayan po siya, ang aking pong ama ay dati rin pong Kagawad Hermie Alcantara, yun po ang panganay na anak ng dating Konsehal, Kon. Tacio Alcantara, na miss nyo po yun ano, ako po ay apo, hindi po ako anak yan po ang laging sinasabi. Hindi ko na po ikukwento yung sa Singapore at di ba? At yung sama sama natin malaking experience po yan bilang mga magiging lingkod bayan, lingkod bayan bilang isang konsehal kasi nabuo na po yung pagkakaibigan natin at marami tayong pinagsamahan nung pag uwi ko nga sa bahay ay sabi sakin ng asawa ko parang hindi na kita kilala, kasi araw-araw po kaming magkakasama, ah 45 days at ah pag uwi ko po tulog na mga bata pero sabi ko eto yung gusto natin makapaglingkod sa bayan. Isa lang po mga hangarin natin makatulong, makapaglingkod sa ating mga mamamayan sa mga nangangailangan, sabi nga po talagang iniisip ko yun kagabi, nandito po tayo para magsilbi hindi po para tayo ay pagsilbihan, tandaan nyo po yan.

Tayo po ay nandito upang magsilbi, hindi po para pagsilbihan yan po yan ha at ah ngayun meron po ako ikukwento maigsi lang okey lang ba? Hindi dito kasi, nung nanalo po me mga nag te text po me mga nanghihingi ng tulong, me mga nag me message sabi ko po sige po school supplies kasi balik eskwela, sige meron po kaming naipon na konting notebook galing sa Brgy. San Juan, galing ke Kagawad Viring Alcantara, sige po pagsama-samahin natin. Pag ka po me nag re request sinasabi ko po punta po kayo sa Brgy. San Juan, puntahan nyo po yung opisina ni Kagawad Viring Alcantara dun nyo po kunin, at ngayun pinagtulong-tulangan po nila na sama-sama me mga kagawad sa Brgy. Kapitan Rasel, kumbaga natutulungan nila yun po pasalamat po ako sa kanila dahil talagang. Ngayun ang sabi po kasi ay talagang tutulong tayo kasi ito po yung pinangako natin tutulong tayo sa mga kakabayan natin, me mga nanghihingi ng pampagawa ng mga birth certificate, so okey po yan, hihingi ng tulong sa pampagamot para sa mga reseta okey po yan binibigyan po yan natin. Eh yung sinabi po natin na tutulong, meron po isang beses, me nag message sakin, sabi nya “bibili po kasi ako ng 45’ na TV kulang pa pera ko”, sabi ko po pano ko ba sasagutin to? Kayo pano nyo po sasagutin yun? Humihingi ng tulong eh? Ayun ang sinabi ko po sige po hindi po pwede tanggihan, sige po sagot ko na lang po yung pambayad nyo sa tricycle na pang service nyo, kahit papano matulungan ko sila. Dahil yun ang pinangako natin at ah maraming maraming Salamat sa inyong lahat sa ating mga kapatid na Muslim, yun lang po. Lumapit po kayo at kahit sa panong paraan po ay gusto ko kayo matulungan. Maraming Salamat at Maganda Umaga po sa inyong lahat!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Joanne Marie P. Calderon

Coun. Joanne Marie P. Calderon
Inaugural Session
July 1, 2019

Magandang tanghali po sa inyong lahat.

Sa kapitapitagang kapwa ko Mambabatas sa Lokal na Pamahalaan ng Taytay, minamahal na Punong Bayan Kgg. George Ricardo “Joric” Gacula II at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Michell “Mitch” Bermundo, at sa lahat ng Bisita na naririto ngayon. Mapagpalang Araw po sa ating lahat.

Ngayon ang unang araw ng ating pagtupad sa tungkuling inaatas sa atin. Kahapon, sumumpa tayo na gagampanan natin ang nakaatas na tungkulin bilang Serbisyong Publiko na may katapatan, bukas at bukal sa ating sinumpaang tungkulin.

Gaya nang ating mga pangako noong panahon ng kampanya, ang inyong Konsehala Joan Calderon sa abot na aking kakayahan ay maglilingkod sa bayan.

Kasama kayo at mga mamamayan ng Taytay, sama-sama nating isulong ang mga adhikain ng pag-unlad at isang mapayapang komunidad na may Pagmamahal at Pagkakaisa.

Binabati ko rin ang lahat ng Barangay Officials sa kanilang ika-1 taon na paglilingkuran sa kanikanilang Barangay:

Kap. Joey Calderon at Sangguniang Barangay & SK Ella Capuno at SK Kagawad,

Kap. Vivian Yupangco at Sangguniang Barangay & SK Pres Arky Manning at SK Kagawad,

Kap. Allan De Leon at Sangguniang Barangay & SK Zai Villanueva at SK Kagawad,

Kap. Buboy Santos at Sangguniang Barangay & SK Roda Dino at SK Kagawad,
At sa Barangay na humubog sa inyong lingkod ng 16 na taon baon ko ang kaalaman at karanasan sa paglilingkuran mula sa Brgy. San Juan, sa paborito kong Kapitan Rasel Valera at Sangguniang Barangay, SK Jannah Dazo at SK Kagawad.

Ang bawat isa ay instrumento ng ating Panginoon para sa tapat na paglilingkuran sa ating Bayan.

Hindi man ako ang pinakamatanda o batang Konsehal, hindi man ako ang pinakamagaling, lalung-lalo hindi man ako ang pinaka maganda at sexy.

Pero muli ako si Joan, Joan, Joan.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.

Coun. Ceferino R. Resurreccion Jr.
Inaugural Session
July 1, 2019

Salamat sa pangatlong pagtawag mo kinakabahan ako parang gusto ko nang matapos ang term ko wala po akong inihandang speech pero may dala po akong kape magulo man dito tapos na ang aking speech.

“The Honorable Mayor na nandito kanina magandang umaga po Mayor Joric Gacula, the Honorable Vice Mayor Mitch Bermundo and the Members of the 11th Sangguniang Bayan magandang umaga po sa ating Sangguniang Bayan Secretariat sa ating pong lahat sa mga bisita magandang-magandang umaga at siyempre sa aking nag iisang asawa si Liza baka po may mag apply na iba nandyan po ang asawa ko gusto ko sana aktuwali marinig lahat ang sasabihing ng aking mga kasama Konsehal bago po ako magsalita dahil marami ng beses ko ng nakatayo dito sa rostrum na ito marami nang nagsalitang mga Konsehal at mga namuno sa Bayan ang aking narinig at sa pagkakataong ito at sa mga pagkakataong nagdaan lalo na nuong kampanyahan laging binabanggit ako yong pinaka matanda doon sa aming grupo for the record pangatlong termino ko na pong pinaka matanda dito sa loob ng Session Hall and considering this is my fifth term as Councilor and hopefully the last I would like that the share everything I’d learn from this August Body aking pong pinag ninilay nilayan sa mga nakalipas na araw ubos na yung aking mga kasabay ewan ko kung mga buhay pa ang aking pong naisip sa mga nakaupo ditto ngayon sa Bulwagang ito na nanunungkulan si Mayor na lang ang pinaka matanda mas matandan sa panunungkulan sapagkat naging Konsehal siya noong 1995 ako’y nagsimula noong 1998 at lahat ng aking kaharap dito ay kailan din lang halos mga nagsimula hindi ko mabuo ang aking speech sabi ng ating Vice Mayor maghanda kayo ng speech at isa submit sa ating Secretariat pero ako’y naniniwalang sanay na sila sa akin magpasa mag review ng tape para isulat yung aking speech tamad na akong magsulat sa listahan na lang ng singilin ako nagsusulat anyway on my fifth term to all my countrymen and to all may beloved Taytayeños nasaksihan ko sa nakalipas na dalawangpung taon mahigit ang kasaysayan ng Bayan ng Taytay o higit pa simula pa nung aking Ama at nakita ko kung paano umangat ang ating Bayan ang nasaksihan kung Konseho nung mga panahon ng Tatay halos puro matatanda ang Konsehal ay malaki ang kaibahan sa mga naging Konseho ng aking panahon nagsimula ang mga batang Konsehal nuong panahon na naupo si Mayor Joric hanggang sa panahon naming at unti unting tumatagal ang panahon puro bata na ang nauupo noon pagka sibabing ikaw si Konsehal Tacio sigurado pinakamatanda kana pero hanggang ngayon ay inihingi ko ang anting-anting ng pareng Tacio at hindi pa binibigay sa akin di ba pero andyan pa rin ang ating ginagalang Konsehal Tacio isa sa saksi sa kasaysayan ng Taytay palakpakan po nating si Konsehal Tacio (palakpakan…..) kaya po nais ko lamang din hapyawan ang maikling karanasan ko sa Bayan ng Taytay sapagkat naniniwala ako na itong termino na ito ang isang magiging malaking pagbabago pa sa Bayan ng Taytay sinasabi ko po noong nakaraang kampanya na ito ang ating pangarap ni Mayor kami ay nagsimula nuong pang 2004 nangyari makalipas ang 15 taon natupad ang mga ibang pangarap nailagay sa tugatog sa Bayan ng Taytay ngunit naniniwala kaming may panibagong simula at may panibagong sisimulan ang Bayan ng Taytay para mas lalo siyang umangat sa kanyang kinatatayuan tanggapin natin ang katotohanan at marami pa rin tayong dapat gawin hindi aangat pang muli ang Taytay kung hindi natin ihahanda ngayon kayat critical ang 11th Sangguniang Bayan sa istado ng Bayan ng Taytay ngayon kung hindi maihahatag ng Konsehong ito ang tamang mga panukala mga regulasyon at ordinansa na kakailanganin ng Bayan ng Taytay sa darating na 10 taon sa darating na 20 taon ako’y natatakot na ang ating kinagagalak ngayon araw na ito ay madaling maglalaho ang tagumpay ay pansamatala kung hindi natin ito bibigyan ng matibay na pondasyon alam kong ang aking mga kasama dito ngayon sa Konseho ay sabi nga nila “the most promising stars of the Sangguniang Bayan” sabi ko nga “I’m getting older pero not yet done I have line up lot of legislative agenda in the pass some of them had already been written and approved adopted implemented that has so much more in my mine” ayoko naman na matapakan ko ang mga kasama dahil alam ko na mas matatalino sila kaysa sa akin mas malalawak ang kanilang mga napag-aralan kaysa sa aking mga degree na kanilang mga nakuha at sa Kolehiyo ay matataas kaysa sa akin at ang aking lamang pong pinakikiusap sa mga kasama nga ay ating ubos ang lahat ng ating nalalaman sapagkat ako’y naniniwala hindi lahat ng pagkakataon ay ibibigay sa ating lahat tangan ko sa aking paniniwala na simula nuong ako ay pumasok sa Pulitika ang habilin ng aking Ama ang mga Politiko ay darating at aalis ang Bayan ay mananatiling nagtatanong ano ang mangyayari kinabukasan sa pagkakataon na ito na aking pong ika limang termino ilan sa aking pong mga nais pagpatuloy ay ang aking pong mga panukala pang ikonomiya tatanganin ko pa rin ang ilang mga komite na sana’y aking pong mapag ibayo pa ang ating pong Economic Enterprise gayon din sa Transportation ang Transportation Plan na aking pong hinahawakan at ginagampanan sa nakalipas na tatlong taon na sanay matapos ang Transportation Plan sapagkat ito po ang isa sa magiging bahagi ng Econmic Plan sa Bayan ng Taytay sapagkat kung hindi magiging maayos ang trapiko ito’y magiging malaking sagabal sapag-unlad sa Bayan ng Taytay nais ko rin sanang isulong ang isang makabagong komersiyo sa pamamagitan ng panukala ng mga makabagong pamamaraan sa pamamagitan ng Inpormasyon pang Technology na aking din pong hinawakan at mga darating na araw ay akin din pong ipapanukala sa Konseho isa pa nais ko rin po sanang ipagpatuloy at mangay matapos ko sa loob ng tatlong taon ang mga sinimulan kong pagsasa-ayos ng mga palupa sa Bayan ng Taytay at ako’y nagagalak sa maikling panahon ng aking pagkaka-upo bilang Chairman ng Committee ng Housing noong nakaraang termino mga positibong resulta at patuloy ang pag-aaward ng mga lupa sa Floodway ilan sa mga aking pong inaayos ay naipagbigay na rin sa kanila ang kanilang mga titulo at patuloy po ang pag-aaward ng mga lupa sa mga lupang ating pong sina-ayos sa Floodway sa Bundok at maging ilan sa parte ng Poblasyon ng Bayan ng Taytay na may problema sa palupa sapagkat naniniwala ako na mas magiging matibay ang ating Bayan kung ang ating mamamayan ay may matiwasay na tahanan at matatag na Pamilya so iyong lamang po ang ilan at sa aking nais maisa katuparan sa aking pang limang termino panghuli nais ko kayong pasalamatan lahat ang atin pong mga Kapitan Kap Razel, Kap Allan, Kap Buboy sino pa ba nandiyan Kap Joey huwag kang mag-alala hindi pa naman kita papalitan (tawanan……) ah sino pa si ate Vivian kasama ko yan sa mga Kagawad sa lahat ng aking mga staff sa aking asawa na hindi ako hinihiwalayan sa aking laban (tawanan……) at sa mga kasama ko dito sa inyong lahat sa buong Bayan ng Taytay sa mga kaibigan Muslim as sala malaykum sa inyong lahat maraming salamat at sana’y lagi pa rin kayong nandyan ang kalakasan ng Konsehong na ito ay nagmumula sa mandato ng ating Bayan. Finally ang isang Konsehal ay walang kapangyarihan paglabas naming sa pintuan na yan maaaring kami’y inyong iginagalang pero katotohanan wala kaming dalang kapangyarihan dala naming ay tungkulin, tungkulin iniatang ng Bayan sa amin at ang aming kapangyarihan ay nananatili sa apat na sulok ng Konseho na ito kapag ito ay aming pinagsama-sama makapangyarihan ang Konseho na kaya nating magawa ang hindi nating inaasahang magagawa maraming salamat sa inyo at pagpalain tayo ng Panginoon.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Kyle Georic Y. Gacula

Coun. Kyle Georic Y. Gacula
Inaugural Session
July 1, 2019

Good afternoon Honorable Vice Mayor Mitch Bermundo, my fellow Councilors and all head of officials here with us this afternoon.

Dynasty, masyadong bata, kulang sa karanasan. Ang pinakamalaking pagsubok ng isang nangangarap maging lingkod bayan sa kanyang kampanya ay makilala ang kanyang pangalan niya sa dami dami ng mamamayan ng Bayan ng Taytay. Sigurado ako naiintindihan ito ng mga nagiging kapwa kandidato ko nung eleksyon. Sa pamamagitan ng tarpolin, mga tayutay gamit ang pangalan at mga nakakatuwang jingle. Ngunit sa akin iba ang naging pagsubok ko, katangi tanging pagsubok na ako lang ang nagbuhat. Bago pa lang ako nakakapagpakilala sa mga ibang naeenkwentro ko na tao ay nakapagpasya na sila sa mga hangarin ko, pagkatao ko at kakayahan ko. Kaya kahit kalian hindi naging sapat sa akin ang matunog na apilyido, o libo libong piso kung wala kang dedikasyon, pagmamahal at bukal na puso sa serbisyo. Lahat tayo ay may pang araw araw na laban at ipinamamahagi ko ang sa akin, kung saan ang halalan ay natapos na ideneklara na ang nanalo at natalo nguni’t ang laban ipakilal kung sino ako, kung ano ang pinaglalaban ko at kung ano ang mapaglilingkod ko sa patuloy tuloy pa rin.

Kaya nangako ako na magiging totoo sa aking sarili at sa aking pinaglilingkuran. Isang bukas na libro para sa lahat, na nagpapasalamat sa mga panauhin dito at mga mamamayan na nagtiwal, sumuporta at nagbaso bgo humusga. Ngayon tapos na ako magpakilala bilang isang kandidato, nais kong magpakilala sa inyo bilang isang lingkod bayan. Isang lingkod bayan na palaging uunahin ang Taytay sa kahit anong sitwasyon, isang lingkod bayan na hindi nakakalimutan magtanaw ng utang na loob sa mga taong naglagay sa akin sa posisyong ito. Isang lingkod bayan na malalapitan ng nangangailangan, isang lingkod bayan na kayang mamuno kahit ba pa at isang lingkod bayan na kayang matuto kahit matanda na. To my fellow young public servants let us take doubt and criticisms as challenges and not as deficiencies. Some say we are too young to lead, I say they are too old to remember. Let us show them how it is done. Ako po si Kyle Gacula na naglilingkod sa bayan ng Taytay. Maraming Salamat po!

Action Taken:

Remarks:

Coun. Ma. Elaine T. Leonardo

Coun. Ma. Elaine T. Leonardo
Inaugural Session
July 1, 2019

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Sa ama ng ating Bayan, Mayor George Ricardo “Joric” Gacula II, sa ating Bise Alkalde Michell Bermundo, sa aking mga kasamahang Konsehal, at sa ating mga Brgy. Captain at mga Brgy. Kagawad, sa ating mga SK Officials at sa lahat ng mga panauhin ngayong umagang ito, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!

Ako po ay nagagalak at buong karangalan kong tinatanggap ang posisyon bilang bagong halal na Konsehal ng ating Bayan ng Taytay. Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa ating Panginoon, sa aking Pamilya sa lahat na walang sawang sumuporta simula umpisa hanggang ako ay mahalal bilang Konsehal ng Bayan ng Taytay sa buong Development Team, sa lahat ng taong tumulong at nagtiwala sa aking kakayahan, at sa mga nagsakripisyo mula noon hanggang ngayon, maraming salamat po sa inyong lahat!

Sa aking mga kababayang Taytayeño, binigyan nyo ako ng Malaking karangalan sa pagkakataong ito upang maglingkod at protektahan ang ating mga kababayan. Walang katapusan na pagpapasalamat sa tiwala na ibinigay ninyo sa akin at batid ko po ang aking obligasyon na aking gagampanan at gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang makapag serbisyo sa ating bayan na may puso, matapat, marangal at may galak.

Gagampanan ko po ang tungkulin na iniatang sa akin at asahan ko po ang inyong suporta sa mga proyekto at mga pagawaing isasabatas para sa ikauunlad ng ating Bayan.

Bilang pagtatapos nais kong ibahagi ang aking prayer everyday sa paggising sa bagong umaga: “Lord, today make my heart your heart, make my thoughts your thought, blessed me with your Holy Blood, enlighten my mind with truths, inflame my Heart with love, inspire my will with courage, enrich my life with service and I lift everything to you”.

Maraming Salamat po! God bless us all! At mabuhay po tayong lahat.

Action Taken:

Remarks:

Mayor George Ricardo R. Gacula II

Mayor George Ricardo R. Gacula II
Inaugural Session
July 1, 2019

Maraming maraming salamat po, magsi-upo po tayong lahat. Thank you po. Sa ating kagalang-galang Pangalawang Punong Bayan and Presiding Officer ng Sangguniang Bayan Mitch Bermundo. Sa ating mga Konsehal ng Bayan, Konsehal Pia Cabral, Konsehal Jeca Villanueva, Konsehal Patrick Alcantara, Konsehal Joan Calderon, Konsehal Gene Resureccion, Konsehal Kyle Gacula, Konsehal Boknay Leonardo at Konsehal Papoo Cruz, kasama ang ating LnB President Vivian Yupangco at SK President Arky Manning, sa ating Kalihim ng ating Sangguniang Bayan, sa mga staff ng SB, sa lahat ng mga naririto, mga Barangay Captains natin, Barangay Captain Rasel Valera, Kapitan Allan De Leon at mga Kagawad, Kapitan Buboy Santos. Sa atin pong mga Kagawad mga SK, mga panauhin po natin at mga Department Heads, mga kasama na naglilingkod sa ating bayan, isang magandang umaga at isang makasaysayang umaga. Isang karangalan na maimbitahan ninyo ako dito sa inyong pang-unang pagsasama at Inaugural session.

Alam ninyo po ang inyong lingkod ay naglingkod rin bilang member ng Sangguniang Bayan from 1995 to 1998 at naalala ko noong panahon na iyon ay napaka hirap ng aming katatayuan ang ating bayan po ay wala pang 100 milyon ang aming pondo, at ang alam ko po P77 Milyon nuong ako ay unang dumating sa Sangguniang Bayan. Ang aming pong tanggapan noon ay isang lamesang bilog na kung saan doon na rin kami nagse sesyon, ang nakahiwalay lamang ay ang Presiding Officer at magkakaharap yung walong konsehal at mga ex- officio members. Wala po kaming sariling tanggapan at kami po ay pinagkalooban ng dating Punong Bayan Mayor Gody Valera ng tigi tig-isang secretary at sama-sama na po iyon, pwedeng driver, pwedeng siya na rin ang tiga take down ng notes, aming runner.

Iba po ang sitwasyon ngayon, nakita ko po na ang ating Sangguniang Bayan ay maraming suporta na mga staff nakita ko po na maganda ang inyong bulwagan nakita ko po na magagawa ninyo ang mas marami pang mga resolusyon at ordinansa at gayundin ang pagtulong sa ating mga kababayan dahil mas malaki po ang inyong support na makukuha mula sa ating pamahalaan. Nagbalik tanaw po ako dyan sa pangyayaring iyan sapagkat noong panahon namin, ay nagkaroong kami ng maraming mga legislative agenda kung saan naitaas namin ang income ng Bayan ng Taytay. From P77 milyon ay nagawa namin itong P111 milyon sa loob ng 3 taon lamang. So nakita ko po na ang aming Sangguniang Bayan ay lahat kayo ay may kakayahan, lahat kayo ay maganda ang inyong educational background. Maraming gagabay sa inyo na mga beterano na mga konsehal na nandito, at naniniwala ako na kung magkakaroon talaga ng kaisahan, yung lahat ng aking mga nabanggit kanina sa flag ceremony na pangunahing suliranin ng ating bayan ay kaya nating masolusyunan. Sana po ay ipa-isantabi muna natin ang pulitika at unahin natin iyon talagang kapakanan ng ating bayan. Ang mga number one (1) na priority natin. Kahit sabihin ninyo na ako’y magiging makulit. Unang una ay yung ating health programs at ang pagsasaayos ng ating ospital na yan ang number one (1) na kahilingan ng ating mamamayan. Ang pangalawa (2) ay iyon ay suportahan natin ang ating mga programa na nasimulan na, lalong lalo na itong ating palengke na ngayon ay bubuksan. Before the ber months ay bubuksan na ang gusto ko po ay humingi sa inyo ng legislation allowing the executive department to convene the market committee at para po mai-upgrade na natin ang ating market code. Kasi po gusto natin at pinaganda nating ang ating palengke pero kung ang atin naman pong mga batas lalong lalo na doon sa mga fees and charges at mga rules ay napakihana ng mga pag-iimplement ay talagang hindi natin mami-maintain ang ating napaka gandang gusali. Gusto ko din na yung pangalawang gusali na Building B ay maiayos na rin para hindi naman siya kahiya-hiya doon sa bagong building na ating ginawa. Ganundin ang susunod na building na gulayan at prutasan yung Building C.

Ganun din po humingi ako sa ating mga members ng Sangguniang Bayan na bigyan ng ngipin ang ating towing, na yan ay gusto ko po na maibalik iyong ating 20 minutes waiting period na kung saan sa loob ng 20 minutos na hindi mo naiayos ang iyong sasakyan at ikaw ay magigigng sagabal sa daloy ng trapiko, ay pwede na nating gamitan ng clamping at towing. Naiingit po ako sa syudad ng Antipolo kung saan si Mayor Jun Ynares ay naglagay ng P5000.00 na fine sa bawat ma ka clamp at ma to tow na sasakyan. Sabi nga niya sa akin kapagnadali ka isang beses hindi kana uulit uli dahil sa laki ng multa. I just don't know kung allowed tayo ng ganyang kalaki dahil hindi pa tayo syudad. Gusto ko rin po na bigyan ng malaking pansin ng ating Sangguninang Bayan yung mga basic na problema sa ating mga lansangan:

Unang-una, yun pong mga curfew sa ating mga kabataan na alam ko makakatulong natin ang mga Barangay.

Ganun din po na mas stricter at mas malaking penalty doon sa mga pasaway na gumagamit ng karaoke o videoke, na kahit dis oras na nang gabi at hindi week end ay wala man lang paki-alam sa kanilang kapitbahay.

Pangatlo magkaroon ng stricter fines and penalties sa mga tao na nagtatapon na lamang kung saan saan ng mga basura nila at sa mga ilog. Baka kaya natin ang ginagawa sa Davao at Palawan na kung saan pwede tayo mag deputize ng mga citizens natin, upang magkaroon ng quick on the spot apprehension upang magbayad ng multa na P500.00. Kasi sabi nga ni Governor, talagang tayo na po ang responsable para sa mga epekto ng climate change.

Gusto ko din po na ang Sangguniang Bayan ay bigyan tayo ng kapangyarihan para tayo ay makapag-ipon ng mga lupa, dahil naniniwala po ako na balang araw sa mabilis na pagdami ng mga tao o populasyon sa Taytay magiging problema na nati ang mismong mga public schools na pag-aaralan ng ating mga anak. So ngayon na meron pa tayong karapatan o meron pa tayong pag asa na tayo ay maka acquire o makapag land banking gawin na natin ito ngayon for our future generations.

Gayun din po hinihingi ko sa ating Sangguniang Bayan na bigyan ng diin yung ating mga housing para sa ating mga empleyado, kung napupuna po ninyo ang ating mga empleyado, ay malaki ang hirap at malasakit sa ating Pamahalaang Bayan. Pagdating nila ng pagtanda karamihan sa kanila ay duon pa rin sa kanila nakatira ang kanilang mga anak nila at mga apo. So kung magkakaroon man tayo ng pagkakataon na iyan ay pwede natin sa kanila ay maipamahagi ng mura at iyan ay maging pamana na rin nila kung sila man ay mag retiro na .

So iyan po ang ating mga prayoridad, na gusto ko po sana na makatulong ko ang ating Pamahalaang Bayan duon po sa sinasabing ospital, ang ating pong Governor Nini Ynares ay willing na magkaroon ng isang parang joint venture with our Municipal Government na hindi naman natin sa kanila ipapasa ang burden ng lahat. Kasi sabi ko nga po sa kanya kung ang management ay sa inyo, kami po ay willing magbigay taon-taon ng stiphen o magbigay ng aming counter part para hindi naman po lahat ay galing sa kapitolyo. Pagdating sa building din, pwede rin po kami na mag offer na sa inyo ang design, kami ang magpapgawa ng building dahil ito naman ay mananatili na pag-aari ng

Bayan ng Taytay.Ggusto lang natin na maprofessionalize yung ating medical services dahil sila po ay sanay na maghandle ng mga ospital dito sa ating lalawigan. So yun po wala po tayong ibang gaanung gusto, gusto lang po na mabalikan natin yung delivery of basic services, dahil yan po pagsinabing sa atin. Pati basura na, bigyan natin ng diin, bigyan natin ng suporta ang ating mga Barangay. Sabi ko nga sa isang taon isa sa gusto kong ilagay sa ating badyet na mabigyan lahat ng ating mga barangay ng tigi tig-isang truck ng basura para ma-augment ang kanilang mga garbage collecting efforts. Iyan po kasi ang nagiging basehan pag bumaba ang DILG dito, pag bumaba ang YES Team palagi po naka focus sa ating mga Barangay at sa ating Pamahalaan Bayan yung kalinisan at kung tayo ay nagko comply duon sa mga alituntunin ng YES Program.

Yun po ang aking munting kahilingan na alam ko naman ay kayang kaya ng ating Bayan sa atin pong income na P1.123 billion na tataas pa ulet sa susunod na taon, naniniwala po ako na kaya natin gawin ang mga programa at proyekto at mga programa na iyan na makatutulong sa ating mga mamamayan. Ang aking pong mensahe sa inyo, hindi po ako mag-iisip ng bagay na ikapapahamak nating lahat. Siguro po yung aking mga nakasama hangggang sa huling sandali, hindi po natin iniwan, kahit nagkaroon ng mga problemang legal kahit ako ay wala na sa pwesto nuon kapag may mga dumating na mga kaso o demanda tayo po ay nakatutok, tayo po ay naka alalay, tayo ay nakaagapay, at hindi po tayo gagawa ng ikasasama natin at ng ating bayan. Kaya po sana magtiwala kayo at panatilihin natin ang magagandang pagsasamahan ng Executive Department at ng Legislative Body dahil nakikita ko po nandito po ang pag asa ng Bayan ng Taytay. If we are one we can do so many things, we can do miracles, we can help our fellow men, but if in an early stage we have division, that will be something that we will explain sa pagdating natin o sa pagharap natin muli sa ating bayan. Wala na pong dahilan para tayo ay hindi makagawa, sinabi natin na pag tayo ay marami pag tayo ay mayorya marami tayong magagawa para sa ating bayan. So wala na po tayong mukhang ihaharap kung sakaling ngayon pa lang ay mag fumble tayo at hindi natin magawa ang mga ipinangako natin sa ating Bayan.

So maraming salamat sa pag imbita, isang karangalan po na tumayo sa harap ng mga Kagalang galang na miyembro ng Sangguniang Bayan at panalangin ko po na maging tagumpay ang bawat sesyon ninyo at bawat paghaharap ninyo, para maipatuloy ang progreso ng ating bayan. Maraming salamat po at good morning po sa inyo!.

Action Taken:

Remarks:

Coun. Philip Jeison J. Cruz

Coun. Philip Jeison J. Cruz
Inaugural Session
July 1, 2019

Magandang umaga po sa ating lahat.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay ako pinakabagong miyembro ng Sangguniang Bayan na walang anumang karanasan sa paggawa ng Resolusyon at Ordinansa at iba pang mga tungkulin ng isang Konsehal.

Mapalad ako dahil nagabayan ako at ang mga staff namin ng mga masisipag na mga kawani ng Sangguniang Bayan Secretariat sa pangunguna ni Sec. Jun Cabitac at Sec. Malu Distor.

Mapalad din ako dahil naalalayan ako at nakasama sa paglilingkuran sa bulwagang ito ang mga miyembro ng 9th at 10thSangguniang Bayan sa pamamatnugot ni Vice Mayor Bonoy Gonzaga, kasama sina Konsehal JV Cabitac, Konsehala Sharon Macabebe, Konsehal Gene Resurreccion, Konsehal Archie Calderon, Konsehal Kiko Esguerra, Konsehala Pia Cabral, Konsehala Mitch Bermundo, Konsehala Jeca Villanueva, LNB President Kapitan Joseph Valera, LNB President Kapitana Vivian Yupangco at SK Fed President Arky Manning.

At ngayon, tila sa isang iglap, isa nako sa pinakalumang Konsehal sa Session Hall na ito, sunod kay Konsehal Gene at Konsehala Pia.

Marami akong natutunan sa loob at labas ng apat na sulok ng bulwagang ito. Marami akong natuklasan sa kasaysayan at mga kaganapan sa ating Bayan na nakasulat sa mga antigong pahina ng mga archives ng ating Sangguniang Bayan. Doon nagmumula ang hamon sa ating mga pinagkatiwalaan ng taumbayan na maging bahagi ng 11thSangguniang Bayan na subukang pantayan o makalapit kahit papaano sa husay at dunong ng mga nauna sa atin na naglingkod at nagging bahagi nang kasaysayan ng Taytay.

Madalas marinig sa mga nakatatanda kapag sinabi ang salitang Konsehal ng Taytay ay meron silang nasaisip na mga pangalan ng mga dating naging lingkod bayan na hinahangaan nila dahil sa mga nagging ambag nito sa pag-unlad ng ating Bayan. Hindi man natin mapantayan o mahigitan ang mga nagging ambag nila sa bayan ay pagsumikapan natin na gawin ng mahusay at tuparin ng buong katapatan ang ating mga tungkulin bilang mga servant-leaders ng Taytay.

Sa akin pong pagkakaproklama ay iisa ang sinasabi ng mga tao, “nag-iisa ka na”. Marahil nag-iisa ako mula sa aming partido, nag-iisa mula sa aming grupo ngunit hindi po ako nag-iisa dahil nandyan po ang Panginoon na gumagabay sa atin, nandyan po ang ating buong pamilya at mga kaibigan na ating nasasandalan, nandyan po ang ating mga staff na nakaalalay anumang oras.
Sa atin pong paglilingkod sa ating mahal na bayan, nandyan po ang gabay ng ating Governor Nini Ynares at Congressman Jack Duavit, gayun din ang Sangguniang Panlalawigan ng Rizal, nandyan din ang ating Punong Bayan, Mayor Joric Gacula na bukas ang linya ng komunikasyon sa inyong lingkod, nandyan din ang ating limang Kapitan, Kap. Rasel, Kap. Vivian, Kap. Joey, Kap. Buboy at Kap. Allan na anumang oras ay ating nalalapitan, maging ang kani-kanilang mga Kagawad at mga SK.

Dito sa loob ng bulwagang ito ay hindi rin tayo nag-iisa dahil narito ang ating Vice Mayor Mitch Bermundo na magsisilbing tagapangalaga naming mga miyembro ng Sanggunian katuwang si Mam Sonia Samson bilang Kalihim.

Nandyan din ang mga iginagalang nating mga kapwa Konsehal, Konsehala Pia Cabral, Konsehala Jeca Villanueva, Konsehal Patrick Alcantara, Konsehal Gene Resurreccion, Konsehala Joanne Calderon, Konsehal Kyle Gacula, Konsehala Boknay Leonardo, LNB President Kapitana Vivian Yupangco, SK Arky Manning na inaasahan kong mag babahaginan ng mga paniniwala at saloobin na tungo sa ikabubuti ng ating mga kababayan.

At higit sa lahat, hindi tayo nag-iisa dahil kaisa natin ang mahigit apatnapu’t pitong libong Taytayeno na nagtiwala at nagpanatili sa inyong lingkod sa kanyang kinatatayuan ngayon.

Patuloy po tayong magtatrabaho sa loob ng konseho para masulit ng taumbayan ang kanilang pinapasweldo sa atin.

At patuloy po tayong maglilingkod ng may Utak at Puso.

Ako po si Konsehal Philip Jeison Javier Cruz, nagpapasalamat sa inyo at pinagkatiwalaan ng #isaPapoo na termino.

God bless po sa inyong lahat!

Action Taken:

Remarks:

LnB Pres. Vivian R. Yupangco

LnB Pres. Vivian R. Yupangco
Inaugural Session
July 1, 2019

Magandang araw na puno ng kasigasigan sa paglilingkod bayan ang aking pagbati sa lahat. Isang mataas na pagkilala ang aking ipinapaabot sa lahat ng miyembro ng ating ika-labing isang Sangguniang Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay.

“Many are called, but few are chosen”, isang piling teksto na binigyan ng diin ng ating kagalang-galang na Punong Lalawigan Rebecca Ynares sa kanyang talumpati noong nakaraang Sabado, sa Seremonya ng kanyang panunumpa sa katungkulan bilang pinuno ng ating lalawigan. Bilang isa sa mga saksi sa nasabing programa, aking napag bulayan na tunay nga na sa larangan ng paglilingkod bayan, madami ang tinatawag, talagang hindi mo mabibilang, meron ibat-ibang programa, may makatotohanan, meron din namang suntok sa buwan. Ano mang programa ang ating ilahad, ang dulo pa din ay ang mga taong pinili ng ating mga mamamayan.

Ang pagpili sa bawat isa na maging bahagi ng kagalang-galang na Sangguning ito ay isang matibay at sapat na dahilan na patuloy na pag ibayuhin ang paglilingkod at iaalay ang lahat ng kakayahan at talino para sa pagpapaunlad ng ating bayan kasama ang kanyang mamamayan. Higit sa lahat bilang isang gobyerno, palagian nating pag lalaanan ng puwang ang kagalingan pang mamamayan.

Kaugnay nito, bilang tinig ng mga Barangay sa ating mahal na Sangguniang Bayan, magalang kong hinihiling na mabigyan ng tulong ang ating mga mamamayang naninirahan sa Sitio Bayabas, na nasasakop ng Barangay San Isidro, upang mabili ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang isang Access Road na tutugon sa kanilang suliraning kaugnay ng ligtas na pamumuhay at paglalakbay. Maraming Sektor ang makikinabang sa nasabing hakbang, at umaasa po ako na ito ay inyong pagbibigyan. Nakahanda po ang inyong lingkod na makapaglatag ng iba pang komprehensibong mga puntos upang maging bahagi ng isang maalam na talastasan kaugnay sa pagsusog at pag apruba sa kahilingan ito.

Muli, pagbati sa lahat ng mga kagalang-galang na miyembro ng Ika-labing isang Sangguniang Bayan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Taytay, na mga tunay na pinili para sa kaunlaran ng bayan. Maramimg Salamat po.

Action Taken:

Remarks:

SK Pres. Raymond Arcadius C. Manning

SK Pres. Raymond Arcadius C. Manning
Inaugural Session
July 1, 2019

Hon. Vice Mayor Michell B. Bermundo, the members of this 11th Sangguniang Bayan, ladies and gentlemen. A pleasant morning to everyone. 4th of July in the year 2018, exactly on this highly respected session hall. We have seen the ten table finally occupied. After 5 long years of SK postponement. It is a momentus and victorious occasion for the youth to finally have its voice back in local governance and legislation after long years of youth disenfranchisement. The new SK reform enactment indeed marked a major step forward in over hauling the Sangguniang Kabataan, ushering the necessary reforms to functions effectively as vehicle for youth representation and participation. However, the road isn’t smooth and clear. The SK is facing a dilemma since we took our oath last year. SK funds are put on hold and we couldn’t released or disbursed our funds for our desired projects and programs due to lack of supporting documents from concerned government agencies. One year has passed by and it is not enough to pushed for the reforms we wanted due to the lack of guidelines. Hindi lamang po ito problema sa ating bayan kundi sa buong Pilipinas. It is indeed alarming that we have been paralyzed for the past year. We would like to thank all the people, who stood behind us and supported us at all cost. Most of especially to our beloved Brgy. Captains and Mayor Joric Gacula. Being a SK Federation President, its not an easy tasked. At is in face a lot of responsibilities. Napakalaki po ng responsibilidad ng pagiging isang presidente ng Pambayang Pederasyon. And I’m proud to say that inspite of the challenges and problems we continuously face we have race the bar. I am truly blessed and grateful to have an opportunity to become the voice and representative of every Taytayeño youth. Dahil hindi lamang po ako nakatayo sa iyong mga harapan bilang isang indibidwal kundi bilang boses ng libo-libong kabataang Taytayeño. As I accept the responsibility of SK Federation President last year I was perfectly aware of the dimensions of this duty. I was not surprise by the size of challenges or the variety in scope of issues to be addressed. I accepted them with humbleness, devotion and give sense of duty. To everyone to continuously supports me the trust you had given me is the fuel I will use to remain confident resolute, strong, focus today and becoming the years of my service. Ang tiwalang pinagkaloob ng mga kabataang at mga taong naka suporta sa akin ay nagbibigay ng lakas para ating ipagpapatuloy ang ating magandang hangarin para sa kabataan ng Taytayeño. We will never stop delivering effective and equality programs and projects for the youth. We will never stop creating laws and ordinances that will benefit the youth in our community. We will never stop empowering the youth and have them realize their maximum potentials. We will never stop making positive contributions and long lasting differences in our communities, because I will never stop serving the youth of Taytay. To my fellow youth and I know that you are yearning for sustainability. You are longing for pure and genuine leadership. Your hearts crawl in search opportunity and purpose, fulfillment and expression. With this, I am more than ready to sacrifice everything whatever it takes. More than ready to fulfill my promises and more than ready to serve you with all my mind, soul and heart. Muli ako po si Arky Manning, ang inyong SK Federation President nagpapasalamat po sa inyong lahat. At asahan nyo po ang patuloy na paghahatid ng maningning na kinabukasan sa mga kabataan Taytayeño. Maraming Salamat Po! Mabuhay ang Kabataan at Mabuhay ang Taytay.

Action Taken:

Remarks: